Grade 4 Filipino Modyul: Pormal at Di Pormal na Pagpupulong: Unawain

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Magandang araw sa iyo!

Madalas ka bang dumalo sa isang pagpupulong?

Ano-ano ang madalas ninyong napag-uusapan? Hindi mo man sabihin ngunit alam kong madalas ninyong mapag-usapan sa pulong ang tungkol sa mga gawaing pampaaralan tulad ng Scouting, patimpalak sa iba’t ibang larangan, programang pampaaralan, pangkatang proyekto, at iba pa.

Ngunit, nagagamit mo ba nang tama ang mga uri ngpangungusap sa pagpapahayag ng iyong sariling opinyon o reaksyon sa mga mga bagay o paksang inyong pinag-uusapan sa pulong? Kaya mo bang maisulat ang minutes (katitikan) ng pulong na iyong dinaluhan?

Huwag kang mag-alala, matutulungan ka sa araling ito.

Sa modyul na ito, inaasahan na:

1.Nasasagot mo ang mga tanong sa nabasa o napakinggang pagpupulong (pormal o dipormal), katitikan (minutes) ng pagpupulong.

2.Naipapahayag mo ang sariling opinion o reaksiyon batay sa napakinggang pagpupulong (pormal o di pormal).

3.Nagagamit mo ang mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong.

4.Nakasusulat ka ng minutes ng pagpupulong.

Grade 4 Filipino Ikaapat na Markahan Modyul: Pormal at Di Pormal na Pagpupulong: Unawain

FIL4-Q4-MOD6

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

1 thought on “Grade 4 Filipino Modyul: Pormal at Di Pormal na Pagpupulong: Unawain”

Leave a Comment