Ang modyul na FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik) ay inilimbag upang matugunan ang hangarin ng mga mag-aaral ayon sa kanilang pangangailangan tungo sa isang matagumpay na edukasyon. Ito ay lilinang sa kakayahan upang mahasa ang galing ng bawat kabataan lalo na sa larangan ng akademikong pagsulat.
Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat serye ay iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral ang matuto sa isang makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at mapanuring isip upang magiging handa sa pagharap ng mga totoong hamon sa buhay.
Para mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na tatalakayin sa kabuoan ng iyong pag-aaral. Hindi mo lamang matututunan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga sumusunod:
Mga Uri ng Akademikong Sulatin:
- Abstrak Posisyong Papel
- Sintesis/Buod Rekplektibong Sanaysay
- Panukalang Proyekto Pictorial Essay
- Agenda Talumpati
- Katitikan ng Pulong
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin:
- Aralin 1 – Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsusulat (CS_FA11/12PBOa c101)
2. Nakikilalang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa (CS_FA11/12PNOa c-90)
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian (CS_FA11/12EP-Oa-c-39)
4. Napapahalagahan nag akademikong pagsulat sa pamamagitan ng mga gawain.
Marami pong salamat Niro at sanay pagpalain ka pa Niya….