Grade 5 Arts Modyul: Gamit/Layon ng Nilimbag na Likhang-Sining

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Marami tayong mga sikat na pintor at iskultor na tanyag hindi lamang sa ating bansa gayundin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang mga ito ay ilan lamang sa nagbigay karangalan sa ating bansa na tunay na di dapat kalimutan dahil sila ang nagpakita kung gaano kaganda ang ating bansang sinilangan.

Ang kanilang mga likhang-sining ay inilagak sa isang museum upang maingatan. Ang mga likhang-sining ay nagpapaganda sa tahanan o sa isang lugar. May mga taong bumibili ng mga mamahaling likhang-sining dahil naniniwala sila na narerelaks ang kanilang isipan kung sila ay nakatingin o nakatitig sa mga likhangsining.

Ang paglilimbag ay nagsimula sa paggawa at paglathala ng mga libro na naging instrumento sa pananakop noong panahon ng mga Espanyol. Ang paglilimbag ay ginagawa pa rin hanggang ngayon ngunit gamit ang mga makabagong teknolohiya na mas makakapagpabilis ng maramihang paggawa.

Sa kontemporaryong panahon, madalas makikita ang paglilimbag sa paggawa ng disenyo ng mga damit (screen printing), printed media (magazines, newspapers, etc), graphic novels (manga/comics), advertisements, at iba pang uri ng IEC (Information, Education, Communication) materials.

Sa pamamagitan ng paglilimbag ng likhang sining, napapalago nito ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga produktong nagagawa nito. Maraming mga tao lalo na sa mga turista ang tatangkilik sa mga gawaing sining. Naipapahayag din ng inilimbag na likhang-sining ang damdamin at ang iba’t-ibang yaman ng kultura ng Pilipinas.

Sa modyul na ito, tatalakayin natin ang mga gamit/layon ng nilimbag na mga likhang-sining at inaasahang makamit ang mga sumusunod:

a. Natatalakay ang mga gamit/layon ng nilimbag na likhang-sining.

b. Nakalilimbag ng isang likhang-sining gamit ang iba’t ibang linya at tekstura.

c. Naipagmamalaki ang mga gamit ng likhang-sining sa ekonomiya at kultura ng bansa.

Grade 5 Arts Ikatlong Markahan Modyul: Gamit/Layon ng Nilimbag na Likhang-Sining

ARTS5-Q3-MODYUL2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment