This is the Grade 5 Health self-learning module for Quarter 1, Module 7: “Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal, Mental, at Emosyonal na Kalusugan ng Tao” (effects of bullying on a person’s social, mental, and emotional health). It was prepared by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) so that learners can study at home. It explains what bullying is, the forms it takes, how it harms a person, and what learners can do to avoid it.
What learners will learn
After reading and answering the module, learners are expected to:
- Discuss and show their ability to avoid or manage bullying by others, harassment, and abuse (H5PH-Id-17).
What bullying is and the forms it takes
The module defines bullying as hurting or abusing another person, through hurtful words or physical harm. It names three kinds of abuse in bullying: emotional, verbal, and physical. Bullying often uses force, such as threats or intimidation. It can happen at school, online or on social media, at work, and in public places.
| Type | Examples from the module |
|---|---|
| Physical | Punching, kicking, pushing, destroying another person’s things |
| Verbal | Teasing, insulting, threatening, mocking, shouting, calling someone names |
| Cyberbullying | Hurtful comments posted on the internet, often by someone who hides their identity |
The module stresses that bullying solves no problem and does no good to anyone. It says the best way to stop bullying is to show respect and be a friend to others.
How bullying affects a person
A child’s behavior is shaped by the older people around them, by what happens to them, and by their surroundings. The module gives examples of events that can affect a child: parents deciding to separate, moving to a new school, and stress. Bullying and repeated teasing are aggressive behaviors that harm the person who experiences them. They can lead to depression, loss of self-confidence, or even suicide.
Key terms used in the activities:
- Depresyon (depression): always feeling sad and neglecting oneself
- Insomnia: being unable to sleep
- Anxiety and social anxiety: strong fear that can make a child shy and withdrawn
- Absenteeism: missing classes
- Bayolente (violent): a child who is bullied may become violent
- Pagpapakamatay (suicide): taking one’s own life because of severe problems
The module also links each kind of health to everyday words: feelings like anger and happiness are emotional, a sharp mind is mental, and friends and family are social.
Ways to avoid bullying and harassment
The module lists these tips:
- Do not get provoked, and do not fight back.
- Stay away from people who bully or harass others.
- Avoid answering people who mock you.
- Build your self-confidence.
- Report it to your teacher or the proper authorities.
- Have faith in God.
Parts of the module
- Alamin (learn): the goal of the module and the competency.
- Subukin (pretest): 10 true-or-false statements about health and well-being.
- Balikan (review): sort words into emotional, mental, and social health.
- Tuklasin (discover): match effects of bullying with their terms.
- Suriin (analyze): the main discussion on bullying, its types, effects, and ways to avoid it.
- Pagyamanin (enrichment): unscramble letters to form key terms.
- Isaisip (remember): complete sentences about avoiding bullying, teasing, and abuse.
- Isagawa (apply): mark which words show an effect of bullying.
- Tayahin (assessment): a 10-item multiple-choice test.
- Karagdagang Gawain (additional activity): complete a sentence about what you will do to avoid bullying.
An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included at the end.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if you have trouble understanding a lesson.
- Parents and guardians: Guide your child through the activities at home. The module’s Isaisip and Karagdagang Gawain parts are good chances to talk together about what to do when they see or experience bullying.
- Teachers: Use the pretest to see who needs extra help, and the Tayahin test to measure what learners have learned.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Health module for?
It is for Grade 5 Health, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 7.
What competency does this module cover?
It covers H5PH-Id-17: discussing and showing the ability to avoid or manage bullying, harassment, and abuse.
What are the three types of bullying in the module?
The module names emotional, verbal, and physical abuse. It also discusses cyberbullying, which happens on the internet.
What effects of bullying does the module describe?
It says bullying can lead to fear, depression, loss of self-confidence, sleeplessness (insomnia), missing classes, violent behavior, and even suicide.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the activities, and the final test.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Health
Unang Markahan – Modyul 7: Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal, Mental, at Emosyonal na Kalusugan ng Tao
[illustration: students reading and studying under a tree and at a desk with a teacher, a boy with a lamp, and a globe]
CO_Q1_Health5_ Module7
Health – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal, Mental, at Emosyonal na Kalusugan ng Tao Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag handa ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Corazon B. Samson Editors: Julie Christie P. Paano, Don Bernardo L. Gapasin Tagasuri: Gregorio N. Cainto, Prima S. Jabagat Tagaguhit: Mae Flor C. Diolola at Patmar D. Abracia Tagalapat: Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. BAlane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Carmelino P. Bernadas Rey F. Bulawan Nicolas G. Baylan Neil G. Alas Imelda E. Gayda Abelardo G. Campani
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – Region VIII
Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Health
Unang Markahan – Modyul 7: Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal, Mental, at Emosyonal na Kalusugan ng Tao
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with an arrow]
Ang modyul na ito ay binuo at isinulat para sa inyo. Ito ay para malaman ninyo ang epekto ng pambu-bully sa sosyal, mental at emosyonal na kalusugan ng tao. Ang kabuuan ng modyul na ito ay naglalayong magamit sa iba’t ibang aralin at sitwasyon. Ang mga salitang ginamit ay para sa antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang aralin ay inayos para sumunod sa alituntunin at pagkakasunud-sunod ng aralin. Samantala, habang kayo ay nagbabasa ay maaaring magbago ang pagkakasunod-sunod ng aralin upang matugunan ang aklat na inyong gagamitin.
Pagkatapos basahin at sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang matatalakay/maipakita ang iyong kakayahan na maiwasan/mapamahalaan ang pambu-bully ng kapwa, haraassment, at pang-aabuso (H5PH-Id-17).
Subukin
[illustration: pencil]
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
______1. Ang pagiging palakaibigan sa kapwa ay mabuting gawain. ______2. Kung ang isang tao ay may problema, siya ay hindi makatulog. ______3. Ang taong sakitin ay nakapagsasagawa ng iba’t ibang gawain sa araw-araw. ______4. Ang depresyon o pagiging malungkutin ay nakatutulong sa emosyonal na kalusugan. ______5. Ang pagpapakamatay ay isang mabuting paraan upang makalimutan ang mga problema. ______6. Ang pagiging masayahin ay may magandang epekto sa emosyonal na kalusugan ng tao. ______7. Ang taong may matalas na pag-iisip ay madaling makalutas ng anomang problema sa buhay. ______8. Ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya ay nakatutulong sa ating magandang kalusugan. ______9. Ang pagkakaroon ng hindi magandang relasyon sa kapwa ay nakatutulong sa sosyal na kalusugan ng tao. ______10. Ang pagsali sa iba’t ibang isports ay isa sa mga paraan upang maiwasan ang masamang gawain.
Aralin 7
Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal, Mental, at Emosyonal na Kalusugan ng Tao
Ang bullying ay pananakit o pang-aabuso sa ibang tao. Ang pambu-bully ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagsasalita nang masama at pananakit ng pisikal sa kapwa tao.
Balikan
[illustration: puzzle pieces]
Panuto: Isulat sa tamang hanay ang mga salitang nasa kahon.
| galit | kaibigan | pamilya |
| masaya | matalas na pag-iisip |
| Emosyonal | Mental | Sosyal |
|---|---|---|
Tuklasin
[illustration: sprouting plant]
Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa HANAY A sa mga kahulugan na nasa HANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
| HANAY A | HANAY B |
|---|---|
| 1. hindi makatulog | a. takot |
| 2. pagbawi ng buhay | b. sakitin |
| 3. pagiging malungkot | c. insomnia |
| 4. pag-iwas sa mga tao | d. depresyon |
| 5. pagliban sa klase | e. absenteeism |
| f. pagpapakamatay |
Suriin
[illustration: magnifying glass with a question mark]
Ang pang-aapi o bullying ay may tatlong uri ng pang-aabuso. Emosyonal, berbal o sinasambit at pisikal. Karaniwan itong nagaganap sa mga paraan ng pamumuwersa katulad ng pananakot o intimidasyon. Maaari itong maganap sa paaralan, cyberworld o social media, trabaho at pampublikong lugar.
Ang pam bubully ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng salita o pisikal na pananakit. Ang mga halimbawa ng pisikal na pambu-bully ay pagsuntok, pagsipa, pagtulak, at paninira ng gamit ng iba. Samantala, ang mga halimbawa naman ng pambu-bully sa pamamagitan ng pananalita ay ang panunukso, pang-iinsulto, pananakot, pangungutya, paninigaw at pagtawag ng ibang pangalan sa kapwa. Ang pananakot at paninigaw sa ibang tao o pangungutya ay isa ring uri ng pam bubully.
Ang cyber bullying ay isa pang uri ng pambu-bully sa pamamagitan ng internet kung saan may pananakit o pang-aabuso. Kadalasan, itinatago ang katauhan ng taong nang-aabuso upang siya ay makapanakit sa ibang tao sa pamamagitan ng pagkukumento ng masasakit na salita gamit ang internet.
Ang bullying ay hindi kaaya-aya. Ito ay hindi nakalulutas ng anumang problema at hindi rin nakapagdudulot ng kahit anong kabutihan sa tao. Ang pinakamabisang paraan upang malutas ang bullying ay paggalang at pagiging kaibigan sa ibang tao.
Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakatatanda sa kanila, mga nagaganap sa kanyang sarili at kanyang kapaligiran. Halimbawa ng mga pangyayaring nakaaapekto sa bata ang pasya ng mga magulang na maghiwalay, paglipat ng paaralan at pagkaligalig o stress. Ang pam bubully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugali na nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito’y maaaring humantong sa depresyon na maging sanhi ng kawalang tiwala sa sarili o di kaya ay pagpakamatay.
Narito ang ilang mga paraan upang makaiwas sa pang-aabuso o panghaharas:
- Huwag mapikon at huwag gumanti.
- Umiwas sa mga taong nam bubully o nang haharass.
- Iwasang sumagot sa mga nangungutya.
- Magkaroon ng tiwala sa sarili.
- Isumbong sa guro o sa kinauukulan.
- Magkaroon ng pananalig sa Diyos
Pagyamanin
[illustration: letter blocks A, B, C]
Panuto: Isaayos ang mga letra ng bawat bilang upang makabuo ng salita. Gamitin ang unang titik ng salita bilang gabay sa pagsagot. Gawin ito sa sagutang papel.
- XANITEY – A__________
- PEDESNOYR – D__________
- MIASENON – I__________
- ENABOYLET – B__________
- PAKMAPAGAYAPAT – P__________
Isaisip
[illustration: light bulb]
Dagdagan ng salita o lipon ng mga salita upang makabuo ng makabuluhang pangungusap sa pag-iwas sa mga bully, panunukso at pang-aabuso.
- Kapag ako ay nakakita ng batang tinutukso agad ko itong _________.
- Ang mga batang nam bubully ay dapat isumbong sa guro upang sila ay _________.
- Maiiwasan ko na ako ay mabully o tuksuhin sa kung ako ay _________.
- Malalabanan natin ang bullying kung tayo ay _________.
- Ang bullying, panunukso at pang-aabuso ay bagay na di ko gagawin dahil ito ay _________.
Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay nagpapakita ng epekto ng pambu-bully at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
_____ 1. takot
_____ 2. tulala
_____ 3. masayahin
_____ 4. depresyon
_____ 5. palakaibigan
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap na isinasaad ng bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Ang taong nakararanas nito ay laging malungkot at napapabayaan ang sarili.
a. depresyon
b. impeksiyon
c. altapresyon
d. malnutrisyonDahil sa pambu-bully, ang isang bata ay nagiging __________.
a. mabait
c. masunurin
c. bayolente
d. palakaibigan[transcriber’s note: the printed choices are lettered a, c, c, d; the letter “c” appears twice, as printed]
Ang batang nakararanas ng pambu-bully ay nagiging _____________.
a. aktibo sa mga gawain
b. masinop sa pag-aaral
c. walang interes sa pag-aaral
d. palaging pumapasok sa klaseIto ay tumutukoy sa isang sakit na hindi makatulog.
a. leukemia
b. pulmonia
c. insomnia
d. pneumoniaIto ay nagpapahiwatig ng matinding takot na nagdudulot ng pagkamahiyain ng isang bata.
a. teasing
b. bullying
c. harassment
d. social anxietyAng panunukso o pangungutya sa kapwa ay tinatawag na _______________.
a. teasing
b. bullying
c. harassment
d. mood swingsAng paggawa ng hindi kaaya-aya sa kapwa sa pamamagitan ng pamimilit o paggamit ng dahas ay _________________________.
a. teasing
b. bullying
c. harassment
d. social anxietyIto ay pang-aasar o panloloko na humahantong sa pagsasakitan.
a. bullying
b. harassment
c. social anxiety
d. emotional at physical abuseAng pang-aabusong pisikal at emosyonal ay tinatawag na _______________.
a. bullying
b. harassment
c. social anxiety
d. emotional at physical abuseIto ay pagbawi ng sariling buhay dahil sa matinding epekto ng mga suliranin.
a. teasing
b. bullying
c. depresyon
d. pagpapakamatay
Karagdagang Gawain
Panuto: Kompletuhin ang pangungusap. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Upang maiwasan ang bullying at maapektuhan ang aking isipan, damdamin at buong pagkatao, ako ay _____________________________________________________.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the answer-key panels are transcribed below in reading order]
Subukin
- Tama
- Tama
- Mali
- Mali
- Mali
- Tama
- Tama
- Tama
- Mali
- Tama
Tuklasin
- c
- f
- d
- a
- e
Balikan
Emosyonal
galit
masaya
Mental
matalas na isip
Sosyal
kaibigan
pamilya
Isagawa
- ✓
- ✓
- x
- ✓
- x
Tayahin
- a
- c
- c
- c
- d
- a
- c
- a
- d
- d
Pagyamanin
- ANXIETY
- DEPRESYON
- INSOMNIA
- BAYOLENTE
- PAGPAPA- KAMATAY
Sanggunian
DepEd R8. 2016, Kagamitan ng Mag-aaral Health 5, Yunit 1- Pag-iwas sa Pang-bubully, Panunukso at Pang-aabuso
DepEd R8. 2016, Gabay sa Pagtururo Health 5, Yunit 1- Pag-iwas sa Pang bubully, Panunukso at Pang-aabuso
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply