This is the Grade 8 Filipino self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 1: “Pangunahin at Pantulong na Kaisipan” (main idea and supporting ideas). It was prepared by DepEd Caraga Region under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) for learners studying at home. After the module, learners should be able to pick out the main idea and the supporting ideas in a text they read.
What learners will learn
The module lists one learning objective. After the lesson, the learner is expected to:
- Select the main and supporting ideas stated in a reading (“Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa”).
The module also says it builds on what learners studied in earlier grades and helps them value Filipino culture.
What is inside the module
The module has one lesson, Aralin 1: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan. It follows the usual self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Reads a paragraph about the February 22 to 25, 1986 revolution and writes its main idea and three supporting ideas. |
| Balikan (review) | Matches five descriptions to sources of research data: library, internet, newspaper or magazine, interview, and video. |
| Tuklasin (discover) | Reads a passage about the Commonwealth Government and finds its main idea. |
| Suriin (discussion) | Studies what main and supporting ideas are, with examples. |
| Pagyamanin (practice) | Writes the main idea of five paragraphs and tells whether it is at the beginning, middle, or end. |
| Isaisip (reflection) | Unscrambles six key words, then completes sentences about what was learned. |
| Isagawa (application) | Finds a poem about love for people, country, or nature, fills in a graphic organizer, then writes an original poem on the topic “Malasakit at Bayanihan” (care and helping one another). |
| Tayahin (assessment) | Matches main ideas to supporting ideas, then sorts four sentences about public health in the American period into main and supporting ideas. |
| Karagdagang Gawain (extra task) | Writes a 5- to 7-sentence paragraph about COVID-19 and boxes the main idea. |
An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included at the end.
Key ideas: main idea and supporting ideas
The module explains that a text has two kinds of ideas: the main idea, and the supporting ideas that say something about it.
Pangunahing kaisipan (main idea)
The main idea is the central thought of the whole text. It is usually stated in one sentence that tells directly what the paragraph is about. It is often the first sentence, but it can also be in the middle or at the end. The module gives one example of each:
- Beginning (unahang kaisipan): “Ang tao ay espesyal na nilikha ng Diyos” (humans are a special creation of God) opens the paragraph, and the next sentences explain why.
- Middle (gitnang kaisipan): In a paragraph about college life, the main idea “Ang buhay kolehiyo ay sadyang napakahirap” (college life is truly very hard) comes in the second sentence.
- End (hulihang kaisipan): A paragraph describes how a mother cares for and raises her children, then ends with the main idea “Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan” (our mother is called the light of the home).
Pantulong na kaisipan (supporting ideas)
Supporting ideas explain or give details about the topic sentence. The module shows three ways to give details:
- Use information that can be verified. Topic: Metro Manila is in danger of sinking. Detail: Manila floods every time it rains.
- Use statistics. Topic: The country’s economy is slowly improving. Detail: Last month, the Gross Domestic Product rose by 2.5 percent.
- Use examples. Topic: Many young people fall into vices. Detail: Some of these are smoking, gambling, and using illegal drugs.
In each case, the detail sentences support what the main idea says. Together they make the message clearer to the reader.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest. It tells you whether you need the module or can move on. Then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it later. Check your work with the answer key only after answering, and be honest. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child follow the order of the parts and keep the module clean. The module says a teacher or facilitator guide comes with it, with tips for those helping learners at home.
- Teachers: Use the pretest to see who needs more help. The Isagawa poem and the Karagdagang Gawain paragraph have no single right answer. The paragraph is scored with a rubric covering organization, correct main and supporting ideas, order of details, and clarity of message. Each criterion is rated from 5 (Napakahusay, excellent) to 1 (Maraming kakulangan, many gaps).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 8 Filipino, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 1. It was produced by DepEd Caraga Region as a first edition in 2020.
What is the difference between pangunahing kaisipan and pantulong na kaisipan?
The pangunahing kaisipan is the main idea, the central thought of the whole text, usually stated in one sentence. The pantulong na kaisipan are the supporting ideas that explain or give details about that main idea.
Is the main idea always in the first sentence?
No. The module says it is often the first sentence, but it can also appear in the middle or at the end of the paragraph, and it gives an example of each.
What are the ways to give supporting details?
The module names three: using information that can be verified, using statistics, and using examples.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest, review, practice, reflection, and assessment. The poem and paragraph writing tasks have no fixed answers and are scored with a rubric.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
[illustration: students reading and studying under a tree, with a teacher and a student beside a globe]
CO_Q2_Filipino 8_ Module 1
[illustration: Department of Education logo]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng___________________________ Department of Education – Rehiyon ng Caraga Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS) Teacher Development Center J. Rosales Avenue, Butuan City, Philippies, 8600 Telefax: (085)342-8207 / (085)342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Charlo S. Icong, Editor : Maria Consuelo C. Jamera, Dores P. Claro Tagasuri : Jessie C. Torreon, Ma. Liza S. Pellazar, Jocelyn P. Abellano, Noviemar T. Maur, Donna May D. Pinguit, Kristy Joyce E. Anino, Japheth K. Salar Tagaguhit : Tagalapat : Charlo S. Icong, May D. Olavides Tagapamahala : Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Gilda G. Berte, Feldrid P. Suan, Victoria B. Pabia, Jessie C. Torreon, Dores P. Claro
8
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a finger on a circle icon]
Tungkol saan ang modyul na ito?
Ang modyul na ito tungkol sa Pangunahin at Pantulong na Kaisipan ay may maramihang gamit. Una, matututuhan mo ang mga kakayahang nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit sa ibaba. Pangalawa, mas mapalalawak at mapalalakas ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa naunang baitang. Panghuli, matutulungan kang mas mapahalagahan ang kulturang Pilipino at mahalin nang mas higit pa ang iyong pagka-Pilipino.
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
- Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa.
1
CO_Q2_Filipino 8_ Module 1
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Sagutan ang panimulang pagsusulit. Layunin nito na alamin kung kailangan mo pa ang modyul na ito o tutuloy ka na sa susunod.
Panuto: Basahin ang talata. Isulat sa sagutang papel ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan na ginamit dito. Gawing gabay ang talaan na nasa ibaba.
Dinaan sa panalangin at pagkakaisa ng mga Pilipino ang pakikibaka laban sa isang diktador. Walang nagbuwis ng buhay ni gumamit ng dahas upang makamit ang minimithing kalayaan. Naging payapa at hindi madugo ang pakikipaglaban sa kalayaan ng mamamayang Pilipino. Sinasabing kakaiba ang rebolusyong naganap noong ika-22 hanggang 25 ng Pebrero taong 1986.
Pangunahing Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:
(1)_______________________________________________________________________
(2)_______________________________________________________________________
(3)_______________________________________________________________________
Natukoy mo ba nang tama ang kung alin ang pangunahing kaisipan at ang mga pantulong na kaisipan sa talata? Bago ka magpatuloy sa araling ito, balikan mo ang naunang aralin at sagutin ang kasunod na gawain.
2
CO_Q2_Filipino 8_ Module 1
3
CO_Q2_Filipino 8_ Module 1
Aralin 1
Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece]
Panuto: Piliin ang angkop na paksa sa inilalahad na kaisipan ng bawat bilang tungkol sa pinagkunan ng mga datos. Isulat ang salita sa sagutang papel.
A. Pahayagan/Magasin D. Interbyu B. Aklatan E. Internet C. Video F. Tesis
- Ito ang pinakapopular na lugar upang mapagkunan ng mga materyales na magagamit sa isinasagawang pananaliksik.
- Kailangan nito ang kaalaman sa paggamit ng kompyuter upang makakuha ng mga impormasyon na nais hanapin.
- Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas.
- Pakikipag-usap, pagtatanong o pag-uusisa sa taong may kaugnayan sa paglilinaw sa paksang napili o isinasagawa.
- Isang materyal na kailangang panoorin bago makakuha ng mga nais na impormasyon.
Binabati kita dahil nasagot mo nang tama ang balikan! Ngayon ay handa ka nang simulan ang bagong aralin sa modyul na ito. Halika at tuklasin mo kung ano ito.
4
CO_Q2_Filipino 8_ Module 1
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant]
PANUTO: Basahin at tukuyin ang pangunahing kaisipan ng talataan.
Sa pagnanais ng mga Pilipino na magsarili, nagsikap silang makipag-ugnayan sa pamahalaang Estados Unidos. Dito isinilang ang isang trasitional government, ang Pamahalaang Komonwelt.
Isang republika ang Pamahalaang Komonwelt sa ilalim ng pampanguluhang uri. Nasa ilalim noon ang lehislatura sa isang sangay ang Pambansang Asamblea, ngunit nang lumaon, ang Kongreso’y binuo ng dalawang sangay – ang Senado at Kongreso. Ibinigay sa Korte Suprema at mababang hukuman ang kapangyarihang pagpasyahan ang mga isinampang kaso batay sa itinatadhana ng batas. May sariling awtonomiya ang Pamahalaang Komonnwelt sa mga isyung may kaugnayan sa bansa at sa ibang bansa.
Bilang pangulo ng pamahalaang Komonwelt, tatlong pangunahing suliranin ang binigyang-pansin ng Pangulong Quezon: (1) pampulitikang katatagan, (2) seguridad, at (3) pagpapaunlad ng kabuhayan.
Halaw sa Wika at Panitikan sa makabagong Henerasyon ni Angelita A. BInsol, et.al. Diwa Scholastic Press Inc. 2003
Ano ang pinapaksa ng talataan? Tama, naglalahad ito tungkol sa Pamahalaang Komonwelt. Natukoy mo ba ang pangunahing kaisipan? Sige nga, tingnan natin kung pareho ba ang ating napiling kaisipan. Ito ba? Isang republika ang Pamahalaang Komonwelt sa ilalim ng pampanguluhang uri. Kung ganoon, mas pailalimin pa natin ang iyong kaalaman. Halika’t basahin ang kasunod na talakayan.
Suriin
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN
Ang isang teksto ay nagtataglay ng mahahalaga at tiyak na detalye tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari. Napalalawak natin ang paksa sa tulong ng mga ideyang sumusuporta rito upang maging mas malinaw at naiintindihan ang nais na ipahatid sa mga mambabasa.
Nahahati sa dalawa ang teksto: ito ang pangunahing kaisipan at isa ay pantulong na mga ideya na nagsasabi tungkol sa pangunahing kaisipan. Isa-isahin natin ito at pansinin ang mga halimbawa.
Pangunahing kaisipan – Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa diwa ng buong teksto. Ito ang nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa sa talata. Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata. Kadalasan itong matatagpuan sa unang pangungusap. Maari ring mabasa sa gitna ng talata maging sa huling pangungusap ng talata.
Halimbawa:
Unahang Kaisipan:
Ang tao ay espesyal na nilikha ng Diyos. Kung ating ihahambing nga naman sa iba pang nilikha ng Diyos sa daigdig, walang pag-aalinlangan na ang tao ay nakahihigit sa lahat. Ito rin ay mababatay sa antas ng pag-iisip ng utak.
Gitnang Kaisipan:
Bilang isang estudyante sa kolehiyo, kailangan mong matutong magsikap mag-isa dahil walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Ang buhay kolehiyo ay sadyang napakahirap. Kailangan mo rin talagang magsunog ng kilay para makakuha ng mataas na marka at ugaliing magbasa sa aralin na napag-aralan na at mapag-aralan pa.
Hulihang Kaisipan:
Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang hanggang sa paglaki. Siya rin ang humuhubog sa ating pagkatao para tayo ay maging mabuting anak. Pinag-aaral niya tayo para sa ating kinabukasan. Bilang ganti, dapat natin siyang mahalin at maging mabuting anak sa kanya. Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan.
Pantulong na kaisipan – ang pantulong na kaisipan naman ang nagbibigay paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang pangungusap.
May mga paraan ng pagbibigay ng detalye sa pamaksang pangungusap. Narito ang ilan:
a. Gumamit ng impormasyon na maaaring mapatotohanan
Halimbawa:
Pamaksa: Nanganganib lumubog ang Kalakhang Maynila sa darating na 2020.
Detalyeng Mapatotohanan: Tuwing umuulan binabaha na ang Maynila.
b. Gumamit ng mga istadistika
Halimbawa:
Pamaksa: Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang bumubuti.
Pantulong: Sa nakaraang buwan, umakyat ng dalawang puntos limang bahagdan ang Gross Domestic Product ng ating bansa.
c. Gumamit ng mga halimbawa
Halimbawa:
Pamaksa: Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t ibang bisyo.
Pantulong: Ang ilan sa mga ito’y paninigarilyo, pagsusugal, at paggamit ng bawal na gamot.
Kung mapapansin sa mga halimbawa na nasa itaas, ang hindi nakasalungguhit na mga pahayag ay sumusuporta o nagbibigay detalye na isinasaad sa pangunahing kaisipan. Ang bawat detalyeng ito ay mga pantulong na kaisipan.
Naunawaan mo ba ang talakayan? Sige nga, subukan mong sagutan ang mga kasunod na Gawain.
Naunawaan mo ba ang talakayan? Sige nga, subukan mong sagutan ang mga kasunod na gawain.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang talata at isulat ang pangunahing kaisipan sa sagutang papel. At sabihin kung saang bahagi (unahan, gitna o hulihan) ng talata nakuha ang pangunahing kaisipan.
- Ang panitikan sa panahon ng Amerikano at Komonwelt ay naging masigla at maunlad. Naging malaya ang mga manunulat sa alinmang akda na kanilang isusulat. Marami ang nailimbag na mga aklat pampanitikan at mga babasahin sa panahong ito.
Sagot: Bahagi ng talata: _____
- Totoo, ang mga doktor, nars at ibang mga frontliners ay handang magbuwis ng kanilang buhay. Sila ang ating mga bagong bayani sa kasalukuyan. Nagtiis at nagsakripisyo upang alagaan ang mga maysakit lalo na ang nagpositibo sa corona virus.
Sagot: Bahagi ng talata: _____
- Ang pagpapatupad ng edukasyon sa Pilipinas ng mga Amerikano ay mayroong tatlong layunin. Una, upang palaganapin ang demokrasya. Pangalawa, sanayin ang mga Pilipino sa pagkamamamayan at ang panghuli ay ipakalat ang wikang Ingles sa ating bansa.
Sagot: Bahagi ng talata: _____
- Sa panahon ng mga Amerikano, sinimulan ang pagtatatag ng mga pampublikong paaralan at ginawa itong sapilitan. Ginamit ang wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Hindi maipagkaila na ang pamahalaan ng Estados Unidos ang namamahala sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa Pilipinas.
Sagot: Bahagi ng Talata: _____
- Ganito ang sitwasyon ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan. Nagkaroon ng malubhang problema sa komunikasyon ang bawat Pilipino. Labis na hindi sila nagkakaintindihan at hindi nagkakaisa sa kanilang pag-iisip, pagnanasa at pagkilos sa pambansang kaunlaran. Sapagkat hindi mabisa ang komunikasyon sa isa’t isa.
Sagot: Bahagi ng Talata: _____
Naging tama ba ang sagot mo? Tingnan ang wastong sagot sa susi ng pagwawasto upang malaman kung natukoy mo ba ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan. Ang susunod pang Gawain ay makatutulong sa iyo upang mas maintindihan ang araling ito. Halika at subukan mo.
Isaisip
Panuto: Buoin ang mga ginulong letra. Isulat sa patlang ang angkop na salita.
- _____ (A K A I / I S N P)
- _____ (T S U O / R A P)
- _____ (U P A G H / N A I N N)
- _____ (K O T / E S T)
- _____ (A P N G / U L O N T)
- _____ (W I A D / P A O)
B. Gamit ang mga salita sa taas, dugtungan ang mga pahayag na nagsasaad sa iyong natutuhan sa araling ito.
- Sa araling ito, natutuhan ko _____.
- Masasabi ko na _____.
- Para sa akin, mahalaga ito _____
Isagawa
Panuto: Magsaliksik ng isang tula tungkol sa Pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan. Pagkatapos mabasa ang tulang nasaliksik, tukuyin at isulat sa graphic organizer ang pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan na naglalahad sa diwang nais iparating ng sumulat sa mambabasa.
[chart: graphic organizer; Isagawa, part A]
Pamagat ng Tula: _____
Pangunahing Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
| _____ | _____ |
| _____ | _____ |
| _____ | _____ |
B. Sumulat ng sariling tula gamit ang pangunahin at pantulong na kaisipan na nasa itaas. Isulat sa sagutang papel.
Paksa: Malasakit at Bayanihan
Tayahin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang pantulong na kaisipan ng pangunahing kaisipan na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Ang paggamit ng kompyuter ay magbibigay ng kagalingan sa isang indibidwal. | A. Labis na naapektuhan ang mga bata kung may krisis. |
| 2. Sinikap ng DepEd na maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya. | B. May mga magulang na nais patigilin ang kanilang mga anak dahil sa Covid 19. |
| 3. Dumami ang kaso ng COVID 19 sa mga rehiyon ng bansa nang ipatupad ang Balik-Probinsya Program. | C. Naghihintay ang bawat isa sa hatol na haharapin. |
| 4. Ang pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho sa bansa ay nakababahala. | D. Napaaayos nito ang paghahanda ng alinmang ulat gamit ng iba’t ibang software. |
| 5. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga kabataan. | E. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na apektado ng virus. |
| F. Umasa ng tulong mula sa gobyerno at pribadong organisasyon ang hindi na makapaghanapbuhay. |
[chart: graphic organizer; Pangunahing Kaisipan and three Pantulong na Kaisipan boxes]
transcriber’s note: the heading for this organizer is not printed on this page; it appears at the top of the page before part B.
Pangunahing Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
B. Basahin at kilalanin ang mga kaisipan at pagkatapos, isulat sa sagutang papel ang pangunahin at pantulong na kaisipan. Gamitin ang dayagram na nasa ibaba.
(1) Ito raw ay hindi nabigyang-pansin ng mga Kastila.
(2) Nagpatayo sila ng mga ospital at iba pang sentro ng kalusugan.
(3) Ang sistema ng pampublikong kalusugan sa Pilipinas ay may mga pagbabago na sa panahon ng mga Amerikano.
(4) Subalit, nahirapan ang mga Amerikano sa pagtuturo ng kalinisan sa mga Pilipino dahil sa iba’t ibang uri ng kanilang pamumuhay.
(5)
transcriber’s note: item (5) is printed with no text.
[chart: diagram; part B, unnumbered organizer]
Pangunahing Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa kasalukuyang problemang hinaharap ng ating bansa, ang COVID 19. Ang talata ay kailangang nagtataglay ng 5 hanggang 7 na pangungusap. Ikahon ang pangunahing kaisipan.
| Pamantayan sa Pagmamarka | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |
|---|---|---|---|---|---|
| Nailalahad nang maayos ang talatang binuo. | |||||
| Natutukoy ang pangunahin at pantulong na kaisipan. | |||||
| Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. | |||||
| Malinaw na nailalahad kung ano ang nais ihatid para sa mga mambabasa. | |||||
| Kabuoang Puntos | |||||
| 5 | 4 | 3 | 2 | 1 | |
| Napakahusay | Mahusay | Katamtaman | Di-mahusay | Maraming kakulangan |
transcriber’s note: in the printed table, “Kabuoang Puntos” is a single merged row across the scoring columns, and the row of descriptors “Napakahusay” to “Maraming kakulangan” is aligned under the numbers 5 to 1.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Pangunahin: Sinasabing kakaiba ang rebolusyong naganap noong ika-22 hanggang 25 ng Pebrero taong 1986.
Pantulong:
- Dinaan sa panalangin at pagkakaisa ng mga Pilipino ang pakikibaka laban sa isang diktador.
- Walang nagbuwis ng buhay ni gumamit ng dahas upang makamit ang minimithing kalayaan.
- Naging payapa at hindi madugo ang pakikipaglaban sa kalayaan ng mamamayang Pilipino.
Balikan
- Aklatan
- Internet
- Pahayagan/ magasin
- Interbyu
- Video
Pagyamanin
- Ang panitikan sa panahon ng Amerikano at Komonwelt ay naging masigla at maunlad. (una)
- Sila ang ating mga bagong bayani sa kasalukuyan. (gitna)
- Sa pagpapatupad ng edukasyon sa Pilipinas ng mga Amerikano ay mayroong tatlong layunin. (una)
- Hindi maipagkaila na ang pamahalaan ng Estados Unidos ang namamahala sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa Pilipino. (hulihan)
- Nagkaroon ng malubhang problema sa komunikasyon ang bawat Pilipino.
Isaisip
- KAISIPAN
- SUPORTA
- PANGUNAHIN
- TEKSTO
- PANTULONG
- DIWA
B.1. …ang pangunahin at pantulong na kaisipan. 2. …ang pantulong na kaisipan ay sumusuporta sa diwa ng pangunahing kaisipan. / …ang pangunahing kaisipan ay kabuoang diwa ng teksto. 3. …upang maipahayag ang pangunahing diwa at pantulong na mga kaisipan.
Tayahin
- D
- B
- E
- F
- A
Karagdagang Gawain
Pangunahing Kaisipan: #3
Pantulong na Kaisipan: #1, #2, #4
Magkakaiba ang talatang makasulat batay sa pananaw sa paksa sa kanilang aaral. Ang pagmamarka ay naayon sa pamantayan.
Sanggunian
Infantado, Remedios, BAYBAYIN I Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino). Ramilito Correa – Koordineytor. Rex Book Store
Miranda, Lourdes L., Antonietta D. Tapang, Pilipina A. Guerrero, Corazon L. Santos, Ph.D., PUNLA I Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura. Felicidad Q. Cuaño – Tagapag-ugnay. Rex Book Store.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply