Grade 5 Arts Modyul: Likhang Paglilimbag Gamit ang Linoleum, Rubber, o Woodcut Print

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Ang pagpapakita ng kakayahang gumawa ng isang likhang sining ay nagpapakita kung gaano kahusay ang mga Pilipino kalakip nito ay ang tamang paggamit ng mga kagamitan upang maiwasan ang mga sakuna.

Kilala si Tomas Pinpin bilang “Prinsipe ng mga Pilipinong Manlilimbag” dahil sa naiambag nito sa pag-iimprenta ng aklat sa Pilipinas.

Mula sa ideya ni Padre Fransisco Blancas de San Jose, O.P. at sa tulong ni Juan de Vera, nabuo ang kauna-unahang typography machine o makinaryang pangimprenta dito sa Pilipinas. At noong 1610, dinala sa Bataan ang makinarya at doon inilimbag ang aklat na “Arte y Reglas de Lengua Tagala”, ang kauna-unahang aklat na nailimbag ni Tomas Pinpin tungkol sa wikang tagalog. Noong 1612 naman ay inilimbag niya ang “Vocabulario de Lengua Tagala” ni Padre San Buenaventura.

Sa modyul na ito, maipapakita natin ang kakayahan sa paglilimbag gamit ang linoleum, rubber or woodcut print na may tamang paggamit ng mga kagamitang pangukit (A5PL-IIId) at inaasahang makamit ang mga sumusunod:

1. Nakikilala ang ibat-ibang kagamitan sa relief printing.

2. Naipapakita ang kakayahan sa paglilimbag gamit ang linoleum, rubber or woodcut print na may tamang paggamit ng mga kagamitang pang-ukit.

3. Napapahalagahan ang kakayahan sa paglilimbag.

Grade 5 Arts Ikatlong Markahan Modyul: Likhang Paglilimbag Gamit ang Linoleum, Rubber, o Woodcut Print

ARTS5-Q3-MODYUL3

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment