EsP 5 Quarter 3 Module 1: Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino

Grade 5 EsP Quarter 3 Module 1 teaches desirable Filipino traits like bayanihan, hospitality, and respect, with a typhoon story, activities, and answer key.

This is the self-learning module for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education) Grade 5, Quarter 3, Module 1: “Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino” (desirable Filipino traits). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode (ADM) module, first edition 2020, for learners studying at home. It helps learners recognize good Filipino traits such as bayanihan, warm hospitality, and respect, and practice them in daily life.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module states these objectives (competency code EsP5PPP – IIIa – 23):

  • Show desirable Filipino traits, such as:
    • getting along well with fellow Filipinos (nakikisama sa kapwa Pilipino)
    • helping or taking part in bayanihan and palusong (community cooperation and shared work)
    • warmly welcoming guests (magiliw na pagtanggap ng mga panauhin)
  • Show others willing, voluntary help or participation in bayanihan and palusong
  • Write a pledge in a notebook to show love for the country as a good citizen

The module has one lesson, Aralin 1: Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino.

Key ideas: good Filipino traits

The module opens by asking, “Ikaw ba ay Pilipino?” (Are you Filipino?). It explains that Filipinos have traits that set them apart from other peoples, such as helping others, welcoming guests warmly, being cheerful, and loving their family. Most of these traits show what it means to be a good Filipino citizen, and parents teach them to children from a young age.

The lesson explains three examples in detail:

  • Pagbabayanihan (bayanihan, helping one another): working together in times of need, especially during calamities and disasters, and giving whatever help we can.
  • Malugod na pagtanggap sa kapwa at sa mga panauhin (warm welcome of others and guests): being friendly and treating visitors well, offering them whatever comfort we can while they are in our home.
  • Pagiging magalang (being respectful): respecting parents, relatives, and elders at all times, shown through pagmamano (taking an elder’s hand to the forehead) and saying po and opo. Filipinos are also known for being close to their families.

The module ends this part by encouraging learners to practice and keep these traits every day.

The story: “Pagkakaisa sa Pagbangon”

The main reading, “Pagkakaisa sa Pagbangon” (unity in rising again) by Jovylin Abueva Macawile, is set in November 2013, when a very strong typhoon hit the Visayas, especially Samar and Leyte. Mang Goryo’s family prepares together: securing the roof, cutting tree branches, packing clothes, canned goods, medicine, flashlights, and batteries. Kapitan Lucas and the rescue unit then ask families near the shore to evacuate because of a storm surge.

After the typhoon destroys homes and livelihoods, the neighbors work together to rebuild, and help also comes from other places and other countries. The story shows that through unity and cooperation (pagtutulungan at pagkakaisa), people can overcome any hardship.

Parts of the module

PartWhat the learner does
Subukin (pretest)Rates how often they do 10 actions: palagi (always), paminsan-minsan (sometimes), or hindi kailanman (never)
Balikan (review)Answers what they would do in situations, such as hosting relatives or helping an elderly person cross the street, and gives views on pandemic-era examples like tree planting and making cloth face masks
Tuklasin (explore)Reads the typhoon story and answers five questions
Suriin (discuss)Reads the explanation of bayanihan, hospitality, and respect
Pagyamanin (practice)Matches pictures to traits like pasalubong, free check-ups, and family reunions; checks good actions they can do
Isaisip (remember)Fills in 10 sentences using words like bayanihan, kusang-loob, magiliw, and pagmamano
Isagawa (apply)Writes what they think of five traits and how to avoid misusing them
Tayahin (assessment)Names a Filipino trait to develop and one to change
Karagdagang Gawain (extra activity)Draws a good Filipino trait shown during the pandemic and writes five or more sentences about it

Vocabulary

The module’s Talasalitaan (glossary) defines words from the story:

  • unos: a calamity, such as a typhoon with strong wind and rain
  • mananalasa: will destroy or cause damage
  • humupa: subsided, faded away
  • nasilayan: saw, witnessed
  • bugso: a sudden burst of strong rain and wind
  • lumikas: to leave or move away (evacuate)

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module comes with a guide for teachers and facilitators with tips for helping at home. Many answers are personal, so talk with your child about their ideas, especially in Balikan, Isagawa, and Tayahin.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, Tuklasin, Pagyamanin, and Isaisip; Balikan, Isagawa, and Tayahin accept varied answers. Remind learners to use the key honestly.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 1. Its competency code is EsP5PPP – IIIa – 23.

What Filipino traits does the module discuss?

It focuses on bayanihan (helping one another), warm hospitality toward guests, and respect for parents and elders shown through pagmamano and saying po and opo. It also mentions cheerfulness and love of family.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the story questions, Pagyamanin, and Isaisip, while Balikan, Isagawa, and Tayahin accept different answers.

What is the story in this module about?

“Pagkakaisa sa Pagbangon” tells how Mang Goryo’s family and neighbors prepared for, survived, and rebuilt after a strong typhoon that hit Samar and Leyte in November 2013, showing unity and cooperation.

Can learners write on the module?

No. The module asks learners to use separate answer sheets and keep the module clean so others can use it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino

5

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino

[illustration: students reading and studying under a tree and at a table, with a boy by a lamp and a globe]

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jovylin A. Macawile, Maria Fe P. Alas Editor: Caridad P. Baginon, Maria Cicelia B. Pacantarra Tagasuri: David C. Alcober, Lita V. Jongco, Hermosilla V. Matuguina, Remie D. Puno Tagaguhit: Crisanto L. Lopera, Lemuel P. Valle Jr. Tagalapat: Gualberto R. Gualberto Jr., Ana Lisa M. Mesina Tagapamahala: Ma.Gemma M. Ledesma, Mariza S. Magan, Arnulfo M. Balane, Edgar Y. Tenasas, Rosemarie M. Guino, Mark Chester Anthony G. Tamayo, Joy B. Bihag, Gretel Laura M. Cadiong, Ryan R. Tiu, Ranulfo L. Baay, Amenia C. Aspa, Juliet L. Lim

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________

Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ikaw ba ay Pilipino? Bilang isang Pilipino, alam mo bang may mga natatanging kaugalian ang lahi mo? Taglay mo kaya ang mga kaugaliang ito? Ang mga Pilipino ay may likas na natatanging mga kaugalian na ipinagkaiba niya sa ibang mga lahi. Ilan sa mga katangiang nagpakilala sa mga Pilipino ay ang pagtulong sa kapwa o pagbabayanihan, magiliw na na pagtanggap sa mga panauhin, pagiging masayahin, pagmamahal sa pamilya, at marami pang ibang mabubuting kaugalian.

Ang mga sumusunod na mga layunin ay ang tatalakayin sa modyul na ito.

  • Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino;
    • nakikisama sa kapwa Pilipino;
    • tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong; at
    • magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
  • Naipadarama sa kapwa ang kusang –loob na pagtulong o paglahok sa bayanihan at palusong; at
  • Nakasusulat sa kwaderno ng isang pangako na magpapakita ng pagmamahal sa bansa bilang isang mabuting mamamayan.

EsP5PPP – IIIa – 23

Subukin

Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa bawat bilang?

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung palagi, paminsan-minsan, o hindi kailanman –ginagawa ang mga ito.

_____1. Ipinagmamalaki ang mga kaugaliang Pilipino sa mga kaibigang taga ibang bansa o sa lahat ng mga kaibigan.

_____2. Nalulungkot kapag tumutulong lang ang mga tao sa kapitbahay kung binabayaran sila o binibigyan ng pabuya.

_____3. Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.

_____4. Naniniwala na ang madalas na pagtulong sa ibang tao ay nagtuturo lang ng katamaran at pagiging palaasa sa iba.

_____5. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.

_____6. Aktibong lumalahok sa mga pagdiriwang ng pamayanan.

_____7. Nagsisikap na makatulong sa ibang tao sa abot nang makakaya.

_____8. Nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw-araw, malaki man ito o maliit.

_____9. Ipinagdarasal ang sariling bayan, mga lider ng bansa, at mga kapwa Pilipino.

_____10. Nagkukusang tumulong sa iba kapag may pagkakataon.

Aralin 1: Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino

Balikan

A. Paglalahad ng isang kuwentong isinalarawan.

Unang Sitwasyon: May mga kamag-anak kayong galing sa probinsiya at nagpaalam na makikitira muna sa inyo ng ilang araw habang may inaayos na mga dokumento ng lupa sa inyong lungsod.

Tanong:

  1. Kung mangyari sa inyo ang ganyang sitwasyon, ano ang gagawin mo?






Ikalawang Sitwasyon: Nakita ng isang bata ang matanda na tila ibig tumawid subalit hindi makatawid kahit na nakahinto na ang mga sasakyan.

Tanong:

  1. Kung ikaw ang batang tinutukoy sa sitwasyon, ano ang gagawin mo upang makatulong sa matanda?






B. Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat kung ano ang iyong pananaw sa bawat sitwasyon.

  1. Si Mark ay nakikiisa sa proyekto ng “Tree Planting”. Ano ang masasabi mo tungkol sa pakikiisa ni Mark sa proyekto?






  1. Tumutulong si Ben at Lucy upang maiwasan ang paglaganap ng “virus” sa ibang tao sa pananaliti sa loob ng bahay at pagsunod sa mga tagubiling pangkalusugan. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Ben? Bakit?






  1. Si Mang Ambo at Aling Luisa ay gumawa ng mga face masks gamit ang mga lumang damit upang makaiwas sa pagdami ng mga itinatapong surgical face mask sa basurahan. Ano ang iyong pananaw dito?






  1. Sinusunod ko ang mga batas na pinaiiral ng pamahalaan lalo na ngayong panahon ng pandemya upang mabilis na mawala ang epekto ng COVID-19 sa mga mamamayan. Sa iyo bang palagay, ito ay makabubuti para sa lahat?






  1. Masunurin sa batas ang pamilya ni Alexa. Ngayong pandemya maraming batas pangkalusugan ang ipinapatupad. Ang madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask at faceshield ay ginagawa ng pamilya ni Alexa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID -19. Sa iyong pananaw, ito ba ang magandang pag-uugaling Pilipino? Bakit?






Tuklasin

May namumukod-tangi na kaugalian at katangian ang mga Pilipino. Tuklasin ang mga ito sa kwento sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.

Pagkakaisa sa Pagbangon

Jovylin Abueva Macawile

Kadalasan sa buwan ng Nobyembre ay nagkakaroon ng bagyo. Ika-7 ng Nobyembre ng taong 2013 balita na sa buong mundo na may pinakamalakas na bagyo ang darating sa bansa at mananalasa sa buong Visayas lalong-lalo na sa mga probinsya ng Samar at Leyte. Ngunit sa araw na iyon kampante pa ang mga tao dahil maganda ang panahon.

Mang Goryo: May bagyo nga bang darating bukas? Parang wala naman kasi ang ganda-ganda naman ng panahon.

Aling Maria: Maghanda na lang tayo, Goryo. Mas mabuti na ang handa kaysa sa hindi. Dumating man ang bagyong iyan o hindi, importante ay handa tayo.

Mang Goryo: Oo, Maria. Aakyat ako sa taas at titingnan ko ang mga bubong nang matalian at maipako ng maayos. Puputulin ko na rin mga mga sanga ng mga puno na kung sakaling lumakas ang hangin hindi makadagan sa ating bubungan.

Aling Maria: Sige, Goryo, mag-iingat ka. Ako naman ay magbabalot ng ating mga damit para hindi mabasa. Maglalagay na rin ako ng ilang damit sa bag na kung sakaling kailanganin nating lumipat mayroon tayong mabibitbit.

Lucia: Nanay, tutulong din ako. Ako na lang ang maghahanda ng ilang de lata at biskwit. Ilalagay ko na rin sa bag. Maglalagay na rin ako ng mga medisinang kakailanganin natin.

Mario: Hahanapin ko naman ang ating dalawang flashlights at ang mga baterya dahil siguradong magkaka-brownout pag lumakas na ang hangin at ulan. Lalagyan ko na rin ng gaas ang ating mga lampara.

Bago sumapit ang dilim, tapos na sa paghahanda ang pamilya ni Mang Goryo. Sa gabing iyon, maaga silang kumain at natulog subalit ang mag-asawa ay hindi makatulog. Patuloy silang nakinig ng balita sa radyo at nabalitaan nila na lahat ng mga nakatira sa tabing-dagat ay kinakailangan lumikas dahil ang bagyo daw ay magdudulot ng storm surge o matataas na alon. Walang ano-ano’y may kumatok sa kanilang pinto. Nang kanilang buksan, mga taga-Rescue Unit

pala ng kanilang lugar kasama ang kanilang kapitan. Sinabihan sila na kailangan nilang lumikas at magpunta sa Evacuation Center ng kanilang lugar.

Kapitan Lucas: Pareng Goryo at Mareng Maria, kailangan ninyong magpunta sa Evacuation Center dahil delikado sa ating mga naninirahan sa tabing-dagat itong paparating na bagyo dahil magdudulot daw ito ng storm surge. Tataas daw ang tubig sa dagat ng mga lampas sampung metro.

Mang Goryo: Sige, Pareng Lucas, sasama na kami sa inyo sa Evacuation Center.

Aling Maria: Gigisingin ko lang ang mga bata at tayo ay aalis na. Huwag mong kakalimutang bitbitin ang bag ng ating mga kakailanganing gamit.

Madaling araw ng magsimulang maramdaman ang bagyo. Sa unang bugso hindi pa ito masyadong malakas ngunit pagkalipas ng halos isang oras ay naramdaman na ang hagupit ng napakalakas na bagyo. Pagkatapos ng ilang oras na pananalasa ng bagyo, humupa na ito at ang nasilayan ng mga tao ay ang mga sirang bahay, gusali, mga pananim, at mga kabuhayan. Hindi nakaligtas sa bagyo ang bahay at kabuhayan nila Mang Goryo at ng kanilang mga kapitbahay.

Mang Goryo: Huwag tayong mag-alala, babangon tayo. Magtulungan tayong ayusin ang ating mga nasirang bahay at kabuhayan. Magkaisa lang tayo at makakaya natin ito.

Mang Bano: Oo, Pareng Goryo, magtulungan tayo. Hahanapin ko ang aking martilyo at iba pang gamit nang maumpisahan na natin ang pagaayos.

Mang Karding: Maghahanap naman ako ng mga bagay na maaari pa nating magamit. Kailangan nating makapagtayo ng kahit tagpi-tagping bahay lang muna nang mayroon tayong masilungan.

Aling Rosing: Tutulong din ako. Maghahanap din ako ng mga gamit na maaari pa nating mapakinabangan.

Masaya at masiglang nagtulungan ang magkakapit-bahay. Nagkaisa ang lahat upang makabangon mula sa unos na kanilang naranasan. At dahil sa tulong ng ibang tao mula sa ibang lugar at maging sa ibang bansa, tuluyang nakabangon ang pamilya ni Mang Goryo at ang iba pang pamilya sa kanilang lugar.

Mang Goryo: Ano mang bagyo ang dumating, gaano man kahirap ang buhay na ating maranasan kung tayo ay magkakaisa at magtutulungan, ito ay ating malalampasan.

Kapitan Lucas: Iyan ang Pinoy! Lalo na ang tulad nating mga Waray-waray.

Malakas na sumag-ayong ang lahat.

Mga tanong:

  1. Anong malaking unos ang naranasan ng mga taga-Visayas?


  1. Anu-ano ang mga katangian at kaugaliang Pilipino ang ipinakita sa kuwento?

[transcriber’s note: the word “kuwento” has a strike-through line over its first letters in the scan]



  1. Paano ipinakita ang pagtutulungan ng mga magkakapit-bahay sa pamayanan?


  1. Anong magandang aral ang iyong natutuhan sa kwento?


  1. Kung ikaw ang makaranas ng ganyang unos sa buhay, anong katangian ang maaari mong ipakita at paano mo ito gagawin?


Suriin

Sa kwento na inyong nabasa, naipakita ang iba’t ibang kanais-nais na ugaling Pilipino. Natukoy mo ba ang mga ito?

May mga katangian at kaugalian tayong mga Pilipino na magpahanggang ngayon ay naipakikita at nagagawa pa rin natin. Kilala tayo dahil sa ating mga kaugaliang ito. Karamihan sa mga kaugaliang ito ay nagpapakita ng ating pagiging mabubuting mamamayang Pilipino.

Bata pa lang tayo ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang ng kahalagahan ng pagkakaroon ng mabubuting kaugaliang Pilipino na nagdudulot ng kabutihan at magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ilan sa halimbawa ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino na naituturo sa atin ay ang mga sumusunod:

  • Ang pagbabayanihan o pagtutulungan sa oras ng pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna. Sa mga ganitong pagkakataon, ibinibigay natin ang kahit anong tulong na maaari nating maipaabot sa kapwa.
  • Ang malugod na pagtanggap sa kapwa at sa mga panauhin kung saan ipinapakita natin ang pagiging magiliw sa iba. Marami ang natutuwa sa ating mga Pilipino dahil sa maganda tayong makitungo sa mga bisita. Ipinamamalas natin sa ating mga bisita ang kaginhawahang kaya nating ibigay habang sila ay nasa ating tahanan.
  • Ang pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon lalo na sa ating magulang, kamag-anak, at nakatatanda. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng pagmamano at pagsasabi ng magagandang salita tulad ng po at opo. Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging malapit sa pamilya.

Bukod sa magagandang pasyalan at tanawin, kilala rin sa ating bansa sa pagkakaroon ng mga mamamayan na may kanais-nais na pag-uugali. Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga mabubuting kaugalian natin. Sikapin pa natin na ito ay isagawa at panatilihin sa araw-araw nating pamumuhay.

Pagyamanin

A. Panuto: Kilala tayong mga Pilipino sa ating magagandang kaugalian. Nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan ang karamihan sa kaugaliang ito. Tingnan ang mga larawan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng larawan na may kaugnayan sa mga kaugaliang nakalista sa bawat bilang.

a.

[illustration: family gathered around a dining table with food, with grandparents, parents and children]

b.

[illustration: an elderly man helping a girl and a boy with crutches cross a painted crosswalk]

c.

[illustration: people cleaning and sorting waste, with a health worker at a table and a child carrying a bag]

d.

[illustration: a nurse and a patient in a clinic beside a sign reading “Libreng Konsultasyon”]

e.

[illustration: a young boy handing a gift to a seated woman]

f.

[illustration: a family seated at a dinner table with food, under a decorative wreath with a star]

___________1. Pagbibigay ng pasalubong

___________2. Pagkalinga sa nangangailangan

___________3. Pag-aasikaso sa nakatatanda

___________4. Free check-up – pagtulong na walang kapalit

___________5. Kapaskuhan – pagdiriwang ng mahahalagang okasyon

___________6. Family reunion – pagpapanatili ng ugnayan ng mga miyembro ng pamilya

B. Panuto: Basahin at piliin kung alin ang kaya mong gawin. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay kaya mong isagawa bilang pagpapakita ng magagandang kaugalian ng mga Pilipino at pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_________1. Sinusunod ko ang mga batas trapiko.

_________2. Nakikinig ako sa payo ng nakatatanda sa akin.

_________3. Nagbabasa ako ng diyaryo araw-araw.

_________4. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.

_________5. Hindi ako nakikipag-away.

_________6. Inaalalayan ko ang mga nakatatanda sa pagsakay ng bus.

_________7. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala sa mga tao kapag may parating na bagyo.

_________8. Tinatangkilik ko ang mga produktong Pilipino.

_________9. Nakikiisa ako sa programa ng mga kabataan sa aming lugar.

_________10. Pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga basurang nabubulok at basurang di-nabubulok.

Isaisip

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Isang mabuting kaugalian ang pagtulong ng walang hinihintay na _____ na kabayaran.
  2. Maganda sa pakiramdan ang pagtulong nang _____.
  3. Laging _____ ang pakikipagtulungan sa kapwa.
  4. May kabutihang naghihintay para sa taong _____.
  5. Magandang kaugalian ang _____ sa payo ng mga magulang.
  6. Ang pagiging mabuting mamamayang Pilipino ay nagpapakita ng _____ sa bansa.
  7. Kinagigiliwan ang mga Pilipino sa pagiging _____ sa pagtanggap ng mga panauhin.
  8. Kilalang-kilala ang mga Pilipino pagdating sa _____ o pagtulong sa kapwa.
  9. Ang _____ sa mga magulang at nakatatanda ay nagpapakita ng paggalang sa kanila.
  10. Dapat nating _____ ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.

kapalit, ipagmalaki, bayanihan
kusang-loob, isapuso, pagmamano
matulungin, pagsunod, magiliw
pagmamahal

Isagawa

Maraming katangiang Pilipino ang dapat nating ipagmalaki. Gayunpaman, may pagkakataong nagagamit ng hindi wasto ang ilan sa mga katangiang ito kaya lumilikha ng negatibong pagtingin sa mga Pilipino.

Panuto: Isulat sa A kung ano ang naiisip mo tungkol sa katangiang ito. Isulat naman sa B kung ano ang pinaniniwalaan mo na dapat gawin upang maiwasan ang hindi wastong paggamit o pagpapakita nito.

Halimbawa: Pagbibigay ng regalo/pasalubong

A. Naipakikita sa mga mahal sa buhay na sila ay mahalaga.

B. Ipaliwanag sa kanila na ang pagbibigay ng regalo o pasalubong ay kusang-loob lang na ginagawa at dapat hindi hinihingi.

  1. Magiliw na pagtanggap sa mga panauhin

A. _____


B. _____


  1. Pagiging matulungin

A. _____


B. _____


  1. Pagdiriwang ng espesyal na araw

A. _____

B. _____

  1. Kapatid ang pagtrato sa kaibigan

A. _____

B. _____

  1. Matibay na ugnayang pampamilya

A. _____

B. _____

[transcriber’s note: the lines beside each A. and B. are blank writing lines for the learner’s answers]

Tayahin

Panuto: Ano ang namumukod na katangiang Pilipino na gusto? Ano naman ang hindi magandang ugaling Pilipino ang gusto mong baguhin? Ipaliwanag ito sa mga kahon sa ibaba.

Katangiang Pilipino na Gustong PaunlarinKatangian ng Pilipino na Gustong Baguhin
Karagdagang Gawain

Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang mabuting kaugalian ng mga Pilipino na naipapakita natin lalo na ngayong panahon ng pandemya na nais mong maipagmalaki. Magsulat ng lima o higit pang pangungusap para ilarawan ang iyong guhit.

Talasalitaan

unos – kalamidad o pangyayari na dumarating tulad ng bagyo na may kasamang malakas na hangin at ulan

mananalasa– maninira o magdudulot ng mga pagkasira

humupa – nawala, naglaho

nasilayan – nakita, nasaksihan

bugso – biglaang pag-ulan at paghangin ng malakas

lumikas – umalis, lumipat

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. Palagi
  2. Paminsan-minsan
  3. Palagi
  4. Paminsan-minsan
  5. Palagi
  6. Palagi
  7. Palagi
  8. Palagi
  9. Palagi
  10. Palagi
Balikan

(maaaring magkaiba-iba ang sagot)

  1. tutulungan ang taong may kapansanan
  2. aalalayan ang matanda sa pagtawid
Tuklasin
  1. Malakas na bagyo
  2. Pagtutulungan at pagkakaisa
  3. Nagtulungan sila sa pag-aayos ng kanilang mga bahay
  4. Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay mahalaga
  5. Maaaring magkaiba-iba ang sagot [?]
Isagawa

(Maaaring magkaiba-iba ang sagot)

Pagyamanin

A.

  1. f
  2. c
  3. d
  4. b
  5. e
  6. a

B. 1-10 lahat tsek (/)

Isaisip
  1. kapalit
  2. kusang-loob
  3. isapuso
  4. matulungin
  5. pagsunod
  6. pagmamahal
  7. magiliw
  8. bayanihan
  9. pagmamano
  10. ipagmalaki
Isaisip
  1. kapalit
  2. kusang-loob
  3. isapuso
  4. matulungin
  5. pagsunod
  6. pagmamahal
  7. magiliw
  8. bayanihan
  9. pagmamano
  10. ipagmalaki
Tayahin

Maaaring magkaiba-iba ang sagot.

Sanggunian

Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2019. K to 12 Curriculum Guide in Edukasyon sa Pagpapakatao 5: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Quezon: Vibal Group, Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district