This is the self-learning module for Filipino 8, Ikalawang Markahan (Quarter 2), Modyul 2: Balagtasan. It was prepared by DepEd Caraga for the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) and is meant for Grade 8 learners studying at home with help from a parent or facilitator. It introduces the balagtasan, a Filipino tradition of debate in verse, and helps learners form good questions and give their own opinions on a debated topic.
What learners will learn
After the module, learners are expected to:
- form meaningful questions based on an exchange of arguments they have heard (nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katuwiran)
- give their opinion and reasons on the topic of a balagtasan (naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan)
The module also says it builds on what learners studied in earlier grades and aims to deepen their appreciation of Filipino culture.
Parts of the module
The module has one lesson, Aralin 1: Balagtasan, organized in the standard self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Reads a short balagtasan between Ben and Gwen about face masks, answers five questions, and writes a four-line stanza with their own argument |
| Balikan (review) | Finds the main idea and three supporting ideas in a short paragraph about fighting Covid-19 |
| Tuklasin (discover) | Reads a balagtasan between Ren and Dona on talent (talino) versus hard work (sipag) and answers questions |
| Talasalitaan (vocabulary) | Matches words such as balitaktakan (debate) and puno’t dulo (beginning and end) with their meanings |
| Suriin (discussion) | Reads about the origin and elements of the balagtasan and how to ask questions that matter |
| Pagyamanin (practice) | Writes five meaningful questions and an opinion about a debate on beauty versus intelligence |
| Isaisip (reflection) | Completes sentences about what they learned and how they will use it |
| Isagawa (application) | Turns five school topics into debatable questions |
| Tayahin (assessment) | Reads a debate on modular versus online classes and answers questions |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Writes their own balagtasan about the Covid-19 pandemic |
What is a balagtasan?
The word balagtasan comes from the surname of Francisco “Balagtas” Baltazar, author of Florante at Laura and called the father of Tagalog poets. The form grew out of celebrations of his birth anniversary. Other regions have similar forms named after their own poets: the Ilocano Bukanegan, after Pedro Bukaneg, and the Kapampangan Crissotan, after Juan Crisostomo Soto.
According to the module, the first balagtasan was held on April 6, 1924. It was based on older forms of debate in verse such as the Karagatan, Huwego de prenda, and Duplo. Participants compete in building and delivering arguments in verse, and the performance entertains through humor, light teasing, sharp wit, and dramatic delivery.
Elements of the balagtasan
The module takes these elements from Balagtasan Book One compiled by C.S. Canonigo.
1. Mga tauhan (the participants)
- Lakandiwa or lakambini: the moderator. He or she greets the audience, formally opens the balagtasan, introduces the two debaters, decides who wins, and closes the event.
- Two debaters (mambibigkas): they present evidence and explain their side well enough to win the moderator over.
- The audience (manonood): treated as the third element.
The topic itself is also very important; only timely and meaningful topics should be debated.
2. Pinagkaugalian (traditional features)
- Sukat (meter): the number of syllables in each line.
- Tugma (rhyme): matching sounds at the ends of lines. Tugmang ganap ends in a vowel or glottal sound; tugmang di-ganap ends in a consonant.
- Indayog (also called aliw-iw): the rise and fall of the voice when the lines are recited.
3. Paksang pagtatalunan (the topic)
Debaters need wide knowledge of the topic to argue their side clearly. Common themes listed are politics, love, everyday things, nature, society, and good manners (kagandahang-asal).
4. Mensahe (the message)
The idea and feeling the whole balagtasan wants to share with the audience.
How to ask questions that matter
The module teaches that good questions lead to good learning, and that asking them is a skill that can be practiced. Important questions:
- are not shallow or based only on facts (though they can follow factual questions)
- connect to everyday life
- push us to give a well-thought-out answer
The Isagawa activity shows this with an example: from the topic of using cell phones in school comes the question “Tama bang ipagbawal ang pagdadala ng cell phone sa paaralan?” (Is it right to ban bringing cell phones to school?)
How to use this module
- Learners: Start with the pretest (Subukin) to see what you already know, then go through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it later. Check your work honestly with the answer key, and contact your teacher if a part is hard to understand.
- Parents and facilitators: Read the balagtasan pieces aloud with your child; the form is meant to be heard and performed. Encourage your child to explain which side they agree with and why.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers Balikan, Isaisip, Isagawa, and Tayahin. It notes that the Isagawa answers are only expected answers, and a learner’s question is still correct if it captures the same idea. Isaisip answers vary by learner. The writing tasks (pretest Part B, Pagyamanin, and Karagdagang Gawain) need teacher checking.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Balagtasan module for?
It is Filipino 8, Ikalawang Markahan (Quarter 2), Modyul 2, for Grade 8 learners.
Where does the word balagtasan come from?
It comes from the surname of Francisco “Balagtas” Baltazar, author of Florante at Laura. The module says the first balagtasan took place on April 6, 1924.
What does the lakandiwa do in a balagtasan?
The lakandiwa is the moderator. He or she greets the audience, opens the balagtasan, introduces the two debaters, decides the winner, and closes the event.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto has answers for Balikan, Isaisip, Isagawa, and Tayahin, but not for the pretest, Tuklasin, the vocabulary activity, or Pagyamanin.
What are sukat, tugma, and indayog?
Sukat is the number of syllables in each line, tugma is the rhyme at the ends of lines, and indayog is the rise and fall of the voice when reciting the lines.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikalawang Markahan – Modyul 2: Balagtasan
8
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Balagtasan
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q2_Filipino 8_ Module 2
Copyright and Development Team
Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Balagtasan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________________
Department of Education – Rehiyon ng Caraga Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS) Teacher Development Center J. Rosales Avenue, Butuan City, Philippies, 8600 Telefax: (085)342-8207 / (085)342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lolito E. Deloso Jr. Editor: Dores P. Claro, Maria Consuelo C. Jamera Tagasuri: Jessie C. Torreon, Noviemar T. Maur, Ma. Liza S. Pellazar, Japhet K. Salar, Christy Joyce E. Anino Tagalapat: Lolito E. Deloso Jr., May D. Olavides Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obsenares, Gilda G. Berte, Antonieta O. Narra, Feldrid P. Suan, Jessie C. Torreon, Dores P. Claro at Victoria B. Pabia
8
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Balagtasan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button inside a circle, icon beside “Alamin”]
Tungkol saan ang modyul na ito?
Ang modyul na ito tungkol sa Balagtasan ay may maramihang gamit. Una, matututuhan mo ang mga kakayahang nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit sa ibaba. Pangalawa, mas mapalalawak at mapalalakas ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa naunang baitang. Panghuli, matutulungan kang mas mapahalagahan ang kulturang Pilipino at mahalin ng mas higit pa ang iyong pagka-Pilipino.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
- Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katuwiran.
- Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan.
Subukin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle, icon beside “Subukin”]
A. Panuto: Basahin ang palitan ng katwiran ng dalawang makata at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ben: Pahirap lang ang facemask sa tao Bukod sa mahirap huminga gamit ito Mahal pa ang benta ng ibang tindero Ubos na lahat pati pera ko
Gwen: ‘Dyan ka nagkakamali aking kaibigan Sapagkat ang facemask, dulot ay kaligtasan Pinoprotektahan ka nito laban sa Covid19 Nang hindi ka mahawa o makahawa sa amin
Ben: Hindi ako takot sa Covid19 na ‘yan Sapagkat malusog ang aking pangangatawan Hindi ako natatablan ng lagnat at kung ano paman Parang bakal ang katawan ko’t kalamnan
Gwen: Ipagpalagay nating malusog ka nga Ngunit hindi natin alam baka asymptomatic ka Makahawa ka pa sa iba Mag-isip ka
Lakandiwa: Atin munang putulin ang init ng palitan natin Matapos marinig ang pangangatwiran nila’t daing Kayong madla ang magpasya Kung sino ang tama’t kaayaaya
_____1. Ano kaya ang paksa na pinagtatalunan nina Ben at Gwen?
- A. Corana Virus
- C. Facemask
- B. Covid19
- D. Pera
_____2. Ano ang ibig sabihin ng asymptomatic?
- A. May virus ngunit walang symptomas
- B. May virus at may symptomas
- C. Walang sakit
- D. Walang virus
_____3. Anong uri ng panitikan ang palitan ng katwiran na nasa taas?
- A. Balagtasan
- C. Malayang taludturan
- B. Tula
- D. Bugtong
_____4. Saan hinango ang salitang Balagtasan?
- A. Mula sa pangalang Francisco
- B. Mula sa Akdang “Florante at Laura”
- C. Mula sa apelyido ni Francisco Balagtas
- D. Mula sa unang pangalan ng ama ni Francisco Balagtas
_____5. Sino ang pumapagitna sa dalawang nagtatalong katunggali?
- A. Lakandiwa
- C. Ben
- B. Makata
- D. Gwen
B. Panuto: Magbigay ng sarili mong katwiran tungkol sa paksang pinagtalunan sa Gawain A. Isulat sa isang saknong na may apat na taludtud.
Aralin 1: Balagtasan
[illustration: hand holding a torn paper piece inside a circle, icon beside “Balikan”]
Balikan
Panuto: Alamin ang pangunahin at pantulong na kaisipan. Ibigay ang hinihingi ng bawat kahon sa ibaba gamit ang talatang ibinigay.
Labanan natin ang Covid-19. Mag-facemask lalo na’t nasa labas. Maghugas ng kamay palagi at gumamit ng alcohol kung maari. Higit sa lahat huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
[chart: graphic organizer; Balikan (no title printed)]
- Top box: Pangunahing kaisipan
- Three boxes below, from left to right: Pantulong na kaisipan #1; Pantulong na kaisipan #2; Pantulong na kaisipan #3
- The boxes are empty for the learner to fill in.
Dahil nasagot mong tama ang gawaing ito. Sigurado akong mas madali na sa iyo ang kasunod na aralin dahil magagamit mo ang iyong natutuhan tungkol sa pangunahin at pantulong na kaisipan dito. Halika at tuklasin mo kung ano ito.
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant inside a circle, icon beside “Tuklasin”]
Panuto: Basahin ang pyesa at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.
Ren: Lahat ng bagay sa mundo ay dahil sa talino ng tao Lahat ng nakikita ng mata mo ay pinag-isipan ng husto Talino ang natatanging puno’t dulo Kaya’t dapat iyong mapagtanto tayo ay dapat may talino
Dona: Hindi naman masama maging matalino Ang mahirap kung ito’y nakapagpapatamad sa tao Kasipagan ang solusyon Hindi lang dapat sa talino nakatuon
Lakandiwa: Atin munang puputulin Ang balitaktakan ng mga makata natin Sambit nila’y inyong pasyahan Kung talino ba o sipag ang dahilan.
_____1. Ano ang paksa na kanilang pinagtalunan?
- A. Sipag at talino
- C. Solusyon sa kahirapan
- B. Katamaran ng tao
- D. Bagay sa mundo
_____2. Ano ang panig ni Ren?
- A. Sipag
- C. Talino
- B. Sipag at Talino
- D. Walang pinapanigan
_____3. Ano ang panig ni Dea?
- A. Sipag
- C. Talino
- B. Sipag at Talino
- D. Walang pinapanigan
_____4. Ano ang tinutukoy ni Ren na puno’t dulo ng bagay sa mundo?
- A. Sipag
- C. Talino
- B. Sipag at Talino
- D. Katamaran
_____5. Sa iyong palagay ay sino ang tama? Bakit?
- A. Ren
- C. Dea
- B. Ren at Dea
- D. Wala sa dalawa
Talasalitaan
Panuto: Pagdugtungin ang mga salita na magkasingkahulugan sa Hanay A at Hanay B gamit ang linya.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. balitaktakan | 1. nalaman |
| 2. puno’t dulo | 2. manunula |
| 3. makata | 3. debate |
| 4. nakatuon | 4. simula at huli |
| 5. mapagtanto | 5. nakapokus |
Natutukoy mo ba kung anong anyo ng pantikan ang iyong binasa? Tama, ito ay isang Balagtasan. Kung ganoon, mas palalimin pa natin ang iyong kaalaman tungkol dito. Halika’t basahin ang kasunod na talakayan.
Suriin
BALAGTASAN
Ang salitang “balagtasan” ay nagmula sa orihinal na apelyido ni Francisco ‘Balagtas’ Baltazar. Nabuo ito mula sa pagpupugay at pagdiriwang ng anibersaryo ng kapanganakan ng may-akda ng Florante at Laura na si Francisco Baltazar. Ang mga Ilokano ay may Bukanegan na hango sa apelyido ni Pedro Bukaneg na kilalang makata ng Iloko. Ang mga Kapampangan naman ay may Crissotan, na hango sa apelyido ni Juan Crisostomo Soto na makata ng Kapampangan. Ang Bukanegan at Crissotan ay patunay ng pagkilala sa kadakilaan ng mga makata sa magkaibang rehiyon ngunit kapwa pananda o patunay ng pagdakila sa Ama ng Makatang Tagalog na si Francisco Balagtas na nauna at sandigan ng salitang balagtasan.
Naganap ang unang balagtasan noong Abril 6, 1924. Ibinatay nila ang anyo nito sa mga naunang uri ng patulang pagtatalo tulad ng Karagatan, Huwego de prenda, at Duplo. Ang mga kasali ay nagpapatalinuhan nang paghabi at pagpapahayag ng mga patulang pangangatwiran. Nagbibigay ito ng aliw sa pamamagitan ng katatawanan, simpleng pag-aasaran, pambihirang talas ng isip, at dramatikong paglalahad.
Mga Elemento ng Balagtasan
(Mula sa “Balagtasan Book One” na tinipon at isinaayos ni C.S. Canonigo)
1. Mga Tauhan
Ang balagtasan ay binubuo ng isang lakandiwa o lakambini na namamagitan sa dalawang mambibigkas na pagtatalunan ang isang paksa.
Bukod sa lakandiwa at dalawang mambibigkas, ang paksang pagtatalunan ay napakahalaga sa pagtatanghal ng balagtasan. Napapanahon at mahalagang paksa lamang ang dapat talakayin sa balagtasan.
Ang lakandiwa ang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang magtatalo. Siya rin (1) ang unang magsasalita at babati sa tagapakinig at tagapanood, (2) ang pormal na magbubukas ng balagtasan, (3) ang magpapakilala sa dalawang magtatalo, (4) ang magbibigay ng desisyon kung sino sa dalawang nagtalo ang nagwagi, at (5) ang magpipinid ng balagtasan.
Samantalang ang dalawang nagtatalo ay kailangang magharap ng mga ebidensiya at magpapaliwanag nang buong husay upang makumbinsi nila ang lakandiwa na sa kanila pumanig. Hindi rin maisasantabi ang manonood bilang ikatlong elemento ng balagtasan.
2. Pinagkaugalian
A. May Sukat – ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
B. Tugma – ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng dulo ng mga talutod sa panulaan.
a. Tugmang ganap – na nangangahulugang matapos ang mga talutod sa patinig o sa impit na tunog.
b. Tugmang di-ganap – ay nangangahuluang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa katinig
C. Indayog – tinatawag ding aliw-iw ang indayog. Ito ay tumutukoy sa tono kung paano binibigkas ang mga taludturan ang pagtaas at pagbaba ng bigkas ng mga patinig ng salita sa isang taludtod
3. Paksang Pagtatalunan
Ito ay bagay na pinag-uusapan o tatalakayin upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto nito. Pumapasok ang isyu ng pinagtatalunan na nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksa upang maliwang na maibigay ang sariling panig at kaalaman ukol dito.
TEMA ng mga sumusunod na PAKSA
Politika – tunggalian ng mga lapian sa kapangyarihan at pangangasiwa ng pamahalaan.
Pag-ibig – makapangyarihan at dakilang damdaming nag-uugnay sa isa’t isa.
Karaniwang Bagay- mga bagay sa paligid na maituturing na mahalaga.
Kalikasan – lahat ng bagay na nasa loob ng daigdig na hindi ginawa ng tao.
Lipunan – pangkat ng mga taong nabibilang sa iba’t ibang uri dahil sa kanilang kalagayan sa buhay at sa kanilang pamantayang pangkabuhayan.
Kagandahang-asal – kagandahan ng pag-uugali.
4. Mensahe o Mahalagang Kaisipan
- ito ay tawag sa ideya at damdaming nais iparating ng kabuoan ng ano mang sasabihin, teksto o akda tulad ng balagtasan. Binubuo ito ng simbolo na binibigyang kahulugan at isinatitik para maunawaan ang mensahe.
Paano Magtanong ng mga Bagay na Mahalaga
Ang magagandang tanong ay nauuwi sa mabuting pagkatuto, at buti na lang, ang magandang pagtatanong ay isang bagay na mapag-aaralan, mapapraktis, at matututuhan ninyong gawing mabuti. Narito ang paraan.
Magtanong ng mga Bagay na Mahalaga
Ang mahahalagang tanong ay yaong nagpapaisip at umaantig sa inyo, mga tanong na aakay sa inyo sa katotohanan, patotoo, at pagbabago. Maaari itong kapalooban ng maraming paksa, pero karaniwan ay kakaunti ang pagkakatulad ng mga ito: (1) hindi ito mababaw o batay lang sa katotohanan (bagama’t maaari itong itanong kasunod ng mga tanong na batay sa katotohanan), (2) may ilang kaugnayan ito sa ating pang-araw-araw na buhay, at (3) hinihikayat tayo nitong magbigay ng sagot na talagang pinag-isipan.
Naunawaan mo ba ang talakayan? Sige nga, subukan mong sagutan ang mga kasunod na gawain.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang palitan ng katwiran ng dalawang makata at pagkatapos ay bumuo ng sariling makabuluhang tanong tungkol dito.
Rica: Ang kagandahan ang higit na mahalaga sa mundo Aanhin mo ang talino kung wala ka naman nito Kagandahan ang tinutukoy ko Sapagkat dahil dito nakukuha ko ang aking gusto
Nikki: Sadyang ang kitid ng utak mo Wala kang mararating kung ganda lang ang panlaban mo Lahat alam yata ito Sa lahat ng bagay, gamit ay talino
A. Mga tanong:
B. Magbigay ng sariling opinion at katwiran tungkol sa paksang pinagtalunan.
Naging tama ba ang sagot mo? Tingnan ang wastong sagot sa susi ng pagwawasto upang malaman kung napunan mo ba ng tamang kasagutan ang dayagram. Ang susunod pang Gawain ay makatutulong sa iyo upang mas maintindihan ang araling ito. Halika at subukan mo…
Isaisip
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ang inaasam na karunungan.
- Ang pinakagusto kong gawain sa modyul na ito ay… _____
- Mahalaga sa akin ang aking natutuhan dahil… _____
- Gagamitin ko ang aking natutuhan para sa… _____
- Pauunlarin ko ang aking natutuhan dahil… _____
Isagawa
Panuto: Bumuo ng mga tanong na maaring pagtalunan sa isang Balagtasan mula sa sumusunod na paksa.
Halimbawa: Paggamit ng cell phone sa paaralan. Tanong: Tama bang ipagbawal ang pagdadala ng cell phone sa paaralan?
Mga kinahuhumalingang video games ng mga kabataang mag-aaral.
Tanong: _____Pagbibigay ng mga guro ng takdang-aralin kung Sabado at Linggo.
Tanong: _____Pagpapatawag ng paaralan sa mga magulang kapag hindi pumasa sa isang asignatura ang mag-aaral.
Tanong: _____Pagpapatupad ng online class ng DepEd.
Tanong: _____Paggamit ng mga gadget ng new normal na mag-aaral.
Tanong: _____
Tayahin
Panuto: Basahin ang palitan ng dalawang makata at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Nik: Mas marami kang matututuhan Kung modular ang iyong piniling paraan Lahat ng gusto mong malaman Ay mababasa mo na sa module na binigay ni Ma’am
Hindi kana gagastos ng pera Di katulad ng online class mo Papaload kapa, gastos talaga Sa modular, wala ka nang poproblemahin pa
Ken: Dito sa online class ko Hindi na ako gagamit ng notebook Sa computer ko na lang iniloklok
Mahal man sulit naman
Makisabay ka naman sa pag-inog ng mundo Teknolohiya na sa mundong ito Ang sabihin mo hindi ka marunong ng computer Kaya sa online class ka bitter
_____1. Tungkol saan ang paksang pinagtatalunan ng dalawang makata?
- A. Online class
- B. Online class at Modular class
- C. Modular class
- D. Computer
_____2. Isaliksik sa internet. Ano ang modular na paraan ng pag-aaral?
_____3. Isaliksik sa internet. Paano gawin ang online class?
Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng sariling balagtasan tungkol sa Covid19 pandemic. Ilahad nang maayos ang iyong pagsalungat at pagsang-ayon tungkol dito.
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed upright, with the Isagawa and Tayahin column first, then the Balikan and Isaisip column]
Susi sa Pagwawasto
Isagawa
- Angkop bang ipagbawal ang video games sa mga net café?
- Dapat bang tanggalin na ang takdang-aralin sa araw ng Sabado at Linggo?
- Tama bang ipatawag ng paaralan ang mga magulang kung bumagsak ang anak?
- Sang-ayon ka bang ipatupad ang online class ng DepEd?
- Totoo bang nakatutulong ang gadget sa new normal na mag-aaral?
Tandaan: Ito ay mga inaasahang sagot lamang, maaring tama pa rin ang sagot ng mag-aaral kapag nakuha ang diwa nito.
Tayahin
- B
- Printed modules ang pangunahing paraan ng pag-aaral.
- Gumagamit ng internet at hindi sa tradisyonal na classroom sa pagtuturo.
Balikan
Pangunahin: Labanan natin ang Covid-19.
Pantulong:
- #1 Mag-facemask lalo na’t nasa labas.
- #2 Maghugas ng kamay palagi at gumamit ng alcohol kung maari.
- #3 Higit sa lahat huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
Isaisip
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral depende sa kanilang natutuhan sa aralin.
Sanggunian
Infantado, Remedios, BAYBAYIN I Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino). Ramilito Correa – Koordineytor. Rex Book Store
Miranda, Lourdes L., Antonietta D. Tapang, Pilipina A. Guerrero, Corazon L. Santos, Ph.D., PUNLA I Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura. Felicidad Q. Cuaño – Tagapag-ugnay. Rex Book Store.
[transcriber’s note: the URL is broken across two lines in the print with a space after “sipag-o”; transcribed as printed]
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply