Health 5 Quarter 1 Module 6: Effects of Worries on Physical, Social, and Emotional Health

This is the Health 5 self-learning module for the first quarter (Unang Markahan), Module 6: “Epekto ng mga Alintana sa Ating Pisikal, Sosyal, at Emosyonal na Kalusugan” (effects of worries on our physical, social, and emotional health). It is written in Filipino for Grade 5 learners studying at home under the Alternative Delivery Mode, and it was prepared by DepEd Region VIII. After working through it, learners should be able to explain how worries and concerns affect a person’s mental, emotional, and social health.

What learners will learn

The module states one learning competency:

  • Discuss the effects of worrying on a person’s mental, emotional, and social health and well-being (H5PH-Id-16)

The module has one lesson, Aralin 6, which shares the module’s title. It opens by noting that many people carry worries (alintana) in their minds, feelings, and relationships with others, and that these worries can lead to illness or problems in thinking that affect daily life.

Key ideas in the module

The module explains that a person’s health is not seen only in their physical body. Several aspects are considered before we can say someone is healthy. It discusses three of them.

Kalusugang pangkaisipan o mental (mental health)

Mental health is our ability to enjoy life and to get through the burdens of everyday living. It helps us be productive, build fulfilling relationships with others, adapt to changes, and overcome hard times.

The module lists five factors that contribute to mental health:

  1. Valuing and knowing oneself
  2. Diet and exercise
  3. Relationships with family, friends, and co-workers
  4. Finances
  5. How you express what you feel

Kalusugang emosyonal (emotional health)

Good emotional health can lead to success in work, relationships, and health. The module gives seven ways to help children develop emotional health:

  1. Listen to children.
  2. Respect children.
  3. Praise children.
  4. Allow them to feel afraid and angry.
  5. Play with children.
  6. Let them make their own decisions.
  7. Set reasonable limits.

Kalusugang sosyal (social health)

Social health describes a person who gets along well with others. It also covers how a person mixes with other people or groups and how they respond to the social side of life.

Signs of good mental, emotional, and social health

According to the module, a person with healthy mental, emotional, and social well-being:

  • Has a positive outlook on life
  • Is cheerful
  • Has self-confidence
  • Has faith in God
  • Knows how to relax and have fun
  • Weighs choices carefully when making decisions
  • Values work
  • Mixes well with others
  • Accepts criticism from others positively
  • Values and knows oneself
  • Keeps a healthy diet and exercises

The activities also introduce terms for common problems that worries can cause, such as depresyon (depression, or extreme sadness), mood swings (quick changes in feelings), anxiety, balisa (restless or anxious), insomnia, and being sakitin (sickly). They also point to healthy habits that help, such as good communication, joining sports, having friends, and a happy family.

Activities in the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Write Tama or Mali for 10 statements about avoiding mental, emotional, and social problems
Balikan (review)Label five pictures as mental, emosyonal, or sosyal concerns
Tuklasin (discover)Fill in five blanks using words from a box
Suriin (analyze)Read the discussion of mental, emotional, and social health
Pagyamanin (practice)Choose the correct word in parentheses for five sentences
Isaisip (remember)Answer: what are the effects of worries on our mental, emotional, and social health?
Isagawa (apply)Match five phrases in Column A with terms in Column B
Tayahin (assessment)Answer a 10-item multiple-choice test
Karagdagang Gawain (extra activity)Give five effects of worries on physical, social, and emotional health

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest (Subukin) to see what you already know, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it after you. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part and use the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end to check answers after your child has finished. The module asks everyone to use the key honestly.
  • Teachers: The pretest shows whether a learner needs extra help, and the Tayahin test measures what was learned. The module refers to a separate teacher’s or facilitator’s guide for tips and strategies, and it draws on DepEd Region VIII’s Health 5 learner’s material and teaching guide on mental, emotional, and social health.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Health module for?

It is for Grade 5 Health, first quarter (Unang Markahan), Module 6.

What is the learning competency of this module?

Learners should be able to discuss the effects of worrying on a person’s mental, emotional, and social health. The printed competency code is H5PH-Id-16.

What does alintana mean?

Alintana means worries or concerns. The module discusses how worries in the mind, feelings, and relationships can affect a person’s health and daily life.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, and Tayahin activities.

What are the factors that contribute to mental health according to the module?

The module lists valuing and knowing oneself, diet and exercise, relationships with family, friends, and co-workers, finances, and how you express your feelings.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Health

Unang Markahan – Modyul 6: Epekto ng mga Alintana sa Ating Pisikal, Sosyal, at Emosyonal na Kalusugan

5

[illustration: learners studying at home with a teacher and a globe]

CO_Q1_Health5_ Module6

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Health – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Epekto ng mga Alintana sa Ating Pisikal, Sosyal, at Emosyonal na Kalusugan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag handa ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Corazon B. Samson

Editor: Meldrid R. Delleva, Marlito Malinao

Tagasuri: Airene P. Baleña, Joelma I. Dagami

Tagaguhit: Mary Jane A. Jataas at Mae Flor C. Diolola

Tagalapat: Ma. Jayvee A. Garapan

Tagapamahala: Ramir B. Uytico

Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Carmelino P. Bernadas Rey F. Bulawan Nicolas G. Baylan Neil G. Alas Imelda E. Gayda Abelardo G. Campani

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Health

Unang Markahan – Modyul 6: Epekto ng mga Alintana sa Ating Pisikal, Sosyal, at Emosyonal na Kalusugan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay binuo at isinulat para sa inyo. Ito ay para malaman ninyo ang epekto ng mga alintana sa ating pisikal, sosyal at emosyonal na kalusugan. Ang kabuuan ng modyul na ito ay naglalayon upang magamit sa iba’t ibang aralin at sitwasyon. Ang mga salitang ginamit ay para sa antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang aralin ay inayos para sumunod sa katayuan at pagkakasunud-sunod sa aralin. Pero ang pagkakasunud-sunod habang kayo ay nagbabasa ay maaaring magbago para tugunan ang aklat na inyong gagamitin.

Pagkatapos basahin at sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang magkaroon ng kakayahang matalakay ang epekto sa kalusugang mental, emosyonal, at (sosyal) panlipunan sa pag-aalala sa kagalingan/kalusugan ng isang tao. (H5PH-Id-16).

Subukin

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pamamaraan upang makaiwas sa mga problemang mental, emosyonal at sosyal at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang pang-aabuso sa kapwa ay isang mabuting gawain. _____2. Ang may matalas na pag-iisip ay nakatutulong sa paglutas ng suliranin. _____3. Ang pakikipag-away sa kapwa ay nakatutulong sa emosyonal na kalusugan. _____4. Ang pagpapalabas ng sama ng loob ay nakapagpapagaan ng nararamdaman. _____5. Ang problema sa relasyon sa kapwa ay hindi nakaaapekto sa kalusugan ng tao. _____6. Ang pagiging masayahin at pananalig sa Diyos ay mainam para sa kalusugan ng tao. _____7. Ang pagkahiwalay sa mga magulang at mga kaibigan ay hindi nakaaapekto sa kalusugan. _____8. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ay nakatutulong sa ating pisikal na kalusugan. _____9. Ang pakikilahok sa iba’t ibang gawain ay nakatutulong upang mabawasan ang ating mga problema. _____10. Ang paglalasing at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay mainam na paraan sa paglutas ng problema.

1

CO_Q1_Health5_ Module6

Aralin 6: Epekto ng mga Alintana sa Ating Pisikal, Sosyal, at Emosyonal na Kalusugan

Maraming mga tao ay may alintana sa isipan, damdamin at pakikipagkapwa-tao na nagiging dahilan ng pagkakasakit o problema sa pag-iisip na nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Balikan

Panuto: Tingnan ang larawan. Isulat ang mental kung ito’y tumutukoy sa alintana sa isipan, emosyonal kung sa damdamin at sosyal kung sa pakikipagkapwa-tao.

[illustration: girl stacking blocks with her hands spread]

[illustration: family of four standing together]

[illustration: three children standing together]

  1. _____________ 2. _____________ 3. _____________

[illustration: boy standing with arms crossed]

[illustration: child sitting with chin resting on hand beside a box]

  1. _____________ 5. _____________

2

CO_Q1_Health5_ Module6

Tuklasin

Panuto: Punan ng tamang salita o parirala ang patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

galit | masaya | kaibigan | mahinahon | masayang pamilya | matalas na pag-iisip

  1. Ang may magandang kalusugang mental ay may _____________.
  2. Ang pakikipag-usap sa nakatatanda ay kailangang __________.
  3. Nakatutulong sa ating kalusugang mental at emosyonal ang _____________.
  4. Hindi mainam sa ating emosyonal na kalusugan ang palaging _____________.
  5. Nakatutulong sa ating sosyal na kalusugan ang pagkakaroon ng mga __________.

Suriin

Ang kalusugan maaring positibo ang kahulugan, bilang maging husto at magaling, o sa negatibong kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang araw araw na gawain.

Ang kalusugan ng isang tao ay hindi lamang sa pisikal na anyo makikita. Maraming aspeto ang isinasa alang- alang upang masabi na ang isang tao ay malusog. Ito ay ang kalusugang pangkaisipan o mental.

KALUSUGANG PANGKAISIPAN O MENTAL

Ang kalusugang pangkaisipan o mental ay ang ating abilidad na makapagpasaya sa ating buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang araw araw na pamumuhay. Ito ay nagpapahintulot sa iyong maging kapakipakinabang. Ang magkaroon ng katuparan sa mga relasyon sa sa ibang tao, at ang umangkop sa mga pagbabago at malampsan ang mga panahon ng kahirapan.

MGA KADAHILANAN NA NAG-AAMBAG SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN
  1. Pagpapahalaga at pagkamaalam sa sarili
  2. Diyeta at ehersisyo
  3. Mga relasyon sa pamilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho
  4. Mga Pananalapi
  5. Paano mo ipinahihiwatig ang iyong nararamdaman
KALUSUGANG EMOSYONAL

Ang Emosyonal na kalusugan ay maaring humantong sa tagumpay sa trabaho relasyon at kalusugan.

Paano magkakaroon ang mga bata ng kalusugang emosyonal?

  1. Makinig sa mga bata
  2. Igalang ang mga bata
  3. Purihin ang mga bata
  4. Payagan silang matakot at magalit
  5. Makipaglaro sa mga bata
  6. Hayaang sila ang mag isip ng sarili nilang desisyon
  7. Magtakda ng makatuwirang hangganan
KALUSUGANG SOSYAL

Ang kalusugang sosyal ay tumutukoy sa isang tao na may mabuting pakikisama sa kapwa. Tinutukoy rin nito kung paano nakikihalubilo ang isang nilalang sa iba pang tao o grupo ng mga tao at mag-react o rumisponde sa aspetong sosyal ng buhay.

Mga katangian ng isang indibidwal na may kalusugang mental, emosyonal at sosyal:

  1. May positibong pananaw sa buhay
  2. Masayahin
  3. May tiwala sa sarili
  4. May pananalig sa diyos
  5. Nakapaglilibang
  6. Marunong manimbang sa paggawa ng desisyon
  7. May pagpapahalaga sa trabaho
  8. Nakikisalamuha sa kapwa
  9. May positibong pagtangap sa puna ng kapwa
  10. Pagpapahalaga at pagkamaalam sa sarili
  11. Diyeta at ehersisyo

4

CO_Q1_Health5_ Module6

Pagyamanin

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang pagiging (galit, masayahin) ay mainam sa ating emosyonal na kalusugan.
  2. Ang pagkakaroon ng (kaibigan, kaaway) ay nakatutulong sa ating kalusugang sosyal.
  3. Ang (hindi pagkakaunawaan, magandang komunikasyon) sa isa’t isa ay nakapagpapagaan ng loob.
  4. Maaaring lumahok sa iba’t ibang (isports, sugalan) para maiwasan ang hindi magandang kalusugang sosyal.
  5. Ang (masayang pamilya, pagkahiwalay sa magulang) ay mainam at nakapagpapagaan sa ating mental at emosyonal na kalusugan.
Isaisip

Ano ang nagiging epekto sa mga alinta sa ating mental, emosyonal at sosyal na kalusugan ng tao?

Isagawa

Panuto: Pagtambalin ang mga pariralang nasa HANAY A sa mga kahulugan na nasa HANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

HANAY AHANAY B
1. sinasaktana. balisa
2. wala sa sarilib. sakitin
3. pagiging malungkotc. insomnia
4. hindi maayos ang kalusugand. depresyon
5. pag-iiba-iba ng damdamine. inaabuso
f. mood swings
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

  1. Ito ay tumutukoy sa taong nakararanas ng sobrang lungkot.

    • a. depresyon
    • c. altapresyon
    • b. impeksiyon
    • d. malnutrisyon
  2. Ito ay tumutukoy sa madaling pag-iiba-iba ng damdamin ng tao.



    • a. teasing

    • c. depresyon

    • c. bullying

    • d. mood swings


    [transcriber’s note: the printed choices for item 2 are labeled “a. teasing”, “c. depresyon”, “c. bullying”, and “d. mood swings”, with the letter “c” repeated as printed]


  3. Ito ay kailangan upang makapagpalabas ng saloobin, opinion at pananaw sa buhay.

    • a. anxiety
    • c. mood swings
    • b. relasyon
    • d. komunikasyon
  4. Ang hindi pagkakaunawaan ng mga kaibigan ay nagdudulot ng ____________.

    • a. pagliban sa klase
    • c. komplikasyon sa kalusugan
    • b. problema sa relasyon
    • d. kawalan ng interes sa pag-aaral
  5. Ang taong mahiyain at kulang sa mga kaibigan ay may problemang ___________.

    • a. sosyal
    • c. pisikal
    • b. mental
    • d. emosyonal
  6. Kapag ang isang tao ay nahihirapang solusyunan ang mga problema, siya ay may alintana sa _________________.

    • a. sosyal
    • c. pisikal
    • b. mental
    • d. emosyonal
  7. Ito ay nagpapahiwatig ng matinding self-consciousness at takot na nagdudulot ng pagkamahiyain.

    • a. stress
    • c. depresyon
    • b. anxiety
    • d. mood swings
  8. Kapag ang isang bata ay palaging napapagalitan ng magulang, siya ay nagkakaroon ng problemang ________________.

    • a. sosyal
    • c. pisikal
    • b. mental
    • d. emosyonal
  9. Kailangan ng isang bata ay magkaroon ng panahon upang mailabas nila ang kanilang nararamdaman para magkaroon ng magandang kalusugang ________.

    • a. sosyal
    • c. pisikal
    • b. mental
    • d. emosyonal
  10. Ang isang bata ay kailangang magkaroon ng mababait na kaibigan para maramdaman ang magandang kalusugang __________________.

    • a. sosyal
    • c. pisikal
    • b. mental
    • d. emosyonal
Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng limang epekto ng mga alintana sa ating pisikal, sosyal at emosyonal na kalusugan.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this answer key page is printed rotated 180 degrees; the content below is transcribed in normal reading order]

Subukin
  1. Mali
  2. Tama
  3. Mali
  4. Tama
  5. Mali
  6. Tama
  7. Mali
  8. Tama
  9. Tama
  10. Mali
Balikan
  1. mental
  2. sosyal
  3. sosyal
  4. emosyonal
  5. emosyonal
Tuklasin
  1. matalas na isip
  2. mahinahon
  3. masayang pamilya
  4. galit
  5. kaibigan
Pagyamanin
  1. masayahin
  2. kaibigan
  3. magandang komunikasyon
  4. isports
  5. masayang pamilya
Isagawa
  1. e
  2. a
  3. d
  4. b
  5. f
Tayahin
  1. a
  2. d
  3. d
  4. b
  5. a
  6. b
  7. d
  8. d
  9. b
  10. a

Sanggunian

DepEd R8. 2016, Kagamitan ng Mag-aaral Health 5, Yunit 1- Aralin 7 Kalusugang Pangkaisipan, Emosyonal at Sosyal

DepEd R8. 2017, Gabay sa Pagtuturo Health 5, Yunit 1- Kalusugang Pangkaisipan, Emosyonal at Sosyal

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *