Physical Education 5 Quarter 3 Module 2: Tinikling

Grade 5 PE Quarter 3 Module 2 on Tinikling: its origin in Leyte, the bamboo pole setup, costumes, and the five basic dance skills, with an answer key.

This is the Grade 5 Physical Education self-learning module for Quarter 3, Module 2: Tinikling (Ikatlong Markahan – Modyul 2). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home. It introduces the Philippine folk dance Tinikling: where it came from, how it is set up, and the five basic dance skills. By the end, learners should be able to explain the origin of Tinikling and practice its steps safely.

The module is written in Filipino. It is the first edition (2020), and its writer is Eugenia H. Esplago.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module lists one learning competency. At the end, the learner is expected to:

  • Explain the origin of the folk dance Tinikling (Naipaliliwanag ang pinagmulan ng katutubong sayaw na Tinikling). Code: PE5RD-IIIb-2

Lessons in this module

  1. Aralin 1 – Introduksiyon sa Katutubong Sayaw: Tinikling (introduction to the folk dance Tinikling). This lesson explains what a folk dance is, why folk dances matter, and where Tinikling and its name came from.
  2. Aralin 2 – Tinikling: Mga Hakbang Pansayaw, Ating Alamin! (let us learn the dance steps). This lesson covers how the dance is set up: the bamboo poles, the pole clappers, the timing, and the costumes.
  3. Aralin 3 – Tinikling: Halina’t Sayawin! (come, let us dance it). This lesson presents the five basic Tinikling skills, with pictures of each.
  4. Aralin 4 – Tinikling: Pagyamanin Natin! (let us enrich it). This lesson is about practicing the steps carefully and safely and valuing the folk dance.

Tinikling: origin and meaning

The module describes a folk dance (katutubong sayaw) as a way to express feelings and ideas and to reflect Filipino culture. Folk dances help keep the country’s culture alive. Dancing is also a form of exercise. Like other dances, Tinikling needs agility, coordination, muscle strength, and correct tempo.

Key facts the module teaches about Tinikling:

  • It is a national dance of the Philippines and a traditional folk dance from the Spanish colonial period.
  • It is one of the oldest dances in the Philippines. It came from Leyte in the Visayas.
  • Its name comes from the tikling, a bird with long legs and neck, a pointed beak, and soft feathers.
  • The dancers imitate the bird’s quick, graceful movements as it dodges the bamboo traps set by rice farmers. The clapping bamboo poles stand for the traps (patibong).
  • The dance is linked to celebrations related to farming (agrikultura).
  • The music and dance are in 3/4 time, and the dancers move quickly.

How the dance is set up

Lesson 2 explains the procedure (pamamaraan) for dancing Tinikling:

  1. A pair of dancers, one boy and one girl, dance beside and between two bamboo poles (buho) about nine feet long.
  2. The two poles rest on a piece of bamboo 30 inches long and two inches thick. One person holds each end of the pair of poles.
  3. With the music, the two holders strike the poles against the base and clap them together again and again, on the counts one-two-three, following the rhythm of the dance.
  4. The dancers step into the space between the poles. They must not get caught, so the dance keeps flowing.
  5. The girl wears a patadyong or balintawak. The boy wears a Barong Tagalog or a long-sleeved kamisa tsino. Lesson 4 adds that the dancers perform barefoot.

The five Tinikling dance skills

In all five skills the boy keeps his hands on his waist. The girl holds her skirt (saya). In some skills she also moves one hand in a kumintang (a circling motion of the hand).

SkillWhat the dancer does
Kanang pagkandirit (right hop)Hop on the right foot outside the poles. The girl does kumintang with one hand and holds her skirt with the other.
Kaliwang pagkandirit (left hop)Hop on the left foot outside the poles, with the same arm positions.
Kaliwang hakbang (left step)Step with the left foot between the two poles.
Kanang hakbang (right step)Step with the right foot between the two poles.
Kaliwa at kanang hakbang (left and right step)Step left and right alternately between the poles. The girl does kumintang and holds her skirt.

Lesson 4 adds the reminders that matter most when practicing. Do a warm-up before dancing. Follow the dance’s skills and procedure. Always keep every dancer safe. Dancing Tinikling is also a way of showing respect for our ancestors.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest (10 check-or-cross items). Then go through the lessons in order. Each lesson has Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (study the lesson), Pagyamanin (practice), and Karagdagang Gawain (extra activity). Lesson 4 ends with Isaisip, Isagawa, and the Tayahin final test. Write all answers on a separate answer sheet, not on the module. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end.
  • Parents: Help your child find a safe, open space to try the steps, and make sure they warm up first. If your child has trouble understanding a lesson, contact the teacher.
  • Teachers: Use the pretest to see who needs more help. The matching and identification activities in Lesson 3 show whether learners can name and recognize the five skills.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Tinikling module for?

It is for Grade 5 Physical Education, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 2. It was prepared by DepEd Region VIII.

Where did the Tinikling dance come from?

The module says Tinikling came from Leyte in the Visayas. It is a traditional folk dance from the Spanish colonial period, and its name comes from the tikling bird.

What are the five basic Tinikling skills in the module?

The five skills are kanang pagkandirit (right hop), kaliwang pagkandirit (left hop), kaliwang hakbang (left step), kanang hakbang (right step), and kaliwa at kanang hakbang (alternating left and right steps between the poles).

What is the time signature of the Tinikling music?

The module states that the dance and music are in 3/4 time. The bamboo poles are clapped on the counts one, two, three.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and for each lesson’s activities, including the final Tayahin test.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Physical Education – Ikatlong Markahan – Modyul 2: Tinikling

[illustration: learners studying at home with a globe, lamp, and books, under a tree and at a table]

CO_Q3_PE5_ Modyul2

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Physical Education – Ikalimang na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Tinikling Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eugenia H. Esplago Editor: Meldrid R. Delleva Tagasuri: Denver J. Balaclaot Tagaguhit: Norman L. Montes, Anne Hazel J. Arma, Patmar D. Abracia Tagalapat: Arielyn Mae A. Gudisan, Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Carmelino P. Bernadas, Arnulfo M. Balane, Rey F. Bulawan, Rosemarie M. Guino, Nicolas G. Baylan, Joy B. Bihag, Neil G. Alas, Ryan R. Tiu, Imelda E. Gayda, Nova P. Jorge, Abelardo G. Campani

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Physical Education – Ikatlong Markahan – Modyul 2: Tinikling

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang matulungan kang kilalanin at tuklasin an iba’t-ibang pamamaraan at kasanayan sa pagsayaw. Saklaw ng modyul na ito ay mga gawain na magagamit sa pang araw-araw at iba’t-ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang mga aralin ng modyul na ito ay mga likas na pagkilos ng katawan kung saan ito ay dapat mong malaman bilang isang mag-aaral. Ito ay inayos at batay sa mga bagay na dapat mong matutunan.

Ang modyul ay nahahati sa apat na mga aralin:

  • Aralin 1 – Introduksiyon sa Katutubong Sayaw: Tinikling
  • Aralin 2 – Tinikling: Mga Hakbang Pansayaw, Ating Alamin!
  • Aralin 3 – Tinikling: Halina’t Sayawin!
  • Aralin 4 –Tinikling: Pagyamanin Natin!

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan:

  1. Naipaliliwanag ang pinagmulan ng katutubong sayaw na Tinikling. (PE5RD-IIIb-2)

Subukin

Panuto: Markahan ng TSEK (✓) bawat bilang kung ang pangungusap ay makatutuhanan at EKIS (X) kung ito ay hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

_____1. Ang Tinikling ay isang katutubong sayaw. _____2. Lalawigan ng Leyte sa Visayas ang pinagmulan ng sayaw na Tinikling. _____3. Panyo at pamaypay ang mga pangunahing kagamitan sa sayaw na Tinikling. _____4. Ang magkapareha ay pawang mga lalaki. _____5. Ang sayaw na Tiniklingay nasa palakumpasang 3/4. _____6. Ang bilang ng ritmo ng sayaw ay 1,2,3,4. _____7. Ang magkapareha ay pawang nakasuot ng pantalon. _____8. Ang mga kamay ng lalaki ay nakahawak sa baywang. _____9. Ang magkapareha ay nakasuot ng sapatos. ____10. Dalawang piraso ng bilao ang mga kasangkapang ginagamit sa sayaw na Tinikling.

Aralin 1

Introduksiyon sa Katutubong Sayaw:Tinikling

Ang mga katutubong sayaw ay napakasayang pag-aralan ng mga mag aaral. Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Sa bawat sayaw ay may mga pangunahing kasanayang dapat taglayin ng mga mananayaw. Isa na rito liksi, koordinasyon, tatag ng kalamnan at tamang tempo.

Balikan

Panuto: Lagyan ng TSEK (✓) ang bawat bilang ng mga larawan ng katutubong sayaw at EKIS (X) naman sa hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

_____1. [illustration: man and woman in Filipino dance costume, woman holding a fan] _____2. [illustration: couple dancing in ballroom style] _____3. [illustration: couple dancing on a bench] _____4. [illustration: four women in plaid skirts dancing with arms raised] _____5. [illustration: woman and man in a break-dance pose]

Tuklasin

Ang mga katutubong sayaw ay mahalaga sapagkat pinapanatili nito ang kultura ng ating bansa.

[illustration: four children dancing tinikling, two kneeling at the ends holding bamboo poles and two dancing between them]

Pagmasdang mabuti ang larawan. Pamilyar ka ba sa katutubong sayaw na ito? Nakapagsayaw ka na ba nito? Ito ay isang halimbawa ng katutubong sayaw. Ito ay ang sayaw na tinikling.

Suriin
Katutubong Sayaw

Ang katutubong sayaw ay pagpapahayag ng iba’t ibang saloobin at damdamin at sumasalamin sa ating kultura. Ang mga Pilipino ay sadyang malikhain sa iba’t-ibang larangan ng sining. Isa na rito ang pagsasayaw. Bago tayo sumayaw alam ba ninyo na ang sayaw ay isang ehersisyo. Ang sayaw ay maaring gawing ehersisyo.

Ang mga pisikal na benepisyo ng pagsayaw ay katulad din ng ibang mga gawain pang pisikal at di nalalayo ang pagsasayaw ng katutubong sayaw na Tinikling. Ang mga pangunahing galaw ng sayaw na tinikling ay maaring ihalintulad sa mga galaw pang-ehersisyo. Marahil handa kana sa matutuhan ang sayaw na Tinikling pero bago ang sayaw ano at saan ba naggaling ang sayaw na Tinikling. Alamin natin.

Tinikling

Ang Tinikling ay isang pambansang sayaw sa ating bansa at isang tradisyonal na katutubong sayaw na nagmula sa panahon ng kolonyal ng Espanya. Ang sayaw na ito ay isa sa pinakamatandang sayaw mula sa Pilipinas, at nagmula sa mga isla ng Leyte sa Kabisayaan. Hango ang pangalan ng Tinikling mula sa tikling, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang tuka at malalambot ang balahibo. Ginagaya ng sayaw ang paggalaw ng mga ibon na nakikiliti habang umiiwas sila ng mga bitag ng kawayan na itinakda ng mga magsasaka ng palayan. Ginaya ng mga mananayaw ang biyaya at liksi ng ibon ng tikling sa pamamagitan ng pagsayaw sa pagitan ng malalaking mga poste ng kawayan.

Ang sayaw at musika ay nasa ritmong 3/4 na binubuo ito ng 5 kasanayan na matatagpuan sa mga susunod na pahina.

Pagyamanin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bawat bilang kung ang pangungusap ay Makatutuhanan at ekis (X) kung ito ay Hindi Makatutuhanan. Gawin ito sa sagutang papel.

_____1. Naihahalintulad ang sayaw na Tinikling sa mga ibong Tikling na nakikita sa palayan. _____2. Ang magkaparihang mananayaw ay kumakatawan sa ibong tikling. _____3. Samar ng Visayas ang pinagmulan ng sayaw na Tinikling. _____4. Ang tinikling ay isang makabagong sayaw. _____5. Mabilis at nasa batayang kumpas na 3/4 ang musika ng sayaw na tinikling.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

  1. Ang Tikling ay isang uri ng _______.
    a. ibon b. aso c. palay d. lupa
  2. Ang mga mananayaw ay mabilis lumulukso lukso sa pagitan ng dalawang piraso ng ________.
    a. bangko b. hagdanan c. bato d. kawayan
  3. Ang sayaw na tinikling ay iniuugnay sa pagdiriwang na may kinalaman sa ________.
    a. industriyal b. agrikultura c. teknolohiya d. relihiyon
  4. Ang nag uumpugang kawayan ay kumakatawan sa mga ________.
    a. ibon b. patibong c. mananayaw d. palay
  5. Ang galaw ng mga mananayaw ng Tinikling ay ________.

a. mabilis b. mahinahon c. katamtaman d. sobrang bilis

Aralin 2 Tinikling: Mga Hakbang Pansayaw, Ating Alamin

Matapos matutunan ang mga mahahalagang impormasyon sa katutubong sayaw na Tinikling, mahalaga rin na malinang ang mga pamamaraan napakaloob dito. Sa aralin na ito, mas lalong madadagdagan ang mga impormasyon na natutunan sa unang aralin at mas lalong mapapaunlad ang mga kasanayan ng sayaw.

Balikan

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at punan ang patlang ng wastong salita. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ang kilos at galaw ng mananayaw ay _______.
  2. Ang sayaw na Tinikling ay naihahalintulad sa isang_______.
  3. Ano ang batayang kumpas ng musika sa sayaw na Tinikling?
  4. Ano ang ginagawa ng mga ibong tikling sa mga hinog na palay?
  5. Ang sayaw na Tinikling ay naihahalintulad sa galaw ng ____________ na lumulundag-lundag sa mga sanga at bitag ng palayan.
Tuklasin

Sa katutubong sayaw na Tinikling hindi lamang sapat na malaman ang kahulugan, pinagmulan, pangunahing galaw at kagamitan. Mahalaga na malaman ang tamang pamamaran upang masiguro ang maayos at ligtas na pag sasayaw nito.

Suriin

Pamamaraan sa sayaw na Tinikling:

  1. Ang pares ng lalaki at babaeng mananayaw ay iindak sa gilid o kaya’y sa pagitan ng dalawang buho o kawayan na may haba na siyam na talampakan.


  2. Ang dalawang buho ay nakapatong pa sa isang piraso ng kawayan na may habang 30 pulgada at kapal na dalawang pulgada. May tig-isang tao na humahawak sa bawat dulo ng pares ng buho.


  3. Sa saliw ng musika, sabay na palalagitikin ng dalawang tao ang hawak nila na kawayan at pauumupugin ng paulit-ulit ang dalawang kawayan sa bilang na isa-dalawa tatlo, kasabay sa ritmo ng sayaw.


  4. Ang mga mananayaw ay sisimulang pumasok sa gitna ng mga kawayan at kinakailangan na hindi sila maipit upang maging tuloy-tuloy ang kanilang pagsasayaw.


  5. Ang babae ay nakasuot ng patadyong o balintawak samantalang Barong Tagalog o kamisa tsino na mahaba ang manggas naman ang sa lalaki.


Pagyamanin

Panuto: Lagyan TSEK (✓) ang bawat bilang kung ang pangungusap ay Makatutuhanan at EKIS (X) kung ito ay Hindi Makatutuhanan. Gawin ito sa sagutang papel.

___1. Naihahalintulad ang sayaw na Tinikling sa ibong Tikling na nakikita sa palayan. ___2. Ang magkaparihang mananayaw ay pawang nakapaa. ___3. Panyo at pamaypay ang mga pangunahing kagamitan sa sayaw na tinikling. ___4. Ang tinikling ay isang makabagong sayaw. ___5. Ang bilang ng tempo ng sayaw ay 1, 2, 3.

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at M kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____1. Ang sayaw na Tinikling ay isang katutubong sayaw ng Pilipinas. ____2. Pawang mga babaeng magkapareha ang sumayaw nito. ____3. Isang buong kawayan ang pangunahing kagamitan sa sayaw na tinikling. ____4. Ang sayaw na Tinikling ay hango sa tikling na ibon na makikita sa palayan. ____5. Lalawigan ng Leyte sa Visayas ang lugar na pinagmulan ng sayaw na tinikling.

Aralin 3 Tinikling: Halina’t Sayawin

Ang mga pamamaraan na natutunan ay dapat na palaguin at pagyamanin. Hindi lang sapat na malaman ang mga ito, ang palagiang paggamit at pagsasagawa nito ay makakatulong upang lalo itong mapaghusay. Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na lalo pang mapauunlad ang mga kasanayan sa katutubong sayaw na Tinikling sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain na kailangan mong isagawa.

Balikan

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ang sayaw na Tinikling ay kailangang gumamit ng dalawang pirasong _______.
  2. Ang mananayaw ay magkapares na lalaki at_________.
  3. Pag uumpugin ang dalawang mahahabang piraso ng kawayan sa bilang 1, 2, __________.
  4. Ang dalawang pirasong mahahabang buho ng kawayan ay nakapatong sa kawayan na may habang 30 _______.
  5. Ang mananayaw na lalaki ay nakasuot ng kamisa Tsino o _________.
Tuklasin

Sa katutubong sayaw na Tinikling hindi lang sapat na alam natin ang kahulugan, ang pinagmulan, mga kagamitan nito at pamamaraan. Mahalaga din na malaman iba’t ibang kasanayan upang masiguro ang maayos at ligtas na pagsasayaw nito.

Suriin

Ang Tinikling ay katutubong sayaw na nagmula sa lalawigan ng Leyte ng Visayas na hinango sa pangalan ng ibon na tikling kung saan ang mga mananayaw ay gumagamit ng dalawang buong piraso ng kawayan.

❖ Narito ang mga kasanayang pansayaw ng Tinikling.

[illustration: Tinikling pair with two dancers on bamboo poles, girl with one arm raised]

Kanang pagkandirit – Pagkandirit ng kanang paa sa labas ng kawayan, nakakumintang ang isang kamay ng babae at ang isang kamay naman nakahawak sa saya, lalaki kamay sa baywang.

[illustration: Tinikling pair with one leg lifted outside the bamboo poles]

Kaliwang pagkandirit – Pagkandirit ng kaliwang paa sa labas ng kawayan, nakakumintang ang isang kamay ng babae at ang isang kamay naman ay nakahawak sa saya, lalaki kamay sa baywang.

[illustration: Tinikling pair stepping between two bamboo poles]

Kaliwang hakbang -Paghakbang ng kaliwang paa sa pagitan ng dalawang kawayan, babae nakahawak sa saya, lalaki kamay sa baywang

[illustration: Tinikling pair stepping between two bamboo poles]

Kanang hakbang – Paghakbang ng kanang paa sa pagitan ng dalawang kawayan, babae nakahawak sa saya, lalaki kamay sa baywang

Kaliwa at kanang hakbang – Salisihang paghakbang sa pagitan ng dalawang kawayan, kumintang ang kamay ng babae at nakahawak sa saya, lalaki kamay sa baywang

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang iba’t ibang kasanayan sa katutubong sayaw na Tinikling. Isulat ang sagot sa sagutang papel.






Karagdagang Gawain

Panuto: Itugma ang mga larawan sa Hanay A sa mga salitang nasa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. [illustration: Tinikling dance step, numbered 1]A. Kanang pagkandirit
2. [illustration: Tinikling dance step, numbered 2]B. Kaliwang pagkandirit
3. [illustration: Tinikling dance step, numbered 3]C. Kanang hakbang
4. [illustration: Tinikling dance step, numbered 4]D. Kaliwa at kanang hakbang
E. Salisihang hakbang
5. [illustration: Tinikling dance step, numbered 5]F. Kaliwang hakbang

[transcriber’s note: the Hanay B items are printed beside the pictures; the placement of E between rows 4 and 5 is as printed]

Aralin 4 Tinikling: Pagyamanin Natin

Sa araling ito mas lalo mo pang mapapaigting ang pagbibigay halaga sa katutubong sayaw sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga hakbang ng may pag-iingat sa sarili. Isa na rito ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay kung ang mga kasanayan ay naisasabuhay sa pang-araw-araw na gawain.

Balikan

Panuto: Isulat ang salitang OO kung ang pangungusap ay tama at HINDI kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sulatang papel.

  1. Ang magkaparehang mananayaw ay may sapin sa paa.
  2. Isang buong kawayan ang kagamitan sasayaw na Tinikling.
  3. Ang babaeng mananayaw ay nakasuot ng Maria Clara.
  4. Ang kumpas sa awitin ng sayaw na tinikling ay 4 4.
  5. Ang magkaparehang mananayaw ay binubuo ng isang lalaki at isang babae.

[transcriber’s note: in item 4 the time signature is printed as a stacked 4 over 4]

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ng Oo kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at Hindi kung ito ay mali. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Isinasagawa muna ang warm –up activity bago magsayaw.
  2. Ang pagasasayaw ng Tinikling ay isang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga ninuno.
  3. Ang katutubong sayaw ay may mga kasanayan at pamamaraan na dapat sundin.
  4. Sa pagsasayaw kailangang isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat mananayaw.
  5. Sa pamamagitan ng pag sasayaw naipahihiwatig natin ang ating damdamin mula sa kaibuturan ng ating puso.
Isaisip

Ang pagsasayaw ay pagpapahiwatig ng damdamin ng isang mananayaw sa saliw ng isang tugtugin. Sa sayaw na Tinikling naipakikita ng mananayaw ang liksi at bilis ng pag-ilag ng ibon habang ito ay sinisikapang mahuli ng magsasaka ng palay sapagkat ang ibong Tikling ay kumakain ng mga pananim na palay. Makikita rin na ang mga mananayaw ay lahat nakapaa lamang.

Isagawa

Panuto: Sagutin ng T kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at M kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

  1. Ang sayaw na Tinikling ay isang katutubong sayaw ng Pilipinas.
  2. Pawang mga babaeng magkapareha ang sumayaw nito.
  3. Isang buong kawayan ang pangunahing kagamitan sa sayaw na tinikling.
  4. Ang sayaw na Tinikling ay hango sa tikling na ibon na makikita sa palayan.
  5. Lalawigan ng Leyte sa Visayas ang lugar na pinagmulan ng sayaw na Tinikling.
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang sayaw na Tinikling ay naihahalitulad sa ibong ________.
    a. agila
    b. kalapati
    c. tikling
    d. maya
  2. Ang pang-ibabang kasuotan ng mananayaw na babae ay ________.
    a. saya
    b. shorts
    c. pantalon
    d. padyama
  3. Ang sapin sa paa ng mga mananayaw ng Tinikling ay_______.
    a. sapatos
    b. walang sapin
    c. tsinelas
    d. boots
  4. Ang Tinikling ay nagmula sa lalawigan ng___________.
    a. Leyte
    b. Zambales
    c. Rizal
    d. Samar
  5. Ang Tinikling ay isang uri ng ________ sayaw.
    a. katutubong
    b. modernong
    c. enterpretative
    d. jazz

[transcriber’s note: the answer key on this page is printed rotated 180 degrees; entries are transcribed in their logical order]

[photo: key icon beside the heading]

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Balikan
  1. ✓
  2. X
  3. ✓
  4. ✓
  5. X
Karagdagang Gawain
  1. ibon
  2. kawayan
  3. agrikultura
  4. patibong
  5. Mabilis
Pagyamanin
  1. ✓
  2. ✓
  3. X
  4. X
  5. ✓
Subukin
  1. ✓
  2. ✓
  3. X
  4. X
  5. X
  6. X
  7. X
  8. ✓
  9. X
  10. X
Aralin 2
Balikan
  1. mabilis
  2. ibon
  3. 3 3/4 [?]
  4. kinakain
  5. tikling
Pagyamanin
  1. ✓
  2. X
  3. ✓
  4. X
  5. ✓
Karagdagang Gawain
  1. TAMA
  2. MALI
  3. MALI
  4. TAMA
  5. TAMA
Aralin 3
Balikan
  1. kawayan
  2. babae
  3. 3
  4. pulgada
  5. barong tagalog
Pagyamanin
  1. kanang hakbang
  2. kaliwang pagkandirit
  3. kaliwang hakbang
  4. kanang pagkandirit
  5. kaliwa at kanang hakbang
Karagdagang Gawain
  1. B
  2. F
  3. D
  4. C
  5. A
Aralin 4
Tayahin
  1. C
  2. A
  3. B
  4. A
  5. A
Balikan
  1. HINDI
  2. OO
  3. HINDI
  4. HINDI
  5. OO
Pagyamanin
  1. OO
  2. OO
  3. OO
  4. OO
  5. OO
Isagawa
  1. T
  2. M
  3. M
  4. T
  5. T

Sanggunian

A. Books

Kautz, Pete (2005). “The Tinikling: How Traditional Filipino Dance Can Develop Your Combative Attributes!”. Alliance Martial Arts. Retrieved 15 January 2009.

Virtue, Julia (14 May 2013). “Tinikling”. USC Folklore Archives. Retrieved 13 November 2016.

B. Educational Sources

Valdeavilla, Ronica. 2018. “culture trip.” theculturetrip.com. June 22. Accessed October 4, 2021. https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/tinikling-the-national-dance-of-the-philippines-with-bamboo-poles/.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

One response to “Physical Education 5 Quarter 3 Module 2: Tinikling”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district