Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Magandang buhay, mag-aaral! Kumusta ka? Binabati kita sa iyong masigasig na pagsubaybay sa nobelang Noli Me Tangere. Alam kong sabik ka nang mapag-aralan ang kasunod na mga araling kaugnay rito.
Mabuhay! Binabati kita sa mga aralin sa kabanatang napagtagumpayan muna. Halina’t tuklasin natin ang susunod na mga kabanata sa modyul na ito. Handa ka na ba sa bagong yugto ng kuwento?
Batid kong sabik kana sa mga susunod na mga kaganapan. Ngunit bago mo basahin at unawain ang buong kabanata, mas maiging ikaw ay may gabay upang maging makabuluhan ang iyong pagtuklas sa modyul na ito.
Na sa ibabang bahagi nito ang mga layunin mo sa pagbabasa.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood sa dulang pantelebisyon o pampelikula.
2. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
- pamamalakad ng pamahalaan.
- paniniwala sa Diyos.
- kalupitan sa Kapuwa.
- kahirapan at iba pa.
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at ng anak.
4. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa:
- Pagpapaliwanag
- Paghahambing
- Pagbibigay ng opinion