This is the Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 5, Quarter 2, Module 1: “Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan” (giving help to those in need). It was prepared by DepEd Region VIII for Grade 5 learners studying at home. It teaches children that even young people can help others, especially victims of disasters, and can keep people safe by sharing warnings and correct information.
On this page 6 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Take the lead in giving whatever help they can to people in need, such as disaster victims.
- Give warnings or information when there is a typhoon, flood, fire, earthquake, and other hazards.
The module has one lesson, Aralin 1: Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan.
Key ideas of the lesson
The module opens by noting that unexpected events often bring problems: illness or the loss of a family member, or disasters that people cannot control. In such times, we find out who truly has a heart ready to help without asking for anything in return. Two values drive this kind of help:
- Pagmamalasakit sa kapuwa (concern for others)
- Pagkamahabagin (compassion), which leads people to pagkakawanggawa (charity or giving to those in need)
The discussion part (Suriin) explains these points:
- Helping during a disaster is important because it can save lives. Giving warnings or information also keeps many people safe.
- Everyone has needs. Poor people still have something to give, and no one is so rich that they will never need help.
- Everyone needs help, and everyone can help, even in small ways.
- Children can lead in collecting donations and encourage other young people in their community to help pack and distribute goods for affected families.
- Helping is not limited to material things. Warning others about disasters and spreading only legitimate information is also a way to help.
Disasters named in the module
Learners review these hazards and their meanings:
| Term | Meaning in the module |
|---|---|
| Lindol (earthquake) | Strong shaking of the ground |
| Baha (flood) | Overflowing or rising water that covers the land |
| Bagyo (typhoon) | Bad weather that brings disaster to the country |
| Sunog (fire) | Fast spread of fire |
| Tsunami | High sea waves caused by an earthquake |
| Landslide | Collapse of soil caused by heavy rain and a lack of tree roots to hold the soil |
| Pagputok ng bulkan | Volcanic eruption |
The module’s poem and story
- “Ang Pagtulong” (helping), a poem by Juliet L. Lim, tells children to use their small hands to help the poor, especially in times of hardship or disaster, and says God loves helpful people.
- “Pagtutulungan sa Pagbangon” (working together to rise again), a story by Juliet Lugas Lim, tells how Scandinavian Village in Barangay 100 San Roque, Tacloban City recovered after Typhoon Yolanda. The group Children’s Mission Philippines, led by Mr. Thord Dhal, gave materials on the condition that residents work together. Volunteers, barangay officials, and other leaders formed committees, repaired two schools, and rebuilt homes. Seeing this unity, the group gave relief goods and built a new building for Scandinavian National High School. The story ends with the lesson that those who received help should give back to others in need.
Activities in the module
- Subukin (pretest): Look at pictures of disasters and events, name each one, and write what you could do to show charity and compassion.
- Balikan (review): Mark right and wrong actions with a check or an X, then match descriptions to the correct disaster.
- Tuklasin (discover): Read the poem “Ang Pagtulong” and answer five questions.
- Suriin (discussion): Read the explanation of why and how to help.
- Pagyamanin (practice): Read the Tacloban story and answer questions, then label statements as Tama (right) or Mali (wrong).
- Isaisip (remember): Complete a pledge, “Pangako sa Pagmamalasakit sa Kapuwa” (a promise of concern for others), using phrases from a box.
- Isagawa (apply): Write how you would help in two situations: a classmate whose house burned down, and an earthquake that happens while you are in the library.
- Tayahin (assessment): Read ten situations and write P if the action shows pagdamay (sympathy and help for others) or HP if it does not.
- Karagdagang Gawain (extra activity): Draw or copy a picture of a charitable act you have done and describe how it made you feel.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Write all answers in your notebook or on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and be honest when you use it.
- Parents and guardians: Help your child read the poem and the story, and talk about real ways your family can help neighbors in need or share correct safety information during typhoons, floods, or earthquakes.
- Teachers: The answer key covers every activity. Many answers, such as those for the pretest, Isagawa, and the extra activity, may vary, so accept reasonable responses. Learners should contact you if they have trouble understanding the lesson.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 2, Module 1. It was prepared by DepEd Region VIII as a self-learning module for home study.
What is the module Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan about?
It teaches learners to take the lead in helping people in need, such as disaster victims, and to give warnings or correct information during typhoons, floods, fires, earthquakes, and other hazards.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for every activity, including the pretest and the Tayahin assessment. Some answers may vary, as the key notes.
What do P and HP mean in the Tayahin activity?
Learners write P if the situation shows pagdamay (sympathy and help for others) and HP if it does not show pagdamay.
What story is used in the module?
The story Pagtutulungan sa Pagbangon by Juliet Lugas Lim tells how Scandinavian Village in Barangay 100 San Roque, Tacloban City recovered after Typhoon Yolanda through the help of Children’s Mission Philippines and the residents working together.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan
[illustration: a family and students reading, studying, and working together around a tree, a desk, and a globe, with a lamp in the foreground]
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maria Fe P. Alas, Rhoda S. Bordallo
Editor: Caridad P. Baginon, Farrah R. Delfin, Mico May R. Cayaco, Ma. Shiela C. Adona
Tagasuri: Caridad C. Baginon, Hermosilla V. Matuguina, Remie D. Puno
Tagaguhit: Crisanto L. Lopera, Lemuel P. Valle Jr.
Tagalapat: Gualberto R. Gualberto Jr., Joel F. Amerila, Lemuel P. Valle Jr.
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Amenia C. Aspa Mariza S. Magan Edgar Y. Tenasas Mark Chester Anthony G. Tamayo Gretel Laura M. Cadiong Ranulfo L. Baay Juliet L. Lim
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region No. VIII
Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 832 – 2997
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Maraming dumarating na hindi inaasahang pangyayari sa buhay ng isang tao na nagdudulot ng suliranin. Maaaring ito ay ang pagkakasakit o pagkawala ng miyembro ng pamilya, o kalamidad na hindi kontrolado ng tao. Sa ganitong pagkakataon malalaman ang mga taong may tunay na pusong handang tumulong na walang hinihinging kapalit.
Ang pagmamalasakit sa kapuwa at pagkamahabagin ang nag-uudyok sa tao upang magkawanggawa at makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Ang pusong mapagbigay ay pinagpapala ng Diyos.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
- Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa nangangailangan tulad ng biktima ng kalamidad, at pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol, at iba pa.
Subukin
Masdan ang mga larawan. Isulat kung anong uri ito ng sakuna/pangyayari o kalamidad at itala ang maaari mong gawin upang ipakita ang iyong pagkakawang – gawa at pagkamahabagin. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.
Larawan A
[illustration: Larawan A, a damaged coastal village with bent palm trees, broken structures, and debris]
Larawan B
[illustration: Larawan B, houses and buildings cracked and tilted on split ground, with a utility pole and a fallen street lamp]
[illustration: a house burning and smoke rising over a row of houses along a road]
[illustration: a jeep beside a boy lying on the road next to a cap]
[illustration: a boy struggling in deep water with his arms raised]
[transcriber’s note: the printed labels for Larawan C, D, and E are not visible on this page image; the illustrations are transcribed in the order they appear on the page]
Larawan F
[illustration: houses beside a flooded or cracked muddy ground with trees in the background]
Larawan G
[illustration: a volcano erupting with ash cloud and flying rocks above a forested slope]
Larawan H
[illustration: a landslide on steep hillsides falling toward a coastal village with palm trees]
Larawan I
[illustration: a row of small houses with roofs and utility poles with wires, beside a street]
[illustration: a person sitting on the ground with an open hand and a small container beside them]
[transcriber’s note: the printed label for Larawan J is not visible on this page image; the last illustration is transcribed in the order it appears on the page]
Aralin 1
Pagbibigay ng Tulong sa Nangangailangan
Panimula: Tunay nga na kaaya-aya ang pagkakaroon ng mahabaging puso na handang umalalay at tumulong sa mga taong lubos na nangangailangan ng tulong at pagkalinga. Ang pagbibigay ng tulong ay pagpapakita ng importansiya at pagpapadama na may karamay sila sa panahon ng suliranin at pagsubok sa buhay.
Balikan
Gawain A: Markahan ng tsek (✔) kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapahayag ng tamang gawain at ekis (✖) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____________ 1. Pagsauli sa naiwang gamit ng kaklase.
_____________ 2. Pagsauli sa mga bagay na hiniram sa ibang tao.
_____________ 3. Paglilihim sa magulang tungkol sa iyong mga problema.
_____________ 4. Pag-amin sa maling nagawa.
_____________ 5. Pag-angkin sa bagong gamit ng iyong kaibigan.
Gawain B: Basahin ang pahayag na naglalarawan sa sakuna o kalamidad. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot na napili mula sa loob ng kahon.
bagyo landslide baha
lindol tsunami sunog
pagputok ng bulkan
_____________ 1. Malakas na pagyanig ng lupa.
_____________ 2. Labis na pag-apaw o pagtaas ng tubig na natatakpan ang lupa.
_____________ 3. Namumuong sama ng panahon na nagdudulot ng kalamidad sa ating bansa.
_____________ 4. Mabilis na pagkalat ng apoy.
_____________ 5. Mataas na alon sa dagat na dulot ng lindol o pagyanig ng lupa.
_____________ 6. Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan ng lupa.
Tuklasin
Basahin at unawain ang tula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Ang Pagtulong Sinulat ni: Juliet L. Lim
Munting kamay gamitin ng tama
Laging ibukas sa mga maralita
Lubos na kaaya-aya kung tulong ay sadya
Lalo na sa oras na di kaayaaya.
Sa oras ng kagipitan o kalamidad man
tulong ay laging ilaan
Sa iyong munting gawa di ka malilimutan
Hindi mo namamalayan ikaw ay masaya
Dahil sa tulong na iyong ginawa.
Mahal ng Diyos ang taong matulungin
Kaniyang laan tulungan ka rin
Mga tanong:
Tungkol saan ang tula?
Ayon sa tula, ano ang gagawin sa kapuwa sa oras ng kagipitan o kalamidad?
Ano ang magandang katangian na ipinapakita sa tula?
Dapat bang tularan ang pagiging matulungin? Bakit?
Ano ang nararamdaman mo sa iyong pagtulong?
Suriin
Ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad ay mahalaga upang makapagligtas ng buhay. Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay makatutulong din sa kaligtasan ng marami. Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugan na wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na hindi na mangangailangan ng tulong ng iba.
Ang bawat isa ay nangangailangan ng tulong at may kakayahan ding tumulong sa kahit na maliit na paraan. Ang mga kabataang katulad mo ay may kakayahan ding tumulong at dumamay sa kapuwa lalo na sa panahon ng kalamidad o hindi inaasahang pangyayari. Ilan sa maaari ninyong gawin ay ang pamumuno sa paglikom ng donasyon at paghihikayat sa mga kabataan sa inyong pamayanan na makiisa sa pagbabalot at pamamahagi ng mga kagamitan na makatutugon sa pangangailangan ng mga taong naapektuhan. Bukod dito ay marami pang ibang kapaki–pakinabang na gawain na maari ninyong magawa upang makapagbigay ng tulong.
Ang pagtulong sa kapuwa ay hindi lamang limitado sa mga materyal na bagay. Maaari rin itong maipakita at maipadama sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala tungkol sa mga kalamidad at pagkakalat ng mga lehitimong impormasyon tungkol dito. Sa pamamaraang ito ay may maiaambag ka para maiwasan ang mga di kanais-nais na pangyayaring magiging bunga nito. Hawak kamay na solusyonan ang bawat problema para sa kaligtasan at sa ikauunlad ng bawat isa.
Pagyamanin
Basahin ang kuwento at tandaan kung paano naibangon ng mga mamamayan ang kanilang barangay. Isulat and sagot sa iyong kuwaderno.
Pagtutulungan sa Pagbangon Ni: Juliet Lugas Lim
Ang Scandinavian Village ay isang payak na pamayanan na sinasakop ng Barangay100 San Roque Tacloban City na sinalanta ng Bagyong Yolanda. Makikita na ang mga naipundar ng mga tao ay sadyang nilamon ng mabangis na hangin at ulan. Makalipas ang ilang araw, ang Children’s Mission Philippines na nakabase sa Montalban, Rodriguez Rizal ay nagpunta sa Tacloban City at sadyang hinanap ang aming lugar upang sila ay makapagbigay ng tulong. Kinausap ng mga pinadalang
tauhan ang opisyal ng Barangay at pumili ng mga taong makakatulong sa pamamalakad ng mga ayudang ibibigay.
Ang hangad ng pinuno ng Children’s Mission Philippines na si Ginoong Thord Dhal ay magtulungan ang lahat para maitayo ang nasirang mga paaralan ng Scandinavian Elementary School at Scandinavian National High School, at ang bawat miyembro ng pamayanan ay bibigyan ng mga materyales upang maipatayo muli ang kani-kanilang mga bahay.
Tinanggap ng mga tao ang kondisyon ng pinuno. Kaya ang mga “volunteer workers“, mga barangay opisyal at iba pang lider ay tulong-tulong sa pagbuo ng mga komiteng magsusubaybay sa mga gawaing nakaatang sa bawat isa.
Dahil sa pagtutulungan ng bawat miyembro ng barangay ay naibalik sa ayos ang dalawang paaralan, at dahil na rin sa nakitang pagkakaisa at pagtutulungan ng buong barangay ang Children’s Mission Philippines ay nagbigay din ng karagdagang tulong na mga relief goods at nagpatayo ng bagong gusali para sa Scandinavian National High School.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, unti-unting bumangon ang aming barangay. Sa tulong na rin ng mga taong may pusong handang tumulong sa oras ng kalamidad ay talagang makakabangon ang lahat.
Kung tayo ay nakatanggap ng tulong upang makabangon, atin namang obligasyon ang magbalik ng tulong sa mga nangangailangan sa maliit na paraang alam natin para na rin sa kabutihan ng lahat.
Gawain A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kapirasong papel ang sagot.
Sino ang nagbigay tulong sa Scandinavian Village?
Saan matatagpuan ang Scandinavian Village? Ibigay ang kompletong lokasyon nito.
Kung ikaw ay magbabalak tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, ano ang susubukan mong gawin?
Ang pagkakawanggawa ba ay dapat lamang gawin sa panahon ng sakuna? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pagtulong sa kapuwa sa oras ng sakuna?
Gawain B. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang salitang Tama kung nagpapakita ng wastong ugali o Mali kung hindi.
_____________ 1. Ang pagkakawanggawa ay pana-panahon lamang.
_____________ 2. Kambal ang pagkakawanggawa at pagkamahabagin.
_____________ 3. Unang nararamdaman ang pagkamahabagin, kaya nagkakawanggawa ang tao.
_____________ 4. Ang pagbibigay ng benepisyo sa mga nasalanta ng mga sakuna at iba pang nangangailangan ay nakatutulong upang umunlad ang lipunan.
_____________ 5. Ang tunay na pagkakawanggawa ay mula sa puso.
Isaisip
Bilang isang bata, paano ka makatutulong sa mga nangangailangan?
Basahin ang talata at isulat ang angkop na parirala sa iyong kuwaderno upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Pangako sa Pagmamalasakit sa Kapuwa
Nangangako ako na magiging handa akong tumulong at maglaan ng panahon sa mga taong nangangailangan tulad ng (1.) _____________________, para (2.) _____________________. Naniniwala ako na magiging ligtas ako kung (3.) _____________________. Ipadarama ko rin ang pagdamay sa pamamagitan ng (4.) _____________________ o pagpapakalat ng (5.) _____________________.
- tamang impormasyon tungkol sa kalamidad
- palaging mag-iingat sa lahat ng pagkakataon
- kagipitan
- sa mga nasalanta
- pagboboluntaryo
- pagbibigay ng pagkain at damit
Isagawa
Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa kuwaderno kung paano maipakikita ang pagbibigay ng tulong sa iyong kapuwa.
Nasunog ang bahay ng isa mong kamag-aral na nakatira sa kabilang barangay. Kasama sa tinupok ng apoy ang mga damit ng kaniyang buong pamilya. Kabilang dito ang uniporme ng iyong kamag-aral. Dahil dito ay hindi siya nakakapasok sa paaralan. Nag-usap-usap kayong magkakamag-aral at napagkasunduan ninyong tumulong. Ano ang maaari ninyong gawin upang madamayan ang inyong kamag-aral?
Nagbasa ka ng aklat sa silid-aklatan nang biglang lumindol. Dahil sa kawalan ng paghahanda, hindi alam ng maraming mag-aaral ang dapat gawin sa ganitong mga pagkakataon. Nagkataon naman na ang aklat na iyong binabasa ay tungkol sa sakuna, kaugnay sa mga dapat gawin kapag lumilindol at pagkatapos ng lindol. Ito rin ang paksa ng inyong klase sa P.E. noong nagdaang linggo. Nakita mong nahihirapan ang mga guro na gabayan sa dapat na gawin ang mga batang mag-aaral. Ano ang gagawin mo upang makatulong?
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang P kung nagsasaad ng pagdamay sa kapuwa at HP kung hindi pagdamay.
_______1. Nagtago ka nang makita mong uutusan ka ng iyong nanay na tulungan ang iyong kapatid sa paglikom ng mga lumang damit mula sa mga kapitbahay na ipamimigay sa mga nasalanta ng baha sa kabilang barangay.
_______2. Pinagtawanan mo ang iyong kamag-aral na nadulas sa pasilyo ng paaralan.
_______3. Pinagsabihan mo ang iyong kaibigan na hindi maganda ang nakikipagtalo sa kapuwa ninyo mag – aaral.
_______4. Nakipaglaro ka sa isang batang nakita mong nag-iisang nakaupo sa ilalim ng puno.
_______5. Tumanggi kang tumulong na makipag-away sa kaaway ng pinsan mo.
_______6. Lumapit ka sa kapatid mo at iniabot sa kaniya ang laruan na nakalagay sa itaas ng cabinet.
_______7. Binasag mo ang pasong ginawa ng isa mong kamag-aral dahil galit ka sa kaniya.
_______8. Tinulungan mong magbungkal ng lupa ang isa mong kamag-aral sa paghahalamanan dahil hindi niya alam kung paano ito ginagawa.
_______9. Nakita mong itinulak ng kamag-aral ninyo ang nakababata mong kapatid habang hindi nakatingin ang kanilang guro. Ipinaalam mo sa guro ang nakita mo.
_______10. Sinamahan mong manood ng concert ang iyong kaibigan sa halip na tumulong sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga biktima ng sunog.
Masaya ako at natapos mo ang gawaing ito! Ngayon ay handa ka na sa pagtuklas ng karagdagang kaalaman.
Karagdagang Gawain
Gumuhit o sumipi ng larawang nagpapakita ng pagkakawanggawa na iyo nang naisagawa at ipahayag ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa nito. Ilagay ang kasagutan sa iyong kuwaderno.
Binabati kita at tagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa modyul na ito. Sana ay patuloy mong isabuhay ang mga natutuhan para sa kabutihan ng lahat
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed in its upright reading order, with each answer box as a separate heading]
Subukin
(Maaaring magkaiba-iba ang sagot.)
| Sagot | Larawan |
|---|---|
| Bagyo, Pagbibigay ng pagkain at damit | A |
| Lindol, Pagtulong sa pamamagitan ng pondo para maibigay sa mga biktima | B |
| Sunog, Sumaklolo sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong | C |
| Nasagasaan o nabundol, Tumulong sa naaksidente o nasaktan | D |
| Nalulunod. Sumaklolo o humimnngi ng tulong. | E |
| Baha. Pagbigay ng pagkain o ipa evacuate. | F |
| Pumutok na Bulkan. Magbigay ng damit o pagkain. | G |
| Landslide. Pagbigay ng n. pagkai | H |
| Walang maayos na tirahan. Ipagbigagy alam sa hensiya para mabigyan ng tirahan. | I |
| Pulubi. Ipagbigay alam sa DSWD o pagkain. | J |
Balikan
A.
- ✔
- ✔
- ✖
- ✔
- ✖
B.
- lindol
- baha
- bagyo
- sunog
- tsunami
- landslide
Tuklasin
- Pagtulong
- Maglaan ng tulong
- Matulungin
- Maaaring magkaiba-iba ang sagot.
- Maaaring magkaiba-iba ang sagot.
Pagyamanin
A.
- Children’s Mission Philippines/ Thord Dhal
- Scandinavian Village, Barangay 100 San Roque Tacloban City
- Iipunin ang mga damit at gamit na maaaring ipamigay sa mga nasalanta/ maaring iba iba ang sagot
- Hindi. Dapat nating gawin ang pagtulong sa lahat ng pagkakataon.// maaring iba iba ang sagot
- Pagtulong sa mga biktima// maaring iba iba ang sagot
B.
- Mali
- Tama
- Tama
- Tama
- Tama
Isaisip
- pagbibigay ng pagkain at damit
- sa mga nasalanta
- palaging mag-iingat sa lahat ng pagkakataon
- pagboboluntaryo
- tamang impormasyon tungkol sa kalamidad.
Isagawa
Maaaring magkaiba-iba ang sagot.
Tayahin
- HP
- HP
- P
- P
- P
- P
- HP
- P
- P
- HP
Karagdagang Gawain
Maaaring magkaiba-iba ang sagot.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply