Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Sa pamamagitan ng kulay mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing sining dahil ito ay nagpapakita ng damdamin at imahinasyon ng gumawa.
Ang paghuhudhud ay isa sa mga paraan ng pag-iwan ng bakas ng isang bagay upang makabuo ng isang kawili-wiling disenyo. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay makasunod sa tamang pamamaraan sa paglikha ng disenyo at inaasahang makamit ang sumusunod:
a. Nakikilala ang dalawang paraan sa paglikha ng disenyo gamit ang panimulang paghuhudhud.
b. Nakasusunod sa tamang pamamaraan sa paglikha ng disenyo.
c. Naipagmamalaki ang mga sariling likhang-disenyo.