Arts 4 Quarter 3 Module 5: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural

Grade 4 Arts Quarter 3 Module 5 teaches relief printing with Filipino ethnic designs, using repetition, alternation, and contrast in a relief master project.

This is the Arts (Sining) self-learning module for Grade 4, Quarter 3, Module 5: “Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural” (indigenous designs: printmaking in cultural communities). It was written in Filipino for learners studying at home, with help from a parent or guardian. After the module, learners should be able to make a simple printed design using a relief master, built through adding and cutting away materials.

The module was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode material (first edition, 2020). Francis C. Agapito wrote it.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module lists one learning competency:

  • Nakabubuo ng isang disenyong paglilimbag (relief master) sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabawas na pamamaraan (additive and subtractive process). In English: the learner creates a printing design (relief master) using the additive and subtractive process.

Key ideas in the module

Filipino designs and printmaking

The module explains that Filipino art heritage is very creative. Traditional designs show people’s daily work and culture, and they are also a way of giving thanks to nature. These designs are made with shapes and lines and come alive with color. One way to show them is through paglilimbag (printmaking).

What relief printing is

According to the module, relief printing is a special way of printing. A relief has only two dimensions, so it cannot stand on its own the way a molded animal or human figure can. A relief is thick, like a tabletop, and following the design, some of its parts are raised.

Ways of arranging a design

The module reviews three arrangements from the previous lesson on ethnic designs:

Filipino termEnglish meaning
Paulit-ulitRepetition: the same shape or motif is repeated
Pasalit-salitAlternation: shapes or colors take turns
RadyalRadial: shapes spread out from a center

Contrast

The main lesson to remember (Tandaan) is this: by repeating and alternating shapes and colors, we show contrast and create designs that show our creativity. Learners are asked to use contrast in the shapes and colors of their own prints.

Activities in the module

  1. Subukin (pretest activity): Learners print a simple design with half an onion, watercolor, water, and bond paper. They cut the onion crosswise, brush it with paint, and stamp it again and again, alternating colors. Then they answer questions about the shapes and lines they made.
  2. Balikan (review): Learners look at five ethnic designs and identify each one’s arrangement: A. pasalit-salit, B. paulit-ulit, or C. radyal.
  3. Tuklasin (explore): Learners study photos of woven textiles and describe the shapes and colors they see and whether they repeat.
  4. Suriin (discuss): The explanation of relief printing, with a sample relief print.
  5. Pagyamanin (practice): Learners make a simple greeting card on bond paper, using a relief master with different designs and arrangements. They draw a happy or sad face in the lower right corner to show how satisfied they are with their work.
  6. Isaisip (reflect): Questions on the elements of art in the design, how to show contrast, and why relief prints matter.
  7. Isagawa (apply): The main project, a design made with a relief master or mold (see the steps below).
  8. Tayahin (assessment): A self-rating rubric.
  9. Karagdagang Gawain (additional activity): Learners make a pencil holder decorated with heart and flower designs printed with a relief master, using repetition and alternation. They take a photo of it and send it to their teacher.

Steps for the relief master project (Isagawa)

Materials: used cardboard or old folders, acrylic paint, scissors, glue or paste, a pencil, a spoon, bond or oslo paper, and old newspapers.

  1. Cover the table with old newspapers.
  2. Use cardboard, such as the back of a pad paper, a shoebox lid, or another unused box.
  3. With a pencil, draw an ethnic design that uses contrast.
  4. Cut out the design. Use it as a pattern to trace it repeatedly on another piece of cardboard.
  5. Glue the pieces down to form a printing block.
  6. Paint the front of the design with acrylic paint, using contrasting colors if you like. Place the block on the table, painted side down.
  7. Place bond or oslo paper on the painted side of the block.
  8. Press the paper evenly onto the block with a spoon until the design transfers.
  9. Slowly lift the paper and check the print.
  10. Repeat with different colors until you like the whole design.
  11. Give your artwork a title.
  12. Post it on the bulletin board.

How to use this module

  • Learners: Do the parts in order, from Alamin to Karagdagang Gawain. The module asks you not to write on it. Answer on separate paper so other learners can use the module later. Contact your teacher right away if you have trouble with the lessons.
  • Parents and guardians: Help your child gather the art materials, and supervise the cutting and painting. The rubric asks learners whether they followed safety rules and finished on time.
  • Teachers: The answer key covers the Balikan items. The art projects are checked with the Tayahin rubric, which rates five criteria on a scale of 3 (beyond expectations), 2 (met with some gaps), or 1 (not met). The pencil holder is submitted as a photo.

Frequently asked questions

Which grade and quarter is this Arts module for?

It is for Grade 4 Arts (Sining), Quarter 3, Module 5.

What is relief printing?

The module describes relief printing as a special way of printing. The relief has only two dimensions and is thick like a tabletop, with raised parts that follow the design.

What materials do learners need?

The onion print needs half an onion, watercolor, water, and bond paper. The main project needs used cardboard, acrylic paint, scissors, glue, a pencil, a spoon, bond or oslo paper, and old newspapers.

Does the module have an answer key?

Yes. The answer key covers the Balikan review items: 1-A, 2-B, 3-C, 4-B, and 5-C. The art projects are rated with a self-assessment rubric instead.

What do paulit-ulit, pasalit-salit, and radyal mean?

They are ways of arranging a design. Paulit-ulit means repetition, pasalit-salit means alternation, and radyal means radial, with shapes spreading out from a center.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Sining Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural

[illustration: learners reading and studying outdoors and at a table with a teacher, a globe, and a boy writing beside a lamp]

CO_Q3_Arts 4_ Module 5

Sining – Grade 4 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Francis C. Agapito Editor: Francis Durante Tagasuri: Cynthia T. Montanez Tagaguhit: Emma S. Malapo Tagalapat: Francis C. Agapito, Jogene Alilly C. San Juan Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao, Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilane R. Lorico, Jerson V. Toralde, Belen B. Pili, Randy Bona

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

Sining

Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target icon]

Maganda at makabuluhang araw sa iyo kaibigan!

Ang mga pamanang sining ng mga Pilipino ay lubhang malikhain. Napapaloob dito ang kanilang kagawain at kultura. Ito rin ay isang paraan ng pasasalamat sa Inang kalikasan. Ang mga disenyo ay nalilikha sa paggamit ng mga hugis at linya at lalong nabibigyan ng buhay ng mga kulay. Maaaring ipahayang ito sa pamamagitan ng paglilimbag.

Sa tulong ng modyul na ito, inaasahan na makalilikha ng isang simple disenyong paglimbag sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabawas na pamamaraan.

Matapos mong pag-aralan at gawin ng iba’t ibang pagsasanay sa modyul na ito ay inaaasahan na matatamo mo ang kasanayang ito:

  1. Nakabubuo ng isang disenyong paglilimbag (relief master) sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabawas na pamamaraan (additive and subtractive process)

Subukin

[illustration: boy pointing toward the activity]

KAYA MO BA?

Lumikha ng isang simpleng disenyo gamit ang kalatati ng sibuyas.

Kagamitan: Kalahati ng sibuyas, watercolor, tubig at bond paper

Mga Hakbang sa Paggawa:
  1. Hiwain ang sibuyas nang pahalang.
  2. Pumili ng kulay sa water color na iyong gustong gamitin. Lagyan ng tubig ang napiling kulay.
  3. Gamit ang brush, pahiran ng napiling kulay ang kalahati ng sibuyas na hiniwaan.
  4. Pagkatapos pahiran ng kulay ang sibuyas, ilimbag ito sa iyong bond paper. Gawin ito ng paulit-ulit at pasalit-salit ang kulay.
  5. Patuyuin ang natapos na likha.

Mga Tanong:

  1. Ano ang nabuong disenyo nang iyong nalimbag?
  2. Ano ang napapasin mo sa disenyo?
  3. May hugis at linya ba na nalikha?

Magawa mo ba nang maayos at malinis? Di ba madali lang gawin? Nagandahan ka ba sa iyong disenyo? Nasiyahan ka ba sa ating gawain?

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon]

Pagmasdan ang mga disenyong etniko na iyong napag-aralan sa nakaraang aralin. Kung saan natutuhan mo kung paano ginagamit ang mga disenyo.

Panuto: Tukuyin ang larawan ayon pagkakaayos o gamit ng hugis ng disenyo. Kunin ang iyong sagot sa loob ng puso. Isulat ang titik ng sagot sa iyong sagutang papel.

  1. [illustration: rectangular panel with horizontal bands of geometric and floral patterns]
  2. [illustration: rows of red and green diamond motifs]
  3. [illustration: circular radial design with petal-like shapes around a center]
  4. [illustration: stylized trees and leaves in a repeated pattern]
  5. [illustration: circular design with a central spiral and rays]

[illustration: heart-shaped answer frame]

A. Pasalit-salit B. Paulit-ulit C. Radyal

Source: Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro, pahina 274

Tuklasin

[illustration: sprouting-plant icon]

Pagmasdang maigi ang mga larawan. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

[photo: three photos of woven textiles with diamond and geometric patterns displayed at a market and close-up]

  1. Anong hugis at kulay ang nakikita sa mga larawan?
  2. Ano ang napansin mo sa mga hugis at kulay?
  3. Ito ba ay inuulit lamang?

Source: Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro p.277

Magaling! Batid mo na ang ilan sa nilalaman ng araling ito. Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, mas lalo mo pang malilinang ang iyong kaalaman.

Suriin

Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain. Naipamamalas ito sa mga disenyo ng kanilang mga kagamitan, sa mga hugis at maging sa mga kulay nito. Ang ating kaisipan at damdamin ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng paglilimbag. Pagaralan ang mga larawan sa ibaba.

[illustration: printed relief pattern of four rows: sun-like and flower-like motifs, wavy motifs, interlocking motifs and crosses, and wavy motifs]

Ang relief printing ay isang kakaibang pamamaraan ng paglilimbag. Ito ay may dalawang sukat lamang, kaya’t hindi maaaring itayong mag-isa, di tulad ng minoldeng hayop at tao. Ang relief ay makapal tulad ng lamesa at ayon sa disenyo, may mga bahagi itong nakaalsa o matambok.

Source: Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro p.277 Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p. 220

Pagyamanin

Gawain 1:

Gamit ang bond paper, lumikha ng isang simpleng greeting card gamit ang relief master na may iba’t-ibang disenyo. Gamitan ito ng iba’t-ibang paraan ng pagkakaayos ng disenyo.

Kung nasiyahan ka naman sa iyong ginawa lagyan ng masayang mukha (☺) sa kanang ibaba ng bond paper. Kung hindi ka nasiyahan sa iyong ginawa, lagyan mo ng malungkot na mukha (☹).

Isaisip

Lubos na naunawaan mo na nga ang nilalaman ng modyul na ito. Magaling!

Sagutan ang sumusunod na tanong.

  1. Anong elemento ng sining ang iyong nakita sa dibuho?
  2. Paano mo maisasagawa ang kontrast sa mga hugis at kulay sa iyong disenyo?
  3. Nakadagdag ba ito sa ganda ng gawaing sining? Paano?
  4. Paano mo nabibigyang pansin ang kahalagahan ang relief prints sa pagpapaganda ng likhang sining?

TANDAAN

Sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit at pagsasalit-salit ng mga hugis at kulay, naipakikita natin ang kontrast at nakabubuo tayo ng disenyo na nagpapakita ng ating pagiging malikhain.

Source: Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro p.278

Isagawa

Pagbuo ng Makasining na Dibuho
Gamit ang Relief Master o Mold

Kagamitan: iba’t ibang gamit na karton o lumang folder, acrylic paint, gunting, glue o paste, lapis, kutsara, bond paper o oslo paper, at lumang dyaryo

Mga Hakbang Sa Paggawa:

  1. Takpan ng lumang dyaryo ang ibabaw ng mesa o lugar na gawaan upang hindi ito marumihan.


  2. Kunin ang dalang karton. Maaaring gamitin ang cardboard na nasa likod ng iyong pad paper o kaya ay takip ng kahon ng sapatos o iba pang uri ng kahon na hindi na gagamitin.


  3. Gamit ang lapis, gumuhit ng isang disenyong pangkatetniko na ginamitan ng kontrast sa karton.


  4. Gupitin ang bahaging disenyong ito. Gamit ang nagupit na disenyo, ayusin at iguhit ito ng paulit-ulit sa ibabaw ng isa pang karton.


  5. Idikit ang iba’t ibang piraso na magsisilbing bloke.


  6. Gamitin ang acrylic paint upang malagyan ng kulay ang harap ng dibuhong iyong ginawa. Maaari ring gumamit ng mga kulay na nagpapakita ng contrast. Ilapag o ibaba ang bloke sa mesa. Siguraduhin na ang may kulay na bahagi ng bloke ay nasa mesa.


  7. Ilagay ang bond paper o oslo paper sa ibabaw ng may kulay na bahagi ng bloke.


  8. Gamit ang kutsara, ilapat nang may tamang diin ang papel sa bloke hanggang sa mailipat nang pantay ang disenyo.


  9. Dahan-dahang tanggalin ang papel. Suriin ang nailipat na disenyo.


  10. Maari mong ulit-ulitin ang proseso gamit ang iba’t ibang kulay hanggang sa magustuhan mo ang kabuuang disenyo na iyong nagawa.


  11. Lagyan ng pamagat ang iyong ginawang dibuho.


  12. Ipaskil ito sa paskilan.


Source: Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p. 221

Binabati kita! Natapos mo ang gawain. Nagustuhan mo ba ang iyong ginawang sining?

Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang hanay ayon sa antas ng iyong naisagawa.

PamantayanNakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3)Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2)Hindi nakasunod sa pamantayan (1)
1. Nabuo ko ang disenyo sa pamamagitan ng paglilimbag.
2. Nakasunod ako sa pamamaraang itinakda.
3. Naipakita ko ang pagiging malikhain sa paggamit ng contrast ng mga hugis at kulay.
4. Nakatapos ako ng gawaing-sining sa takdang oras.
5. Nakasunod ako sa pamantayang pangkaligtasan sa paggawa ng likhang-sining.

Source: Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p. 222-223

Karagdagang Gawain

Gamit ang iba’t ibang kagamitan, gumawa ng isang pencil holder gamit ang relief master o mold na may disenyong puso at bulaklak. Gamitin ang paraan na paulit-ulit at pasalit-salit. Kunan ng larawan ang nagawang pencil holder. Ipadala ang larawan sa iyong guro.

Susi sa Pagwawasto

Balikan

[transcriber’s note: the answer box is printed upside down on the page; the answers are transcribed in numerical order]

  1. A
  2. B
  3. C
  4. B
  5. C

Sanggunian

Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral; Cynthia Montaňez, Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval; Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano

Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro; Cynthia Montaňez, Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval; Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district