Filipino 4 Quarter 4 Module 5: Magagalang na Pananalita at Editorial Cartoon

This is the Grade 4 Filipino self-learning module for Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 5: “Nagagamit ang Magagalang na Pananalita sa Iba’t ibang Sitwasyon; Pagbibigay ng puna sa Editorial Cartoon; Nakaguguhit ng Sariling Editorial Cartoon” (using polite words in different situations, giving comments on an editorial cartoon, and drawing your own editorial cartoon). It was prepared by DepEd Region V for home learning through Alternative Delivery Mode. After the module, learners can comment politely on an editorial cartoon and draw one of their own.

What learners will learn

The module states two learning goals:

  • Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon; pagbibigay ng puna sa editorial cartoon (uses polite language in different situations and gives comments on an editorial cartoon). (F4PS-IVe-12.18)
  • Nakaguguhit ng sariling editorial cartoon (draws their own editorial cartoon). (F4PU-IVe-3)

Giving polite comments on an editorial cartoon

An editorial cartoon is a drawing in a newspaper that comments on an issue. The module asks learners to study a cartoon and then give a puna (comment) using magagalang na pananalita (polite words). The review part points out the polite word po in a school announcement, and the module’s sample answers use “po” and “opo” throughout.

Sample polite comments from the module’s answer key:

  • On a COVID-19 cartoon: “Maaari po siyang magkasakit ng COVID dahil wala siyang face mask.” (He may catch COVID because he has no face mask.)
  • On a cartoon about leaders: “Ang pagiging mabuting lider ay taglay po ang pagiging tapat.” (A good leader is honest.)
  • On a cartoon about sports: “Bilang manlalaro kailangan pong maging positibo sa anumang pagsubok.” (As a player, you need to stay positive in any challenge.)

The Isaisip part explains why this matters: being polite lets you express agreement, disagreement, or suggestions about an issue or cartoon with respect.

How to draw an editorial cartoon

Editorial cartoons use symbols. The module gives two examples:

SymbolMeaning
Pencil, pen, newspaperKarapatan sa pamamahayag (freedom of the press)
CrocodilePaninikil sa kalayaan, pang-aapi, pang-aalipin (suppression of freedom, oppression, enslavement)

Tips for drawing:

  • If possible, limit the drawing to three symbols or illustrations (primary, secondary, and tertiary elements).
  • Pay attention to facial expression, feelings, movement, and shading.
  • Limit or avoid words and labels.
  • Develop your own drawing style.

The four steps in making an editorial cartoon (kartung pang-editoryal) are:

  1. Pagpili ng paksa (choosing a topic)
  2. Pag-iisip ng konsepto (thinking of a concept)
  3. Pagguhit ng konsepto (sketching the concept)
  4. Pagguhit ng pinal na anyo ng kartun (drawing the final cartoon)

Activities in the module

The module uses cartoons from school newspapers such as “Ang Bukal” of Iriga Central School. Learners will:

  • Subukin (pretest): write five polite comments on a COVID-19 cartoon and draw a cartoon on “Ang Hagupit ng COVID-19” (the onslaught of COVID-19).
  • Balikan (review): outline an announcement by answering what, who, when, and why.
  • Pagyamanin (practice): match cartoons to suitable comments, write three comments on a cartoon about leadership, draw symbols for waves, COVID-19, education, and a chain, and draw a cartoon on “Ang Edukasyon sa Panahon ng Pandemya” (education during the pandemic).
  • Isaisip: complete sentences about what was learned.
  • Isagawa: write polite comments in a graphic organizer and draw a cartoon about their own barangay.
  • Tayahin (assessment): comment on a sports cartoon and draw a cartoon on “Ang Pamahalaan sa Pagsugpo ng COVID-19” (the government in fighting COVID-19).
  • Karagdagang Gawain: comment on a child protection cartoon and draw a cartoon on “Ang Kabataan sa Hamon ng Kasalukuyan” (the youth facing today’s challenges).

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work using the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly.
  • Parents and guardians: The drawings are scored with the module’s rubric for drawing an editorial cartoon, which rates content, symbols used, neatness and creativity, explanation and labels, and design and layout from 5 to 1. Learners are asked to have a parent or sibling score their work. Comments in the assessment use a separate 5-point rubric on clarity and polite language.
  • Teachers: The pretest score bands are 10-9 Napakahusay, 8-6 Magaling, 1-5 Pagbubutihan Pa, and 0 Kaya Mo ‘Yan. Many answers in the key are suggestions, and the module says to accept other answers.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 4 Filipino, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 5.

What competencies does the module cover?

It covers using polite language to comment on an editorial cartoon (F4PS-IVe-12.18) and drawing your own editorial cartoon (F4PU-IVe-3).

What are the four steps in making an editorial cartoon?

Choosing a topic, thinking of a concept, sketching the concept, and drawing the final form of the cartoon.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives sample answers, and the drawing activities are scored with the module’s rubric.

What polite words are used when commenting?

The module highlights the word po, and its sample comments use po and opo to show respect.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikaapat na Markahan–Modyul 5: Nagagamit ang Magagalang na Pananalita sa Iba’t ibang Sitwasyon; Pagbibigay ng puna sa Editorial Cartoon Nakaguguhit ng Sariling Editorial Cartoon

[illustration: children and adults studying and working around a tree, a table with a globe, and a boy reading by a lantern]

CO_Q4_Filipino 4_ Modyul 5

Filipino – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 5 – Nagagamit ang Magagalang na Pananalita sa Iba’t ibang Sitwasyon; Pagbibigay ng puna sa Editorial Cartoon; Nakaguguhit ng Sariling Editorial Cartoon Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

RoleNamesNames
Manunulat:Joy V. TibiRodrigo G. Embestro
Editors:Laila C. NamoroMa. Theresa I. Cortez
Tagasuri:Rechie O. Salcedo
Tagaguhit:
Tagalapat:Jerome B. Reynes
Tagapamahala:Gilbert T. SadsadFrancisco B. Bulalacao
Grace U. RabelasMa. Leilani R. Lorico
Nora J. LagudaJerson V. Toralde
Belen B. PiliRechie O. Salcedo

Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________ Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

4 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 5 Nagagamit ang Magagalang na Pananalita sa Iba’t ibang Sitwasyon; Pagbibigay ng puna sa Editorial Cartoon Nakaguguhit ng Sariling Editorial Cartoon

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii

Alamin

Isang mapagpala at magandang araw sa iyo.

Kumusta?

Mahilig ka bang magbasa ng pahayagan at hanapin ang editorial cartoon? Ano ang iyong nararamdaman kapag nakikita mo ang mga ito? Magaling! Dahil isa nanamang mahalagang aralin ang ating pag-aaralan sa modyul na ito. Iba’t ibang pagsasanay ang inihanda upang makatulong sa iyong kasanayan sa pagbibigay ng puna gamit ang magagalang na pananalita sa isang editorial cartoon at magkaroon ng malawak na imahinasyon sa pagguhit mo ng sariling editorial cartoon.

Huwag kang mag-alala, sasamahan kitang tapusin at lakbayin ang mga bagong aralin.

Sa modyul na ito, inaasahan na:

  1. Nagagamit ang Magagalang na Pananalita sa Iba’t ibang Sitwasyon; Pagbibigay ng puna sa Editorial Cartoon. (F4PS-IVe-12.18)
  2. Nakaguguhit ka ng sariling editorial cartoon. (F4PU-IVe-3)

[illustration: teacher character gesturing beside a pinned note]

1

CO_Q4_Filipino 4_ Modyul 5

Subukin

Ano ang alam mo na tungkol sa editorial cartoon? Kaya mo bang magbigay ng puna at gumuhit ng editorial cartoon?

Subukin muna natin kung hanggang saan na ang alam mo.

A. Panuto: Pag-aralan nang mabuti ang editorial cartoon na nasa ibaba. Ano ang masasabi mo rito? Magbigay ng limang puna tungkol dito gamit ang magagalang na pananalita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: editorial cartoon showing a large virus character with a smiling face and a small figure running away with a hat]

1.______________________________________________________________ 2.______________________________________________________________ 3.______________________________________________________________ 4.______________________________________________________________ 5.______________________________________________________________

B. Panuto: Gumuhit ng sariling Editorial Cartoon tungkol sa paksang: “Ang Hagupit ng COVID-19“.

[illustration: empty box for learner’s drawing]

2

CO_Q4_Filipino 4_ Modyul 5

3

CO_Q4_Filipino 4_ Modyul 5

Gamitin mo ang rubriks para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong tagapag-alaga.

Rubriks sa Pagguhit ng Editorial Cartoon

Pamantayan54321
Nilalaman: Akma ang iginuhit na editorial cartoon sa paksa.
Simbolong Ginamit: Maayos at madaling maintindihan ang mga simbolong ginamit sa pagguhit. Bawat simbolong ginamit ay may kahulugan.
Kaayusan sa Pagguhit at Pagkamalikhain: Malinis ang pagkakagawa, nakikita ang expresyon ng mukha, damdamin, galaw at tamang shading nito. May orihinal na istilo sa pagguhit.
Pagpapaliwanag at Pagbibigay ng Kahulugan: Limitado lamang ang mga salita o label sa pagbibigay ng kahulugan sa larawan, at tama ang baybay ng mga salitang ginamit.
Kalinisan at Anyo ng Gawa: Kaakit-akit ang nagawang disenyo at lay out.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok. Alamin natin sa pahina 17 ang wastong sagot sa mga tanong.

Saang antas ka nabibilang? 10-9 tamang sagot – NAPAKAHUSAY 8-6 tamang Sagot – MAGALING 1-5 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 0 tamang sagot – KAYA MO ‘YAN

[illustration: teacher character gesturing beside a message box]

Balikan

Magbalik-aral ka.

Muli nating subukin ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang tinalakay noong nakaraan aralin. Tara! Sagutin mo na ang pagsasanay sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang anunsiyo sa ibaba. Sumulat ng isang balangkas o dayagram mula sa mga impormasyong nakalap.

Ang samahan ng mga mag-aaral sa Paaralang Sentral ng Iriga ay magsasagawa po ng clean up drive. Ito po ay gaganapin sa ika- 12 ng Marso 2019. Layunin ng samahan na maging malinis at maganda ang paaralan para po sa nalalapit na ebalwasyon sa Marso 18, 2019.

Lahat ng kasapi sa nasabing samahan ay inaasahang makikiisa para sa pagtataguyod ng mga layunin ng paaralan.

Anunsiyo mula sa Paaralang Sentral ng Iriga

I. (Ano) — _____________________________________ II. (Sino) — _____________________________________ III. (Kailan) — _____________________________________ IV. (Bakit) — _____________________________________

Mahusay! Batid kong napansin mo rin ang mga magagalang na pananalitang ginamit sa talata sa pagbibigay ng impormasyon. Ang salitang po.

Ngayon naman, pag-aaralan natin sa modyul na ito ang tungkol sa pagbibigay ng puna sa isang editorial cartooning gamit ang magagalang na pananalita.

Tara, simulan na natin ang bagong paksa!

Basahin ang isang maikling diyalogo na nasa ibaba.

[illustration: teacher character speaking in a speech bubble]

4

CO_Q4_Filipino 4_ Modyul 5

[illustration: Larawan ng lapis, pluma, pahayagan] Karapatan sa pamamahayag

[illustration: Larawan ng buwaya] Paninikil sa kalayaan, pang-aapi, pang-aalipin

  • ✓ Kung maaari, limitahan lamang ang iguguhit hanggang tatlong simbolo o ilustrasyon (primary, secondary, tertiary elements).
  • ✓ Ang ekspresyon ng mukha, damdamin, galaw, at shadings ay dapat na bigyan ng pansin.
  • ✓ Limitahan o iwasan ang paggamit ng mga salita o labels.
  • ✓ Isulong ang iyong sariling istilo ng pagguhit.

Mahusay! Ano ang napansin mo sa pabibigay ng puna at pagguhit ng editorial?

Gumamit ka ng magagalang na salita at may mga simbolo na ginagamit sa pagguhit, ‘di po ba?

[illustration: smiling boy pointing, speech bubble]

Pagyamanin

Ipagpatuloy ang pagsasanay

A. Panuto: Piliin ang angkop na puna sa Hanay B tungkol sa Editorial Cartoon na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
____1. [illustration: editorial cartoon of a hand holding a pencil beside a smoke-like figure and a boy wearing a hat; small label at lower left illegible]A. Kailangan pong magsiyasat muna bago magbigay ng reaksiyon at gamitin po ng tama ang social media platforms.
_____2. [illustration: editorial cartoon of a man carrying a sack, surrounded by social media and app icons]B. Ang Proyektong Build, Build, Build ay nakatutulong po sa pagpapalago ng ating ekonomiya.
____3. [illustration: editorial cartoon of a man in a barong-style outfit with speech bubble reading PROYEKTONG BUILD BUILD BUILD, a road sign reading ROAD WIDENING, and a small figure with label AYOS NA!]C. Ang larawang pong ito ay nagpapahayag ng pagiging matatag ng mga Pilipino sa anumang hamon na pinagdadaanan.

Ang mga editorial cartoon hango sa: ANG BUKAL, Opisyal na Pahayagan ng Iriga Central School, Tomo III Blg. 1

B. Panuto: Masdan at pag-aralan ang Editorial Cartoon. Sumulat ng tatlong puna tungkol sa larawan gamit ang magagalang na pananalita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[illustration: editorial cartoon showing two boys and a girl walking on a road toward a figure; wall sign reads MAGANDANG PAMAMAHALA; road label reads MATATAG; figure label reads LIDER]

ANG BUKAL, Opisyal na Pahayagan ng Iriga Central School, Tomo II Blg. 1




C. Panuto: Iguhit ang sumusunod na simbolong ginagamit sa pagguhit ng Editorial Cartoon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. alon/waves

[transcriber’s note: empty box for drawing]

  1. COVID-19

[transcriber’s note: empty box for drawing]

  1. edukasyon

[transcriber’s note: empty box for drawing]

  1. kadena

[transcriber’s note: empty box for drawing]

D. Panuto: Gumuhit ng sariling Editorial Cartoon tungkol sa paksang: “Ang Edukasyon sa Panahon ng Pandemya”. Gamitin mo ang rubriks na nasa pahina 3 para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.

[transcriber’s note: empty box for drawing]

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay.

Saang pagsasanay ka nahirapan? ___ Pagsasanay A, ___ Pagsasanay B, _____ Pagsasanay C,________ Pagsasanay D. ?

Gayunpaman, binabati kita sa iyong tagumpay. Iwasto ang iyong sagot sa pahina 17.

[illustration: smiling face]

Isaisip

Isiping mabuti…

Sa bahaging ito isusulat mo ang iyong natutuhan. Dugtungan ng isang pahayag o paliwanag bakit ito ay mahalagang matutuhan.

1.Sa pagbibigay ng puna sa Editorial Cartoon ay gumagamit tayo ng ______________________ na salita.

  1. Mahalaga ang pagiging magalang sa pagbibigay ng puna upang _______________________________________________________________.

Isagawa

  1. Ang 4 na hakbang sa paglikha ng kartung Pang-Editoryal ay:
    a.____________________ c.____________________
    b.____________________ d.____________________

Panuto: Sumulat ng magagalang na puna tungkol sa Editorial Cartoon na iyong nakikita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa Graphic Organizer.

[illustration: editorial cartoon of a boy holding a spoon beside a bowl, with a speech bubble and the printed words “ISAPUSO AT ISAISIP” and “Lagi kong [illegible]“]

ANG BUKAL, Opisyal na Pahayagan ng Iriga Central School, Tomo 1 Blg. 1

[chart: graphic organizer; Mga puna]

Center: Mga puna

Surrounding boxes (5 empty hexagons): blank

transcriber’s note: the five outer boxes of the graphic organizer are empty on the page.

B. Panuto: Pagmasdan mo ang iyong lugar o barangay. Gumuhit ka ng isang editorial cartoon na naglalarawan nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

transcriber’s note: a blank drawing box is printed here for the learner’s sketch.

Gamitin mo ang rubriks na nasa pahina 3 para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.

Tayahin

Hanggang saan na ba ang iyong kahusayan sa pagbibigay paggamit ng magagalang na salita sa pagbibigay puna sa editorial cartoon?

A. Panuto: Tingnan at pag-aralan nang mabuti ang editorial cartoon na nasa ibaba. Isulat ang iyong puna tungkol dito gamit ang magagalang na pananalita. Gawin iton sa itong sagutang papel.

[illustration: editorial cartoon of a teacup-like figure labeled “TEKNIKA [?]” and a helmeted figure labeled “ATLETA”]

ANG BUKAL, Opisyal na Pahayagan ng Iriga Central School, Tomo III Blg. 1

Gamitin ang rubriks sa ibaba para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.

Rubrik Para sa Pagbigay ng Puna sa Editorial Cartoon

transcriber’s note: the rubric table has no printed column headings; the header row below is added for the table format.

IskorPamantayan
5Napakalinaw na naibigay ang puna tungkol sa editorial cartoon gamit ang magagalang na pananalita.
4Malinaw ang pagkabigay ng puna tungkol sa editorial cartoon gamit ang magagalang na pananalita.
3Medyo malinaw ang pagkabigay ng puna tungkol sa editorial cartoon gamit ang magagalang na pananalita.
2Di gaanong malinaw ang pagkabigay ng puna tungkol sa editorial cartoon at hindi masyadong nagamit ang magagalang na pananalita.
1Hindi malinaw ang pagkabigay ng puna tungkol sa editorial cartoon at hindi ginamit ang magagalang na pananalita.

B. Panuto: Gumuhit ng sariling Editorial Cartoon tungkol sa paksang “Ang Pamahalaan sa Pagsugpo ng COVID-19”

transcriber’s note: a blank drawing box is printed here for the learner’s sketch.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina ___. Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?

[illustration: three face icons, a sad face, a smiling face, and a neutral face, for the learner to mark]

Karagdagang Gawain

Para hindi mo makalimutan, magsanay ka pa sa paggamit ng magagalang na salita sa pagpuna at pagguhit ng Editorial Cartoon.

A. Panuto: Sumulat ng magagalang na puna tungkol sa Editorial Cartoon na nasa ibaba. Isulat ang iyong puna sa sagutang papel.

[illustration: editorial cartoon showing a figure with an umbrella beside a container labeled “CHILD PROTECTION POLICY”, with labels “ASSMENT”, “CHILD TRAFFICKING”, “HAZING”, “CHILD [illegible]“, and “BULLYING”]

“Sibol”. Hunyo – Octobre 2018. Iriga City: Mataas na Paaralan ng Zeferino Arroyo.

Mga Puna tungkol sa Editorial Cartoon.

1.______________________________________________________________ 2. _____________________________________________________________ 3.______________________________________________________________ 4.______________________________________________________________ 5._____________________________________________________________

C. Panuto: Gumuhit ng sariling Editorial Cartoon tungkol sa paksang: “Ang Kabataan sa Hamon ng Kasalukuyan“

transcriber’s note: a blank drawing box is printed here for the learner’s sketch.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.

Susi sa Pagwawasto

transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down. The text below is transcribed in the order it reads when the page is turned right side up.

Subukin

A. 1. Ang Corona Virus po ay nakakatakot na sakit. 2. Maraming mamamayang Pilipino po ang naghirap dahil sa pandemya. 3. Maaari po siyang magkasakit ng COVID dahil wala siyang face mask. 4. Huwag maging kampante dahil po maaaring mahawaan ng sakit na ito sa paglabas ng bahay. 5. Mabilis ang pagkalat ng virus sa ating bansa. (Tanggapin ang iba pang sagot.)

B. Iwawasto gamit ang rubriks sa pahina 3.

Balikan

I. Clean up Drive II. Samahan ng mga mag-aaral sa Paaralang Sentral ng Iriga. III. Ika-2 ng Marso 2019 IV. Maging malinis at maganda ang paaralan para sa nalalapit na ebalwasyon.

Tuklasin
  1. Tamang pagtapon ng basura.
  2. Opo
  3. Upang maiwasan ang anumang problema maaaring maidulot nito sa ating kapaligiran.
  4. Maaari itong magdulot ng pagbaha, magdala ng iba’t ibang uri ng sakit at pagbaho ng hangin.
  5. Ipinahihiwatig po ng editorial cartoon na hinihikayat ang mga bata na tulad ko na dapat sundin ang panawagan na itapon ng tama ang mga basura.
    (Tanggapin ang iba pang sagot).
Pagyamanin
  1. C 2. A 3. B
    A. B.
  2. Ang pagiging mabuting lider ay taglay po ang pagiging tapat.
  3. Ang pagiging mabuting lider ay magiging modelo po sa mga kabataang tulad ko.
  4. Ang pagiging lider ay gumagawa po ng tama para po sa magandang pamamahala.
    (Tanggapin pa ang ibang sagot)

C. 7. larawan ng alon 8. larawan ng COVID 19 (virus) 9. larawan ng torch/lapis 10. larawan ng kadena

D. Iwawasto gamit ang rubriks sa pahina 3.

Isaisip
  1. Magagalang
  2. Maipahayag nang may paggalang ang mga pagsang-ayon o pagsalungat sa maging sa paglalahad ng mungkahi tungkol sa isyu o editorial cartoon.
  3. a. Pagpiling Paksa
    b. Pag-iisip ng Konsepto
    c. Pagguhit ng Konsepto
    d. Pagguhit ng pinal na anyo ng kartun
Isagawa
  1. Kailangan pong isaisip at isapuso ang pagiging isports sa anumang laro.
  2. Bilang manlalaro kailangan pong maging positibo sa anumang pagsubok.
  3. Sa anumang laro, kailangan mo pong maging matatag upang maabot ang tagumpay.
  4. Ang pagkapanalo sa anumang laro ay pinaghahandaan po ito nang matinding pag-eensayo.
  5. Maaabot ang tagumpay sa larangan ng isports kung taglay mo po ang pagiging displinado at determinado na manlalaro. (Tanggapin ang ibang sagot)

B. Iwawasto gamit ang rubriks sa pahina 3.

Tayahin

A. Iwawasto gamit ang rubriks nasa pahina 14.

B. Iwawasto gamit ang rubriks nasa pahina 3.

Karagdagang Gawain

A

(Mungkahing sagot)

  1. Magkakaroon po ng bagong pag-asa ang mga tao sa probinsya.
  2. Ang mga gustong bumalik sa probinsya ay libre pong makauuwi.
  3. Maraming galing po sa probinsya ang naghirap lamang sa siyudad.
  4. Makikita pong muli ng mga magbabalik-probinsya ang kanilang pamilya.
  5. Maaaring hindi pa rin po umunlad ang pamumuhay ng mga magbabalik-probinsiya.
    (Tanggapin pa ang ibang sagot)

B. Iwawasto gamit ang rubriks sa pahina 3

transcriber’s note: the Karagdagang Gawain answers on this page are printed upside down; the text is transcribed in reading order.

Sanggunian:

Cruz, G. (2009). Haraya Pagbasa At Wika 6. 1st ed. Sta. Ana, Manila: Innovative Educational Materials, Inc.

May-akda. (Taon). Ang Bagong Pamahayagan Sa Filipino. 2nd ed. Mandaluyong City: National Bookstore.

*May-akda. (Taon).*Cartooning, TST JournSem. (2012). San Ildefonso, Bulacan. https://www.slideshare.net>ronelcana

San Jose E., (2015), Paglikha ng Kartung Pang-Editoryal, Agosto 27, 2015,retrieved from https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https;//www.scribd.cpm/doc/276487850/PAGLIKHA-NG-KARTUNGPANG-EDITORYAL-docx&ved=2ahUKEwiAh Glx_HpAhVSIIgKHVukDIUQFjAZegQIARAB&usg=AOvVaw1i4ncac UkmAa6JB5wwRQFX

Mangyaring ayusin ang sanggunian. Ilagay ang wastong publishing house at mga may-akda ng artikulo at aklat. Ayusin ito base sa tamang APA format. Alphabetical ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

WEBSITE

Author, A. (Year of Publication). Title of Document. Retrieved date, from name of website, http://web address

AKLAT

Author, A. (Year of Publication). Title. Location: Publisher

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *