Filipino 6 Quarter 2 Module 10: Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon)

This is the Filipino 6 self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 10: “Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa Iba’t ibang Sitwasyon” (using types of adverbs of place, manner, and time when talking in different situations). It is written for Grade 6 learners studying at home, with a friendly guide named Kokoy. By the end, learners should be able to use adverbs of place, manner, and time correctly in everyday conversations.

The module is part of DepEd’s Alternative Delivery Mode, first edition 2020, and was printed by DepEd Region VI. Its writers are Anita L. Villasis and Analyn L. Valencia.

What learners will learn

The module states one learning competency:

  • Nagagamit ang uri ng pang-abay (panlunan, pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon (uses the types of adverbs of place, manner, and time in conversations in different situations). (F6L-IIF-j-5)

Key ideas: what a pang-abay is

A pang-abay (adverb) is a part of speech that describes, or gives more meaning to, a verb (pandiwa), an adjective (pang-uri), or another adverb. The module says adverbs make a conversation, dialogue, or sentence clearer.

The module’s main example comes from a short dialogue between Ted and his father about Ted’s mother, who went to Manila to look for work:

  • “Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.” (I will welcome Mother with a tight hug.) The phrase nang mahigpit describes the verb sasalubungin (will welcome), so it is a pang-abay.

The three types of pang-abay in this module

Each type answers a different question about an action.

TypeWhat it tellsQuestion it answersExample from the module
Pang-abay na panlunanThe place where the action happensSaan? (Where?)Sa panaderya magtatrabaho ang nanay. (Mother will work at the bakery.)
Pang-abay na pamanahonWhen the action happensKailan? (When?)Sa susunod na Linggo uuwi na ang nanay mo. (Your mother will come home next week.)
Pang-abay na pamaraanHow the action is donePaano? (How?)Sasalubungin niya nang mahigpit na yakap ang kaniyang nanay. (He will welcome his mother with a tight hug.)

More examples used in the activities:

  • Panlunan (place): sa simbahan, sa kantina, sa plasa, sa resort, sa palengke, sa tindahan, sa bukid
  • Pamanahon (time): kahapon, gabi-gabi, tuwing umaga, araw-araw, sa Lunes, sa susunod na buwan, mamayang hapon, bukas
  • Pamaraan (manner): mabagal, pabulong, dahan-dahan, nang mahimbing, nang patagilid, patayo, paluhod, mahigpit

A quick way to check: ask saan, kailan, or paano about the verb. The word or phrase that answers the question is the adverb, and the question tells you its type. The module explains that these adverbs matter because they complete the information a listener needs about the place, the time, and the way an action is done.

Parts of the module

  • Alamin: introduces the topic and the competency.
  • Subukin: a 10-item multiple-choice pretest where learners identify the type of pang-abay in quoted sentences.
  • Balikan: a review of the previous lesson, Aspekto at Pokus ng Pandiwa (aspect and focus of verbs), using a dialogue between a grandfather and his grandchild.
  • Tuklasin: the dialogue of Ted and his father, with five questions about place, time, and manner.
  • Suriin: the explanation of the pang-abay and its three types.
  • Pagyamanin: three activities. Gawain 1 asks learners to mark adverbs with symbols (a star for pamaraan, a circle for panlunan, a triangle for pamanahon). Gawain 2 asks them to sort the adverbs in a dialogue between Aling Tess and her daughter Heaven into a table. Gawain 3 asks them to write a conversation based on a picture of a school ground (10 points).
  • Isaisip: two summary questions on what to remember and why these adverbs matter.
  • Isagawa: fill in five situations with the right adverb from a word box.
  • Tayahin: write a conversation about a family preparing for their mother’s return from five years of work in Hong Kong, using adverbs from a box (10 points).
  • Karagdagang Gawain: create a situation that uses the adverbs given in a box.
  • Susi sa Pagwawasto: the answer key, with sample answers for the writing tasks.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest; Kokoy says not to worry if your score is low. Then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, because the module asks you not to write on or mark any page so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and home facilitators: Help your child read the dialogues aloud and ask the saan, kailan, and paano questions together. The module notes that a teacher’s or facilitator’s guide comes with it, with tips for guiding learners at home.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The writing tasks in Gawain 3 and Tayahin are worth 10 points each and have only sample answers, so they need your own checking.

After this module, learners continue with Module 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari (connecting causes and effects of events).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 6 Filipino, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 10.

What are pang-abay na panlunan, pamaraan, and pamanahon?

They are adverbs of place, manner, and time. Panlunan answers saan (where), pamaraan answers paano (how), and pamanahon answers kailan (when) about an action.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the review, the activities, and Isagawa, plus sample answers for the conversation-writing tasks.

What competency does this module cover?

It covers using the types of adverbs (panlunan, pamaraan, pamanahon) in conversations in different situations, printed with the code F6L-IIF-j-5.

Can learners write on the module?

No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate answer sheet so others can use it later.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino – Ikalawang Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa Iba’t ibang Sitwasyon

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa Iba’s ibang Sitwasyon

[illustration: students reading and studying under a tree, indoors at a desk, and with a globe and a lamp; a child writing on paper]

CO_Q2_Filipino6_Module9

Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag usap sa Iba’t ibang Sitwasyon

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Anita L. Villasis, Analyn L. Valencia Editor: Gemma B. Obsiana Tagasuri: Catherine D. Diaz, Joeryl M. Esparar Tagaguhit: Leo Gali Tagalapat: Raymund D. Magbanua Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Salvador O. Ochavo, Jr., Elena P. Gonzaga, Jerry A. Oquindo, Segundino F. Dollete, Shirley A. De Juan, Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509) 7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this page repeats the module title and DepEd logo from the cover on page 1, with the number 6 and the logo at the bottom of the page]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.

Alamin

[illustration: Kokoy, a boy character holding a tablet with an apple on it]

Kumusta ka na kaibigan? Naaalala mo pa ba ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makasasama mo sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang ikasiyam na modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa ikasampung modyul.

Nakahanda ka na ba sa panibagong paglalakbay? Sigurado ako na mas magiging masaya ka dahil mag-uusap tayo patungkol sa paggamit ng uri ng pang-abay na panlunan, pamaraan at pamanahon sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon. Batid kong kayang-kaya mong gawin ito.

Ang modyul na ito ay maghahatid sa iyo ng kaalaman sa paggamit ng uri ng pang-abay na panlunan, pamaraan at pamanahon sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon.

Pagkatapos ng iyong pag-aaral, ikaw ay inaasahang:

  • nagagamit ang uri ng pang-abay (panlunan, pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. (F6L-IIF-j-5)

Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay sa iyo. Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawain ang ipagagawa. Handa ka na ba? Tayo na!

Subukin

Magandang buhay! Handa ka na ba sa panibagong hamon? Halina’t pag-aralan natin ang paggamit ng pang-abay (panlunan, pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang mga uri ng pang-abay ay ginamit sa pahayag sa ibaba. Kilalanin ang uri ng pang-abay at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: the underlined words in items 1 to 4 are shown with underlining in the original and are marked here by their position in each item]

  1. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda. Anong uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
    A. Pang-abay na Panlunan
    B. Pang-abay na Pamaraan
    C. Pang-abay na Pamanahon
    D. Pang-abay na Pamilang


  2. “Halina kayo, maraming masasarap na pagkain sa kantina,” yaya ni Ana sa kaniyang mga kaklase. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
    A. Pang-abay na Panlunan
    B. Pang-abay na Pamaraan
    C. Pang-abay na Pamanahon
    D. Pang-abay na Pang-agam


  3. “Inay, bakit gabi-gabi, ikaw ay nakikita kong umiiyak?”, tanong ni Nene sa ina. Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?
    A. Pang-abay na Pamanahon
    B. Pang-abay na Panlunan
    C. Pang-abay na Pamaraan
    D. Pang-abay na Pamilang


  4. “Sa Lunes ka na magsisimula sa iyong bagong trabaho,” sabi ng manedyer kay Roland. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
    A. Pang-abay na Pamaraan
    B. Pang-abay na Panang-ayon
    C. Pang-abay na Panlunan
    D. Pang-abay na Pamanahon


  5. “Doon tayo mamamasyal sa plasa ng Panay dahil balita ko nagagandahan ang mga parol doon,” sabi ni Robert. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
    A. Pang-abay na Pamanahon
    B. Pang-abay na Panlunan
    C. Pang-abay na Pamaraan
    D. Pang-abay na Pananggi


  6. “Nakita kong mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng aking kapatid,” kuwento ni Rose. Anong uri ng pang-abay ang ginamit?
    A. Pang-abay na Pamaraan
    B. Pang-abay na Panang-ayon
    C. Pang-abay na Pamanahon
    D. Pang-abay na Panlunan


  7. “Mag-eehersisyo tayo tuwing umaga para lalo pa tayong lalakas!” yaya ni Nida sa kaibigang si Liza. Anong uri ng pang-abay ang ginamit?
    A. Pang-abay na Pamanahon
    B. Pang-abay na Panlunan
    C. Pang-abay na Pamaraan
    D. Pang-abay na Pang-agam


  8. “Inay, bakit patayo kang nagdarasal?”, tanong ni Lynlyn sa ina. Ang salitang patayo sa pangungusap ay halimbawa ng:
    A. Pang-abay na Panlunan
    B. Pang-abay na Pamanahon
    C. Pang-abay na Pang-agam
    D. Pang-abay na Pamaraan


  9. “Narinig kong sa bagong resort idaraos ang kaarawan ni Kristine.” Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
    A. Pang-abay na Panlunan
    B. Pang-abay na Pamanahon
    C. Pang-abay na Pamaraan
    D. Pang-abay na Pananggi


  10. “Kailangan, araw-araw ay nagsisipilyo ka ng ngipin mo anak,” paalaala ni Aling Martha sa bunsong anak. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
    A. Pang-abay na Panlunan
    B. Pang-abay na Pamaraan
    C. Pang-abay na Pang-agam
    D. Pang-abay na Pamanahon


Aralin 2: Paggamit ng mga Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa Iba’t ibang Sitwasyon

Balikan

[illustration: Kokoy, a boy character holding a tablet with an apple on it]

Mahusay kaibigan! Nagawa mong sagutin ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman hinggil sa ating paksang tatalakayin. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iskor na iyong nakuha dahil nakatitiyak ako na pagkatapos ng araling ito ay mapauunlad mo pa ang iyong kaalaman. Dagdagan mo lang ang iyong pagsisikap habang tayo’y naglalakbay.

Kumusta ka kaibigan? Nasasabik ka na ba sa bagong araling ating tatalakayin? Sana ay maging handa ka sa mga pagsubok na darating sa modyul na ito. Galingan mo ha!

Kaibigan! Bago tayo tuluyang maglayag, magbalik-tanaw ka muna kaugnay sa paksang ating pinag-aralan noong nakaraang talakayan. Naalala mo pa ba ang Aspekto at Pokus ng Pandiwa? Magaling! Halina’t muli nating balikan. Ngayon, batid kong kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain. Gawin mo na!

Pakinggan ang usapan ng maglolo. Isulat ang mga pandiwang ginamit sa usapan at tukuyin kung ano ang aspekto at ang pokus ng pandiwa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: an older man and a child outdoors, with a house and plants in the background]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Leo Gali

Apo : Lolo, natatakot po ako sa mga nangyayari ngayon.

Lolo: Huwag kang mag-aalala apo. Magdasal at manalig lamang tayo sa Panginoon.

Apo: Opo lolo. Ay! Maiba po ako. Akin na lang po itong bagong lapis at ipangguguhit ko para malibang po ako.

Lolo: Sige apo. May tinapay pala diyan. Ipinagbalot ka ng lola Ana mo. Dumaan ako sa kanila kanina.

Apo : Wow! Hindi talaga hindi nakalilimot si Lola Ana. Ang bait niya talaga!

Lolo: Aba! Oo naman. Talagang mabait ang kapatid kong iyon kaya palagi kong binibisita.

Apo : Sige po lolo, sasama po ako sa iyo sa susunod na dumalaw po kayo sa kaniya.

Sariling katha ni Catherine D. Diaz

Magaling! Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang tatalakayin, maghanda ka at tuklasin ang tungkol sa paggamit ng uri ng pang-abay na panlunan, pamaraan at pamanahon sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. Sige, simulan mo na!

Tuklasin

Bagong aralin na naman ang ating matututuhan sa araw na ito. Ito ay ang paggamit ng pang-abay na panlunan, pamaraan, at pamanahon sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Isang araw, habang naglalakad ang mag-ama papuntang plasa, napag- usapan nila ang Nanay Beng na nagbabakasyon sa Maynila.

Ted : Tatay, bakit po pumunta ang nanay sa Maynila?

Tatay: Ted, maghahanap ng trabaho ang nanay.

Ted : Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?

Tatay: Oo, anak!

Ted : Wow, tiyak kong may pasalubong sa akin ang nanay. Boomer, narinig mo iyon? Itay, tingnan mo matangkad na ang ating alagang asong si Boomer.

Tatay: Halika Ted, dalhin natin ang aso mo sa plasa. Balita ko, may palatuntunan doon. Manonood tayo.

Ted : Itay, Kailan po ba uuwi ang nanay?

Tatay: Sa susunod na linggo, uuwi na ang nanay mo anak.

Ted : Talaga ba itay? Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.

Tatay: Sige anak, halika ka na. Pupunta na tayo sa plasa kasama si Boomer.

Sariling Katha ni Catherine D. Diaz

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang paksa ng usapan ng mag-ama?
  2. Saan pupunta ang mag-ama?
  3. Kailan uuwi ang Nanay Beng?
  4. Saan magtatrabaho ang nanay? Paano sasalubungin ni Ted ang kaniyang nanay?
  5. Ano ang napapansin mo sa mga tanong 2 hanggang 4?

Suriin

Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagpapalinaw sa isang usapan, diyalogo o pangungusap.

Ano ang pang-abay?

Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Halimbawa: Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.

Ang pariralang nang mahigpit sa pangungusap ay nagbibigay-turing sa pandiwang sasalubungin.

Ang nang mahigpit ay halimbawa ng pang-abay sapagkat naglalarawan ito sa paraan ng pagsusulubong sa nanay.

Ang pang-abay ay may iba’t ibang uri tulad ng pang-abay na panlunan, pang-abay na pamanahon, at pang-abay na pamaraan.

Isa-isahin natin ang tatlong ito.

Ano ang pang-abay na panlunan?

Pang-abay na panlunan ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng lugar na pinangyarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa: Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?

Tanong: Saan magtatrabaho ang nanay doon? Sagot: Sa panaderya magtatrabaho ang nanay.

Ang sa panaderya ay halimbawa ng pang-abay na panlunan.

Ano ang pang-abay na pamanahon?

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan nangyari ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na kailan?

Halimbawa: Sa susunod na Linggo, uuwi na ang nanay mo anak.

Tanong: Kailan uuwi ang nanay niya? Sagot: Sa susunod na Linggo uuwi na ang nanay niya.

Ang sa susunod na Linggo ay halimbawa ng pang-abay na pamanahon.

Ano ang pang-abay na pamaraan?

Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano isinagawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na paano.

Halimbawa: Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.

Tanong: Paano niya sasalubungin ang kaniyang nanay?

Sagot: Sasalubungin niya nang mahigpit na yakap ang kaniyang nanay.

Kaya ang nang mahigpit ay nasa pang-abay na pamaraan.

Pagyamanin

Handa ka na ba sa susunod na gawain? Kung handa ka na, gawin natin ang mga nasa gawain 1 hanggang 3. Basahin ang panuto sa bawat Gawain at sagutin sa iyong sagutang papel.

Gawain 1

Iguhit ang ☆ kung ang salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, ○ kung pang-abay na panlunan, △ kung pang-abay na pamanahon.

  1. Mabagal na sumunod si Mary sa kaniyang kapatid.
  2. Nagkita sa simbahan ang magkakaibigan.
  3. Si Marie ay umuwi na sa kanilang lugar kahapon.
  4. Sa susunod na buwan ay babalik na sa trabaho niya ang tatay.
  5. Pabulong na nag-uusap ang magkakapatid upang hindi magising ang ina.
Gawain 2

Basahin ang usapan. Isulat sa sagutang papel ang ginamit na mga pang-abay na pamaraan, panlunan, at pamanahon.

Maagang nagising si Aling Tess para maghanda ng mga lulutuin niya nang pumasok sa kusina ang kaniyang anak na si Heaven.

Heaven : Magandang umaga po Nanay!

Aling Tess: Magandang umaga rin anak. Mamayang hapon ay may kaunting salo-salo tayo bilang pasasalamat sa pagkapanalo mo.

Heaven : Wow! Salamat po nanay.

Aling Tess: Walang anoman anak. Talagang pinaghandaan namin ng itay mo ito. Kunin mo muna sa kuwarto ang aking pitaka at may ipabibili ako sa iyo.

Heaven : Sige po nanay.

Aling Tess: Dahan-dahan sa pagpasok sa kuwarto anak, natutulog pa nang mahimbing ang iyong kapatid.

Heaven : Gabi na po ba dumating ang kuya?

Aling Tess: Oo anak. Nahirapan daw siyang mag-abang ng sasakyan.

Heaven : A, kaya pala. Heto na po ang iyong pitaka inay.

Aling Tess: Salamat anak. Heto ang pera. Bumili ka ng isang kilong asukal sa tindahan ni Aling Merly. Mag-ingat ka sa pagtawid sa kalye.

Sariling katha ni Gemma Obsiana

[transcriber’s note: the table is printed at the top of this page and has no title]

Pang-abay na PanlunanPang-abay na PamaraanPang-abay na Pamanahon
Gawain 3

Bumuo ka ng usapan na ginagamitan ng pang-abay na panlunan, pang-abay na pamaraan, at pang-abay na pamanahon batay sa larawan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. (10 puntos)

[illustration: children on a school ground near a flagpole and a school building, with a tree at the left]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Leo Gali

Isaisip

Magaling ka bata! Upang mabuod mo ang ating pinag-aralan, sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.

Ano-ano ang dapat tandaan sa araling ito?

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pang-abay na panlunan, pamanahon at pamaraan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang situwasyon?

Isagawa

Punan ng tamang uri ng pang-abay ang sumusunod na mga sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

pabulongdahan-dahanmagaling
sa resortsa palengkemaaga
  1. Tuwing orasyon, umuupo si inay sa harapan ng altar at _____ siyang nagdarasal.
  2. Nanalo sa liga ng basketbol ang pangkat nina Ariel. Nagplano silang ipagdiwang ito sa _____.
  3. Maaga pa, gumigising na si Lory para samahan ang kaniyang ina na pumupunta _____ upang mamili.
  4. Mahal na mahal ni Marlon ang anak niya kay Liza. _____ pa lamang sinusundo na niya ito sa bahay ng ina.
  5. Mahimbing ang tulog ni Aling Rita. Sinilip siya ng bunso sa kuwarto at _____ pumasok.

Tayahin

Bumuo ng usapan batay sa sitwasyon. Gamitin ang mga pang-abay na pamaraan, panlunan at pamanahon na nakatala sa kahon. Isulat sa iyong sagutang papel. (10 puntos)

Sitwasyon: Naghanda ang mag-anak dahil darating ang kanilang ina mula sa limang taong pagtatrabaho sa Hongkong.

maagamabilismalakas
bukaspaluhodsa bahay
sa palengkemahigpitsa plasa

Karagdagang Gawain

Bumuo ng isang sitwasyon na kinapapalooban ng pang-abay na panlunan, pamanahon, at pamaraan gamit ang mga salita o parirala sa kahon. Isulat sa iyong sagutang papel.

sa bukidsa tindahan
nang mahigpitnang patihaya
sa susunod na buwantuwing umaga

Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay. Muli tayong magkita sa Modyul 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari.

Sa muli, ito ang iyong kaibigang si Kokoy. Paalam!

[transcriber’s note: this page is printed upside down; its content is transcribed in reading order]

Susi sa Pagwawasto

Tuklasin
  1. Ang paksa ay ang pagbabakasyon ni Nanay Beng.
  2. Pupunta ang mag-ama sa plasa.
  3. Uuwi ang nanay Beng sa susunod na Linggo.
  4. Sa panaderya. Sasalubungin ni Ted ang kaniyang nanay nang mahigpit na yakap.
  5. Ang sagot ay lugar, panahon, at paraan ng paggawa.
Balikan
PandiwaAspektoPokus
NatatakotnagaganapPokus as aktor
NangyayarinagaganapPokus sa aktor
Mag-aalalamagaganapPokus sa aktor
IpangguguhitmagaganapPokus sa gamit
IpinagbalotnaganapPokus sa tagatanggap
DumaannaganapPokus sa aktor
NakalilimotnagaganapPokus sa aktor
BinibisitanagaganapPokus sa layon
SasamamagaganapPokus sa aktor
SusunodmagaganapPokus sa aktor
DumalawnaganapPokus sa aktor
Pagyamanin
Gawain 1
  1. ☆
  2. ○
  3. △
  4. △
  5. ☆
Gawain 2
  1. Pang-abay na panlunan
    • sa kwarto
    • sa tindahan
  2. Pang-abay na pamaraan
    • dahan-dahan
    • nang mahimbing
  3. Pang-abay na pamanahon
    • mamayang hapon
    • gabi
Gawain 3 (posibleng sagot)

Tagpuan sa paaralan:

Habang papasok si Ana sa paaralan, nakasalubong niya ang kaibigang si Mariz.

Ana: Saan ka pupunta mahal kong kaibigan?

Mariz: Pupunta ako sa tindahan.

Ana: Mukhang matatagalan ka dahil medyo malayo pa mula rito.

Mariz: Hindi naman, malapit lang, mga sampung minuto lamang at makararating ka na roon.

Ana: O, siya na lumakad ka nang atulin mo para makarating ka agad.

Mariz: Sige at nang makabalik ako at makapagkuwentuhan tayo. Bago ko pala makalimutan hinahanap ka ni ma’am kanina.

Subukin
  1. B
  2. A
  3. A
  4. D
  5. B
  6. A
  7. A
  8. D
  9. A
  10. D

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the boxes below are rotated 180 degrees]

Isagawa
  1. Pabulong
  2. Sa resort
  3. Sa palengke
  4. Maaga
  5. Dahan-dahan
Tayahin (posibling sagot)

Tatay: Mga anak, bukas na uuwi ang inyong nanay galing sa Hongkong.

Ana: Yeheeey!!! Bukas na uuwi ang nanay!

Lorna: Halika Ana, maglilinis tayo sa bahay.

Lito: Sige, maglinis muna kayo at mamaya ay pupunta tayo sa palengke para mamili ng ihanda natin.

Kinaumagahan…

Tatay: Mga anak, nandoon na pala ang inyong nanay sa airport. Halina kayo, puntahan na natin siya. Malakas na tawag ng tatay.

Mahigpit na niyakap ng ina ang kaniyang mga anak at asawa nang nagkita-kita sila.

Isaisip

Dapat tandaan na ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Ang pang-abay ay may mga uri tulad ng:

  1. Pang-abay na Panlunan
  2. Pang-abay na Pamaraan
  3. Pang-abay na Pamanahon

Ano ang ibig sabihin ng bawat isa?

Ang pang-abay na panlunan ay pang-abay na tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Ang pang-abay na pamaraan ay pang-abay na tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na paano.

Ang pang-abay na pamanahon ay pang-abay na tumutukoy sa panahon kung kailan nangyari ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na kailan.

Mahalaga ang paggamit ng mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan dahil sumasagot ito ng iba’t ibang kailangang impormasyon tungkol sa panahon o oras, lugar at ibang kalagayan at kumukumpleto ng mga kinakailangang impormasyon tungkol sa panahon o oras, lugar at ibang kalagayan at pamamaraan ng pagsagawa ng aksiyon o kilos.

Sanggunian

  • Most Essential Learning Competencies (MELCs) page 167
  • Mga Sariling Katha

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *