Filipino 6 Quarter 2 Module 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto

Filipino 6 Quarter 2 Module 13 teaches learners to record data from a text they read, using tables, outlines, three clear steps, and an answer key.

This is the Filipino 6 self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 13: “Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto” (recording data based on a text you have read). It is written for Grade 6 learners studying at home under DepEd’s Alternative Delivery Mode, with guidance from a parent or teacher. By the end, learners should be able to pick out the important facts in a text and write them down in an organized way, such as in a table or an outline.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module has one learning objective. After it, the learner is expected to:

  • record data from a text they have read (nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto), F6SS-IIb-10

A friendly guide character named Kokoy walks learners through each part of the module.

Why recording data matters

The module explains that recording data from what you hear, read, or watch is an important skill. It sharpens critical thinking. Writing down the key facts shows that you understood the text, and you can use those notes later, for example when you are asked to write a report after reading.

Before you start, know what you are reading and why you are reading it.

The three stages of recording data

The module teaches three stages:

  1. Panimulang paghahanap (initial survey): Look at the text’s physical form, its title, its author, and its length.
  2. Pagsusuri (analysis): Check what kind of text you will get information from, including the language it uses.
  3. Pagbasa at pagtatala (reading and recording): Read with understanding and write down the important information. Reread if you need to. Go back to what the task asks for so you record the right answers. Make sure your data is accurate so that it is believable.

Texts and activities in the module

Each part gives learners a short text and asks them to fill in a table or an outline (balangkas) with facts from it.

PartTextWhat learners record
Subukin (pretest)“Kayamanan ng Pilipinas” (the wealth of the Philippines)Population figures for 1570, 1591, 1948, 1970, and 1980, epidemics that were stopped, and the health bureau that was set up
Balikan (review)“Pagsali sa Hiphop Dance, Di-natuloy!” (joining the hip-hop dance, cancelled)Descriptive sentences using adjectives and adverbs about Majah, who got dengue before a dance contest
Tuklasin (discover)“Ang Coronavirus”What the virus is, common symptoms, how it spreads, and protective measures
Pagyamanin (practice)“Talambuhay ni Manny Pacquiao” (biography of Manny Pacquiao)His full name, his wife, parents, five children, and ten titles
Isaisip (remember)NoneWhat to keep in mind when recording data and why it matters
Isagawa (apply)A short paragraph about Liza’s math grades from July to DecemberThe subject, the learner, and the months with her lowest, highest, and 90 grades
Tayahin (assessment)“Benepisyo ng Luya” (benefits of ginger)Cooking uses, nutrients, and illnesses ginger is used for
Karagdagang Gawain (extra activity)“Bakuna o Vaccine”The body system a vaccine works on, what COVID-19 brought people, and the benefits of vaccines

For example, in the Tuklasin outline, learners list the symptoms named in the text: difficult or short breathing, fever, and cough and colds. They also write “droplet transmission” as the way the virus spreads.

How to use this module

  • Learners: Answer the Subukin first to see what you already know. Then go through the parts in order, from Balikan to Karagdagang Gawain. Do not write on the module. Use a separate answer sheet (sagutang papel) for every activity. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and be honest when you use it.
  • Parents and guardians: Help your child read each text slowly and go back to it when a question asks for a specific detail. The module asks learners to contact their teacher right away if they have trouble understanding the lesson.
  • Teachers: Many answers, especially in Balikan, Isaisip, and the Karagdagang Gawain, are open-ended. A note for teachers says you will check the learner’s possible answers. The next module in the series is Module 14: “Pagsulat ng sulating Di-Pormal at Pormal” (writing informal and formal compositions).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 6 Filipino, second quarter (Ikalawang Markahan). It is Module 13 of the series.

What competency does the module cover?

It covers recording data from a text that was read, with the competency code F6SS-IIb-10.

What are the three stages of recording data taught in the module?

First, an initial survey of the text’s form, title, author, and length. Second, an analysis of the kind of text and its language. Third, careful reading and recording of the important information, rereading when needed.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain. Some answers are open-ended and are checked by the teacher.

What comes after this module?

The next one is Module 14: Pagsulat ng sulating Di-Pormal at Pormal, which is about writing informal and formal compositions.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto

6

FILIPINO

Ikalawang Markahan–Modyul 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto

[illustration: students reading and writing under a tree, a teacher with a group of learners at a desk, and a boy writing by a lantern beside a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q2_Filipino6_Module13

Filipino – Baitang 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto Unang Edisyon, 2019

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amelita L. Bulquerin Editor: Lilibeth D. Meliton, Bennedick T. Viola Tagasuri: Susan J. Quistadio, Junry M. Esparar; Celestino S. Dalumpines IV Tagaguhit: Froilan T. Detoga, Jr. Tagalapat: Jeson A. Telesforo; Glenn P. Dollete Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma; Salvador O. Ochavo, Jr.; Elena P. Gonzaga; Jerry A. Oquindo; Segundina F. Dollete; Shirley A. De Juan; Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

FILIPINO

Ikalawang Markahan–Modyul 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.

Alamin

[illustration: Kokoy, a boy character holding a laptop with an apple logo]

Kumusta ka na kaibigan? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makakasama mong muli sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang nakaraang modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa panibagong modyul na ito.

Nakahanda ka na ba sa panibagong paglalakbay? Sigurado ako na magiging masaya ka dahil magkakaroon ka ng bagong kaalaman.

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

  • nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto. (F6SS-IIb-10)

Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay sa iyo. Handa ka na ba? Tayo na!

CO_Q2_Filipino6_Module13

Subukin

Basahin at unawain ang teksto.

Kayamanan ng Pilipinas

[illustration: a group of people of different ages, including a teacher pointing at a chalkboard and children raising their hands]

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamalaking populasyon. Ito ay itinuturing na isang kayamanan, ang yamang tao (human resources). Noong 1570, tinatayang kalahating milyon ang populasyon ng bansa na noo’y nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Noon namang 1591, naitala ang populasyon sa 667,612 batay sa bilang ng mga nagsisipagbayad ng buwis sa mga encomienda. Tinatayang 1,502,574 ang naging populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng madla.

Noong 1896, ibinatay ang muling pagtataya sa populasyon sa ginawang census ng mga Kastila buhat noong taong 1877. Sa kabuoan, ang populasyong nakuha ay mahigit anim na milyon na may taunang paglaki sa bilis na kalahating bahagdan mula noong census ng 1887.

Bumilis ang paglaki ng populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng nakararami. Napigilan ang pagkalat ng mga epidemya ng kolera, bulutong at salot nang itatag ang Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kuwarentenas. Ang mga mamamayan ay natuto ng wastong pangangalaga sa kalusugan at kalinisan. Sa pag-alis ng mga Amerikano noong 1948, tinatayang 19,234,182 ang dami ng mga Pilipino. Lumaki ang populasyon ng Pilipinas habang lumilipas ang panahon. Mula noong 1970, ang populasyon nating 36.7 milyon ay umabot sa 48.39 milyon noong 1980. Ang antas ng pamumuhay noon ay tumaas din.

Mula sa: https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807

CO_Q2_Filipino6_Module13

Panuto: Itala ang datos na hinihingi sa talahanayan mula sa binasang teksto. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

transcriber’s note: the table below has no header row in the original; the header cells are left empty.

1. Itinuturing na kayamanan ng Pilipinas.
2. Mga naitalang populasyon sa sumusunod na taon:
• 1570
• 1591
• 1948
• 1970
• 1980
3. Mga epidemyang kumalat at napigilan.
4. Institusyong itinatag para mapigilan ang pagkalat ng mga epidemya.
5. Ang natutuhan ng mga mamamayan matapos ang epidemya.

Aralin 1 Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto

Balikan

Panuto: Basahin ang sumusunod at gawin sa sagutang papel ang gawain sa ibaba

Pagsali sa Hiphop Dance, Di-natuloy!

Si Majah Jusan ay isang mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng kursong edukasyon medyor sa Physical Education (P.E.) sa isang pribadong paaralan sa Capiz. Isang araw itinalaga siyang isa sa mga miyembro ng hiphop dancers sa kanilang departamento at sasabak sa paligsahan sa araw ng Foundation ng paaralan nila. Habang sila ay nag-eensayo sumakit ang kaniyang ulo, sumunod ang lagnat, dahil sumasayaw hindi niya ito pinapansin. Halos tatlong araw rin na pabalik-balik ang kaniyang lagnat. Sinabihan ng ina na huwag ng sumali sa paligsahan pero ayaw niya. Gustong-gusto niya kasi ang pagsasayaw. Dahil nag-aalala ang ina bago siya pinabalik para sa practice nagpacheck up muna sila sa doktor at napag-alaman na positibo siya sa dengue. Pinagpahinga siya ng ina. Ngunit sunod na araw, bumalik na naman siya sa pag-eensayo hanggang sa saulado na niya ang sayaw. Gabi bago ang paligsahan sumama ang kaniyang pakiramdam nahirapan siyang huminga at sakit nang sakit ang kaniyang tiyan. Agad sinabi ng ama na dadalhin siya sa ospital. Ngunit ayaw niya kasi may contest nga kinabukasan. Pinagalitan siya ng ama kaya nagdesisyon na ring sumunod sa sinabi ng ama ngunit siya ay iyak nang iyak. Alam niya na madi-disqualify ang grupo nila dahil kulang ng isang miyembro.

Sariling Katha: Susan J. Quistadio

Gawain: Ipahayag ang iyong sariling ideya sa pamamagitan ng paglalarawan. Sumulat ng pangungusap na naglalarawan na makikita sa bawat bilang. Gumamit ng mga pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag ng iyong ideya.

Ilarawan ang sumusunod:Pangungusap na nagpapahayag ng sariling ideya sa pamamagitan ng paglalarawan
1. Si Majah Jusan bilang isang hiphop dancer
2. Ang pag-eensayo ng mga hiphop dancers
3. Nang magkasakit ng dengue si Majah
4. Ang mga magulang ni Majah
5. Ang damdamin ni Majah sa kaniyang desisyon na pagsunod sa ama
Tuklasin

[illustration: boy holding a tablet showing an apple, beside a speech bubble]

Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman kaibigan. Halika at basahin ang teksto sa ibaba. Unawain ng mabuti ang teksto at itala ang mahahalagang impormasyon mula sa binasa.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Gawin ang kasunod na gawain sa iyong sagutang papel.

Ang Coronavirus

Ang cononavirus ay pamilya ng mga virus na nagbibigay ng iba’t ibang uri ng sakit gaya ng mula sa karaniwang ubo at sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon. Kung malubha ang kaso, puwede itong maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato, at pagkamatay. Ang karaniwang sintomas ng sakit na dulot nito ay hirap at pag-iksi ng paghinga, lagnat, at ubo’t sipon. Naipapasa ang virus na ito sa pamamagitan ng droplet transmission o paglanghap sa tumalsik na laway na napunta sa hangin mula sa taong infected o positibo dito. Gaya rin ito ng pag-spray ng tubig sa hangin.

Kailangan pangalagaan at protektahan ang sarili laban sa sakit na dulot nito sa pamamagitan ng pagsunod sa protective measures na ipinatutupad ng pamahalaan sa paggabay ng Kagawaran ng Kalusugan. Ito ay gaya ngunit hindi limatado sa sumusunod: paghugas lagi ng kamay gamit ang sabon at paggamit ng alcohol at hand sanitizer, pagsusuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay, pag-iwas sa matataong lugar, pagsunod sa social distancing, pagtakip sa bibig kung bumabahing, pag-iwas sa mga taong kinakitaan ng sintomas ng sakit, pag-inom ng maraming tubig, pagtiyak na luto ang mga pagkaing kinakain, at agarang pagkonsulta sa doctor kung nakaramdam ng mga sintomas.

Protektahan ang sarili at komunidad. Maging ligtas sa COVID-19.

Gawain: Itala ang mga hinihinging datos/impormasyon sa balangkas mula sa binasang teksto. Isulat ito sa iyong sagutang papel.


Pamagat

I. Kaalaman tungkol sa coronavirus

A. _____

B. _____

II. Mga karaniwang sintomas ng sakit dulot ng coronavirus

A. _____

B. _____

C. _____

III. Dahilan ng pagpasa o pagkahawa ng sakit dulot ng coronavirus

A. _____

IV. Protective Measures o pamamaraan ng pag-iwas sa sakit dulot ng coronavirus

A. _____

B. _____

C. _____

D. _____

E. _____

F. _____

G. _____

H. _____

Suriin

[illustration: magnifying glass with a question mark]

Balikan natin ang iyong binasang teksto sa bahaging TUKLASIN. Suriin natin kung paano mo itinala ang mga datos mula sa iyong binasa.

Paano mo itinala ang mga hinihinging datos sa balangkas mula sa iyong binasa?

Mahusay! Binasa mong mabuti at inunawa ang teksto at sinuring mabuti mula sa binasa ang hinihinging impormasyon sa balangkas.

Mahalagang kasanayan na dapat mong matutuhan ang pagtatala ng datos mula sa napakinggan, nabasa, o napanood. Ito ay isang pamamaraan ng pagsusuri na hahasa sa iyong kritikal at mapanuring pag-iisip.

Sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang datos, maipakikita at mapatutunayan mong naunawaan mo ang iyong pinakinggan, binasa o pinanood. Maaari ding magamit ang mga naitalang datos o impormasyon para sa hinaharap at sa iba pang makabuluhang layunin.

Paano ba ang epektibong pagtatala ng datos mula sa binasa?

Ang pagtatala ng datos mula sa tekstong binasa ay mahalaga lalo pa’t kung ikaw ay inatasan na gumawa ng ulat pagkatapos ng pagbasa. Mahalagang alam mo kung ano ang iyong binabasa at kung ano ang iyong layunin sa pagbasa nito.

Narito ang tatlong yugto ng pagtatala ng datos.

  1. Panimulang paghahanap– sa bahaging ito tinitingnan ang pisikal na anyo ng teksto, ang pamagat, may-akda at maging ang haba nito.
  2. Pagsusuri– suriin kung anong teksto ang iyong pagkukunan ng impormasyon kasama na ang wikang ginamit sa akda.
  3. Pagbasa at pagtatala– basahin nang may pag-unawa at itala ang mahahalagang impormasyon. Kung kailangang basahing muli upang higit na maunawaan ang akda ay gawin ito. Balikan ang mga kahilingan nang sa ganoon ay maitala ang kakailanganing sagot o impormasyon. Siguraduhing wasto ang mga datos na natatala upang ito ay maging kapani-paniwala.
Pagyamanin

[illustration: letter blocks A, B, C]

Gawain 1

Basahin ang akda at itala ang mga datos o impormasyon na hinihiling pagkatapos nito.

I. Ibigay ang buong pangalan ni Manny Pacquiao

A. _____

II. Pangalan ng asawa ni Manny Pacquiao

A. _____

Talambuhay ni Manny Pacquiao

Si Emmanuel “Manny” Pacquiao o Pacman, ay isinilang noong ika-17, ng Disyembre 1978, isang Pilipinong propesyonal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon. Nanalo ng sampung titulo at unang nakakamit ng Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon. Isang senador sa kasalukuyan na nagsimula noong Hunyo 30, 2016.

Emmanuel Dapidran Pacquiao ang buong pangalan na isinilang a Kibawe, Bukidnon. Anak nina Rosalio Pacquaio at Dionisia Dapidran. Jinkee Jamora Pacquiao naman ang pangalan ng kaniyang asawa at may limang anak na sina Emmanuel Jr, Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Kasalukuyang naninirahan sa Kiamba, Sarangani. Ngunit kilalang maraming bahay na nabili at naipatayo sa maraming lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Si Pacman ay binansagang Fighter of the Year noong taong 2000 ng Boxing Writers Association of America, at World Boxing Council. Naging Fighter of the Year din siya noong 2006,2008,2009 ng The Ring at BWAA. Best fighter ESPY Award noong 2009 at 2011.

Ang mga titulong kampeon nito ay IBO World Junior Welterweight, kampeon ng WBC World Lightweight, kampeon ng The Ring World Junior Lightweight. kampeon ng WBC World Super Featherweight, kampeon ng The Ring World Featherweight. kampeon ng IBF World Junior Featherweight, at kampeon ng WBC World Flyweight. Kampeon rin sa WBC Emeritus, kampeon ng WBC Diamond, WBO Super Champion.

Kinilala rin siyang Pambansang Kamao at bayani ng mga Pilipino.

Sariling Akda Susan J. Quistadio

III. Pangalan ng magulang Ni Manny Pacquaio

A. _____ tatay

B. _____ nanay

IV. Isa-isahin ang mga anak ni Manny Pacquiao

A. _____

B. _____

C. _____

D. _____

E. _____

V. Itala ang mga titulong napanalunan ni Manny

A. _____

B. _____

C. _____

D. _____

E. _____

F. _____

G. _____

H. _____

I. _____

J. _____

Isaisip

[illustration: light bulb]

Tandaan natin ito!

A. Punan ang sumusunod na talahanayan.

ANO-ANO ANG MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALA NG DATOS MULA SA BINASANG TEKSTO?GAANO ITO KAHALAGA?

B. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.

Kinakailangang maayos ang pagtatala ng datos mula sa binasang teksto dahil_____ _____.

Isagawa

[illustration: wrench and gears]

Basahin ang teksto at itala ang datos o impormasyong hinihingi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kaniyang marka sa matematika noong nakaraang anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre ang marka niya sa Hulyo 85, Agosto 87, Setyembre 90, Oktubre 90, Nobyembre 92 at Disyembre 95.

A. Asignaturang binanggit sa talata


B. Batang tinutukoy


C. Buwang 90 ang marka si Liza


D. Buwang siya may pinakamababa na marka


E. Buwang siya ay may pinakamataas na marka


Tayahin

[illustration: boy holding a tablet showing an apple, beside a speech bubble]

Ang galing kaibigan. Umabot ka na sa Tayahin. Ano madali lang ba? Sukatin natin ngayon ang nabuo riyan sa isipan mo. Sagutin mo nang tama ang bawat katanungan dito ha? Sige simulan mo na.

Basahin ang teksto at itala ang mga datos ng makikita rito ayon sa kahilingan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Benepisyo ng Luya

Luya, isang halamang may halong dilaw at berde na kulay ngunit mas kilala sa ugat nito o ginger root sa Ingles ay karaniwang ginagamit bilang sangkap sa pagluluto. Kilala ito sa kakaibang binibigay na lasa at pantanggal ng lansa sa pagkain.

Subok din ang luya sa usaping pangkalusugan. Ito’y hinihiwa ng pinong-pino upang gawing tsaa o salabat. Ayon sa United States Department of Agriculture National Nutrient Database, mayaman sa carbohydrates, fiber, at protein ang luya. Maliban dito taglay rin nito ang potassium, magnesium, phosphorus, at sodium. Kasama pa ang bitamina C, B5 at folate. Marami rin itong anti-inflammatory at antioxidants.

Nakatutulong ang luya sa paggamot ng sakit tulad ng ubo, sipon, at makating lalamunan. Sa panahon ngayon ng pandemya na dala ng COVID-19 ito’y sinusubok ng karamihan. Sa kadahilanang inaatake ng virus ang respiratory system kabilang ang ilong, lalamunan, at hanggang baga na may sintoma ng ubo, sipon at makating lalamunan.

Bagama’t maraming nagsasabing ito ay nakatutulong sa paggamot o paglaban sa naturang virus, hindi pa ito napapatunayan scientifically.

Sariling akda: Susan J. Quistadio

Pagtatala sa balangkas


Pamagat

I. Gamit ng luya sa pagluluto

A. _____

B. _____

II. Taglay ng luya ayon sa United States Department of Agriculture National Nutirents Database

A. _____

B. _____

C. _____

III. Maliban sa natuklasan ng USDA/NND, itala ang iba pang taglay ng luya.

A. _____

B. _____

C. _____

D. _____

E. _____

F. _____

G. _____

H. _____

IV. Karamdamang ginagamot ng luya

A. _____

B. _____

C. _____

Karagdagang Gawain

[illustration: two gears]

Basahin at unawaing mabuti ang akda at itala ang datos na makukuha rito ayon sa kahilingan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bakuna o Vaccine

Sa panahon ng Pandemya na dala ng COVID-19 ang tao ay natatakot at nangangamba at naghahanap ng lunas o panangga sa nasabing virus. Kaya ang bakuna ay isa sa naisip ng nakararami maging ng pamahalaan na makapapawi sa takot at pangamba ng mga tao.

Ano nga ba ang bakuna o Vaccine?

Ang bakuna o baksinasyon ay ang pagbibigay sa isang tao ng isang sustansiyang nakasasanhi ng tugon o pagpapalakas ng sistemang imyuno ng isang tao. Isang paraan ang sistemang imyuno ng paglaban ng katawan sa mga impeksiyon. Dahil sa tulong ng sistemang imyuno mas mapabababa ang pagkakaroon ng impeksiyon. Kapag nalantad ang isang tao sa virus o bakteryang nakapagdudulot ng sakit, mapaglalabanan niya ito at hindi siya magkakaroon ng karamdaman o sakit.

Naisasagawa o nakukuha ito sa pamamagitan ng pag-inom o pagturok na kadalasan ay sa braso.

Sariling akda: Susan J. Quistadio

Pagtatala ng Datos


Pamagat

I. Sistemang tutugunin ng bakuna sa katawan ng tao

A. _____

II. Hatid ng COVID-19 sa tao

A. _____________________________

B. _____________________________

III. Kabutihang dulot ng bakuna

A. _____________________________________

B. _____________________________________

C. _____________________________________

Tala para sa Guro

Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.

[illustration: a boy holding a laptop and speaking]

Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Binabati kita dahil natapos mo ang lahat ng pagsubok sa ating paglalakbay.

Batid kong naging masaya ka sa ating paglalakbay kaya naman sa susunod mong pag-aaral, asahan mong ako ay iyong makakasama sa Modyul 14: Pagsulat ng sulating Di-Pormal at Pormal

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer boxes are transcribed upright in reading order]

Balikan

1.May dedikasyon sa pagiging dancer

2.Masigasig ang hiphop dancers sa eensayo – pag alala ang –

3.Nag lahat nang magkasakit si Majah

4.Mapagmahal at mapagmalasakit ang mga magulang ni Majah.

5.Nalungkot si Majah kaya siya ay napa-iyak.

Subukin
  1. populasyon o yamang tao


  2. kalahating milyon – 1570


1591 – 667,612

1948 – 19,234,182

1970 – 36.7 milyon

1980 – 48.39

  1. Kolera


  2. Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kuwarentas


  3. Natuto sa wastong pangangalaga sa kalusugan at kalinisan.


Tuklasin

Pamagat: Ang Coronavirus

I. A. Pamilya ng mga virus na nagbibigay ng iba’t ibang uri ng sakit

B. puwedeng maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato, at pagkamatay

II. A. hirap/iksi ng paghinga

B. lagnat

C. ubo’t sipon

III. droplet transmission

IV. A. paghugas ng kamay gamit ang sabon

B. paggamit ng alcohol at hand sanitizer,

C. pagsusuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay,

D. iwas sa matataong lugar,

E. pagsunod sa social distancing,

F. pagtakip sa bibig kung bumabahing

G. iwas sa mga taong kinakitaan ng sintomas ng sakit,

H. pag-inom ng maraming tubig,

Pagyamanin

I. A. Emmanuel Dapidran Pacquiao

II. A. Jinkee Jamora Pacquiao

III. A. Rosalio Pacquaio

B. Dionisia Dapidran Pacquaio

IV. A. Emmanuel Jr

B. Michael Stephen

C. Mary Divine Grace

D. Queen Elizabeth

E. Israel

V. Ang mga titulong kampeon nito ay

A. kampeon sa IBO World Junior Welterweight,

B. kampeon ng WBC World Lightweight,

C. kampeon ng The Ring World Junior Lightweight.

D. kampeon ng WBC World Super Featherweight.

E. kampeon ng The Ring World Featherweight.

F. kampeon ng IBF World Junior Featherweight. At

G. kampeon ng WBC World Flyweight.

H. Kampeon rin sa WBC Emeritus,

I. kampeon ng WBC Diamond,

J. WBO Super Champion.

ISAISIP

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the boxes are transcribed upright in reading order]

Mga posibleng sagot o maaring nakadepende sa guro ang sagot (Idagdag sa kahon)

A.

Nangangailangan ito ng masusing pagbabasa at talas ng pang-unawa.Makuha natin ang inihahatid ng teksto o ang mensahe nito.
Magiging mapagmatyag sa bawat datos o impormasyon kung ito ba ang kinakailangan mong kunin.Pagkakaroon ng matibay at tumpak na batayan ng mga kaalamang dapat nating mabatid.

B. ito ang magdudulot ng tiyak at maipababatid sa datos o impormasyong ating makukuha [?] [illegible] iba pang nagnanais na magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa tiyak na teksto.

Karagdagang Gawain

Pamagat- Bakuna o Vaccine

I. a. Sistemang imyuno

II. a. takot

b. pangamba

III. a. paglaban ng katawan sa impeksiyon

b. lalabanan ang virus o bakterya

c. hindi magkakasakit

Tayahin

Pamagat -Benepisyo ng Luya

I. a. nagbibigay ng lasa

b. kumukuha ng lansa

II. a. carbohaydrates

b. fiber

c. protein

III. a. potassium

b. magnesium

c. phosphorus

d. sodium

e. Vit. C

f. B5

g. folate

h. anti-inflammatory antioxidants

IV. a. ubo

b. sipon

c. makating lalamunan

Isagawa

  1. matematika


  2. Liza


  3. 90


  4. Hulyo


  5. Disyembre


Sanggunian:

  • 2016 K to 12 Gabay Pangkurikulum (F6SS-IIa-6) Filipino 6, pahina 121
  • Most essential learning Competencies (MELCs) F6SS-IIb-10, pahina 167
  • https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807
  • https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1142
  • https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807
  • Sariling akda ni Susan J. Quistadio

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district