EsP 6 Quarter 3 Module 2: Wastong Pangangalaga sa Pinagkukunang-Yaman

Grade 6 EsP Quarter 3 Module 2 teaches learners to use natural resources and livelihood with care and responsibility for sustainable development.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Grade 6, Quarter 3, Module 2: “Wastong Pangangalaga sa Pinagkukunang-Yaman” (proper care of resources). It was prepared by DepEd Region VI for learners studying at home. Learners will learn how to use the country’s resources and their family’s livelihood with care and responsibility, so that people today and future generations both have what they need.

The module ends by asking learners to answer one question: how will you use resources with care and responsibility for livelihood?

On this page 6 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Use livelihood and resources with care and responsibility: “Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman” (EsP6PPP-IIIe-36)

The module has one lesson, Aralin 1: “Pagpapahalaga at Pananagutan sa Pinagkukunang-Yaman” (valuing and being responsible for resources).

Key ideas: sustainable development and caring for natural resources

The lesson starts by noting that the Philippines is rich in natural resources that can meet Filipinos’ needs. Because of changes, these resources are in danger of running out. To protect them, people need to value them and use them responsibly.

Likas-kayang pag-unlad (sustainable development)

The module defines likas-kayang pag-unlad as meeting people’s present needs and goals while keeping in mind the welfare of the next generation. This is reached through the proper use of resources and care for the environment. People and nature depend on each other, and life on Earth depends on both.

Ten ways to care for natural resources

The module lists these ways:

  1. Plant trees to replace those cut down in forests.
  2. Keep the surroundings clean.
  3. Strictly ban kaingin (slash-and-burn farming).
  4. Use water properly and save it.
  5. Take care of bodies of water nearby.
  6. Learn simple and responsible use of material things.
  7. Separate waste into biodegradable (nabubulok) and non-biodegradable (di-nabubulok).
  8. Practice the 4R’s: Reduce, Reuse, Recycle, Replace.
  9. Follow the rules and laws on caring for the environment.
  10. Encourage young people to use resources responsibly and conserve nature.

Everyday examples from the module

The module uses familiar situations to show what caring for resources looks like:

  • Writing carefully and using an eraser to avoid wasting paper.
  • Turning old paint cans into colorful flower pots.
  • Using a tumbler instead of disposable plastic for drinking water.
  • Ironing clothes once a week to save electricity.
  • Joining the barangay tree planting program to prevent floods and landslides.
  • Bringing a bayong (woven bag) to the market.
  • Using organic fertilizer on crops.

It also shows harmful practices to avoid, such as throwing garbage in the river, kaingin, catching endangered animals, burning plastic and rubber, and muro-ami, a fishing method that destroys the coral reefs where fish live.

In the story “Ang Masayang Karanasan” (a happy experience), three friends stop their classmate Mario from throwing garbage in the river. They explain that it pollutes the water, kills fish, and causes floods. They teach him to separate his waste, use biodegradable waste as fertilizer, and reuse or recycle the rest.

Parts of the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Check pictures and underline statements that show responsible use of resources
Balikan (review)List the admirable traits of Kesz Valdez, Lea Salonga, Manny Pacquiao, Efren “Bata” Reyes, and Wang-od Oggay
Tuklasin (discover)Read the dialogue “Ang Masayang Karanasan” and answer six questions
Suriin (analyze)Read about sustainable development and the ten ways to care for resources
Pagyamanin (enrich)Gawain 1: draw one way to care for resources, scored with a rubric; Gawain 2: write Tama or Mali for five situations
Isaisip (remember)Answer three questions on the lesson
Isagawa (apply)Write a promise on being responsible with livelihood and resources
Tayahin (assessment)Mark activities with a happy or sad face, then answer five situation questions
Karagdagang Gawain (extra activity)Read the story “Ang Trabahong Napili ni Rafael” about a mango plantation worker and answer five questions

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest (Subukin) to see what you already know, then work through the parts in order. Write your answers on a separate answer sheet or in your notebook, not on the module, so others can use it later. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part and use the answer key at the end to check answers. The module asks everyone to use the key honestly, after the work is done.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The Gawain 1 drawing has a rubric with two criteria, content and overall presentation, scored 5, 3, or 1. The Isagawa promise and the Karagdagang Gawain questions work well for checking whether learners can apply the lesson at home.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 2. It has one lesson, Pagpapahalaga at Pananagutan sa Pinagkukunang-Yaman.

What competency does the module cover?

It covers EsP6PPP-IIIe-36: using livelihood and resources with care and responsibility.

What does likas-kayang pag-unlad mean?

It means sustainable development: meeting people’s present needs while caring for the welfare of the next generation, through proper use of resources and care for the environment.

What are the 4R’s in the module?

The module lists the 4R’s as Reduce, Reuse, Recycle, and Replace.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest (Subukin), Gawain 2, and the Tayahin assessment.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 2 Wastong Pangangalaga sa Pinagkukunang-Yaman

[illustration: group of students reading and studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q4_ESP 6_ Module 2

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Wastong Pangangalaga sa Pinagkukunang-Yaman Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Susana M. Gonzales Editor: Lucena C. Romblon, Rosalie S. Cajolo, Cheryl A. Vallota, Elizabeth L. Maxino, and Letecia A. Bates Tagasuri: Lani A. Palma, Lynie D. Diamante, Miriam Lima, Annamor M. Eleccion Tagaguhit: Anthony Cordilla Tagalapat: Japeth N. Pagonzaga, Annamor M. Eleccion, Jose Karrlo G. Barro, Mary Grace N. Prologo Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Josilyn S. Solana, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine, Miriam Lima, Ballesteros, Renato T. Regie B. Sama, Ronie T. Tababa, Annamor M. Eleccion, Lani A. Palma

6

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 2

Wastong Pangangalaga sa Pinagkukunang-Yaman

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para makatulong at gagabay sa iyo upang madali mong maunawaan ang pagpapahalaga sa mga kabuhayan ukol sa kalikasan. Sa huling bahagi ay matutunan mong sagutin ang tanong: Paano mo gagamitin nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan ang pinagkukunang-yaman?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a. Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman. (EsP6PPP-IIIe-36)

Subukin

Halika’t alamin kung ano na ang iyong kaalaman sa araling ito.

A. Panuto. Suriin ang mga larawan. Isulat ang tsek (✓) kung ginagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan ang kanilang pinagkukunang yaman at ekis (x) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. [illustration: farmer tending a field of crops with huts in the background]
  2. [illustration: man with a hat cutting or felling a tree with a chainsaw in a forest]
  3. [illustration: person with a hat cutting down trees, with smoke rising and logs on the ground]
  4. [illustration: a boy and a girl planting seedlings in pots and in the ground, with a shovel]
  5. [illustration: people carrying items along a shore beside a boat and a palm tree]

B. Panuto: Basahin ang sitwasiyon at salungguhitan ang pahayag na nagpapakita ng pagpapahalaga at pananagutan sa kanilang kabuhayan at paggamit ng pinagkukunang-yaman.

  1. Si Jason ay isang mag-aaral ng ika-anim na baitang. Maingat siyang sumusulat para maiwasan ang pakakamali at kung mayroon man gumagamit sya ng pambura, sa paraang ito ay maiwasan niya ang paggamit ng maraming papel.


  2. Magandang tingnan ang mga paso na may iba’t ibang kulay hindi halos malaman na galing ito sa lata ng pintura. Ginawa ito ng mga mag-aaral ng Barangay V Elementary School bilang taniman ng mga bulaklak.


  3. Tumbler ang sinisidlan ni Maria ng kaniyang tubig-inumin. Sa pamamagitan nito ay naiiwasan ang paggamit nang disposable plastic.


  4. Nakagawian sa bahay nila Rose ang mamalantsa ng mga damit isang beses sa isang linggo sa halip na mamalantsa ng paunti-unti araw-araw para makatipid sa kuryente.


  5. Ang batang si Mario ay aktibong sumasali sa Tree Planting Program ng barangay upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.


Aralin 1: Pagpapahalaga at Pananagutan sa Pinagkukunang-Yaman

Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman na maaring ipanustos sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Bahagi ito ng masaganang Pinagkukunang-yaman ng bansa.

Dahil sa mga pagbabago, ang mga likas na yaman, nanganganib na maubos at tuluyang mawala. Upang mapangalagaan ang mga pinagkukunang-yaman dapat nating isaisip at isagawa ang pagpapahalaga dito para sa likas-kayang pag-unlad. Kailangan rin na paunlarin ang pinagkukunang-yaman sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan at pagpapahalaga sa kabuhayan.

Balikan

Natatandaan mo pa ang ating nakalipas na aralin? Halika’t alalahanin ang mga ito.

Panuto: Balikan ang mga natatanging Pilipino na karapat-dapat tularan. Itala ang kanilang mga katangian. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Natatanging PilipinoKatangian ng mga Tauhan na dapat tularan
1. Kesz Valdez
2. Lea Salonga
3. Manny Pacquiao
4. Efren “Bata” Reyes
5. Wang-od Oggay

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang naging usapan ng mga magkakaibigan at sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.

Ang Masayang Karanasan

Tagpo: Masayang pumunta sa tabing-dagat sina Maria, Glen at Rosie upang manguha ng kabibe.

Maria: Wow! Napakagandang tingnan ang tabing-dagat at masarap ang simoy ng hangin.

Glen: Hmmn, palibhasa ang mga tao dito ay disiplinado, palagi nilang nililinis ang dalampasigan.

Rosie: Sana ganoon din ang gawin sa ating barangay.

Maria: Oo nga! Lahat naman tayo ay naghahangad ng malinis at walang polusyon na lugar, di ba?

Glen: Sabagay……….

Umuwing masaya ang magkaibigan. Nakasalubong nila ang kanilang kamag–aral na si Mario na may bitbit na basura.

Rosie: Saan mo itatapon iyan Mario?

Mario: Siyempre sa ilog! Bakit?

Rosie: Alam mo ba na bawal magtapon ng basura sa ilog? Ito’y nakakasira ng ating kalikasan.

Mario: Bakit naman?

Rosie: Dahil sa mga basura na iyong itatapon, ito’y magiging sanhi ng polusyon. Maraming mga isda ang mamamatay at magiging marumi ang tubig.

Glen: Hindi lang yan, tuwing sasapit ang tag-ulan ay maaring umapaw ang tubig sa ating kabahayan at magbaha, maaari pa tayong magkasakit. Ang baha ay mapaminsala. Ito’y makakasira ng ating mga ari-arian at maari itong maging dahilan ng pagkasawi ng mga buhay.

Mario: Ah, ganoon ba! Salamat, Rosie at Glen! Dahil sa mga sinabi ninyo, ako ay naliwanagan. Ano kaya ang mabuti kong gawin sa mga basurang ito?

Maria: Maaari mo munang pagbukod-bukurin ang mga basura. Ibukod mo ang mga nabubulok sa mga di–nabubulok.

Rosie: At ang basurang nabubulok ay pwede mong gamiting pataba sa mga pananim at ang di-nabubulok ay puwede mo pang gamitin muli at maari kang mag recycle.

Glen: Halika, Mario tulungan ka namin!

Mario: Maraming salamat sa inyo! May natutunan na naman ako sa araw na ito.

Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong.

  1. Ilarawan ang lugar na pinuntahan ng mga bata.
  2. Ano-ano ang kanilang nararamdaman sa kanilang nakita?
  3. Paano nila natulungan si Mario na hindi na magtapon ng basura sa ilog?
  4. Ano-ano ang payong ibinigay nila kay Mario?
  5. Paano ipinakita ng magkakaibigan ang pagpapahalaga sa ating pinagkukunang-yaman?
  6. Bilang isang bata, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga at pananagutan sa ating likas yaman?

Suriin

Ang Likas-kayang Pag-unlad

Ang likas-kayang pag-unlad (sustainable development) ay ang tamang pagtugon sa mga pangangailangan at mithiin ng mga tao sa lipunan nang may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng susunod na henerasyon. Makakamit ang ang layuning ito sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga pinagkukunang-yaman at pangangalaga sa kapaligiran.

Narito ang ilang mga paraan ng pangangalaga sa likas na yaman.

  1. Magtanim ng mga punong kahoy bilang kapalit ng mga pinutol sa kagubatan.
  2. Panatilihing malinis ang kapaligiran.
  3. Mahigpit na ipagbawal ang pagkakaingin
  4. Wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
  5. Pangalagaan ang mga anyong-tubig sa paligid
  6. Matutuhan ang simple at responsableng paggamit ng mga materyal na bagay.
  7. Pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.
  8. Isagawa ang 4R’s (Reduce, Reuse, Recycle, Replace).
  9. Sumunod sa mga panuntunan at mga batas na ipinatutupad tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
  10. Hikayatin ang mga kabataan sa mapanagutang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman at konserbasiyon ng kalikasan.

Matatamasa ang tunay na likas-kayang pag-unlad sa pamamagitan ng mga pagpapahalaga at pagiging mapanagutan sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman. Magkatugon ang pangangailangan ng tao at kalikasan sa isa’t isa. Kapwa nakasalalay sa tao at kalikasan ang pananatili o patuloy ng buhay sa daigdig. Ang mga tao sa lipunan ay inaasahang maging makakalikasan at magpatuloy sa pangangalaga sa likas-yaman upang matugunan ang pangangailangan ng tao sa kasalukuyan at sa henerasyon ng kinabukasan.

Pagyamanin

Gawin 1

Panuto: Gumuhit ng isa sa mga paraan ng pangangalaga sa likas na yaman kung paano ka makatutulong bilang batang may malasakit at pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman. Sundin ang mga nakasaad sa rubrik para makuha ang ninanais na iskor.

Pamantayan531
NilalamanNaipapakita ang mga paraan ng pangangalaga at pagmamalasakit sa likas na yaman.Di gaanong naipapakita ang mga paraan ng pangangalaga at pagmamalasakit sa likas na yaman.Hindi naipapakita ang mga paraan ng pangangalaga at pagmamalasakit sa likas na yaman.
Kabuuang PresentasyonMalinis at maayos ang kabuuang presentasyon o pagguhit.Di gaanong nalinis at maayos ang kabuuang presentasyon o pagguhit.Hindi malinis at maayos ang kabuuang presentasyon o pagguhit.
Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Isulat ang Tama, kung ang ipinapahiwatig sa bawat bilang ay nagpapakikita ng wastong paggamit ng pinagkukunang–yaman at Mali kung hindi ipinapakita ang pagpapahalaga sa pinagkukunang-yaman. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

  1. Si Amanda ay nagtitinda ng tubig ng niyog. Ang natirang tubig na hindi naibenta ay ginagawa niyang suka na pampaasim ng pagkain.


  2. Si Mang Kanor ay isang mangingisda na gumagamit ng lambat na may malaking butas sa pangingisda.


  3. Masagana ang ani ni Mang Karding dahil gumamit siya ng organikong pataba.


  4. Paglililok ang kabuhayan ng pamilya ni Mang Andres kailangan niya ng magandang uri ng tabla para dito. Sinisiguro niya na ang kahoy na kaniyang ginagamit ay nasa tamang gulang na at ito’y hindi kabilang sa mga kahoy na bawal putulin.


  5. Kilala ang Benguet sa sariwang mga gulay at bulaklak. Ang mga tao dito ay umaasa sa kanilang mga pananim kaya ito’y matiyaga nilang inaalagaan.


Isaisip

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano-ano ang limang paraan ng pangangalaga sa likas na yaman?




  1. Bakit kailangan magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman?




  1. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang makatulong sa pagtiyak na ang susunod na henerasyon ay may pinagkukunang-yaman para sa kanilang kabuhayan?




Isagawa

Panuto: Sumulat sa inyong kuwaderno ng isang pangako kung paano mo maipapakita ang pagiging mapanagutan sa kabuhayan at mga pagpapahalaga sa mga pinagkukunang-yaman para sa likas-kayang pag-unlad.






Tayahin

A. Panuto: Iguhit ang ☺ kung ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng wastong paggamit, pagpapahalaga at pananagutan sa pinagkukunang-yaman at ☹ naman kung hindi nagpapakita. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

____________1. Panghuhuli, pagbebenta at pagpatay sa mga hayop na nanganganib nang mawala (endangered species).

____________2. Pagkakaingin o pagsusunog ng mga puno sa kagubatan at kabundukan.

____________3. Paggamit ng organikong pataba sa pananim.

____________4. Paggawa ng plorera o bolpen holder galing sa lalagyan ng shake.

____________5. Pagkukumpuni ng nasisirang tubo ng tubig.

B. Basahin ang mga pangungusap at sagutin ang mga tanong.

  1. Ang bangkang Aurora ay nagdala ng mga bata upang gumawa ng muro-ami, ito’y pagkuha ng isda sa pamamagitan ng pagsira ng mga korales na kanilang tirahan. Ano sa palagay mo ang maaring epekto nito sa mga isda?


  2. Maraming mga magsasaka ang nagtatanim ng abaka. Ito’y ibinibenta sa mga kompanya na gumagamit nito. Pinipili nila ang puwede nang anihin at patuloy silang nagtatanim. Tama ba ito? Ipaliwanag.


  3. Isang proyekto ng Sagguniang Kabataan ay ang paglilinis ng dalampasigan. Bilang isang bata dapat mo bang tularan ang kanilang ginagawa? Bakit?


  4. Sa tuwing mamalengke si Aling Rosing ay dala-dala niya ang kaniyang bayong. Ano kaya ang dahilan ni Aling Rosing sa pagbibitbit niya ng bayong?


  5. Nakagawian ng pamilya Santos ang magsunog ng basura tulad ng plastik at goma sa likod ng kanilang bahay. Dapat bang pamarisan ang kanilang ginagawa? Bakit?


Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Alamin kung paano ginamit ng mga tauhan nang may pagpapahalaga at pananagutan ang kanilang kabuhayan at pinagkukunang yaman.

Ang Trabahong Napili ni Rafael

Bagong graduate si Rafael sa kursong komersyo nais magkaroon kaagad ng trabaho kaya maaga siyang gumising, naligo at kumain ng kaniyang almusal pagkatapos ay nagbihis ng maayos angkop para sa pag-apply ng trabaho, kinuha niya ang kaniyang folder na may lamang mga papeles at agad nagsakay ng traysikel papunta sa target niyang kompanyang gustong trabahuan.

Pagdating niya sa opisina marami nang nakapilang mga aplikante. Medyo kinabahan siya ng kunti ngunit sa kaniyang isip dapat maging matatag siya. Ilang sandali pa ay tinawag na ang kaniyang pangalan. Nakita niyang nakamasid sa kaniya ang isang istriktong mukha ngunit may malumanay na tinig, “umupo ka” matipid na umupo si Rafael. Maraming tanong ang itinanong sa kaniya at kampante siyang nasagot lahat iyon. Ngunit may isang tanong na muntik na siyang hindi makasagot at ito iyon. “Kung halimbawa ikaw ay tatanggapin ko at ilagay ka sa field payag ka ba?” at dahil gustong gusto ni Rafael na magkatrabaho ay sumagot siya ng Oo!

Natanggap si Rafael bitbit ang kaniyang maleta ay pinuntahan niya ang field. Ito’y isang malapad na plantasyon ng mangga na kung saan inasign siya bilang isang quality controller. Sinabihan siya ng lahat ng kaniyang mga tungkulin sa loob ng plantasyon.

Binigyan siya ng namamahala ng plantasyon ng sarili niyang kwarto na pansamantala niyang tirahan habang doon siya nagtatrabaho. Kaagad linagay niya ang kaniyang mga gamit at pumunta na siya sa kaniyang trabaho.

Pinipili nang maigi ni Rafael ang mga mangga ayon sa laki. Ang mga manggang sobrang hinog ay ginagawang mango jam ng ibang mga trabahador at kasabay itong linalagay nila sa karton at ipinapadala sa grocery store na siyang may-ari ng plantasyon. Ang mga naipong balat ng mangga ay linalagay nila sa tambakan ng nabubulok na basura at ito ang kanilang ginagawang pataba sa mga mangga.

Nararamdaman ni Rafael na siya ay masaya sa kaniyang trabaho at hindi siya nagkamali sa pagsagot ng Oo sa taong nag interview sa kaniya.

Mga Tanong:

  1. Paano ginamit ni Rafael na may pagpapahalaga ang kaniyang kabuhayan?
  2. Anong ginawa ng mga trabahador na nagpapakita ng nagpapahalaga sa pinagkukunang yaman?
  3. Paano napapa-unlad ng isang tao ang kaniyang kabuhayan gayundin ang mga pinagkukunang-yaman?
  4. Ano-ano ang mga pagpapahalagang maaaring tularan sa buhay ni Rafael?
  5. Kung ikaw si Rafael, paano mo pauunlarin ang iyong kabuhayan at ang mga pinagkukunang-yaman sa iyong kapaligiran?

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; it was read after rotating it 180 degrees. The face symbols in Tayahin are uncertain and are marked.]

Gawain 2
TayahinGawain 2
1. ☺ [?]1. Tama
2. ☹ [?]2. Tama
3. ☹ [?]3. Tama
4. ☹ [?]4. Tama
5. ☺ [?]5. Tama
Subukin

A.

  1. /
  2. X
  3. x
  4. /
  5. /

B.

  1. Maingat syang sumulat sa kaniyang kuwadernoat sulatang papel, nakatipid siya sa paggamit ng maraming papel
  2. Paso na may ibat-ibang kulay taniman ng mga bulaklak
  3. Tumbler ang sinisidlan ni Maria ng kaniyang tubig inumin, naiwasan ang paggamit ng disposable plastic.
  4. Nakagawian sa bahay nila Rose ang mamalantsa ng mga damit isang beses sa isang linggo
  5. Aktibong sumasali sa Tree Planting Program ng baranggay

Sanggunian

Ylarde, Zenaida R and Peralta, Gloria A. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Edited by Gloria A. Peralta. Quezon City, Metro Manila: Vibal Group Inc.

Sustainable development. (n.d.). UNESCO. https://en.unesco.org/themes/education-sustainable-development/what-is-esd/sd

The four Rs: Review, reduce, reuse, recycle. (n.d.). Mass Audubon. https://www.massaudubon.org/news-events/publications/explore/past-issues/spring-2019/the-four-rs

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district