Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa Pambansang Kita. Dito nasuri ang Pambansang Kita/ Gross National Product – Gross Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya. Nakilala rin ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto at napag-alaman ang mga kahalagahan sa pagsukat ng pambasang kita.
Sa modyul na ito ay mapag-aaralan ang tungkol sa ugnayan ng Kita, Pagiimpok, at Pagkonsumo.
Ang kakayahang kumonsumo ng tao ay nakabatay sa salapi na maaari nitong gastusin. Ang salapi namang maaaring iimpok ay nakabatay kung magkano ang matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit sa pagkonsumo. Mauunawaan sa araling ito ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo.
Pamantayang Pangnilalaman:
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap:
- Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)
Ugnayan ng Kita, Pag- iimpok, at Pagkonsumo
1. Kaugnayan ng Kita sa Pagkonsumo at Pag- iimpok
2. Katuturan ng Consumption at Savings sa Pag-iimpok
Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.
2. Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok.
Inaasahang din na ikaw ay:
a. nakapagbibibigay ng kahulugan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo.
b. nakapaglalarawan ang ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo.
c. Naisasagawa ang lahat ng Gawain sa modyul na ito.
I cant
Paano I report Ang UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA , PAG IIMPOK AT PAG KONSUMO sa pamamagitan Ng lecture method?
Paki explain po ng ugnayn ng kita, pag iimpok at pagkonsumo