Arts 5 Quarter 3 Module 1: Dibuho Ko, Limbag Ko (Printmaking)

Arts 5 Quarter 3 Module 1 teaches printmaking with linoleum, softwood, and rubber soles, plus positive and negative space and a hands-on print activity.

This is the Arts 5 Quarter 3 Module 1 self-learning module, “Dibuho Ko, Limbag Ko” (my design, my print), from DepEd Region VIII (First Edition, 2020). It introduces Grade 5 learners to printmaking with materials found at home and in the community, such as linoleum, softwood, and rubber from old shoe soles. By the end, learners should be able to explain these new printing methods, make their own print, and take pride in their work.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module is built on competency A5EL-IIIb. Learners are expected to:

  • Discuss new ways of printmaking using linoleum, softwood, and rubber (used soles of shoes) to carve lines, textures, designs, and images.
  • Print a design using any of these materials (linoleum, softwood, or rubber) to create a texture from the material used.
  • Show pride in new ways of printmaking using different materials.

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Dibuho Ko, Limbag Ko. It explains what printmaking is, the kinds of printmaking, and the idea of positive and negative space in a print. It ends with hands-on printing activities and a bookmark project.

Key ideas: what printmaking is

The module defines paglilimbag (printmaking) as an art activity done by leaving the trace, or print, of an object that has been colored. It notes that printmaking was shared with early Filipinos by foreigners. Today there are newer methods that use linoleum, softwood, and rubber to create different lines, textures, designs, and images.

The module lists several kinds of printmaking:

  • String printing (paglilimbag sa pisi)
  • Leaf printing (paglilimbag sa mga dahon)
  • Block printing, using potato, sweet potato (kamote), or squash (kalabasa)
  • Prints that show only letters or words
  • Printing with unusual materials, such as leaves and oil

One thing all kinds have in common: printmaking is done again and again. This is why the pretest asks what printmaking can do that drawing, painting, and sculpture cannot, which is make many copies.

Key ideas: space, the matrix, and texture

Space is an element of art. It is the distance around, inside, and outside objects or images. It can be 2D (two-dimensional, like a drawing, painting, print, or cut-out) or 3D (three-dimensional, like a real chair). Images in 2D work, made by drawing, painting, or printing, are only an illusion.

  • Positive space is an area that is filled.
  • Negative space is an area that is empty.

In printmaking, these ideas connect to the matrix, the part of the tool where the original design is made, such as a carved block.

  • The positive space is the image left on the surface of the matrix.
  • The negative space is the parts carved away from the matrix, which do not receive ink or paint.

The module also shows textures that can be carved into a print: ribbed, fluted, woven, and carved.

The printing activity, step by step

In Gawain 2, “Kung kaya nila! Kaya ko rin!” (if they can, I can too!), learners make a print using an old slipper or shoe sole:

  1. Draw the design with a pencil.
  2. Put old newspaper under the paper to protect the table.
  3. Carve lines or texture into the slipper with a cutter. Be careful with the cutter.
  4. Brush watercolor (with only a little water) onto the carved rubber. A dishwashing sponge helps spread the paint evenly. Do not let the paint dry before placing the paper.
  5. Press down on the paper with your hand so the paint sticks.
  6. Peel the paper off slowly, at a diagonal.
  7. Let the print dry.
  8. Clean the table.
  9. Display your prints.

The Isagawa task repeats this process with a sketch transferred onto wood or linoleum and carved with a pointed tool. It is scored with a rubric on using materials around you, neatness, finishing on time, and creativity.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts: Alamin (objectives), Subukin (a five-item pretest), Balikan (a review of kinds of lines, such as zigzag, thin, thick, wavy, and spiral), Tuklasin, Suriin, Pagyamanin (three activities), Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain. The extra activity asks learners to make a cardboard bookmark showing a heritage site in their area.

  • Learners: Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Take the pretest first, then work through each part in order. Check your answers with the answer key at the end honestly.
  • Parents: Prepare simple materials such as paper, watercolor, a brush, newspaper, an old slipper, and a sponge. Supervise any use of a cutter or sharp tool.
  • Teachers: Use the rubrics for the Isagawa print and the bookmark project. Open-ended items such as Tuklasin, Gawain 2, and Tayahin depend on each learner’s answer or output.

Frequently asked questions

What grade and quarter is the Dibuho Ko, Limbag Ko module for?

It is Arts for Grade 5, Quarter 3, Module 1. It was prepared by DepEd Region VIII as a first edition in 2020.

What is paglilimbag?

Paglilimbag means printmaking. The module defines it as an art activity done by leaving the trace of a colored object on paper or another surface.

What materials are used for printmaking in this module?

The module focuses on linoleum, softwood, and rubber from old shoe soles or slippers. It also mentions leaves, string, and vegetables like potato, kamote, and squash for block printing.

What are positive and negative space in printmaking?

Positive space is the image left on the surface of the matrix, the carved block. Negative space is the parts carved away, which do not receive ink or paint.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, and activities. The art tasks are scored using the rubrics in the module.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Arts 5_ Module 1

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Dibuho Ko, Limbag ko

[illustration: group of students reading and writing outdoors and at a desk, with a teacher, a globe, and a lamp; DepEd logo at top; ADM (Alternative Delivery Mode) logo at bottom]

5

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_Arts 5_ Module 1

Arts – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Dibuho Ko, Limbag Ko Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jonah M. Tulin Editor: Eden Lynne V. Lopez, Mariel A. Alla Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Charo C. Sombilon Tagaguhit: Roel G. Cala, Eric T. Hingabay Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Edsel D. Doctama Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Raul D. Agban Lorelei B. Masias Josemilo P. Ruiz Shirley L. Godoy Eva D. Divino Jo-ann C. Rapada

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov

5

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Dibuho Ko, Limbag Ko

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with dart icon beside the heading]

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay.

Ito’y maaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatatagpuan natin sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum, softwood, rubber (soles of shoes).

Ang paglilimbag ay isang sining na naibinagi ng mga banyaga sa mga sinaunang Pilipino. Sa kasalukuyan, may mga bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang makalikha ng iba’tibang linya, tekstura, dibuho at mga imahe.

Sa modyul na ito, maitatalakay natin ang iba’t ibang makabagong paraan ng paglilimbag gamit ang mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber (A5EL-IIIb) at inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:

  1. natatalakay ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber (used soles of shoes) upang mai ukit ang mga linya, tekstura, dibuho at mga imahe sa paglilimbag.
  2. nakalilimbag ng disenyo gamit ang alin man sa mga bagay tulad ng linoleum, softwood o rubber (soles of shoes) upang maka likha ng kayarian mula sa mga bagay na ginamit.
  3. naipagmamalaki ang bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang iba’tibang bagay.

1

CO_Q3_Arts 5_ Module 1

Subukin

[illustration: pencil icon beside the heading]

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangugusap sa ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

  1. Alin dito sa tingin mo ang gawa sa linoleum?

A. [photo: relief print artwork in black and yellow tones] B. [photo: gift bag with a pink flower design] C. [photo: collage of printed letters and words on a textured background]

  1. Alin sa sumusunod na kagamitan ang maaring gamiti ng panlimbag?
    A. bakal B. dahon C. copier machine


  2. Alin sa mga patapong mga bagay katulad ng mga binabanggit sa ilalim ang maaaring gamiting panglimbag?
    A. bato B. brochure C. sirang radio


  3. Ano sa mga nabanggit na pagpipiliang kagamitan ang ginagamit sa paglilimbag?
    A. crayon B. pintura C. marker


  4. Ano sa iyong palagay ang nagagawa ng paglilimbag na hindi nagagawa ng pagguguhit, pagpipinta o paglililok?
    A. paggawa ng orihinal na gawa
    B. paggawa ng makabuluhang mensahe
    C. paggawa ng maraming kopya


2

CO_Q3_Arts 5_ Module 1

Aralin 1: Dibuho Ko, Limbag Ko

Ang paglilimbag ay isang sining na naibinahagi ng mga banyaga sa mga sinaunang Pilipino. Sa kasalukuyan may mga bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang makalikha ng iba’t-ibang linya at tekstura.

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon beside the heading]

Natatandaan mo pa ba ang iba’tibang katangian ng linya? Ang linya ay bahagi ng lahat ng mga malikhaing sining. Sa pamamagitan ng malikhaing kaisipan ay makagagawa ka ng iba’tibang uri ng linya na makapagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa iyong likhang-sining. Makilala mo pa ba ang iba’t ibang katangian ng linya?

Anong katangian ng linya ang ipinakita sa Hanay A? Piliin sa Hanay B ang sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. [illustration: solid black horizontal bar]a. Liku-liko (zigzag or wavy)
2. [illustration: zigzag line]b. manipis
3. [illustration: solid dark gray bar]c. makapal
4. [illustration: wavy line]d. Paikot-ikot (spiral)
5. [illustration: spiral line]e. Pakurba (curve)

3

CO_Q3_Arts 5_ Module 1

Tuklasin

[illustration: sprouting leaf icon beside the heading]

Panuto: Pagmasdan ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[photo: relief print of an elephant in black and yellow inks] [photo: wooden block being carved with a gouge and mallet] [illustration: black-and-white linocut-style print of a bird on a branch with leaves] (Cala, n.d.)

Mga Tanong:

  1. Ano ang nakita mo sa mga larawan?

  1. Gusto mo bang gumawa ng ganito? Bakit?

  1. Paano kaya gawin ang mga ito?

Iyan ang tatalakayin natin sa modyul na ito.

4

CO_Q3_Arts 5_ Module 1

Suriin

Ang paglilimbag ay isang uri ng sining na nagpapakita ng kakayahan ng isang tao sa paggamit ng iba’tibang bagay. Kadalasan ang paglilimbag ay nagpapakita ng dibuho. Maraming uri ang paglilimbag tulad ng paglilimbag sa pisi, paglilimbag sa mgad ahon, sa pamamagitan ng bloke (block printing) na ang ginagamit ay patatas, kamote o kalabasa. Kung minsan ipinakikita sa paglilimbag ay titik o salita lamang. Mayroon ding isang uri ng paglilimbag na ang ginagamit ay dahon, aso at langis – mga di-pangkaraniwang bagay na hindi mo akalaing magagamit sa sining. Lahat ng uri ng paglilimbag ay ginagawang paulit-ulit.

[photo: two heart-shaped and butterfly block prints on paper] (Hingabay 2020)

[photo: leaf prints in grey on paper] (Hingabay 2020)

Ang paglilimbag ay isang sining na ginawa noon pa man ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan may mga bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang makalikha ng iba’t ibang linya, tekstura, dibuho o mga imahe.

[photo: black-and-white linocut of a tree and landscape] (Hingabay 2020)

[photo: red and black linocut of a tiger-like figure] (Hingabay 2020)

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring isagawa sa pamamagitan ng iba’tibang bagay na matatagpuan natin s apaligid at pamayanan halimbawa ang linoleum, softwood, rubber (soles of shoes).

Ang espasyo ay isa ring elemento ng sining ay may distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay sa isang likha ng sining. Para sa isang pintor, ang anyo ng mabubuo ng espasyo ay kasing halaga rin ng hugis ng mga bagay na kaniyang ginuhit. Sa mga bahay at gusali, maging sa sining ay may positibo at negatibong espasyo. Ang positibong espasyo ay isang lugar na may laman. Ang negatibong espasyo ay isang lugar na walangl aman.

[illustration: wooden stool drawn in 2D, shown as a grey drawing] 2D space drawing

[illustration: solid black silhouette of the stool] Positive space

[illustration: white stool silhouette on a black background] Negative Space

Ang space ay ang distansya, palibot, loob at labas ng mga bagay o imahe. Maari itong 2D (two-dimensional katulad ng drawing, painting, print, o cut-out) o 3D (three-dimensional katulad ng aktuwal na silya).

2D Space

Ito ay nagagawa sa papamagitan ng pagguhit, pagpinta at paglimbag. Ang mga imahe mula sa mga ito ay isa lamang illusion.

Sa paglimbag, ang positive space ay ang naiiwan na mga imahe sa ibabaw ng ginamit na matrix. Ang matrix ay ang bahagi ng isang kagamitan kung saan nagagawa ang mga orihinal na disenyo o mga imahe ng disenyo. Samantalang ang negative space ay ang mga tinanggal na bahagi sa matrix na hindi malalagyan ng tinta o pintura.

Sa paglilimbag, maaari tayong gumamit ng iba’tibang linya at tekstura tulad ng:

[illustration: vertical striped texture] ribbed

[illustration: grid-like texture] fluted

[illustration: basket-weave texture] woven

[illustration: swirling carved pattern] carved

Pagyamanin

Gawain 1: Pagmasdan at talakayin natin

Panuto: Sa ibaba ay mga halimbawang larawan gamit ang paglilimbag. Pagmasdan ito at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

a. [photo: hands carving a block of wood with a chisel] (Cala n.d.)

b. [illustration: a carving block with a curved wedge-shaped cut] (Cala n.d.)

c. [photo: leaf prints in rainbow colors on paper] (Cala n.d.)

  1. Ano-anong uri ng materyal ang ginamit sa ipinakitang larawan?

Larawan A: _____

Larawan B: _____

Larawan C: _____

  1. Isa ayos sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa paggawa ng bagong pamamaraan sa paglilimbag sa pamamagitan ng pagsulat ng numero (1-6). Italakay ito sa pamamagitan ng pagsulat ng hakbang sa paggawa. Isulat ito sa iyong sagutang papel.


    _____a. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa kagamitan.


    _____b. Kung ang gagamitin naman ay soft wood, umukit ng magandang larawan sa malambot nakahoy at pagkatapos ay pintahan at iwanan ang bakas sa malinis na papel.


    _____c. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag na nakalap sa inyong tahanan.


    _____d. Gayundin ilahad ang kagamitang papel na gagamitin, water paint o water color, brush.


    _____e. Upang lalong maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin ang inyong imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag–iwan ng bakas.


    _____f. Kulayan ang mga bagay sa may bakas nabahagi na ipinadala ng guro at pagkatapos ay ilapat ito sa oslo paper kung ito ay di gaanong basa ang pagkapinta o kulay.


Gawain 2. Kung kaya nila! Kaya ko rin!

Maglimbag ng disenyo gamit ang alin man sa mga bagay tulad ng lapis, cutter, linoleum, softwood, rubber (sole of shoes), pintura, bond paper, dyaryo, brush at lapis. Sundin ang mga sumusunod na hakbang:

Pamamaraan:

  1. Iguhit ang disenyo sa pamamagitan ng lapis.
  2. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan.
  3. Lumikha ng tekstura o linya sa tsinelas gamit ang cutter. (Mag-ingat sa paggamit ng cutter).
  4. Pintahan ng kulay ang inukitna rubber gamit ang isinawsaw na brush sa watercolor at idiin ito sa disenyong ginawa. Kung gagamit ng watercolor, maghalo lamang ng kaunting tubig. Gumamit ng diswashing sponge upang isawsaw sa pintura at mailagay ng pantay ang pintura sa inukit na dibuho sa rubber. Siguruhin na hindi na tuyo ang pintura sa inukit na rubber bago ilagay ang papel sa ibabaw nito.
  5. Idiin ang kamay sa papel upang masiguro na kumapit ang pintura sa papel.
  6. Tanggalin ng unti-unti ang papel nang pahilig (diagonal).
  7. Patuyuinito.
  8. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
  9. Ipaskil ang mga inilimbag na disenyo.
Gawain 3. Kapag may Likhang Sining, Ipagmalaki mo!

Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Lagyan ng puso ([illustration: heart]) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalaki ng makabagong pamamaraan ng paglilimbag at malungkot na mukha ([illustration: sad face]) kung hindi.

_____ 1. Ang likhang sining ay ibinabahagi sa mga kapatid sa mga magulang sa bahay.

_____ 2. Ang mga dahon, gulay at prutas ay ipunin at gamitin para makalikha ng malikhaing disenyo sa paglilimbag.

_____ 3. Ang ginawang likha ng sining ay ilagay sa loob ng kahon.

_____ 4. Gamit ang cellphone ay kunan ng larawan ang likhang sining at ibinabahagi ito sa social media.

_____ 5. Ang nilimbag na nasa papel ay maaaring gamitin pampunas ng mga maruruming bagay sa mesa.

Isaisip

Punan ng mgasalita ang sumusunod upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot sa nakalaan na patlang.

Ang natutunan ko sa araling ito ay_____

_____.

Ang paglilimbag ay ang _____

_____.

Mabibigyang halaga ang ating likhang sining sa pamamagitan ng

_____.

Isagawa

Maglimbag ng disenyo gamit ang alin man sa mga bagay tulad ng linoleum, softwood o rubber (soles of shoes). Sundin ang mga sumusunod na pamamaraan. Sumangguni sa Rubriks na makikita sa susunod na pahina para sa kaukulang puntos.

Mga hakbang sa paggawa:

  1. Ihanda ang lahat ng mga kinakailangan sa paggawa.
  2. Gamit ang sketch na ibinalangkas mo, ilapat ito sa kahoy o linoleum.
  3. Tiyaking angkop at wasto ang paglalapat ng balangkas upang matiyak na buo ang disenyo ng nais na mabuo.
  4. Gumamit ng matulis na bagay sa pagdisenyo.
  5. Lapatan ito ng angkop na kulay sa pamamagitan ng paggamit ng dishwashing sponge upang pantay na mailagay sa inukit na disenyo ng panglimbag.
  6. Iwasang matuyo ang pintura at ilagay agad ang papel sa ibabaw ng inukit na disenyo.
  7. Idiin ang kamay upang masigurong kumapit ang pintura sa papel.
  8. Unti-unting tanggalin ang papel nang pahilig o diagonal.
  9. Gawin ito nang may pag-iingat at sa malikhaing pamamaraan.

Tayahin

a. Italakay ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang mga bagay tulad ng linoleum upang maiukit ang mga linya, tekstura, dibuho o imahe sa paglilimbag. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

[transcriber’s note: empty answer box in the original]

b. RUBRIKS PARA SA ISAGAWA

KASANAYANNakagawa ng higit sa inaasahan (3)Nakagawa ng maayos (2)Nakagawa ng may kaunting pagkukulang (1)
1. Nakapaglimbag ako ng mga disenyo gamit ang mga bagay sa aking paligid
2. Nakagawa ako ng malinis at maayos ng likhang sining
3. Nakatapos ako ng Gawain sa inaasahang oras
4. Naging malikhain ako sa pagsasagawa ng disenyo
5. Naipakita ko ang malikhaing disenyo sa aking likhang sining

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng bookmark gamit ang disenyong cardboard painting.

Mga Kagamitan: Cardboard, lapis, gunting, ribbon o yarn at watercolor o anumang pangkulay na mayroon sa bahay

Mga Hakbang sa Paggawa:

  1. Maghanda ng dalawang 4×8 pulgada ng cardboard para gawing bookmark.
  2. Magsaliksik ng mga makasaysayang lugar na naitatagang Heritage Site sa inyong lugar.
  3. Gumamit ng protective gear upang hindi malanghap ang pintura. Hindi na kailangan ng mask kung watercolor o poster color ang gagamitin.
  4. Ipinta ang napiling Heritage Site sa isang cardboard. Siguraduhing may harmony ang kumbinasyon ng mga kulay na gagamitin.
  5. Pagkatapos magpinta ilapat ito sa isa pang cardboard at patuyuin ito.
  6. Butasan ang gawing itaas ang cardboard at lagyan ng ribbon o yarn.
  7. Iligpit ang mga kalat at itago ang mga gamit pagkatapos ng gawain.
  8. Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik.

RUBRIK SA PAGGAWA NG BOOKMARK GAMIT ANG CARDBOARD PAINTING

Mga SukatanNakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (5)Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (3)Hindi nakasunod sa pamantayan (2)
1.Nakilala ang iba’ ibang likas at makasaysayang pook na itinatalagang heritage site sa inyong lugar
2.Nakapagpipinta ng mga iba’tibang likas at makasaysayang pook na itinatalagang heritage site.
3.Nakasunod nang tama sa mga hakbang sa paggawa ng likhang-sining
4.Nakakikitaan ng harmony ang likha ng sining sa tamang pagkakaayos ng mga kulay, linya, at hugis.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed in reading order after rotation]

Subukin
  1. A
  2. B
  3. B
  4. A
  5. C
Balikan
  1. B
  2. A
  3. C
  4. E
  5. D
Tuklasin

Depende sa tugon ng mag-aaral

Gawain 1
  1. a. soft wood b. linoleum
    c. dahoon d. tapakan ng sapatos
  2. 3, 4, 1, 2, 5, 6 [?]
Gawain 2

Depende sa output ng mag-aaral

Gawain 3
  1. [illustration: heart symbol]
  2. [illustration: heart symbol]
  3. [illustration: sad face symbol]
  4. [illustration: heart symbol]
  5. [illustration: sad face symbol]
Isagawa

Sumangguni sa Rubriks

Tayahin
  1. Part I Depende sa tugon ng mag-aaral

Sanggunian

Copiaco, Hazel, and Emilio Jacinto Jr. Halinang Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Incorporated. 2016, 2016, p 137 – 139

Valdecantos, Emelita. Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Guevarra St., Sta. Cruz Manila: Saint Mary’s Publishing Corp., 1999, p 128 – 129

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district