Arts 5 Quarter 3 Module 5: Panimulang Paghuhudhod (Rubbing Designs)

This is the Grade 5 Arts self-learning module for Quarter 3, Module 5: “Panimulang Paghuhudhod” (introduction to rubbing, a way of making designs by leaving the print or trace of an object). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home, with help from parents or other facilitators. After this module, learners can follow the correct steps in creating a design and make their own prints using a leaf and crayon or a painted cardboard cutout.

What learners will learn

The module’s competency is to follow the correct procedure in creating a design (A5PR-IIIf). By the end, learners are expected to:

  • Identify the two ways of creating a design through introductory rubbing (panimulang paghuhudhod).
  • Follow the correct steps in creating a design.
  • Take pride in their own designs.

Key ideas: printing and rubbing

The module starts with paglilimbag (printing), an art activity done by leaving the trace of a colored object on paper. Color makes artwork richer because it shows the feelings and imagination of the person who made it.

Paghuhudhod (rubbing) is one way of leaving the trace of an object to make an interesting design. The module teaches two methods:

  1. Rubbing over an object. Place an object, such as a leaf, under a sheet of paper. Then rub a crayon over the paper so the shape of the object shows through.
  2. Transferring a colored design. Paint a design, then press a sheet of paper over it and rub it so the design moves onto the paper.

Steps for transferring a design to paper

The module gives these steps, using an apple as its example design:

  1. Clean the work table and cover it with old newspaper.
  2. Get the cardboard you brought.
  3. Think of your own design and draw it on the cardboard.
  4. Use scissors to cut out the design you drew.
  5. Arrange the cutout on top of another piece of cardboard and glue it in place.
  6. Paint the design with a brush.
  7. Place a sheet of paper over the painted design.
  8. Rub slowly until the design is transferred to the paper.
  9. Let it dry and display the finished work.

The pretest also reminds learners to clean up the work area and put the materials back where they belong after finishing.

Activities in this module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Number the steps of making a design in the correct order
Balikan (review)Recall a design they made before and the materials they used
Tuklasin (discover)Look at a leaf-rubbing picture and answer what it is, what materials were used, and how it was made
Gawain 1Identify the method used in two pictures
Gawain 2Make a design with paper, a leaf, and crayons, then rate it with a checklist
Gawain 3Explain how they would show their design to other people
IsaisipComplete the sentence about what they learned
IsagawaMake a printed design with paper, pencil, paint, scissors, newspaper, and cardboard
Tayahin (assessment)Identify the two methods and put the pictured steps in order
Karagdagang GawainMake a poster to help a local kakanin (rice cake) seller make their product known

The Isagawa artwork is scored with a rubric worth 5, 3, or 2 points per criterion: correct printing technique, a clear print with a visible subject, suitable and attractive colors, and clean, careful use of materials.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not in the module, and check the rubric before you start your artwork. Be honest when you check your answers.
  • Parents and facilitators: Help gather simple materials such as paper, leaves, crayons, cardboard, scissors, glue, paint, a brush, and old newspaper. Guide the child in using scissors and paint safely and in cleaning up afterward.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, activities, and assessment. Artwork answers depend on the learner and are rated with the module’s rubric. Learners should contact their teacher if they have trouble understanding the lessons.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Arts module for?

It is for Grade 5 Arts, Quarter 3, Module 5, titled Panimulang Paghuhudhod.

What does paghuhudhod mean?

Paghuhudhod means rubbing. In this module it is a way of leaving the trace of an object, such as a leaf or a painted cutout, on paper to create an interesting design.

What are the two methods of rubbing taught in the module?

The first is placing an object like a leaf under paper and rubbing a crayon over it. The second is transferring a painted design onto another sheet of paper by rubbing over it.

What materials do learners need?

Gawain 2 uses paper, a leaf, and crayons. Isagawa uses paper, pencil, paint, scissors, newspaper, and cardboard, and the answer key also mentions glue and a brush.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, activities, and assessment, while artwork is rated using the module’s rubric.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Arts 5_ Module 5

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 5: Panimulang Paghuhudhod

[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk with a teacher, a globe, and a child writing beside a lamp; Alternative Delivery Mode logo; “Pag-aari ng Pamahalaan, Hindi Ipinagbibili” diagonal label]

CO_Q3_Arts 5_ Module 5

Arts – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Panimulang Paghuhudhod Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot buhat sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Welinda A. Payot Editors: Eden Lynne V. Lopez, Mariel A. Alla Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Charo C. Sombilon Tagaguhit: Eric T. Hingabay Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Oliver O. Ostulano Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Raul D. Agban, Arnulfo M. Balane, Lorelei B. Masias, Rosemarie M. Guino, David E. Hermano, Jr., Joy B. Bihag, Shirley L. Godoy, Ryan R. Tiu, Eva D. Divino, Nova P. Jorge, Jo-ann C. Rapada

i

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 5: Panimulang Paghuhudhod

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Sa pamamagitan ng kulay mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing sining dahil ito ay nagpapakita ng damdamin at imahinasyon ng gumawa.

Ang paghuhudhud ay isa sa mga paraan ng pag-iwan ng bakas ng isang bagay upang makabuo ng isang kawili-wiling disenyo. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay makasunod sa tamang pamamaraan sa paglikha ng disenyo (A5PR-IIIf) at inaasahang makamit ang sumusunod:

a. Nakikilala ang dalawang paraan sa paglikha ng disenyo gamit ang panimulang paghuhudhud. b. Nakasusunod sa tamang pamamaraan sa paglikha ng disenyo. c. Naipagmamalaki ang mga sariling likhang-disenyo.

Subukin

[illustration: pencil]

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa paglikha ng disenyo. Lagyan ng bilang 1-10 sa patlang ayon sa pagkasunod-sunod nito.

_____ Mag-isip ng sariling disenyo at iguhit ito sa karton. _____ Kunin ang dalang karton. _____ Ayusin ang disenyo sa ibabaw ng isang karton at idikit ito. _____ Patuyuin at ipaskil ang natapos na gawain. _____ Ihagud nang dahan-dahan hanggang sa mailipat ang disenyo sa papel. _____ Linisin ang lugar na pinaggawaan at ilagay ang mga materyales sa tamang lalagyan. _____ Linisin ang mesang pag-gagawan at lagyan ng lumang diyaryo. _____ Kumuha ng isang papel at ilagay ito sa ibabaw ng disenyo. _____ Kulayan ito ng pintura gamit ang brush. _____ Kunin ang gunting at gupitin ang disenyong iguguhit sa karton.

1 CO_Q3_Arts 5_ Module 5

Aralin 5: Panimulang Paghuhudhod

Ang paghuhudhod ay isa sa mga paraan ng pag-iwan ng bakas ng isang bagay upang makabuo ng isang kawili-wiling disenyo.

Balikan

Naranasan mo na bang gumawa ng isang disenyo? Anong disenyo ito? Ano-anong kagamitan ang ginamit mo sa paggawa ng disenyo? Gumawa ng isang halimbawa ng disenyo na inyong nagawa.

Tuklasin

Pagmasdang mabuti ang mga larawan at sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

[photo: two images of hands pressing leaves beneath paper and a leaf-rubbing design on paper]

  1. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
  2. Anong kagamitan ang ginamit sa pagbuo ng disenyong ito?
  3. Paano ginagawa ang disenyong ito?

2 CO_Q3_Arts 5_ Module 5

Suriin

Ang paghuhudhod ay isa sa mga paraan ng pag-iwan ng bakas ng isang bagay upang makabuo ng isang kawili-wiling disenyo.

May dalawang paraan sa paghuhudhod:

  1. Isa nito ay ang paglagay ng isang bagay o dahon sa ilalim ng papel at ihudhod ang krayola sa ibabaw ng papel upang makaiwan ng bakas.
  2. Ang pangalawa ay ang paglipat ng isang kinulayang disenyo sa ibang papel.

Narito ang mga hakbang sa paggawa sa paglipat ng isang disenyo sa ibang papel:

  1. Linisin ang mesang paggagawan at lagyan ng lumang diyaryo.

[illustration: hands cleaning a table covered with newspaper]

  1. Kunin ang dalang karton.

[illustration: hands placing a cardboard on a table]

  1. Mag-isip ng sariling disenyo at iguhit ito sa karton.

[illustration: hands drawing an apple on cardboard]

  1. Kunin ang gunting at gupitin ang disenyong iginuhit sa karton.

[illustration: hands cutting out an apple design from cardboard with scissors]

3 CO_Q3_Arts 5_ Module 5

  1. Ayusin ang disenyo sa ibabaw ng isang karton at idikit ito.

[illustration: hands gluing an apple cutout onto a cardboard with a glue bottle]

  1. Kulayan ito ng pintura gamit ang brush.

[illustration: hand painting the apple cutout with a brush]

  1. Kumuha ng isang papel at ilagay ito sa ibabaw ng disenyo.

[illustration: hands placing paper over the apple design]

  1. Ihagod ng dahan-dahan hanggang sa mailipat ang disenyo sa papel.

[illustration: hand rubbing over paper to transfer the apple design]

  1. Patuyuin at ipaskil ang natapos na gawain.

[illustration: painted apple print hung on a clothesline with clothespins]

4 CO_Q3_Arts 5_ Module 5

Pagyamanin
Gawain 1

Kilalanin ang sinunod o paraang ginamit upang mabuo ang bawat disenyo.

[illustration: leaf with crayon rubbing, held by hands; second image shows hands rubbing paper placed over a surface]

  1. Ano ang paraang ginamit sa pagbuo ng unang larawan?
  2. Ano naman ang paraang ginamit sa pagbuo ng ikalawang larawan?
Gawain 2

Sundin ang mga hakbang sa paggawa batay sa ating tinalakay at gumawa ng disenyo gamit ang ang papel, dahon, at krayola. Tingnan mo muna ang rubriks para sa mga kaukulang puntos.

[transcriber’s note: an empty framed box for the learner’s drawing]

  1. Ano ang nabuo mong disenyo?
  2. Anong kagamitan ang ginamit sa pagbuo ng disenyong ito?
  3. Nasunod mo ba nang wasto ang mga hakbang sa pagbuo nito?

Lagyan ng tsek ang kolum ayon sa pamantayan sa pagbuo ng disenyo.

PAMANTAYANNakasunod sa pamantayan ng higit sa inaasahanNakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulangHindi nakasunod sa pamantayan
1. Nakabuo ako ng disenyo sa pamamagitan ng paglilimbag.
2. Nagamit ko ang kulay ayon sa katangian nito.
3. Nakagawa ako nang mag-isa.
4. Naipakikita ko ang pagiging maingat sa mga kagamitan.
5. Nakatapos ako ng gawain sa inilaang oras.
Gawain 3

Bilang mag-aaral, paano mo maipakikilala sa ibang tao ang iyong sariling likhang disenyo?

Isaisip

Punan ng mga salita ang sumusunod upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay _____


Isagawa

Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng disenyong ating tinalakay gamit ang papel, lapis, pintura, gunting, diyaryo at karton. Tingnan mo muna ang rubriks para sa mga kaukulang puntos.

[transcriber’s note: an empty framed box for the learner’s drawing]

  1. Ano ang nabuo mong disenyo?
  2. Anong kagamitan ang ginamit sa pagbuo ng disenyong ito?
  3. Nasunod mo ba nang wasto ang mga hakbang sa pagbuo nito?

Lagyan ng tsek ang kolum ayon sa pamantayan sa pagbuo ng disenyo.

PAMANTAYANNakasunod sa pamantayan ng higit sa inaasahanNakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulangHindi nakasunod sa pamantayan
1. Nakabuo ako ng disenyo sa pamamagitan ng paghuhudhod.
2. Nagamit ko ang kulay ayon sa katangian nito.
3. Nakagawa ako nang mag-isa.
4. Naipakita ko ang pagiging maingat sa mga kagamitan.
5. Nakatapos ako ng gawain sa inilaang oras.
Tayahin

A. Panuto: Kilalanin ang sinunod o paraang ginamit sa pagbuo ng bawat disenyo.

[illustration: leaf with crayon rubbing held by hands; second image shows hands rubbing paper over a surface on newspaper]

  1. Ano ang paraang ginamit sa pagbuo ng unang larawan?

  1. Ano ang paraang ginamit sa pagbuo ng pangalawang larawan?

B. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa paglikha ng disenyo. Lagyan ng bilang 1-10 sa tapat ng larawan ayon sa pagkasunod-sunod nito.

[illustration: nine circular pictures showing the steps of making a design, arranged in two rows: four pictures in the first row and five in the second row]



Karagdagang Gawain

Paano mo tutulungan ang isang nagtitinda ng kakanin sa iyong lugar upang makilala ang kanilang produkto ng mga tao? Igawa mo siya ng poster.

Rubriks para sa Likhang-Sining sa pagbigay ng puntos sa “Isagawa”

Mga SukatanHigit na nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (5)Nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (3)Hindi nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (2)
1. Isinagawa ang paglilimbag gamit ang wastong teknik o pamamaraan.
2. Malinaw ang pagkakalimbag at kitang-kita ang paksa nito.
3. Maganda, angkop, at nababagay sa paksa ang ginamit na mga kulay.
4. Malinis at maingat sa paggamit ng mga kagamitan

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down. Its text is transcribed in the order it reads once the page is turned right side up, column by column.]

Isagawa
  1. Paggawa ng isang disenyo (Disenyo ng Bata)
  2. Papel, lapis, karton, glue, pinta at brush
  3. Opo nasunod ko ang mga hakbang
    *Sumangguni sa Rubriks
Tayahin

a.

  1. Ito ay paghudhud ng krayola sa ibabaw ng dahon.
  2. Ito ay paghudhud ng papel sa ibabaw ng kinulayang desinyo.

b. 8523

14679

Karagdagan Gawain
  1. Nakakabuo ako ng isang kawili-wiling disenyo (Rubrik)
  2. (Rubrik)
  3. Pagpasa ng disenyo
Gawain 1
  1. Ito ay paghudhud ng krayola sa ibabaw ng dahon.
  2. Ito ay paghudhud ng papel sa ibabaw ng kinulayang desinyo.
Gawain 2
  1. Paggawa ng isang disenyo (Disenyo ng Bata)
  2. Papel, dahon at krayola
  3. Opo nasunod ko ang mga hakbang
    *Sumangguni sa Rubriks
Gawain 3

Maipagmamalaki ko ang likhang sining sa pamamagitan ng pagpaskil nito at pag-anyaya sa mga kamag-aral ko sa paglikha din nito.

Subukin

3 2 5 9 8 10 1 7 6 4

Balikan

Depende sa sagot ng mag-aaral

Tuklasin
  1. Ito ay disenyong nabuo mula sa bakas ng mga dahon
  2. Papel, dahon at krayola
  3. Ilagay ang dahon sa ilalim ng papel at ikuskus ang krayon sa papel mag-aral

Sanggunian

Copiaco, Hazel, and Emilio Jacinto Jr. Halinang Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Incorporated. 2016, 2016, pp. 140

Valdecantos, Emelita. Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Guevarra St., Sta. Cruz Manila: Saint Mary’s Publishing Corp., 1999, pp. 58

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *