This is the Filipino 6 self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 14: “Pagsulat ng Sulating Di-Pormal at Pormal” (writing informal and formal compositions). It is the last module of the quarter. Its guide, Kokoy, walks Grade 6 learners through two kinds of letters: the friendly letter (liham pangkaibigan) and the business letter (liham pangangalakal). The module was prepared by DepEd Region VI for learning at home.
On this page 7 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners should be able to:
- Write a formal composition (Nakasusulat ng sulating pormal), competency code F6WC-IIf-2.9
- Identify the parts of a friendly letter (Natutukoy ang mga bahagi ng liham pangkaibigan)
- List the types of friendly letters (Naiisa-isa ang mga uri ng liham pangkaibigan)
The module’s reference page also lists competency F6WC-IIh-2.3 from the Most Essential Learning Competencies (MELCs).
Lessons in this module
- Aralin 1: Liham Pangkaibigan (the friendly letter). Learners study the five parts of a friendly letter, the correct use of capital letters and punctuation, and four types of friendly letters.
- Aralin 2: Liham Pangangalakal (the business letter). Learners study the six parts of a formal letter written to offices, five types of business letters, and how formal and informal writing compare.
Lesson 1: The friendly letter
A friendly letter is written when you want to tell something to a friend, a relative, or someone close to you. The module’s model letter is an invitation from Shun to his Ninang Joy to attend their barangay fiesta.
Parts of a friendly letter
| Part | What it contains | Writing rules |
|---|---|---|
| Pamuhatan (heading) | Where and when the letter was written | Comma between town and province and between date and year; place names and months start with a capital letter |
| Bating panimula (greeting) | The opening greeting, such as “Mahal kong Ninang Joy,” | Starts with a capital letter and ends with a comma |
| Katawan ng liham (body) | The message | Paragraphs are indented; sentences start with a capital letter and end with the right punctuation |
| Bating pangwakas (closing) | The closing, such as “Lubos na gumagalang,” | First word capitalized, comma at the end |
| Lagda (signature) | The sender’s name | Starts with a capital letter |
The module also reminds learners to leave a space between each part, and to align the closing with the heading.
Types of friendly letters
- Liham na Nag-aanyaya (letter of invitation): for a celebration, party, or special occasion.
- Liham na Nagbabalita (letter sharing news): for news you want to share with a friend, classmate, or relative.
- Liham na Nagpapasalamat (thank-you letter): when you receive a gift or help.
- Liham na Nakikiramay (letter of sympathy): to express condolences to someone who lost a loved one.
Each type comes with a sample letter.
Lesson 2: The business letter
A business letter (liham pangangalakal) is a formal letter written to communicate with offices. The model letter is a complaint from Karla Domingo, who ordered two pairs of shoes but received only one.
Parts of a business letter
- Pamuhatan (heading): the place the letter came from and the date it was written.
- Patunguhan (inside address): the full name and address of the person receiving the letter. A friendly letter does not have this part.
- Bating Panimula (greeting): a formal greeting such as Ginoo, Binibini, or Ginang, followed by a colon (:).
- Katawan ng Liham (body): the message, with indented paragraphs.
- Bating Pangwakas (closing): short, polite words of respect such as Gumagalang, Sumasainyo, or Tapat na sumasainyo.
- Lagda (signature): the writer’s full name, with the signature above it.
Types of business letters
- Liham ng Pagpapakilala (letter of introduction): recommends a person for a job or endorses a product, such as flowers made from recycled materials sold by a HELE class.
- Liham ng Aplikasyon (application letter): to apply for a job, such as a cashier post.
- Liham ng Pamimili (order letter): to buy goods sent by mail, such as alcohol, handwash soap, and face masks.
- Liham na Nagrereklamo (complaint letter): to raise a complaint, such as loud nightly videoke reported to the Punong Barangay.
- Liham na Nagtatanong (letter of inquiry): to ask for information, such as how to enroll in a new school.
How to use this module
Each lesson follows the usual parts: Balikan (review), Subukin (pretest), Tuklasin (discover), Suriin (study), Pagyamanin (practice), Isaisip (remember), Isagawa (apply), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (extra activity).
- Learners: Start with the pretest to see what you already know, then work through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet (sagutang papel) and do not write on the module. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, after you finish.
- Parents: Help your child use the answer key only after answering. Encourage them to contact the teacher if a lesson is hard to understand.
- Teachers: The letters learners write, such as the thank-you letter in Pagsasanay 3 of Lesson 1 and the Tayahin and Karagdagang Gawain of Lesson 2, are checked by the teacher, since the key gives only possible answers. In Lesson 2, learners also complete a Venn diagram comparing formal and informal writing.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is Filipino 6, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 14, the last module of the quarter.
What is the difference between a liham pangkaibigan and a liham pangangalakal?
A liham pangkaibigan (friendly letter) is an informal letter to a friend, relative, or someone close. A liham pangangalakal (business letter) is a formal letter to offices, and it has an extra part, the patunguhan, with the receiver’s full name and address.
What are the parts of a friendly letter?
The five parts are the pamuhatan (heading), bating panimula (greeting), katawan ng liham (body), bating pangwakas (closing), and lagda (signature).
What punctuation follows the greeting in a business letter?
The formal greeting, such as Ginoo or Ginang, is followed by a colon (:). In a friendly letter, the greeting ends with a comma.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for both lessons, while the letters learners write on their own are checked by the teacher.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 14: Pagsulat ng Sulating Di-Pormal at Pormal
6
Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 14: Pagsulat ng Sulating Di-Pormal at Pormal
[illustration: students reading and writing outdoors and indoors, with a girl holding a globe and a boy writing by lamplight]
CO_Q2_Filipino6_Module14
Filipino – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 14: Pagsulat ng Sulating Di-Pormal at Pormal Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Sheryl A. Luces, Ma. Janice E. Domingo Editor: Abadesa D. Sabordo, Gemma B. Obsiana Tagasuri: Marissa A. Olilang, Catherine D. Diaz, Ma. Gemma A Bimbao, Junry M. Esparar, Celestino S. Dalumpines IV Tagaguhit: Jonard A. Villarde Tagalapat: Edwin C. Salanatin, Glenn P. Dollete Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Salvador O. Ochavo, Jr., Elena P. Gonzaga, Jerry A. Oquindo, Segundina F. Dollete, Shirley A. De Juan, Merlie J. Rubio
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 14: Pagsulat ng Sulating Di-Pormal at Pormal
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.
CO_Q2_Filipino6_Module14
Alamin
[illustration: Kokoy, a boy holding a tablet with an apple logo]
Kumusta ka na kaibigan? Naaalala mo pa ba ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makakasama mo sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang ikalabintatlong modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa ikalabing-apat at panghuling modyul.
Nakahanda ka na ba sa panibagong paglalakbay?
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ang iyong kakayahan. Makatutulong ito upang mabatid mong maigi ang kaalaman tungkol sa pagsulat ng sulating di-pormal.
Sa Sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya, hindi mapapasubaliang mahalaga pa rin ang pag-aaral sa paggawa ng liham lalo na ang liham pangkaibigan na magagamit sa ibat- ibang kalagayan.
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang taglay ang kasanayang:
- Nakasusulat ng sulating pormal (F6WC-IIf-2.9)
- Natutukoy ang mga bahagi ng liham pangkaibigan
- Naiisa isa ang mga uri ng liham pangkaibigan
Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay sa iyo. Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawain na ipagagawa. Handa ka na ba? Tayo na!
CO_Q2_Filipino6_Module14
Subukin
Gawain 1
Napag-aralan mo na ang mga bahagi ng liham at ang mga sangkap sa pagsulat nito. Isulat sa sagutang papel kung anong bahagi ng liham ang nagtataglay ng sumusunod sa bawat kahon.
- Binabati kita sa darating mong kaarawan sa Sabado. Sana’y manatili kang malusog at masaya sa darating pang mga taon. ________________________
- Ang iyong kaibigan, ________________________
- Aldrin ________________________
- Ilawod, Panitan, Capiz
20 Pebrero 2019 ________________________ - Mahal kong Melvin, ________________________
Gawain 2
Narito ang mga bahagi ng liham. Iayos ang mga ito upang mabuo ang liham. Gamitin din ang wastong bantas. Gawin ito sa sagutang papel.
- Nagmamahal mong kaibigan,
- Roxas Avenue St.
Roxas City, Capiz
15 Oktubre 2019 - Mahal kong Daisy,
CO_Q2_Filipino6_Module14
Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko ang sulat mo. Lalo akong natuwa nang mabasa kong papasyal ka rito sa amin.
Pinag-iisipan ko na kung saan kita ipapasyal. Siguradong maaaliw ka sa pagpunta mo rito. Asahan ko ang iyong pagdating.Merriam
[illustration: Kokoy holding a tablet, beside a speech bubble]
Mahusay kaibigan! Nagawa mong sagutin ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman hinggil sa ating paksang tatalakayin. Huwag kang magalala kung mababa man ang iskor na iyong nakuha dahil nakatitiyak ako na pagkatapos ng araling ito ay mapauunlad mo pa ang iyong kaalaman. Dagdagan mo lang ang iyong pagsisikap habang tayo’y naglalakbay.
CO_Q2_Filipino6_Module14
Aralin 1
Liham Pangkaibigan
[illustration: Kokoy holding a tablet]
Isang mahalagang elemento ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa ay sa pamamagitan ng pagsulat ng liham. Halina at ating pag-aralan ang pagsulat ng liham pangkaibigan na nakatutulong nang malaki sa ating pagpapaabot ng mensahe sa mga kinauukulan.
Kaibigan! Bago tayo tuluyang maglayag, magbalik-tanaw ka muna kaugnay sa paksang ating pinag-aralan noong nakaraang talakayan. Naalala mo pa ba ang angkop na pagbibigay ng pamagat batay sa binasang talata? Magaling! Halina’t muli nating balikan. Ngayon, batid kong kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain. Gawin mo na!
Balikan
Panuto: Basahin ang salaysay at ibigay ang mga hinihinging datos o Impormasyon.
Ang Aking Angkan
[illustration: drawing of a farm scene with a tricycle rider, a family of five children and adults on a road, and a house]
Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jonard Villarde
Ang aking ama ay panganay sa labing-isang magkakapatid. Dahil mula sa mahirap na pamilya, maaga pa ay natuto ng magtrabaho. Naging katu-katulong siya ng aking lolo sa paggawa sa bukid. Naging drayber din siya ng traysikel at nang lumaon ay nakapagtrabaho sa talyer, hanggang mapangasawa niya ang aking ina at magkaroon ng sarili niyang talyer.
Bilang panganay na anak, kahit may sarili ng pamilya ang tatay ay patuloy pa rin niyang tinutulungan ang kaniyang pamilya lalo na nang mamatay ang aking lolo. Ang tatay na ang tumayong padre de pamilya sa kaniyang mga kapatid, habang bumubuo na rin siya ng sariling pamilya.
Ako naman ang panganay nina tatay at nanay. Si Rhodora ang pangalawa, si Gemro ang pangatlo, pang-apat si Rilanie at bunso si Raygem.
Nakaugalian na marahil ng pamilya ang pagtutulungan kaya ganoon na rin ang nangyari sa aming henerasyon.
Nang makapagtapos ako ng aking kolehiyo at makapagtrabaho ay inako ko na rin ang pagpapaaral sa aking kapatid na si Rhodora. Ang tatay naman ang nagpaaral sa aking kapatid na si Gemro.
Nang makapagtapos si Rhodora, tinulungan ko naman ang aking kapatid na si Rilanie upang makapag-aral hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo.
May espesyal na pangangailangan ang aming bunsong kapatid kaya hanggang ikalimang baitang lamang ang kaniyang natapos.
Dumaan sa maraming pagsubok ang aming pamilya sa pagkakasakit ng aming tatay sa mahabang panahon, hanggang siya’y tuluyang namaalam noong 2013. Bagama’t labis kaming nagdalamhati sa kaniyang pagkawala, nagpatuloy ang aming mga buhay.
Si Rhodora ay sa Maynila na nakatira kasama ang kaniyang asawang si Alberto at ang apat na mga anak na sina Kisha Dorothy, Kyle Albert, Kimberly Trish at Kirsten Mae na pawang nag-aaral na.
Sina Gemro at Rilanie ay kapwa nasa Canada at may sarili ng mga pamilya. Si Gemro ay nakapag-asawa kay May Joy, isang Pilipina at sila ay may dalawang anak na sina Gem Austine at Matthew. Samantala, Si Rilanie naman ay nakapag-asawa ng isang Canadian citizen na si Davis at sila’y may isang anak na si Daylan.
Ako, si Gemma, ang panganay sa limang magkakapatid ay may isang anak din, si Queenie Mae na nasa ikalabindalawang baitang at nag-aaral sa Filamer Christian University kung saan nagtatrabaho ang aking kabiyak na si Xielwein.
Sariling Katha ni Gemma B. Obsiana
- Ilang magkakapatid sina tatay?
- Ilang magkakapatid sina Gemma?
- Itala ang pangalan ng magkakapatid
- Sa tapat ng pangalan ng magkakapatid ay isulat ang pangalan ng kanilang asawa.
- Itala ang pangalan ng mga anak ng bawat mag-asawa sa binasang salaysay.
- Ano ang masasabi mo sa angkan nina Gemma batay sa salaysay?
Magaling! Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang tatalakayin, maghanda ka at tuklasin ang tungkol sa pagsulat ng sulating di-pormal.
Sige, simulan mo na!
Tuklasin
Gusto mo bang gumawa ng liham para sa kaibigan, kamag-anak o taong malapit sa iyo? Basahin at pansinin ang pagkabuo ng liham pangkaibigan upang ikaw ay matulungan.
Brgy. Bayebaye, Jamindan, Capiz 11 Mayo 2019
Mahal kong Ninang Joy,
Pista po sa aming barangay sa darating na Sabado. Bilang pasasalamat kay Sr. San Isidro Labrador, tradisyon na po namin ang maghanda. Sana magkaroon kayo ng panahon na makadalo sa aming pista. Isama po ninyo ang aking kinakapatid at si Ninong.
Aasahan namin ang inyong pagdating.
Lubos na gumagalang, Shun
Sariling Katha ni Sheryl A. Luces
- Taga-saan ang nagpadala ng liham?
- Sino ang pinadalhan ng liham?
- Ano ang nilalaman ng liham?
- Sino ang nagpadala ng liham?
- Kailan isinulat ang liham?
Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Kung oo ang iyong sagot, magaling! Makapagsusulat ka na ng liham pangkaibigan.
Suriin
Ang liham sa bahaging Tuklasin ay halimbawa ng liham pangkaibigan. Ang liham pangkaibigan ay isinusulat kung may nais kang sabihin sa kaibigan, kamag-anak o mga taong malapit sa iyo.
Pag-aralan ang mga bahagi ng liham pangkaibigan.
Ano ang bahaging ito?
Brgy. Bayebaye, Jamindan, Capiz 13 Enero 2019
Ito ang pamuhatan. Sinasabi rito kung saan at kailan isinulat ang liham. May kuwit sa pagitan ng bayan at lalawigan gayundin sa pagitan ng petsa at taon. Sa malaking titik nagsisimula ang ngalan ng pook at buwan.
Mahal kong Ninang Joy,
Ang bahaging ito ay bating panimula. Sinasabi rito ang simulang bati ng nagpadala ng liham. Nagsisimula ito sa malaking titik at may kuwit sa hulihan.
Basahin ang katawan ng liham. Ano ang nilalaman ng liham? Paano nasusulat ang talata sa katawan ng liham? May pasok ba ang talata?
Pista po sa aming barangay sa darating na Linggo. Bilang pasasalamat kay Sr. San Sebastian, tradisyon na po namin ang maghanda. Sana magkaroon kayo ng panahon na makadalo sa aming pista. Isama po ninyo ang aking kinakapatid at si Ninong.
Aasahan namin ang inyong pagdating.
Ang liham ay nag-aanyaya.
Ang mga talata sa liham pangkaibigan ay may pasok sa pagsisimula nito. Ang mga pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa wastong bantas.
Ito naman ang bating pangwakas. Nagsisimula sa malaking titik ang unang salita at mayroong kuwit sa hulihan.
Lubos na gumagalang,
Ang huling bahagi ay ang lagda. Dito nakasulat ang pangalan ng nagpadala ng liham. Sinisimulan ito sa malaking titk.
Shun
May iba’t ibang uri ang liham pangkaibigan. Isinusulat ang liham pangkaibigan ayon sa pangangailanagn.
- Liham na Nag-aanyaya – isinusulat kung may mahalagang pagdiriwang, handaan, o okasyon. Ang liham sa bahaging Tuklasin ay halimbawa nito.
- Liham na Nagbabalita – isinusulat kung may balitang nais iparating sa kaibigan, kamag-aral, kapamilya, o kamag-anak.
Halimbawa:
Poblacion Ilaya, Panay, Capiz 10 Enero 2020
Mahal kong Rhodora,
Ikinagagalak kong ibalita sa iyo na pinarangalan ang iyong pamangkin bilang isa sa Ten Outstanding Girls ng Region VI.
Sa mahigit 50 kalahok sa rehiyon ay nakatutuwang nakapasok siya sa sampung pinakamahuhusay na mga kalahok. Iginawad ang parangal noong 19 ng Disyembre, sa YMCA, Lungod ng Iloilo.
Ikumusta mo na lamang ako sa aking mga pamangkin diyan. Mag-iingat kayo.
Nagmamahal,
Ate Gem
Sariling katha ni Gemma B. Obsiana
- Liham na Nagpapasalamat – isinusulat kung may natanggap na regalo o tulong.
Halimbawa:
Poblacion Ilaya, Panay, Capiz 23 Agosto 2020
Mahal kong Lanie,
Natanggap na namin ang padala mong package. Tuwang-tuwa ang iyong pamangkin sa dami ng padala mo para sa kaniya. Alam kong nag message na siya sa iyo. Nais ko ring magpasalamat kaya sinulatan kita. Pakisabi na rin kay Davis na maraming salamat.
Ikumusta mo ako sa mama. Mag-ingat kayo sa paglabas-labas dahil hindi pa rin natatapos ang pandemya.
Lubos na nagpapasalamat,
Ate Gem
Sariling katha ni Gemma B. Obsiana
- Liham na Nakikiramay – isinusulat kung may nais ipaabot na pakikipagdalamhati sa namatayan.
Halimbawa:
Poblacion Ilaya, Panay, Capiz 17 Agosto 2020
Mahal kong Ate Cath,
Nabalitaan ko mula kay Dorie ang pagpanaw ng iyong mahal na ina at ako’y labis na nakikiramay sa iyong pagdadalamhati lalo na’t napakahirap kumilos ngayon dahil sa pandemya.
Hindi man ako makapunta, na alam kung lubos mong nauunawaan ay makakaasa kang kasama sa aking mga panalangin ang kaluluwa ng iyong ina gayundin ang buo mong pamilya.
Lubos na nakikiramay,
Gem
Sariling katha ni Gemma B. Obsiana
Pagyamanin
Sa paggawa ng isang liham, kailangan ang kaalaman sa paggamit ng mga sangkap ng pagsulat lalo na ang malaking titik at mga bantas. Mahalaga na malinaw at wasto ang ibinabalitang impormasyon o mensahe. Nag-iiwan ng espasyo sa pagitan ng bawat bahagi ng liham. Ginagamit nang wasto ang malaking titik at bantas sa ibat-ibang bahagi ng liham. May pasok at palugit sa pagsulat at inililinya ang bating pangwakas sa pamuhatan.
Pagsasanay 1
Isulat sa sagutang papel ang mga bahagi ng liham ayon sa tamang ayos nito.
Narinig ko sa radyo ang pagkamatay ng iyong lola noong nakaraang Linggo. Ipinaaabot ko sa inyong pamilya ang taos kong pakikiramay. Lubos ang aking paniniwalang masaya na si Lola Rosario sa piling ng ating Panginoon.
Patuloy ko siyang ipagdarasal.
Ang iyong kaibigan,
Mahal kong Rocky,
Aquino Ave. San Rafael, Mandurriao, Iloilo City 5 Setyembre 2019
Mark
Pagsasanay 2
Isulat kung anong bahagi ng liham ang tinutukoy sa mga sumusunod. Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Pagbati sa taong padadalhan ng sulat.
A. pamuhatan
B. bating panimula
C. lagda
D. katawan ng lihamIto ay nagsasaad ng nilalaman ng liham.
A. pamuhatan
B. bating panimula
C. katawan ng liham
D. lagdaDito isinusulat ang pangalan ng sumulat o nagpadala ng liham.
A. pamuhatan
B. bating panimula
C. bating pangwakas
D. LagdaIto ay pangwakas na pagbati at isinusulat bago ang lagda.
A. pamuhatan
B. lagda
C. katawan ng liham
D. bating pangwakasKinasusulatan ng petsa at tirahan ng nagpadala ng liham.
A. pamuhatan
B. katawan ng liham
C. lagda
D. bating panimula
Pagsasanay 3
Sumulat ng isang liham pangkaibigan batay sa sitwasyon sa ibaba.
Pasasalamatan mo ang iyong kaibigan sa ibinigay niyang tulong sa inyong pamilya noong nakaraang bagyo.
Tala para sa Guro
[illustration: hand holding sheets of paper]
Iwawasto ng guro ang isinulat na liham ng mag-aaral.
E.
Isaisip
A. Ipahayag ang iyong napag-aralan sa modyul na ito. Kopyahin sa sagutang papel ang talahanayan at punan ito ng iyong mga sagot.
| Mga Uri ng Liham Pangkaibigan | Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Liham Pangkaibigan |
|---|---|
B. Ayan! Marami ka nang napag-aralan tungkol sa paggawa ng liham mahal kong mag-aaral. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Ang Liham Pangkaibigan ay ___________________________________________ _______________________________________________________________________.
- Ang mga bahagi ng Liham Pangkaibigan ay ___________________, _____________________, ___________________, ______________________, _____________________ at ________________.
- Dapat ay maayos, malinaw at ginagamitan ng tamang __________ ang pagkakasulat ng liham.
Isagawa
Iwasto at isulat sa sagutang papel ang tamang pagkasulat ng liham pangkaibigang nagbabalita.
231 Legaspi Street, Roxas City 19 Setyembre 2019
mahal kong Celly,
Kumusta ka na? Nais kong ibalita sa iyo na nanalo ako sa isang paligsahan sa pagguhit. Talagang tuwang-tuwa ako dahil natupad din ang matagal kong inaasam-asam. Sana makita mo ang iginuhit ko. Hanggang dito nalang at ikumusta mo ako sa lahat.
ang nagmamahal mong kaibigan Mercy
Sariling Katha ni Sheryl A. Luces
Tayahin
Pagsubok 1
Isulat sa tamang pagkakaayos ang bawat bahagi ng liham na nasa bawat kahon. Isulat sa sagutang papel.
Ibabalita ko sa inyo na nasalanta ng malakas na bagyong Yolanda ang buong kabayanan dito sa amin.
Osmeña Avenue, Kalibo, Aklan 12 Mayo 2019
Vicky
Ang iyong kaibigan,
Mahal kong Chona,
Pagsubok 2
Tukuyin ang bawat bahagi ng liham sa ibaba.
120 Bonifacio St.
- ____________ Roxas, Palawan
14 Hunyo 2019
Mahal kong Allen, 2) ___________
Maraming salamat sa mga larawang ipinadala mo sa amin. Kayganda lahat ng kuha. Humanga sina Mommy at Ate. Muli akong nagpapasalamat sa iyo. 3) _____________
4)____________ Ang iyong kaibigan, 5) ____________ Marie
Karagdagang Gawain
Isulat sa iyong sagutang papel ang wastong pagkasulat ng liham.
Mahal kong Ana,
Ang iyong kaibigan,
720 Rizal St.
Balayan, Batangas
15 Agosto 2019Tess
Natutuwa akong ibalita sa iyo na nahalal ako bilang tagapangulo ng Filipino Club. Layunin ng samahan na minsan sa isang buwan ay maanyayahan ang mga bata na makasali sa mga gawaing pampaaralan at maturuan kung paano magbasa, magsulat at magkuwenta ng numero.
Hanggang dito na lamang at sana ay sagutin mo ang liham kong ito.
Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa Aralin 1. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay. Ngayon naman ay isusunod natin ang Aralin 2 sa Modyul na ito.
Tara na!
Subukin
Gawain 2
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the text below is transcribed in reading order after rotating it upright]
Roxas Avenue St. Roxas City, Capiz 15 Oktubre 2019
Mahal kong Daisy,
tuwa ako nang matanggap ko ang sulat mo. Lalo akong natuwa nang mabasa kong papasyal ka rito sa amin. Pinag-iisipan ko na kung saan kita ipapasyal. Siguradong maaaliw ka sa pagpunta mo rito. Asahan ko ang iyong pagdating.
[transcriber’s note: the printed fragments “- Tuwang” and “- Pinag” sit beside the first two lines of the body; they appear to be word-break aids and are transcribed where they are printed]
Nagmamahal mong kaibigan, Merriam
Gawain 1
- Katawan ng liham
- Bating Pangwakas
- Lagda
- Pamuhatan
- Bating Panimula
Suriin
- Brgy. Bayebaye, Jamindan, Capiz
- Ninang Joy
- Paanyaya sa pista.
- Shun
- 11 Mayo 2019
Pagyamanin
Pagsasanay 1
Aquino Ave. San Rafael, Mandurriao, Iloilo City 5 Setyembre 2019
Mahal kong Rocky,
Narinig ko sa radyo ang pagkamatay ng iyong lola noong nakaraang Linggo. Ipinaaabot ko sa inyong pamilya ang taos kong pakikiramay. Lubos ang aking paniniwalang masaya na si Lola Rosario sa piling ng Panginoon. ating Patuloy ko siyang ipagdarasal.
Ang iyong kaibigan, Mark
[transcriber’s note: “ating” is printed as a stray word beside the line “sa piling ng Panginoon.”]
Pagsasanay 2
- B
- C
- D
- D
- A
Pagsasanay 3
(Isang sulat pangkaibigan ang nagawa)
Susi sa Pagwawasto
Balikan
[transcriber’s note: this answer key is printed rotated and its pairings are laid out in several columns; the lines are transcribed as printed, and the pairing between the numbered items and the names is not fully recoverable from the layout]
- Labing-isa
- Lima
- Gemma – Queenie Mae – Xielwein
- Mga Anak
- Kisha Dorothy, Kyle Albert, Kimberly – Alberto – Rhodora
- Napagtagumpayan nila ang hamon ng buhay
- pinakamaraming anak si Rhodora
Trish at Kirsten Mae Gem Austine at Matthew – May Joy – Gemro Daylan – Davis Rilanie Raygem
Isagawa
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the text below is transcribed in reading order after rotating it upright]
80 San Marcelino St. San Miguel, Manila 5 Setyembre 2019
Mahal kong Ellaine,
Kumusta ka na? Nais kong ibalita sa iyo na nanalo ako sa isang paligsahan sa pagguhit. Talagang tuwa ako dahil natupad din ang matagal kong inaasam. Sana makita mo ang iginuhit ko. Hanggang dito nalang at ikumusta mo ako sa lahat.
Ang nagmamahal mong kaibigan, oris D [?]
[transcriber’s note: the printed fragments “- din ang matagal kong inaasam”, “- tuwang”, and “asam.” sit beside the lines of the body and are transcribed where they are printed]
Tayahin
Gawain 1
Osmeña Avenue, Kalibo, Aklan 12 Mayo 2019
Mahal kong Chona,
Ibabalita ko sa inyo na nasalanta ng malakas na bagyong Yolanda ang buong kabayanan dito sa amin.
Ang iyong kaibigan, Vicky
Gawain 2
- pamuhatan
- bating panimula
- katawan ng liham
- bating pangwakas
- lagda
Karagdagang Gawain
720 Rizal St. Balayan, Batangas 15 Agosto 2019
Mahal kong Ana,
Natutuwa akong ibalita sa iyo na nahalal ako bilang tagapangulo ng Filipino Club. Layunin ng samahan na minsan sa isang buwan ay maanyayahan ang mga bata na makasali sa mga gawaing pampaaralan at maturuan kung paano magbasa, magsulat at magkuwenta ng numero. Hanggang dito na lamang at sana ay sagutin mo ang liham kong ito.
Ang iyong kaibigan, Tess
Aralin 2
Liham Pangangalakal
Balikan
Isang mahalagang elemento ng pakikipag-ugnayang pormal sa kapwa ay sa pamamagitan ng pagsulat ng liham. Halina at ating pag-aralan ang pagsulat ng Liham Pangangalakal na nakatutulong nang malaki sa ating pagpapaabot ng mensahe sa mga kinauukulan.
Kaibigan! Bago tayo tuluyang maglayag, magbalik-tanaw ka muna kaugnay sa paksang ating pinag-aralan noong nakaraang talakayan. Naalala mo pa ba ang Liham pangkaibigan? Magaling! Halina’t muli nating balikan. Ngayon, batid kong kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain. Simulan mo na!
Isulat sa tamang pagkakaayos ang bawat bahagi ng liham na nasa mga kahon. Isulat sa sagutang papel.
Taos –puso po akong nagpapasalamat sa tulong na ibinahagi mo sa aking pamilya nang magkasakit ang aming ina. Nawa’y pagpalain po kayo ng Panginoon upang mas marami pa po kayong matulungan.
San Lorenzo Village Roxas City 30 Enero 2020
Mahal kong Chona,
Kim
Lubos na gumagalang,
[transcriber’s note: the large empty box below the signature line is the blank space for the letter body and has no printed text]
Magaling! Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang tatalakayin, maghanda ka at tuklasin ang tungkol sa pagsulat ng sulating pormal.
Sige, simulan mo na!
Subukin
A. Narito ang mga bahagi ng Liham Pangangalakal. Isaayos ang mga ito upang mabuo ang liham. Gamitin din ang wastong bantas. Gawin mo ito sa sagutang papel. (10 puntos)
Lubos na gumagalang
Susan PalomoKalye San Roque
Roxas City
10 Enero 2019Ang Patnugot
Magasing Tagalog
P.O. Box 7654
MaynilaGinoo
Nais ko po sanang magkaroon ng lingguhang sipi ng magasin simula sa unang linggo ng Enero. Kalakip po ng liham ko ang perang padala sa halagang isang libong piso para sa isang taon.
Tuklasin
Basahin at pansinin ang pagkakabuo ng Liham Pangangalakal.
415 Magsaysay St.
Lapaz, Iloilo City
22 Setyembre 2019
G. Angelo Delos Reyes
Manager, Nazada Goods
Arnaiz Avenue
Pasay City
Ginoo:
Sumulat po ako upang magreklamo.
Umorder po ako ng dalawang pares ng sapatos noong nakaraang linggo sa halagang P 2,000.00 subalit nang dumating na po ang produkto, kulang po ang natanggap ko ng isang pares na sapatos.
Ipinapaalam ko po ito sa inyo upang makahingi po ako ng refund sa aking ibinayad o ipadala niyo po muli ang kulang na aytem.
Lubos na gumagalang,
Karla Domingo
Sariling katha ni Ma. Janice E. Domingo
Pamuhatan (label, with an arrow to the sender’s address and date)
Patunguhan (label, with an arrow to the recipient’s name and address)
Bating Panimula (label, with an arrow to “Ginoo:”)
Katawan ng Liham (label, with a bracket beside the body paragraphs)
Bating Pangwakas (label, with an arrow to “Lubos na gumagalang,”)
Lagda (label, with an arrow to “Karla Domingo”)
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
- Saan nanggaling ang sulat?
- Kanino ito patungo?
- Tungkol saan ang sulat?
Suriin
Ang binasa mong liham ay halimbawa ng Liham Pangangalakal.
Ang Liham Pangangalakal ay isang pormal na liham na isinusulat upang makipag-ugnayan sa mga tanggapan o opisina.
Pag-aralan ang mga bahagi ng Liham Pangangalakal.
Ano ang bahaging ito?
415 Magsaysay St. Lapaz, Iloilo City 22 Setyembre 2019
Pamuhatan
Ang Pamuhatan ay nagsasaad ng lugar na pinagmulan ng liham at ng petsa kung kailan ito isinulat.
G. Angelo Delos Reyes Manager, Nazada Goods 3412 Kudarat St Pasig City
Patunguhan
Ang Patunguhan ay naglalaman ng buong pangalan at tirahan ng tatanggap ng sulat.
Ginoo:
Bating Panimula
Sa Bating Panimula ay inilalagay ang pormal na pagbati sa sinusulatan katulad ng Ginoo, Binibini, Ginang, atbp. Ginagamitan ito ng tutuldok (:)
Sumulat po ako upang magreklamo.
Umorder po ako ng dalawang pares ng sapatos noong nakaraang linggo sa halagang P2,000.00 subalit nang dumating na po ang produkto, kulang po ang natanggap ko ng isang pares na sapatos.
Ipinapaalam ko po ito sa inyo upang makahingi po ako ng refund sa aking ibinayad o ipadala niyo po muli ang kulang na aytem.
Basahin ang katawan ng liham.
Ano ang nilalaman ng liham?
Paano nasusulat ang mga talata sa Katawan ng Liham? May pasok ba ang talata?
Katawan ng Liham
Ang liham ay tungkol sa reklamo dahil kulang ang natanggap na produkto. Ang mga talata sa Liham Pangangalakal ay may pasok sa pagsisimula nito.
Narito ang Bating Pangwakas.
Lubos na gumagalang,
Bating Pangwakas
Pormal ang Bating Pangwakas. Ginagamit dito ang mga maiikli at magagalang na pahayag ng pagrerespeto at pamamaalam kagaya ng: Gumagalang, Sumasainyo, at Tapat na sumasainyo.
Ang huling bahagi ay ang Lagda.
Karla Domingo
Lagda
Inilalagay sa lagda ang buong pangalan ng sumulat at pirma sa itaas ng pangalan nito.
Ang Liham Pangangalakal ay may iba’t ibang uri:
- Liham ng Pagpapakilala – isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o isang bagay o produkto na ini-endorso.
Halimbawa:
Poblacion Ilawod Dao, Capiz 30 Enero 2019
Gng. Heidelyn P. Geromiano Dao Central School Dao, Capiz
Gng. Geromiano:
Magandang araw po!
Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang aming proyektong nagawa sa HELE. Ito po ang mga bulaklak na gawa sa recycled na materyal. Sa halip na itapon natin ang mga plastic at bote ay maaari po nating gawing pandekorasyon sa bahay at dagdag pagkakakitaan na rin.
Sa nais pong bumili ng aming recycled na bulaklak, maaaring mabili ito sa halagang sampung piso bawat piraso sa Departamento ng HELE ng ating paaralan.
Gumagalang,
April Magbanua
Sariling katha ni Ma. Janice E. Domingo
- Liham ng Aplikasyon – isinusulat upang humanap ng trabaho.
Halimbawa:
356 Kalye Perez Malibay, Lungsod ng Pasay 20 Pebrero 2019
G. Jodi Sebastian Mami House Diliman, Lungsod ng Quezon
Ginoong Sebastian:
Nabasa ko po sa inyong facebook post na may petsang Abril 30, 2019 na nangangailangan po kayo ng isang cashier sa inyong restawran. Naniniwala po ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na inyong hinahanap ay tinataglay ko.
Ako po ay nagtapos sa sekundarya. Masipag, matiyaga at matapat.
Kalakip po ng aking liham ang aking resume. Anomang oras ay handa po akong makipagkita para sa interbyu. Inaasahan ko po ang inyong pagtugon.
Gumagalang,
Stella Alonzo
Sariling katha ni M. Janice E. Domingo
Poblacion Ilaya Dao, Capiz 10 Disyembre 2019
Kgg. Ildefonso Barona Punong Barangay Poblacion Ilaya, Dao, Capiz
Butihing Punong Barangay:
Magandang araw po sa inyo!
Nais ko po sanang idulog sa inyong tanggapan ang problema namin sa aming lugar. Kami po ay nabubulabog gabi-gabi sa malakas na videoke ng aming kapitbahay na kadalasan ay inaabot hanggang madaling araw. Naging sanhi na po ito ng aming hindi maayos na pagtulog at pamamahinga, lalo pa at maaga kaming gumigising para sa trabaho.
Umaasa po kami nang lubos sa inyong maagap na pagtugon sa aming hinaing.
Gumagalang,
Elsie Ubao
Sariling katha ni Ma. Janice E. Domingo
[transcriber’s note: this letter is printed on this page without a heading above it; the same letter is printed again below the heading 4]
- Liham ng Pamimili – isinusulat upang bumili ng paninda na ipinapadala sa koreo.
Halimbawa:
Kalye Magallanes Lungsod ng Roxas 25 Mayo 2020
Gng. Mary Palomo Kalye Fuentes Lungsod ng Iloilo
Gng. Palomo:
Pagbati!
Mangyari lamang po na kami ay padalhan ninyo ng sumusunod na mga produkto sa katapusan ng Mayo, na aming kakailanganin sa pagbubukas ng klase:
2 galong Ethyl Alcohol 2 galong Handwash soap 100 piraso facemask
Kalakip ng sulat na ito ay ang paunang bayad na nagkakahalaga ng isang libong piso. Ang balanse ay ibibigay namin sa araw ng delivery.
Sumasainyo,
Lynda Albar
Sariling katha ni Ma. Janice E. Domingo
- Liham na Nagrereklamo – isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing.
Halimbawa:
Poblacion Ilaya Dao, Capiz 10 Disyembre 2019
Kgg. Ildefonso Barona Punong Barangay Poblacion Ilaya, Dao, Capiz
Butihing Punong Barangay:
Magandang araw po sa inyo!
Nais ko po sanang idulog sa inyong tanggapan ang problema namin sa aming lugar. Kami po ay nabubulabog gabi-gabi sa malakas na videoke ng aming kapitbahay na kadalasan ay inaabot hanggang madaling araw. Naging sanhi na po ito ng aming hindi maayos na pagtulog at pamamahinga, lalo pa at maaga kaming gumigising para sa trabaho.
Umaasa po kami nang lubos sa inyong maagap na pagtugon sa aming hinaing.
Gumagalang,
Elsie Ubao
Sariling katha ni Ma. Janice E. Domingo
- Liham na Nagtatanong – isinusulat upang humingi ng impormasyon.
Halimbawa:
Barangay Matagnop Dao, Capiz 11 Abril 2019
Gng. Maria Roda Tolores Tabuc Elementary School Dao, Capiz
Gng. Tolores:
Magandang araw po!
Ako po ay isang mag-aaral na kalilipat lamang sa bagong tirahan namin dito sa bayan ng Dao. Ako po’y nasa ikaanim na baitang na sa susunod na taon. Nagbabalak po akong lumipat sa inyong paaralan sa susunod na pasukan. Nais ko pong magtanong kung ano ang dapat kong gawin upang makapagpalista sa inyong paaralan.
Aasahan ko po ang inyong kasagutan. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Rowelyn dela Cruz
Sariling katha ni Ma. Janice E. Domingo
Pagyamanin
Pagsasanay 1
Isulat kung anong bahagi ng Liham Pangangalakal ang tinutukoy sa mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamag sagot at isulat sa sagutang papel.
Dito makikita ang tirahan ng sumulat at petsa ng pagkakasulat.
a. Pamuhatan
b. Patunguhan
c. Lagda
d. KatawanIto ay nagsasaad ng maikli at magalang na pagbati.
a. Pamuhatan
b. Bating Panimula
c. Bating Pangwakas
d. LagdaBinubuo ng pangalan at katungkulan ng susulatan.
a. Pamuhatan
b. Patunguhan
c. Katawan
d. Bating PangwakasDito isinusulat ang buong pangalan ng sumulat at pirma sa ibabaw nito.
a. Pamuhatan
b. Bating Panimula
c. Bating Pangwakas
d. LagdaIsinasaad dito ang tiyak at tuwirang nilalaman ng liham.
a. Pamuhatan
b. Patunguhan
c. Katawan
d. Bating Pangwakas
Pagsasanay 2
Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at kilalanin kung anong uri ng Liham Pangangalakal ang dapat gawin. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa iyong sagutang papel.
Liham ng Aplikasyon | Liham ng Pamimili | Liham ng Pagpapakilala | Liham ng Nagrereklamo | Liham ng Nagtatanong
Nais bumili ang iyong ate ng mga give-aways para sa kaniyang kaarawan ngunit wala pa siyang naiisip na produkto, kaya gusto niyang may pamimilian siya. Anong Liham Pangangalakal ang dapat niyang gagawin?
Bumili ang iyong tatay ng mga gamit sa bahay ngunit kulang ang dumating na mga kagamitan kaysa sa kaniyang mga inorder. Anong liham ang dapat niyang gagawin?
Nais mong sabihin sa mga mag-aaral sa ibang seksiyon na ipinagbibili ng inyong klase ang mga ginawa ninyo sa EPP. Anong liham ang isusulat mo?
Anong liham ang isusulat mo kapag gusto mong bumili ng paninda na ipadadala sa Post Office?
Anong liham ang isusulat mo kung naghahanap ka ng mapapasukang trabaho?
Pagsasanay 3
Sumulat ng isang Liham Pangangalakal batay sa sitwasyon sa ibaba.
Mag-aaplay ka bilang isang “working student” sa paaralan sa hayskul. Ipadala mo ang iyong liham kay:
Gng. Ma. Rita Villareal Pungguro IV Capiz National High School Lungsod ng Roxas
Isaisip
A. Ipahayag ang iyong napag-aralan sa modyul na ito. Kopyahin sa sagutang papel ang talahanayan at punan ito ng iyong mga sagot.
| Mga Uri ng Liham Pangangalakal | Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Liham Pangangalakal |
|---|---|
B. Napakagaling mo bata. Natapos mo nang pag-aralan ang pagsulat ng pormal at di-pormal na sulatin. Kopyahin sa sagutang papel ang Venn Diagram at isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Pormal at Di-Pormal na sulatin.
[chart: Venn diagram; untitled]
- Left circle label: Pormal na sulatin
- Right circle label: Di-Pormal na sulatin
- Left-only area: Pagkakaiba
- Overlap area: Pagkakatulad
- Right-only area: Pagkakaiba
Values are not labeled on the chart.
Isagawa
Narito ang isang Liham ng Pamimili. Buoin at isulat ito na bumibili ng mga kagamitan sa pagtatanim. Isulat sa iyong sagutang papel.
Libas, Roxas City 5 Nobyembre 2019
G. Romeo Dela Cruz Agricultural Supply Trading Iznart St., Iloilo City
Ginoo:
Lubos na gumagalang, Ariel De Guzman
Tayahin
Sumulat ng isang Liham Pangangalakal batay sa isa sa sumusunod na mga sitwasyon. (10 puntos)
- Nais mong bumili ng mga halamang pantanim.
- Sinulatan mo ang inyong SPG adviser tungkol sa suliranin sa basura sa inyong paaralan.
- Gusto mong magtanong kung paano sumali sa Youth Organization ng inyong simbahan o parokya.
Karagdagang Gawain
Bumuo ng isang Liham na Nagtatanong tungkol sa halaga ng pagkain na kasya o tama lang sa tatlumpung katao na dadalo sa pasinaya ng isang proyekto sa paaralan.
[illustration: boy in a school uniform holding a laptop with an apple logo, beside a dashed-outline speech box]
Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay. Muli tayong magkita sa susunod na kuwarter.
Sa muli, ito ang iyong kaibigang si Kokoy. Paalam!
[transcriber’s note: the letter boxes and answer lines on this page are printed upside down; they are transcribed here in upright reading order]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Kalye San Roque Roxas City 10 Enero 2019
Ang Patnugot Magasing Tagalog P.O. Box 7654 Maynila
Ginoo:
Nais ko po sanang magkaroon ng lingguhang sipi ng magasin simula sa unang linggo ng Pebrero para sa isang taon. Kalakip po ng liham ko ang pera padala sa halagang isang libong piso.
Lubos na gumagalang, Susan Palomo
Pagsasanay 2
- Liham ng Nagtatanong
- Liham ng Nagrereklamo
- Liham ng Pagpapakilala
- Liham ng Pamimili
- Liham ng Aplikasyon
Pagyamanin
I Pagsasanay
A 1. B 2. B 3. D 4. C 5.
Pagsasanay 3 (Posibleng Sagot)
San Jose Village Lungsod ng Roxas Ika – 30 ng Nobyembre, 2019
Gng. Ma. Rita Villareal Punongguro Capiz National High School Lungsod ng Roxas
Madam:
Nais ko po sanang mag-aplay sa inyong paaralan bilang working student upang maipagpatuloy ko po ang aking pag-aaral. Ako po ay masipag mag-aral at maasahan sa kahit anumang gawain. Handa po akong magtungo sa inyong opisina para sa isang panayam.
Lubos na gumagalang, Randy Distor
[transcriber’s note: the boxes on this page are printed upside down; they are transcribed here in upright reading order]
Balikan
San Lorenzo Village Roxas City 30 Enero 2020
Mahal kong Chona,
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa tulong na ibinahagi mo sa aking pamilya nang magkasakit ang aming ina. Nawa’y pagpalain po kayo ng Panginoon upang mas marami pa po kayong matulungan.
Lubos na gumagalang, Kim
Isagawa (Posibleng Sagot)
Nais ko po sanang umorder ng dalawang dulos at isang kalaykay na kailangan ko sa pagtatanim. Kalakip po ng liham ko ang money order ko sa halagang isang libong piso para sa aking bayad.
Tayahin
(10 puntos)
(Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.)
Karagdagang Gawain
(Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.)
Sanggunian
- Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6WC-IIh-2.3, F6WC-IIf-2.9 p. 223
- K to 12 Curriculum in Filipino 2016 F6WC-IIf-2.9 p. 122 F6WC-IIh-2.3 p. 123
Mga Sariling Katha
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply