Ang modyul na ito ay binubuo upang hubugin kayong mag-aaral na may kakayahan at kasanayang makaagapay sa pamantayan sa ika-21 na siglo. Layunin ng modyul na itong sanayin kayo sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.
Dito nalilinang ang kakayahan ninyong bumuo ng isang sulatin alinsunod sa wastong pagsulat ng isang sulating pang-akademiko. Makikita sa loob ng modyul ang iba’t ibang istratehiyang naaayon sa tamang pag-unawa, hakbangin, detalye at tuntunin sa akademikong pagsulat. Tutulungan ka sa mga inihandang gawain.
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin:
Aralin 1 – Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong Pagsulat
➢ Aralin 1.1 – Abstrak
➢ Aralin 1.2 – Sinopsis o Buod
➢ Aralin 1.3 – Bionote
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin; CS_FA12PU-0d-f-92
2. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikang-pulong at sintesis o buod; CS_FAPN-0j-I-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_FAPU-0d-f-93