This is the Araling Panlipunan self-learning module for Grade 6, Ikatlong Markahan (Quarter 3), Module 6: “Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes” (how Filipinos defend the national interest). It is a First Edition, 2020 Alternative Delivery Mode module from the Schools Division of Sagay City, DepEd Region VI (Western Visayas), written by Ruth Ann D. Monterroyo. By the end of it, learners can explain what sovereignty is, name the rights of a free nation, and describe how the armed forces, government agencies, and ordinary citizens protect the country and its territory.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module’s Alamin (objectives) section says learners will:
- Understand why sovereignty (soberanya) matters in keeping a country free
- Conclude that a free country has sovereignty
- Explain and value internal sovereignty (panloob na soberanya) and external sovereignty (panlabas na soberanya)
- Identify the rights that a free country enjoys
- Discuss how citizens defend the country’s freedom and territorial borders
Lessons in this module
- Aralin 1: Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes (Filipinos defending the national interest). Defines sovereignty and its two types, then explains the rights of a free nation and the role of the Armed Forces of the Philippines.
- Aralin 2: Pagtatanggol ng mga Mamamayan sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa (citizens defending the country’s freedom and territorial borders). Describes the country’s natural resources, what the 1987 Constitution says about defending the state, and the government agencies that protect the territory.
Sovereignty and the rights of a free nation
The module defines soberanya as the highest power of the state to command and to make the people under it obey. It has two types:
- Panloob na soberanya (internal sovereignty): the power of the state to enforce its authority over all the territory it governs.
- Panlabas na soberanya (external sovereignty): the freedom of the state to carry out its own affairs without interference from other countries.
The module adds that the people hold the power to govern, since they choose their leaders through elections, and that the country keeps good relations with other nations by sending envoys and embassies abroad.
It then lists the rights of a free nation:
| Right (as named in the module) | What it means |
|---|---|
| Karapatang Magsarili (right to self-government) | The Philippines settles conflicts within the country without the influence of any other nation. |
| Karapatang Mamahala sa Nasasakupan (right to govern its territory) | It enforces laws over its territory and people, alone decides how to develop its natural resources, and protects the rights of Filipinos inside or outside the country. |
| Karapatang Magkaroon ng mga Ari-arian (right to own property) | It may own natural resources, public buildings, embassies, airports, and ports, and may buy private property for public use at a fair price set by law. |
| Karapatan sa Pantay na Pagkilala (right to equal recognition) | As a member of the United Nations, it can bring its concerns there. Carlos P. Romulo was elected in 1949 to a top UN post, and the Philippines was a founding member of ASEAN on August 8, 1967. |
| Karapatang Makipag-ugnayan (right to diplomatic relations) | It sends ambassadors abroad and receives ambassadors from other countries, with relations centered on the economy, politics, and society. |
| Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan (right to defend its freedom) | Under the Constitution, Filipinos of the right age, women or men, may be called to render military or civil service when the country is in danger. |
Who defends the country’s territory
Aralin 2 opens by describing the country’s natural wealth: fish and shells from the sea; tourist spots like Boracay, the Palawan Underground River, Mayon Volcano, and the Chocolate Hills; metallic minerals such as copper, nickel, iron, and gold; oil deposits in Palawan; and trees like narra, yakal, and mahogany. It reminds learners that minerals run out and cannot be replaced, so they must be used wisely.
The module quotes the 1987 Constitution, Article II, Section 4: defending the state is the prime duty of the government and the people. It also cites Article II, Section 3 on the role of the Armed Forces of the Philippines (AFP) in keeping the country safe from internal and external threats. The AFP has three branches:
- Hukbong Panlupa (Philippine Army): defends the country against attacks and also helps in medical, education, and livelihood work.
- Hukbong Panghimpapawid (Philippine Air Force): guards Philippine airspace and uses radar to check aircraft entering the country.
- Hukbong Pandagat (Philippine Navy): guards the country’s waters and coasts, following the Archipelagic Doctrine and the Law of the Sea.
Other agencies also help:
- DILG: keeps peace, order, and the safety of citizens; the Philippine National Police (PNP) is under it.
- PNP: maintains peace and order and helps during disasters such as typhoons, fires, and volcanic eruptions.
- DFA: works with other countries to keep the territory, national power, and national rights secure.
- DENR: manages and protects natural resources, forests, mining, fisheries, and endangered animals.
- DOJ: advises on legal matters, prosecutes cases, and handles the entry and stay of foreigners.
The module stresses that territory can be defended through diplomacy or through arms, but war should be avoided whenever possible. Obeying laws on peace and on caring for natural resources is also a way of defending the country.
How to use this module
- Start with Subukin (pretest). Part 1 matches terms like soberanya and the AFP with their meanings; Part 2 asks learners to find the word that does not belong in each group.
- Work through each lesson in order: Balikan (review), Tuklasin (explore, including the poem “Soberanya”), Suriin (discussion), Pagyamanin (practice), Isaisip (key points), Isagawa (application), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (extra activity).
- Answer on separate paper. The module asks learners not to write on or mark any part of it, so others can use it.
- Check answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and use it honestly.
For learners: the Isagawa tasks ask you to draw pictures showing how the government defends the national interest (Aralin 1) and to make a poster of a government agency you want to join when you grow up (Aralin 2). A rubric scores them on clarity, accuracy, completeness, craftsmanship, and persuasiveness.
For parents: the module says a teacher’s or facilitator’s guide comes with it, and the pretest shows whether your child needs extra help. Contact the teacher if your child has trouble with the lessons.
For teachers: the tree diagram, concept map, and fishbone organizer give quick checks of whether learners understand sovereignty, the rights of a free nation, and agency roles.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?
It is for Grade 6, Ikatlong Markahan (Quarter 3). It is Module 6 of the Araling Panlipunan self-learning modules.
What is the difference between panloob and panlabas na soberanya?
Panloob na soberanya (internal sovereignty) is the state’s power to enforce its authority over all its territory. Panlabas na soberanya (external sovereignty) is the state’s freedom to run its own affairs without interference from other countries.
What lessons are in this module?
Aralin 1 covers how Filipinos defend the national interest, including sovereignty and the rights of a free nation. Aralin 2 covers how citizens, the AFP, and agencies like DILG, DFA, DENR, and DOJ defend the country’s freedom and territory.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and several activities. The module asks learners to use it honestly.
What are the three branches of the Armed Forces of the Philippines in the module?
The Philippine Army guards against attacks on land, the Philippine Air Force guards the country’s airspace, and the Philippine Navy guards its waters and coasts.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan-Modyul 6: Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes
6
[illustration: students reading and studying around a tree, with a lamp and a globe]
CO_Q3_AP6_Module6
Araling Panlipunan- Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Module 6: Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes First Edition, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by ________________________ Department of Education – Region VI- Western Visayas
Office Address: Schools Division of Sagay City, Quezon St., Brgy Poblacion 1, Sagay City, Neg. Occ, 6122 Telefax: (034) 488-0415; 488-0416 E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ruth Ann D. Monterroyo Tagaguhit: Jaypee E. Santillan, Jessa P. Remata Editor: Joy B. Fernandez, Rizza Mae E. Flores, Ma. Analyn T. Villamor Tagasuri: Jordan T. Beleganio, Marlon C. Dublin, Bella P. Balandra Tagalapat: Mayo P. Villamor, Analee B. Alingco, Florendo S. Galang Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Josilyn S. Solana, Elena P. Gonzaga, Arlene G. Bermejo, Jerry A. Oquendo, Nenita P. Gamao, Donald T. Genine, Jordan T. Beleganio, Marlon C. Dublin
6
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with an arrow, representing the goal]
Kalayaan. Maraming buhay ang nabuwis at dugong dumanak para lamang ito ay makamtan. Bakit kaya mahalaga ang kalayaan ng isang bansa? Gaano nga ba ito nakakaapekto sa ating buong pagkatao at sariling pagkakakilanlan? Kaya mo din bang gawin ang lahat ng iyong makakaya upang pangalagaan ang ating kalayaan?
Sa aralin na ito, ay uunawain natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanya sa pagpapanatili ng kalayaan ng isang bansa.
Bibigyang konklusyon rin natin na ang isang bansang malaya ay may soberanya.
Gayunman ay ipapaliwanag natin at bibigyang halaga ang panloob na soberanya (internal sovereignty) ng bansa at panlabas na soberanya (external sovereignty) ng bansa at ang mga karapatang tinatamasa ng isang malayang bansa.
Tatalakayin din natin ang pagtatanggolng mga mamamayan sa Kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumsuonod na aralin
- Aralin 1 Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes
- Aralin 2 Pagtatangol ng mga Mamamayan sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa.
Handa ka na ba? Halika ka na, magsimula na tayo!
1 CO_Q3_AP6_Module6
Subukin
[illustration: pencil icon]
Unang Bahagi
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
| A | B |
|---|---|
| 1. soberanya | A. Pambansang kinatawan sa ibang bansa |
| 2. panloob soberanyang | B. Malayang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. |
| 3. panlabas soberanyang | C. Pag aari o pag aangkin ng lahat ng ariarian at bagay bagay na nasa kanyang teritoryo |
| 4. karapatan sa kalayaan | D. Paggawa ng estado ng batas at kautusan at pagpapatupad nito sa nasasakupan. |
| 5. karapatan sa pantay na prebilihiyo | E. Bawat estado ay may pantay na karapatan, tungkulin at prebilihiyo. |
| 6. karapatan sa saklaw na kapangyarihan | F. Pangangasiwa ng estado sa sarili, pang ekonomiya, panlipunan o pampolitika. |
| 7. karapatan sa pagmamay-ari | G. May tungkuling tiyakin ang ganap na kapangyarihan ng estado at integridad ng bansang teritoryo. |
| 8. karapatan sa pakikipag-ugnayan | H. Ang sukdulan o pinakamataas na kapangyarihan ng estado o bansang magutos at pasunurin ang mga tao. |
| 9. Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) | I. Tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod at sundin ang gawain nito na hindi pinakikialaman ng ibang bansa. |
| 10. diplomat o konsul | J. Tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng teritoryong nasasakupan nito. |
2 CO_Q3_AP6_Module6
Ikalawang Bahagi
Panuto: Hanapin ang mga salitang hindi nabibilang sa pangkat. Isulat sa papel ang tamang sagot.
| A | B | C | D | E |
|---|---|---|---|---|
| Ginto | Mahogany | Kabibe | Isla ng Boracay | Kalabaw |
| Marmol | Sampaguita | Korales | Chocolate hills | Kambing |
| Pilak | Ilang-Ilang | Abaka | Palawan Underground River | Manok |
| narra | Orkidyas | perlas | Manila | baka |
3 CO_Q3_AP6_Module6
Aralin 1 Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes
Upang makatulong tayo sa pag-unlad ng ating bansa kailangan nating maging aktibo sa pakikilahok sa iba’t-ibang gawain na magpapaunlad sa ating bansa. Kailangan rin nating alamin ang ating mga karapatan at kapangyarihan upang mapangalagaan ang pambansang interes ng bansa.
Tara na, ating balikan at tuklasin ito!
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
Panuto: Isulat ang buong pangalan ng mga pangulo na nasa larawan at isulat sa iyong sagutang papel.
- [photo: portrait of a man in a suit] _____
- [photo: portrait of a man in a suit] _____
- [photo: portrait of a man in a barong] _____
- [photo: portrait of a man in a suit] _____
- [photo: portrait of a man in a white barong] _____
- [photo: portrait of an older man in a suit] _____
4 CO_Q3_AP6_Module6
Tuklasin
Panuto: Basahin at pag aralan ang tula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
SOBERANYA
Ni: Ruth Ann D. Monterroyo
Soberanya ang tawag, sa kalayaang di huwad
Ito ang pinakatatangi, nang bayang minimithi
Soberanya ang bukod tanging
bumubuo Sa pagkatao at buhay ng
bawat Pilipino.
Soberanyang panloob ang tawag,
Sa kapangyarihang taglay nito
na magpasunod ng utos sa teritoryo
upang maging payapa, mga sinasakupan nito
Soberanyang panlabas ang siyang bigkas
Sa kakayahang magtaguyod ng mga gawain
Na hindi pinapakikialaman ng ibang bansa
Mahahalagang desisyon at pamamalakad natin.
*Ano ang mensahe ng tula?
*Ano ang pinagkaiba ng soberanyang panloob at panlabas?
Suriin
Soberanya ang tawag sa pinakamataas na kapangyarihan ng estado na magutos at pasunurin ang mga nasasakupan nito. Mayroong dalawang uri ang soberanya, ito ay ang panloob na soberanya at panlabas na soberanya.
Ang Panloob na Soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng teritoryong nasasakupan nito.
Ang Panlabas na Soberanya ay tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod at sundin ang gawain nito na hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
Ang bawat bansa ay may kapangyarihang magsarili. Ito ay kapangyarihang pamahalaan ang bansa na malaya mula sa panghihimasok ng mga dayuhan. Ibig sabihin, ang kapangyarihang pampamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan nito. Napasailalim sa kamay ng taong bayan ang karapatang pumili ng mga pinuno ng bansa sa pamamagitan ng isang halalan. Ang mga piniling mamuno ang siyang magpapatupad ng batas at magsasagawa ng mga kautusan para sa maayos na pamumuhayng mga Pilipino.
Isa pang kapangyarihan ng bansa ay ang kapangyarihang makapagsarili. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, malayang naipatutupad ng bansa ang mga layunin at mithiin para sa kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan at ng Pilipinas. Ilan sa mga tungkulin ng bansa ay ang lutasin ang mga suliranin at kaguluhan sa bansa ng hindi pinapakialaman ng ibang bansa.
Mayroon rin itong patakarang panlabas upang mapanatili ang mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sugo/embahada sa ibang bansa.
Karapatang Magsarili
Sa pagiging malaya ng Pilipinas, may karapatan itong lutasin ang mga sigalot sa loob ng bansa na walang anumang impluwensiya ng alinmang bansa.
Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
May mga batas na ipinapatupad hinggil sa pamamahala sa teritoryo at mga mamamayan nito. Tanging Pilipinas lamang ang magpapasya tungkol sa paglinang ng mga likas na yaman at mga pakinabang nito. Karapatan ng Pilipinas na pangalagaan ang mga karapatan ng mga Pilipino nasa loob man o labas ng bansa ang mga ito.
Karapatang Magkaroon ng mga Ari-arian
Karapatan ng bansa na mag-angkin ng mga ari-arian gaya ng likas na yaman, gusaling pambayan, mga embahada, paliparan, daungan at iba pa. Karapatan din ng bansa na bilhin ang pribadong ari-arian na pakikinabangan ng publiko sa tamang halaga na naaayon sa batas.
Karapatan sa Pantay na Pagkilala
Kasapi ang Pilipinas ng Samahan ng Nagkaisang Bansa (United Nations). Maaaring isumite ng Pilipinas ang anumang suliranin at mga pangangailangan sa samahang ito. Maraming Pilipino ang nanilbihan dito kabilang na si Carlos P. Romulo na nahalal noong 1949 bilang Secretary General. Sa pagtatag ng Samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya o Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong Agosto 8, 1967, isa ang Pilipinas sa pangunahing kasapi nito. Layunin ng samahang ito na patatagin at paunlarin ang kabuhayan, kultura at gawaing panlipunan ng mga bansang kasapi nito.
Karapatang Makipag-ugnayan
Bilang kasaping bansa ng samahang pandaigdig at panrehiyon, karapatan nito na magpadala ng kinatawan sa ibang bansa at tumanggap ng embahada ng ibang bansa. Nagpapadala ng mga ambassador ang Pilipinas sa ibang bansa at tumatanggap din ito ng mga ambassador mula sa ibang bansa na may magandang hangarin. Ang pakikipag-ugnayan nito ay nakasentro sa larangan ng ekonomiya, pulitika at panlipunan.
Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
Nakatakda sa Saligang Batas na ang isang mamamayang Pilipino na nasa tamang edad, babae man o lalaki ay inaasahang maglingkod military, personal man o sibil sakaling maharap sa panganib ang bansa. Nakatalaga sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na pangalagaan at ipagtanggol ang bansa laban sa banta ng anumang pagsalakay o terorismo.
Hukbong Panlupa o Pangkatihan (Philippine Army o PA)
Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa anumang paglusob at labanan. Tumutulong din sila sa mga gawaing medikal, edukasyon at pangkabuhayan.
Hukbong Panghimpapawid (Philippine Airforce o PA)
Binabantayan nito ang himpapawid na sakop ng Pilipinas. Gamit ang kanilang radar tinitiyak nito ang mga sasakyang panghimpapawid na pumapasok sa bansa.
Hukbong Pandagat (Philippine Navy o PN)
Nagbabantay sa mga bahaging tubig ng bansa. Binabantayan ang mga baybayin nito na ligtas sa anumang panganib. Sinusunod nito ang mga batas at patakaran ukol sa Doktrinang Pangkapuluan at Batas sa Dagat.
Pagyamanin
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng soberanya. Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng tree diagram. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
[chart: tree diagram; Pagyamanin]
- Soberanya
- Panloob na Soberanya
- Ipaliwanag: _____
- Panlabas na Soberanya
- Ipaliwanag: _____
- Panloob na Soberanya
Values are not labeled on the chart.
Isaisip
Ang soberanya ay tawag sa pinakamataas na kapangyarihan ng estado na mag-utos at pasunurin ang mga nasasakupan nito.
May dalawang uri ng soberanya. Ito ay ang panloob soberanya at panlabas soberanya.
Ang panloob soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estado sa loob ng bansa na mapasunod ang mga nasasakupan nito.
Ang panlabas soberanya ay tumutukoy naman sa kapangyarihan ng bansa na itaguyod ang mga gawain nito na hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
May mga kaakibat na karapatan ang isang bansang malaya. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: karapatan sa pagsasarili, karapatan sa pantay na pagkakilala, karapatan sa saklaw na kapangyarihan, karapatang mag angkin ng ariarian, karapatan sa pakikipag-ugnayan at karapatang ipagtanggol ang Kalayaan.
Isagawa
Gumuhit ng mga larawang nagpapakita kung ipinagtatanggol ng ating pamahalaan ang ating Pambansang Interes. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel at gamitin ang rubrics bilang gabay sa gawain.
[transcriber’s note: this page contains only four empty rounded rectangles, with no printed text or labels]
| PAMANTAYAN | NAPAKAHUSAY 12-15 PUNTOS | MAHUSAY 8-11 PUNTOS | KAILANGAN PANG MAGSANAY 5-7 PUNTOS |
|---|---|---|---|
| PAGLALAHAD | Malinaw na nailahad ang mensahe. | Hindi gaanong malinaw ang mensahe. | Malabo ang mensahe. |
| KAWASTUAN | Wasto ang detalye ng mensahe. | May isa o dalawang mali ang detalye ng mensahe. | Mali ang mensahe. |
| KOMPLETO | Kompleto ang detalye ng mensahe. | May kulang sa detalye ng mensahe. | Maraming kulang sa detalye ng mensahe. |
| PAGKAKAGAWA | Napakamasining ng pagkakagawa. | Masining ang pagkakagawa. | Magulo ang pagkakagawa. |
| HIKAYAT | Lubhang nakahihikayat ang mensahe. | Nakahihikayat ang mensahe. | Hindi nakakahikayat ang mensahe. |
Tayahin
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na karapatan ng isang bansang malaya. Piliin ang inyong sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
a. karapatan sa pagsasarili
b. karapatan sa pantay na pgkilala
c. karapatang mamahala
d. karapatang mag-angkin ng ari-arian
e. karapatan sa pakikipag-ugnayan
f. karapatang ipagtanggol ang kalayaan
- Nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, kinatawan o embahador sa ibang bansa.
- Ang Pilipinas ay nakikilahok sa pagbibigay-pasya sa isang isyu sa Samahang ng Bansang nagkakaisa
- May karapatan ang Pilipinas na atasan na magkaloob ng personal na paglilingkod na militar o sibil ang mga mamamayan nito
- Ang mga gusaling pambayan tulad ng paaralan, kampo at kutang militar at embahada ang pag-aari ng bansa
- Ang Pilipinas ay di-maaaring panghimasukan o pakialaman ng ibang bansa!
Karagdagang Gawain
Punan ang concept map. Isa-isahin ang mga karapatang tinatamasa nang isang bansang malaya. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
[chart: concept map; Karagdagang Gawain]
Center: Mga Karapatan ng Isang Bansang Malaya
Branches: six empty circles (blank, for the learner to fill in).
Aralin 2 Pagtatanggol ng mga Mamamayan sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa
Bawat tao ay naghahangad ng isang tahimik at ligtas na bansa. Tungkulin ng bawat isa sa atin na bantayan at pangalagaan ang ating kalayaan. Makakamit lamang ito kung ang bawat Pilipino ay may pagtutulungan at pagkakaisa. Sa Araling ito ay iyong matutunghayan ang mga dapat gawin ng isang mamamayan sa pagtatanggol ng ng kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.
Balikan
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang uri ng karapatan na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang Pilipinas ay nagpapadala ng mga kinatawan sa UN at nagkakaroon ng boses sa pagpapasya sa mahahalagang isyu na nilulutas ng samahan
A. Karapatan sa Pantay na Pagkilala
B. Karapatang Magsarili
C. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
D. Karapatang Makipag-ugnayanNakasaad sa Saligang Batas na sa panahon na nasa panganib ang bansa ang sinumang mamamayang Pilipino na nasa tamang edad babae man o lalaki ay maaaring maglingkod personal, militar man o sibil.
A. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
B. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
C. Karapatang Mag-angkin ng Ari-arian
D. Karapatang Malipag-ugnayanKarapatan ng Pilipinas ang magpadala ng ambassador sa ibang bansa at tanggapin ang sinumang ambassador na ipapadala ng ibang bansa na may mabuting hangarin.
A. Karapatan sa Pantay na Pagkilala
B. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
C. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
D. Karapatang Makipag-ugnayanKarapatan ng Pilipinas na ipatupad ang mga batas ukol sa pangangalaga sa teritoryo, mamamayan at mga ari-arian nito.
A. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
B. Karapatang Makapagsarili
C. Karapatang Mag-angkin ng Ari-arian
D. Karapatang Ipagtanggol ang KalayaanAng banta ng terorismo at droga ay ilan sa mga suliraning hinaharap ng bansa. Karapatan ng Pilipinas na gumawa at magpatupad ng mga batas upang sugpuin ang mga ito.
A. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
B. Karapatang Ipagtanggol ang kalayaan
C. Karapatang Makapagsarili
D. Karapatang Makipag-ugnayan
Tuklasin
[illustration: landscape with a volcano, a river, birds in the sky, and a large tree]
Ano ang nakikita mo sa larawan?
Makatutulong ba ito sa pagpapaunlad ng isang bansa?
Bilang isang mamamayan, paano mo pangangalagaan ang mga likas na yaman at iba pang pag-aari ng ating bansa na nakapaloob sa ating pambansang teritoryo?
Suriin
Panuto: Basahin ang mga kaisipan sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Department of Environment and natural Resources (DENR) Department of Interior and Local Government (DILG) Department of Foreign Affairs (DFA) Department of National Defense (DND) Department of Justice (DOJ)
_____1. Naglalayong pangalagaan ang katahimikan sa loob ng bansa.
_____2. Naglalayong ipagtanggol ang bansa laban sa nanggugulo at dayuhang terorista.
_____3. Nangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman.
_____4. Nagsisiyasat sa mga dokumento ng isang dayuhan kung papayagan ang mga ito na pumarito o manirahan sa bansa.
_____5. Naglalayong ipatupad ang batas at ibigay ang hustisya sa dapat makakamit nito.
Pagyamanin
Malaking pakinabang sa mga Pilipino ang inaangking teritoryo ng bansa. Taglay nito ang saganang likas na yaman.
[illustration: underwater scene with fish, a sea turtle, corals, and seaweed]
Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng masaganang likas na yaman. Isa na rito ay ang yamang dagat. Kahit saang dako ng bansa matatagpuan ang sari-saring isda, kabibe at iba pang lamang dagat.
Sa kabilang dako, dinarayo rin ang ating bansa ng mga turista dahil sa taglay nitong magagandang tanawin gaya ng Isla ng Boracay, Underground River ng Palawan, Bulkan ng Mayon sa Albay, Chocolate Hills ng Bohol at marami pang iba.
[illustration: beach with palm trees, outrigger boats, and the word “BORACAY” written on the sand]
[chart: picture diagram; YAMANG MINERAL]
Labels, as printed:
- LIMESTONE
- BAKAL
- KARBON
- TANSO
- GYPSUM
- LANGIS
- ASIN
- NATURAL GAS
Maraming mineral din ang makikita sa ating bansa, mineral na metal, mineral na di-metal at mineral na panggatong. Kabilang sa mineral na metal ay ang tanso, nikel, bakal at ginto. Ang di- metal naman ay ang apog, mga sangkap ng semento, marmol at silica. May deposito din ng langis sa bansa na matatagpuan sa Palawan. Sa Pilipinas matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng chromite at nickel. Isa sa pinagkukunan ng kita ng pamahalaan ay ang pagmimina. Laging tandaan na ang yamang mineral ay nauubos at di napapalitan kaya gamitin ito ng wasto at tama.
Mayaman din ang ating kalupaan. Iba’t ibang halamang bulaklak, at mga punong-kahoy ang tumutubo rito gaya ng narra, lawan, tanguile, mayapis, yakal, apitong at mahogany na ginagamit natin sa paggawa ng bahay, kasangkapan at iba pang gamit.
[illustration: forest with tall trees, a river, and a mountain in the background]
Pagtatanggol sa Hangganan ng Teritoryo ng ating Bansa
Nakasaad sa 1987 Saligang Batas, Artikulo II, Seksiyon 4 na “Ang pagtatanggol sa estado ay pangunahing tungkulin ng pamahalaan at sambayanang Pilipino. Maaaring utusan ng batas ang lahat ng mamamayan na magkaloob ng personal na serbisyo o sibil.”
Gayundin, mababasa sa Artikulo ll, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1987, itinatag ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas upang panatilihing malaya ang bansa sa panloob at panlabas na panganib. Ito ay binubuo ng:
[illustration: five uniformed soldiers in camouflage holding rifles]
Hukbong Panlupa o Pangkatihan (Philippine Army o PA)
Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa anumang paglusob at labanan. Tumutulong din sila sa mga gawaing medikal, edukasyon at pangkabuhayan.
[illustration: three uniformed personnel saluting in front of two helicopters and two jet aircraft]
Hukbong Panghimpapawid (Philippine Airforce o PA)
Binabantayan nito ang himpapawid na sakop ng Pilipinas. Gamit ang kanilang radar tinitiyak nito ang mga sasakyang panghimpapawid na pumapasok sa bansa.
[illustration: three uniformed naval personnel saluting in front of a warship labeled “PHILIPPINE NAVY”]
Hukbong Pandagat (Philippine Navy o PN)
Nagbabantay sa mga bahaging tubig ng bansa. Binabantayan ang mga baybayin nito na ligtas sa anumang panganib. Sinusunod nito ang mga batas at patakaran ukol sa Doktrinang Pangkapuluan at Batas sa Dagat.
Iba pang Ahensiya ng Pamahalaan
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (Department of Interior and Local Government o DILG)
Ang ahensyang ito ang nagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Nasa ilalim nito ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
[photo: five uniformed police officers standing in front of a backdrop labeled “PHILIPPINE NATIONAL POLICE”]
Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police o PNP)
Tungkulin nitong panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa loob ng bansa. Kabilang din sa gawain nila ang pagbibigay tulong sa panahon ng kalamidad gaya ng bagyo, sunog, pagputok ng bulkan at iba pa.
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs o DFA)
Tungkulin ng ahensiyang ito ang makipag-ugnayan sa ibang bansa upang masiguro ang kaligtasan ng ating teritoryo, ang ating kapangyarihan bilang bansa, at karapatang pambansa.
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Department of Environment and Natural Resources DENR)
“Ang ahensyang ito ang nangangasiwa, nangangalaga at nag-iingat sa ating likas na yaman. Gawain nitong bantayan ang kagubatan, Nagpapatupad ng mga programa para sa pangangalaga ng kapaligiran, pangangasiwa sa industriya ng pagmimina, mga isda at yamang-dagat at mga hayop na maaaring nang maubos.
Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice)
Ito ang ahensiyang sanggunian sa mga usapin tungkol sa batas at siya ring tagapagsakdal. Saklaw din nito ang pagtanggap, pamamahala at paglagi ng mga dayuhan sa bansa.
Layunin ng ahensya na ipagtatanggol ang teritoryo ng bansa. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng diplomasya o pag-uusap o kaya’y sa armas o pakikidigma. Ngunit hanggat maaari ay maiwasan ang huli upang di na maulit ang malagim na pangyayari sa nakaraang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pangangalaga sa teritoryo ng bansa ay mahalaga upang di tayo masakop ng mga dayuhan at higit nating mapakinabangan ang ating likas na yaman. Ang pagsunod sa mga batas para sa katahimikan at pangangalaga sa likas na yaman ay isa ring paraan ng pagtatanggol sa teritoryo ng bansa.
Isaisip
Mapalad ang Pilipinas dahil nabiyayaan ito ng masaganang likas na yaman. Malaki ang ating pakinabang sa ating teritoryo dahil lahat ng ating pangangailangan ay dito natin kinukuha. Maraming Pilipino ang umaasa sa mga likas na yaman, maging ang pamamasyal at paglilibang.
Ang ating teritoryo ay kailangang ipagtanggol panloob man o panlabas, laban sa anumang banta ng paglusob at panganib. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas O Armed Forces of the Philippines sa tulong ng mga sangay nito ay may tungkuling tiyakin ang ganap na kapangyarihan ng bansa.
May iba pang ahensiya ng pamahalaan na inaasahang tutulong upang bantayan at pangalagaan ang ating teritoryo. Ilan sa mga ito ay ang DENR, DOJ, DILG, DFA, DND at PNP.
Isagawa
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng ahensya gobyerno na nais mong salihan paglaki mo. Ipakita rin sa poster ang dahilan kung bakit mo ito pinili. Gamitin ang rubrics bilang gabay sa gawain. Gawin mo ito sa sagutang papel.
| PAMANTAYAN | NAPAKAHUSAY 12-15 PUNTOS | MAHUSAY 8-11 PUNTOS | KAILANGAN PANG MAGSANAY 5-7 PUNTOS |
|---|---|---|---|
| PAGLALAHAD | Malinaw na nailahad ang mensahe. | Hindi gaanong malinaw ang mensahe. | Malabo ang mensahe. |
| KAWASTUAN | Wasto ang detalye ng mensahe. | May isa o dalawang mali ang detalye ng mensahe. | Mali ang mensahe. |
| KOMPLETO | Kompleto ang detalye ng mensahe. | May kulang sa detalye ng mensahe. | Maraming kulang sa detalye ng mensahe. |
| PAGKAKAGAWA | Napakamasining ng pagkakagawa. | Masining ang pagkakagawa. | Magulo ang pagkakagawa. |
| HIKAYAT | Lubhang nakahihikayat ang mensahe. | Nakahihikayat ang mensahe. | Hindi nakakahikayat ang mensahe. |
Tayahin
Panuto: Gamit ang graphic organizer na Fish Bone isulat ang mga ahensiya ng pamahalaan at ang tungkulin nito sa pangangalaga ng ating teritoryo. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
Mga Ahensiya ng Pamahalaan
[chart: fishbone diagram; Fish Bone graphic organizer]
Ang kanilang mga tungkulin
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ang iyong nalalaman tungkol sa sumusunod na mga ahensiya ng pamahalaan. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
DILG _____
DND _____
DFA _____
DENR _____
DOJ _____
Susi sa Pagwawasto
Unang Bahagi
| Tayahin | Pagyamanin | Subukin |
|---|---|---|
| 1.c 2.b 3.d 4.e 5.a | soberanya ay ang tawag sa pinakamataas na kapangyarihan ng estado na mag-utos at pasunurin ang mga nasasakupan nito. Panloob na soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng teritoryong nasasakupan nito. Panlabas na soberanya tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod at sundin ang gawain nito na hindi pinakikialaman ng ibang bansa. | 1.h 2.j 3.i 4.d 5.e 6.f 7.c 8.b 9.g 10.a |
Ikalawang Bahagi
| Tayahin | Pagyamanin | Balikan | Subukin |
|---|---|---|---|
| B | 1.A | Narra | |
| D | 2.B | Mahogany | |
| A | 3.D | Abaka | |
| C | 4.A | Manila | |
| 5.E | 5.C | manok |
Sanggunian
Michael DC. Rama* Florencia c. Domingo, Ph. D.* Jennifer G. Rama* Jayson A. Cruz, pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap, araling Panlipunan 1, Batayang Aklat, 226-247
Ailene G. Baisa-Julian and Nestor S. Lontoc, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, Batayang Aklat sa Ika-anim na Baitang Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,2016, 195-201, 231-271
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon –Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1072; 634-1054 o 631-4985
E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply