Health 5 Quarter 1 Module 2: Pagpapaunlad at Pagpapanatiling Maganda ang Kalusugan ng Damdamin at Isipan

This is the Grade 5 Health self-learning module for Quarter 1, Module 2, titled “Pagpapaunlad at Pagpapanatiling Maganda ang Kalusugan ng Damdamin at Isipan” (developing and maintaining good emotional and mental health). It was written in Filipino for Grade 5 learners studying at home through Alternative Delivery Mode, and it was prepared by DepEd Region VIII (first edition, 2020). After the module, learners should be able to give ways to build and keep a healthy mind and healthy emotions.

What learners will learn

The module states one learning competency:

  • Give ways to develop and maintain good emotional and mental health (H5PH-Ic-11).

What the lesson covers

The module has one lesson, Aralin 2, with the same title as the module. It teaches that good health is not only a strong body. A healthy person also needs healthy emotions and a healthy mind. According to the lesson, good health depends on how we solve our problems and how we treat other people.

Ways to keep a healthy mind and healthy emotions

The Suriin (discussion) part says that a cheerful, positive outlook is good for health and a long life, and that treating others well is one way to stay healthy. It lists these ways:

  • Regular exercise (regular na pag-eehersisyo)
  • Using time wisely (wastong paggamit ng oras)
  • Working together on tasks (pagtutulungan sa mga gawain)
  • Support from family and friends (suporta mula sa kapamilya at kaibigan)
  • Ways to comfort yourself and ease worry (mga pamamaraan ng pampalubag ng loob)

The activities add more examples: having a picnic with the family, spending time with friends (kaibigan), playing (paglalaro), exercising, and helping at home (pagtulong). They also remind learners to get along with others, think about their many blessings, avoid too much tiredness, and trust themselves.

Signs of good and poor emotional and mental health

The pretest asks learners to sort words that describe a person. The module treats these as signs of good mental and emotional health:

  • Careful (maingat)
  • Cheerful (masayahin)
  • Moves with energy (maliksing kumilos)
  • Has many friends (maraming kaibigan)
  • Understanding of others (malawak ang pang-unawa)
  • Able to solve problems (nasosolusyunan ang mga problema)

These are not signs of good health: sickly (sakitin), weak (nanghihina), quick to anger (madaling magalit), and easily tired (madaling mapagod). The lesson also teaches that too much stress harms health, being friendly helps social health, and a happy family helps a person grow healthier.

Parts of the module

PartWhat learners do
AlaminRead the lesson goal
SubukinPretest: mark 10 words with a check or an X
BalikanComplete 5 sentences using words from a box
TuklasinUnscramble 5 words that show a healthy mind and emotions
SuriinRead the discussion of the lesson
PagyamaninChoose the right word to complete 5 sentences
IsaisipWrite the ways to build and keep good emotional and mental health
IsagawaFill in a short paragraph using words from a box
TayahinFinal test: 10 Tama or Mali (true or false) items
Karagdagang GawainGive five ways to keep a healthy mind and emotions
Susi sa PagwawastoAnswer key for the activities and tests

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest (Subukin) to see what you already know, then work through the parts in order. Write your answers in your notebook or on a separate sheet, not on the module, so other learners can use it later. Check your work with the answer key only after you finish, and be honest when you do. Contact your teacher if any part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part and help them think of real examples from home, such as family activities, play, and chores done together. The pretest shows whether your child needs more help from you or the teacher.
  • Teachers: The pretest and the final test (Tayahin) let you compare what learners knew before and after the lesson. The Isaisip and Karagdagang Gawain tasks are open-ended, so learners’ own lists of ways to stay healthy show how well they met the competency.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Health module for?

It is for Grade 5 Health, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2.

What is the learning competency of this module?

Learners should be able to give ways to develop and maintain good emotional and mental health. The competency code printed in the module is H5PH-Ic-11.

What ways to keep a healthy mind and emotions does the module teach?

It lists regular exercise, using time wisely, working together on tasks, support from family and friends, and ways to comfort yourself. It also stresses a positive outlook and treating others well.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto section gives answers for the pretest, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, and the final test (Tayahin).

What language is the module written in?

The module is written in Filipino, using words suited to the vocabulary level of Grade 5 learners.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Health – Unang Markahan – Modyul 2: Pagpapaunlad at Pagpapanatiling Maganda ang Kalusugan ng Damdamin at Isipan

[illustration: a teacher with students reading and studying under a tree and at a desk, with a globe and a student working by a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_Health 5_ Module 2

Health – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Pagpapaunlad at Pagpapanatiling Maganda ang Kalusugan ng Damdamin at Isipan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag handa ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Corazon B. Samson Editors: Meldrid R. Delleva, Don Bernardo L. Gapasin Tagasuri: Gilda C. Baleña, Niño G. Acebo Tagaguhit: Mary Jane A. Jataas at Mae Flor C. Diolola Tagalapat: Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Carmelino P. Bernadas Rey F. Bulawan Nicolas G. Baylan Neil G. Alas Imelda E. Gayda Abelardo G. Campani

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Health

Unang Markahan – Modyul 2: Pagpapaunlad at Pagpapanatiling Maganda ang Kalusugan ng Damdamin at Isipan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay binuo at isinulat para sa inyo. Ito ay para malaman ninyo kung paano mapapaunlad at mapapanatili ang magandang kalusugan ng damdamin at isipan. Ang kabuuan ng modyul na ito ay naglalayon upang magamit sa iba’t ibang aralin at sitwasyon. Ang mga salitang ginamit ay para sa antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang aralin ay inayos para sumunod sa katayuan at pagkakasunud-sunod sa aralin. Pero ang pagkakasunud-sunod habang kayo ay nagbabasa ay maaaring magbago para tugunan ang aklat na inyong gagamitin.

Pagkatapos basahin at sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng mga paraan tungo sa pagpapaunlad at pagpapanatili sa kalusugan ng damdamin at isipan (H5PH-Ic-11).

Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang mga salita ay nagpapakita ng mabuting kalusugang mental at emosyonal at ekis ( X ) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

  1. Sakitin
  2. Nanghihina
  3. Maingat
  4. Masayahin
  5. Madaling magalit
  6. Maliksing kumilos
  7. Maraming kaibigan
  8. Madaling mapagod
  9. Malawak ang pang-unawa
  10. Nasosolusyunan ang mga problema.

Aralin 2: Pagpapaunlad at Pagpapanatiling Maganda ang Kalusugan ng Damdamin at Isipan

Ang mabuting kalusugan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng magandang pangangatawan ngunit kinakailangan ding magkaroon ng malusog na damdamin at isipan. Ang mabuting kalusugan ay depende kung paano natin masosolusyonan ang mga suliranin at kung paano tayo makikitungo sa kapwa. Maraming paraan ang maaari nating gawin upang mapaunlad at mapanatili ang mabuting kalusugang ating minimithi.

Balikan

Panuto: Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng tamang salita sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Mga salita: tao, biyaya, sarili, pagod, ehersisyo

  1. Makitungo sa ibang ___________.
  2. Isipin ang maraming ___________.
  3. Iwasan ang matinding ___________.
  4. Magkaroon ng tiwala sa ___________.
  5. Magkaroon ng regular na ___________.
Tuklasin

Panuto: Isaayos ang mga titik upang mabuo ang salita na nagpapakita ng malusog na damdamin at isipan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

  1. INPKIK
    [illustration: family having a picnic under a tree]


  2. GANABIIK
    [illustration: a group of children together indoors]


  3. RAPAALLOG
    [illustration: two boys playing basketball together]


  4. YISHEEROS
    [illustration: a boy doing sit-ups]


  5. GAPUTLNOG
    [illustration: a girl washing dishes at a sink]


Suriin

Ang pagkakaroon ng masayahin at positibong pag-iisip ay mainam para sa kalusugan at mahabang buhay. Ang mabuting pakikitungo sa kapwa ay isang paraan upang magkaroon ng magandang kalusugan. Narito ang ilan sa mga paraan upang magkaroon ng malusog na damdamin at isipan: regular na pag-eehersisyo, wastong paggamit ng oras, pagtutulungan sa mga gawain, suporta mula sa kapamilya at kaibigan, mga pamamaraan ng pampalubag ng loob.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang patlang sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

  1. Nakasasama sa ating kalusugan ang sobrang _____________.
    (stress, kalmado)


  2. Nakapagpapalakas sa ating katawan ang regular na _____________.
    (pag-eehersisyo, pagpupuyat)


  3. Nakatutulong sa emosyonal na kalusugan ng tao ang _____________.
    (pakikipag-aaway, pakikipagkaibigan)


  4. Nagpapakita ng may mabuting relasyon sa isa’t isa ang _____________.
    (pagtutulungan, pag-aawayan)


  5. Nakatutulong upang mapa-unlad ang kalusugan ng tao ang _____________.
    (kaaway, pamilya)


Isaisip

Anu-ano ang mga paraan upang mapaunlad at mapanatili ang magandang kalusugan ng damdamin at isipan? Isulat sa sagutang papel.

Isagawa

Panuto: Punan ang patlang ng mga salita mula sa kahon upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Mga salita: mental, maingat, pamilya, kalusugan, emosyonal, pangalagaan

Ang ating _____________ ay mahalaga kaya’t dapat natin itong _________________. Ang ating __________________ ay nakatutulong upang magkaroon ng magandang kalusugang ______________ at _________________ dahil sila ang ating nakakasama araw-araw.

Tayahin

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paraan tungo sa pagpapa-unlad at pagpapanatili sa kalusugan ng damdamin at isipan at Mali naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kawderno.

  1. Ang taong may malawak na pang-unawa ay kinagigiliwan.
  2. Ang mabuting pakikitungo sa kapwa ay nakapagpapalubag ng loob.
  3. Ang pagkabalisa ay nagpapakita ng pagkakaroon ng malusog na isipan at damdamin.
  4. Ang pagtutulungan sa mga gawain ay nagpapakita nang may mabuting relasyon.
  5. Ang pagkakaroon ng maraming problema ay maaaring magdulot ng mabuti sa katawan.
  6. Ang sobrang pagkapagod o stress ay hindi nakaaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng tao.
  7. Ang pagiging palakaibigan ay nakatutulong upang magkaroon ng magandang kalusugang sosyal.
  8. Ang pagkakaroon ng masayang pamilya ay nakatutulong upang mapaunlad ang kalusugan ng tao.
  9. Ang aktibong pagsali sa mga gawain ay nakatutulong para magkaroon ng malusog na isipan at damdamin
  10. Ang may malusog na damdamin at isipan ay marunong maglutas ng problema at mga pagsubok sa buhay.
Karagdagang Gawain

Panuto: Paano natin mapapaunlad at mapapanatili ang magandang kalusugan ng damdamin at isipan? Magbigay ng limang pamamaraan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key is printed rotated 180 degrees inside six boxes; the boxes are transcribed in the order Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, Tayahin]

Subukin
  1. X
  2. X
  3. ✓
  4. ✓
  5. X
  6. ✓
  7. ✓
  8. X
  9. ✓
  10. ✓
Balikan
  1. tao
  2. biyaya
  3. pagod
  4. sarili
  5. ehersisyo
Tuklasin
  1. PIKNIK
  2. KAIBIGAN
  3. PAGLALARO
  4. EHERSISYO
  5. PAGTULONG
Pagyamanin
  1. stress
  2. pag-eehersisyo
  3. pakikipagkaibigan
  4. pagtutulungan
  5. pamilya
Isagawa
  1. kalusugan
  2. pangalagaan
  3. pamilya
  4. mental
  5. emosyonal
Tayahin
  1. Tama
  2. Tama
  3. Mali
  4. Tama
  5. Mali
  6. Mali
  7. Tama
  8. Tama
  9. Tama
  10. Tama

Sanggunian

DepEd R8. 2016, Kagamitan mg Mag-aaral Health 5, Yunit 1- Aralin 2 Kalusugan Mo, Pangalagaan Mo

DepEd R8. 2016, Gabay sa Pagtururo, Health 5, Yunit 1- Kalusugan Mo, Pangalagaan Mo

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *