Filipino 6 Quarter 2 Module 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Grade 6 Filipino Q2 Module 11 teaches learners to identify and connect the causes and effects of events, with activities, a pretest, and an answer key.

This is the Filipino 6 Self-Learning Module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 11: “Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari” (connecting the causes and effects of events). It was prepared by DepEd Region VI for Grade 6 learners studying at home. After it, learners should be able to find the cause and effect in a situation and explain how the two are linked.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module says that after the lesson, the learner should be able to:

  • identify the cause and effect of events (nakatutukoy ng sanhi at bunga ng mga pangyayari);
  • give a fitting effect or cause for an event (nakapagbibigay ng angkop na bunga/sanhi ng mga pangyayari); and
  • connect the cause and effect of events (napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari). (F6PB-lllb-6.2)

A guide character named Kokoy talks to the learner throughout the module. He reminds them that everything we do has an effect on us and on the people around us.

Key ideas: sanhi and bunga

The module teaches the lesson through a short story. Early in the morning, sisters Remia and Gina ride their father’s jeepney to the market. They see a crowd and a police officer at a corner. They stop to look and learn that a motorcycle hit a child who was crossing the street.

From this story, the module explains two terms:

  • Sanhi (cause) is the reason why something happens. In “Dahil sa banggaan sa kanto, maraming tao at may pulis” (because of the crash at the corner, there are many people and a police officer), the part “dahil sa banggaan sa kanto” is the cause.
  • Bunga (effect) is the result of the event. In the same sentence, “maraming tao at may pulis” is the effect.

One effect can become a new cause

The module shows that events can form a chain:

Sanhi (cause)Bunga (effect)
dahil sa banggaan sa kantomaraming tao at may pulis
dahil maraming tao at may pulisnapahinto sina Remia at Gina

The crowd and the police officer are the effect of the crash. They are also the cause of the sisters stopping.

The module’s sentences use connecting words such as dahil (because), kaya (so), sapagkat (because), and kasi (because). For example: “Nanahi si Aling Vicky ng mga face mask sapagkat kulang ang suplay nito sa mga ospital” (Aling Vicky sewed face masks because hospitals were short of them). Here the part after “sapagkat” is the cause, and the sewing is the effect. Many of the examples come from daily life and the COVID-19 pandemic, like wearing face masks and social distancing.

Parts of the module

PartWhat the learner does
Subukin (pretest)Match 10 causes with their possible effects, such as “mainit na sopas” (hot soup) and “napaso ang dila” (burned tongue)
Balikan (review)Write a dialogue about a family preparing for a typhoon, using adverbs of place, manner, and time from the previous lesson
Tuklasin (explore)Read the Remia and Gina story and answer four questions
Suriin (analyze)Learn the meaning of sanhi and bunga from the story
Pagyamanin (practice)Gawain 1: label sentences S (sanhi) or B (bunga). Gawain 2: match causes and effects. Gawain 3: complete a cause-and-effect chart
Isaisip (remember)Write what you learned and why it matters
Isagawa (apply)Give five possible effects of rising COVID-19 cases, and five effects of people losing their jobs
Tayahin (assessment)5 multiple-choice items, then 5 sentences where you write the cause and the effect
Karagdagang Gawain (extra activity)Write a five-sentence paragraph with cause-and-effect links on one of three topics

The three paragraph topics are “Pag-abot ng Pangarap” (reaching a dream), “Pagkasira ng kalikasan” (destruction of nature), and “Pag-iingat laban sa nakamamatay na COVID-19” (protecting yourself from deadly COVID-19).

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest. Kokoy says not to worry if your score is low. Then work through each part in order and read each instruction before you answer. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it later.
  • Parents and guardians: The module comes with a guide for teachers and facilitators, with tips for helping your child at home. Encourage your child to answer honestly before checking the answer key. Have them contact their teacher if they have trouble with the lesson.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end of the module. Answers to the Isaisip and the Karagdagang Gawain paragraph are left for you to check. Several answers in the key are possible answers, not the only correct ones.

The next module is Module 12: “Paggamit ng Iba’t ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya” (using different words as adjectives and adverbs to express your own ideas).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 6 Filipino, second quarter (Ikalawang Markahan). It is Module 11.

What do sanhi and bunga mean?

Sanhi is the cause, or the reason something happens. Bunga is the effect, or the result of that event. In the module’s example, a crash at a corner (sanhi) leads to a crowd and a police officer (bunga).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the practice activities, and the final assessment. Some answers are given as possible answers, and the teacher checks the open-ended parts.

What competency does this module cover?

It covers connecting the cause and effect of events. The code printed in the module is F6PB-lllb-6.2.

Can learners write on the module?

No. The module asks learners not to write on or mark any part of it. They should answer on a separate sheet of paper so that others can use it later.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

[illustration: students reading under a tree, a teacher helping students at a desk, a boy with a lantern writing numbers, and two students with a globe]

CO_Q2_Filipino6_Module11

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Ikaanim na Baitang

Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
  • Manunulat: Ma. Janice E. Domingo
  • Editor: Gemma B. Obsiana
  • Tagasuri: Catherine D. Diaz; Junry M. Esparar; Celestino S. Dalumpines IV
  • Tagaguhit: Vincent D. Lausa
  • Tagalapat: Raymund D. Magbanua; Glenn P. Dollete
  • Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma; Salvador O. Ochavo, Jr.; Elena P. Gonzaga; Jerry A. Oquindo; Segundino F. Dollete; Shirley A. De Juan; Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.

Alamin

Kumusta ka na kaibigan? Naaalala mo pa ba ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makasasama mo sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang ikasampung modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa ikalabing-isang modyul.

Nakahanda ka na ba sa panibagong paglalakbay? Sigurado ako na mas magiging masaya ka dahil mag-uusap tayo patungkol sa Sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Sa ating buhay, anoman ang ating mga ginawa ay tiyak na may epekto o resulta na makaaapekto sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang taglay ang kasanayang:

  • nakatutukoy ng sanhi at bunga ng mga pangyayari;
  • nakapagbibigay ng angkop na bunga/sanhi ng mga pangyayari; at
  • napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F6PB-lllb-6.2)

Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay sa iyo. Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawain ang ipagagawa. Handa ka na ba? Tayo na!

Subukin

Pagtambalin ang sanhi ng mga pangyayari sa Hanay A sa posibleng bunga nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

AB
1. mataas na lagnatA. maruming paligid
2. hindi nagsisipilyoB. bumangga sa poste
3. marami ang itinanimC. napaso ang dila
4. walang kuryenteD. uminom ng gamot
5. pagtapon ng basura kahit saanE. luntiang paligid
6. hindi marunong lumangoyF. sirang baga
7. labis na paninigarilyoG. mainit at madilim
8. inaawit ang Lupang HinirangH. sira ang ngipin
9. nawalan ng preno ang taxiI. tumayo nang tuwid
10. mainit na sopasJ. may aanihin
K. gumamit ng salbabida

Mahusay kaibigan! Nagawa mong sagutin ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman hinggil sa ating paksang tatalakayin. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iskor na iyong nakuha dahil nakatitiyak ako na pagkatapos ng araling ito ay mapauunlad mo pa ang iyong kaalaman. Dagdagan mo lang ang iyong pagsisikap habang tayo’y naglalakbay.

Aralin 2: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Isa pang aralin na dapat nating matututuhan ay ang pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Ang mga babasahin sa modyul na ito ay dapat mong unawain nang mabuti para madali mong mapag-ugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Maghanda sa bagong araling pag–aaralan.

Balikan

Kaibigan! Bago tayo tuluyang maglayag, magbalik-tanaw ka muna kaugnay sa paksang ating pinag-aralan noong nakaraang talakayan. Naalala mo pa ba ang Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa Ibat-ibang Sitwasyon? Magaling! Halina’t muli nating balikan. Ngayon, batid kong kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain.

Gawin mo na!

Bumuo ng usapan batay sa sitwasyon. Gamitin ang mga pang-abay na pamaraan, panlunan at pamanahon na nakatala sa kahon. Isulat sa iyong sagutang papel.

(10 puntos)

Sitwasyon: Naghahanda ang mag-anak dahil may paparating na bagyo.

maagamabilismalakas
bukaspaluhodsa bahay
sa palengkemahigpitsa plasa
Tuklasin

Magaling! Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang tatalakayin, maghanda ka at tuklasin ang tungkol sa Aspekto at Pokus ng Pandiwa. Sige, simulan mo na!

Basahin ang kalagayang ito.

Maaga pa ay papunta na sina Remia at Gina sa palengke para mamili ng mga ititinda nila. Ginamit muna nila ang dyip na pamasada ng kanilang tatay para sumaglit sa pupuntahan.

[illustration: two people in a jeepney with a “ROXAS CITY” sign on the windshield]

transcriber’s note: the speech bubbles below are printed in the illustration; the speakers are not labeled by name.

  • Ate bakit kaya maraming tao sa may kanto? At may pulis pa!
  • Oo, nga ano. Teka, hihinto muna tayo at mag-uusyoso total may oras pa naman.
  • Kaya pala ang daming tao ate! Kawawa naman ang bata. Nasaan kaya ang ina at mukhang napabayaan ang anak niya?
  • May nasagasaan pala Gina! Nahagip ng motorsiklo ang bata nang tumawid ito sa kalsada.

Sariling Katha ni Gemma B. Obsiana

Mga Tanong:

  1. Saan pupunta sina Remia at Gina?
  2. Ano ang napansin ni Gina sa may kanto?
  3. Bakit maraming tao at may pulis?
  4. Ano ang dahilan ng pagkasagasa sa bata?

Suriin

Pag-usapan natin ang binasang kalagayan. Suriin ang sumusunod:

  1. Nagkaroon ng banggaan sa kanto kaya maraming tao at may pulis.
  2. Tumawid sa kalsada ang bata kaya nahagip ng motorsiklo.

Ano ang pangyayari sa unang pangungusap?

Pangyayari: Nagkaroon ng banggaan sa kanto. Ano ang idinulot ng pangyayari?

Idinulot ng Pangyayari: Nagkaroon ng maraming tao at may pulis.

Ano ang pangyayari sa Pangungusap 2?

Pangyayari: Tumawid sa kalsada ang bata. Idinulot ng Pangyayari: Nahagip ng motorsiklo

Basahin naman ito:

Dahil sa banggaan sa kanto, maraming tao at may pulis.

Dahil sa banggaan sa kanto

Ang bahaging ito ng pangungusap ay nagsasaad ng dahilan ng pagdami ng tao at pagkakaroon ng pulis. Ito ang sinasabing sanhi ng isang pangyayari.

Maraming tao at may pulis

Ang bahaging ito naman ay nagsasaad ng resulta o epekto ng pangyayaring pinag-uusapan. Ito ang sinasabing bunga ng pangyayari.

Suriin ito:

SanhiBunga
1. dahil sa banggaan sa kanto1. maraming tao at may pulis
2. dahil maraming tao at may pulis2. napahinto sina Remia at Gina

CO_Q2_Filipino6_Module11

Ano ang napansin mo sa bunga Bilang 1 at sanhi Bilang 2? Ang bunga na maraming tao at may pulis ay maaari ring maging dahilan o sanhi ng isa pang pangyayari na magkakaroon ng panibagong epekto/bunga.

Pagyamanin

Handa ka na ba sa sumusunod na mga gawain? Kung handa ka na, gawin mo ang nasa Gawain 1 hanggang 3. Basahin mo ang mga panuto bago sagutin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain 1

Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang S kung ito ay sanhi at B kung bunga.

  1. _________Magsuot palagi ng face mask.
    _________Maiwasan nating mahawa ng COVID-19.
  2. _________Palagi siyang nagkakasakit.
    _________Mahilig kumain ng mga sitserya si Donald.
  3. _________Hindi nakapagplantsa si Lea ng kaniyang damit.
    _________Nagmamadali siyang umalis.
  4. _________Nakalimutan ni Aling Diday ang kaniyang pitaka.
    _________Hindi siya nakabili ng gatas.
  5. _________Uminom siya nang maraming tubig.
    _________Uhaw na uhaw si Lino.
Gawain 2

Pagtambalin ang sanhi ng mga pangyayari sa Hanay A na angkop na bunga nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

AB
1. Sinisiguro ni Allan na palagi siyang malinis.A. Palagi siyang masaya.
2. Gustong proteksiyonan ni Gilda ang sarili sa nakahahawang virus.B. Naliligo siya araw-araw.
3. Mahigpit na pinapatupad ng mga pamilihan ang social distancing.C. Naghuhugas siya ng kamay bago at pagkatapos kumain
4. Paboritong kainin ni Jun ang mga prutas na mayaman sa bitamina C.D. Nagsusuot siya ng face mask kapag lalabas ng bahay.
5. Si Angela ay palaging may positibong pananaw sa buhay.E. Malakas siya at hindi madaling mahawaan ng sakit.
F. Walang siksikan.

CO_Q2_Filipino6_Module11

Gawain 3

Punan ang tsart. Bumuo ng sanhi at bunga sa sumusunod na mga kaisipan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

SanhiBunga
Masikip ang lumang sapatos ni Daniel1. ______________________________
2. ______________________________Gumanda ang kaniyang buhay.
Sobrang bilis magpatakbo ng bisikleta si Erwin3. ______________________________
May bahay na nasusunog4. ______________________________
5. ______________________________Umiiyak ang sanggol.

Isaisip

ANO ANG IYONG NATUTUHAN?GAANO ITO KAHALAGA?

Isagawa

Magbigay ng limang posibleng ibubunga ng sumusunod na kalagayan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Dumarami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

B. Marami ang nawalan ng trabaho sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

CO_Q2_Filipino6_Module11

Tayahin

A. Basahin ang bawat kalagayan. Piliin ang maaaring maging bunga o sanhi sa pangyayari. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang maaaring ibubunga nito?
    A. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
    B. Mapapasayaw ang mga pasahero.
    C. Hindi makababa ang mga pasahero.
    D. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.
  2. Mahirap ang buhay ng mag-anak Mang Doming. Isa siyang magsasaka at ang kaniyang maybahay ay nasa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. Sa kabila rito, masaya ang kanilang pamilya. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila. Alin ang sanhi ng talata?
    A. Masaya ang kanilang pamilya.
    B. Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
    C. Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming.
    D. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.
  3. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Nakikita mong paroo’t parito ang mga tao sa pagtatapon ng kanilang mga basura maliban pa sa mga itinatapon ng mga sasakyan. Ano ang pinakamalapit na epekto sa pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng basura sa inyong lugar?
    A. Yayaman ang mga basurero
    B. Lilipat ng tirahan ang mga tao.
    C. Mangangamoy basura ang paligid.
    D. Maglilinis ang mga mamamayan ng kani-kanilang bakuran.
  4. Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Daisy sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
    A. Pumunta sina Daisy sa palaruan.
    B. Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
    C. Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
    D. Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.

CO_Q2_Filipino6_Module11

  1. Tumatakbo nang mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano ang ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
    A. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
    B. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
    C. Magsusuka ang mga tao.
    D. Maluluha ang mga tao.

B. Tukuyin ang sanhi at bunga sa bawat kalagayan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Sanhi: ____________________________________________________________________ Bunga: ___________________________________________________________________

  1. Malaking problema ang kakulangan sa pagkain kaya nagbigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga taong nawalan ng trabaho.

Sanhi: ____________________________________________________________________ Bunga: ___________________________________________________________________

  1. Nanahi si Aling Vicky ng mga face mask sapagkat kulang ang suplay nito sa mga ospital.

Sanhi: ____________________________________________________________________ Bunga: ___________________________________________________________________

  1. Naiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iba kasi tinatakpan natin ang ating bibig kapag umuubo at bumabahing tayo.

Sanhi: ____________________________________________________________________ Bunga: ___________________________________________________________________

  1. Pahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners kaya dapat huwag lumabas at manatili na lamang sa bahay.

Sanhi: ____________________________________________________________________ Bunga: ___________________________________________________________________

CO_Q2_Filipino6_Module11

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap sa isa sa mga paksa sa ibaba. Tiyakin na sa mga pangungusap may ugnayang sanhi at bunga.

  1. Pag-abot ng Pangarap
  2. Pagkasira ng kalikasan
  3. Pag-iingat laban sa nakamamatay na COVID-19

Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay. Muli tayong magkita sa Modyul 12: Paggamit ng Iba’t ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya.

Sa muli, ito ang iyong kaibigang si Kokoy. Paalam!

CO_Q2_Filipino6_Module11

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key below is transcribed after rotating it, and uncertain letters or words are marked with [?]]

Subukin
BilangSagot
1d
2h
3j
4g
5e
6k
7i
8f
9b
10c
Pagyamanin
Gawain 1
  1. S
  2. B
  3. B
  4. S
  5. S [?]
Gawain 2
  1. C
  2. D
  3. F
  4. E
  5. A
Gawain 3 (Mga Posibleng Sagot)
  1. Bumili siya ng bago.
  2. Nagsisikap siya ng madali. [?]
  3. Natuto at nasugatan siya. [?]
  4. Dumating ang mga bombero.
  5. Nagiyak siya. [?]
Isaisip

Ang sagot ng mag-aaral ay iwasto ng guro ayon sa sariling karanasan. [?]

Balikan (Posibleng sagot)

Talay: Mga anak magliligpit kayo dahil ayon sa balita ay may paparating na bagyo bukas. Nanay, maaga kang pumunta sa palengke dahil may nakahandang tayong pagkain yong hindi agad mapapanis.

Nanay: Sige, dapat tayong maghanda tayo. Malakas daw ang hangin. [?]

Nene: Hindi na pala kami makapaglaro sa plaza bukas, inay?

Nanay: Oo anak, sa bahay lang muna tayo, mahirap na. Pakiabot ng basket anak.

Nene: Heto po nay.

Nanay: Lalabas na ako. Mabilis lang naman ako dahil makalista na ang lahat ng mga bibilihin ko. Nene, isang mahalagang yakap nga sa nanay. [?]

Nene: (Mabilis na yumakap si Nene sa nakatalikod na nanay. Iyan ang yakap ng bagong normal, pabulong na dagdag ng anak.) [?]

CO_Q2_Filipino6_Module11

Tuklasin (Posibleng sagot)
  1. Sa palengke pupunta sina Remia at Gina.
  2. Maraming tao sa kanto at may pulis.
  3. May nasagasaan.
  4. Naantala ang daloy ng sasakyan.
  5. Tumawid sa kalsada ang bata at nahagip ng motorsiklo. [?]
Isagawa (Posibleng sagot)

A.

  • Magkakaroon ng pamahalaan [?]
  • Magkapit ang bansa [?]
  • Marami ang mawawalan ng trabaho
  • Babagsak ang ekonomiya ng bansa
  • Magugutom ang tao [?]

B.

  • Lalong magkakahirap ang bansa
  • Marami ang magugutom
  • Tumaas ang krimen
  • Hindi na mapag-aral ng mga magulang ang kanilang mga anak [?]
  • Dadami ang problema ng bansa
Tayahin
BilangSagot
1D
2D
3A [?]
4C
5B
6Sanhi: dahil sa COVID-19. Bunga: Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa enhanced community quarantine.
7Sanhi: Malaking problema ang kakulangan sa pagkain. Bunga: kaya nagbigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga taong nawalan ng trabaho.
8Sanhi: sapagkat kulang ang suplay nito sa mga ospital. Bunga: Nanahi si Aling Vicky ng mga face mask.
9Sanhi: kasi tinatakpan natin ang ating bibig kapag umuubo at bumabahing tayo. Bunga: Naiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iba.
10Sanhi: Pahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners. Bunga: kaya dapat huwag lumabas at manatili na lamang sa bahay.
Karagdagang Gawain

Iwasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.

CO_Q2_Filipino6_Module11

Sanggunian

  • Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6PB-llb-6.2, p. 223
  • K to 12 Curriculum in Filipino 2016 F6PN-IVf-10, p. 128
  • Mga Sariling Katha

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district