Filipino 4 Quarter 3 Module 7: Paggamit ng Pangatnig sa Pagpapahayag ng Saloobin at Karanasan

Filipino Grade 4 Quarter 3 Module 7 teaches how to use pangatnig (conjunctions) like raw, daw, sa wakas, and kung gayon to express feelings and experiences.

This is the self-learning module for Filipino, Grade 4, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 7: “Paggamit ng Pangatnig sa Pagpapahayag ng Saloobin at Karanasan” (using conjunctions to express feelings and experiences). It was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for Grade 4 learners studying at home with the help of a parent or older sibling. By the end, learners should be able to link a text they hear to their own life, give their own ending to something they watched, and use common Filipino conjunctions correctly.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states that the learner:

  • Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto (connects their own experience to a text they listened to).
  • Naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang pagwawakas ayon sa sariling saloobin o paniniwala (shows understanding of something they watched by giving it a different ending based on their own feelings or beliefs).
  • Nagagamit nang wasto at angkop ang mga pangatnig (uses conjunctions correctly and appropriately), such as o, ni, maging, man, kung, kapag, pag, ngunit, subalit, dahil sa, sapagkat, sa wakas, kung gayon, sa makatuwid, daw, raw, kung sino, kung ano, siya rin, and sila rin.

What is a pangatnig?

In the “Tandaan Mo” (remember this) box, the module defines a pangatnig (conjunction) as a word or group of words that links two words, phrases, or clauses in a sentence. A conjunction can add an idea, show contrast, explain, clarify, or close a thought.

The module groups the conjunctions by what they do:

PangatnigWhat it doesExample from the module
oShows a choiceGusto niyo bang manood ng sine o mamasyal sa plasa?
atJoins two ideas
ni, maging, manSeparate the ideas being linkedMaging siya rin ay nangangailangan din ng tulong natin.
ngunit, subalitLink two opposite ideasSubalit, lahat na kaya meron?
sapagkat, dahil saGive a reasonIto ay dahil sa Covid 19.
sa wakasSignals the end of a problemSa wakas, mapapakinggan ko na sa radyo ang modyul.
kung gayon, sa makatuwidClarify a situationKung gayon, kailangan talagang may koryente sa bahay.
raw, dawRepeat what someone else saidHindi pa raw tayo maaaring mag-face to face.
kung anoRefers to or copies events or thingsSabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan mo.
siya rin, sila rinRefer to or compare with peopleSila rin ay pinag-iingat din.
kung sinoPoints to the person who knows, wants, or did somethingKung sino man ang kumuha ng ballpen ko.

When to use raw and when to use daw

This is the rule learners practice most in the module:

  • Use raw after a word that ends in a vowel (a, e, i, o, u), as in “pa raw.” Also use raw after words ending in the semivowels w or y, for example “bahay raw,” “kahoy raw,” and “kalabaw raw.”
  • Use daw after a word that ends in a consonant, as in “din daw.” Also use daw after words ending in -ra, -ray, or -raw, for example “gitara daw,” “mataray daw,” and “tamaraw daw.”

The module says to follow the rules set by the KWF and SWF.

Parts of the module

  • Subukin (pretest): 10 items. A parent or sibling reads short stories, such as Yoyong and Boyong climbing a guava tree, and the learner answers questions and picks the right conjunction. A score of 8 to 10 is “Napakahusay” (excellent).
  • Balikan (review): A short text about a typhoon tearing off the roof of Andrew’s house, with questions on cause and effect.
  • Tuklasin (discover): A dialogue between friends Lyndon and Roxanne about continuing classes by radio, TV, and modules after typhoons Quinta, Rolly, and Ulysses and during Covid-19. The conjunctions in it are in italics.
  • Suriin (analyze): Sentences from the dialogue are broken down to show what each conjunction does.
  • Pagyamanin (practice): Activity A asks learners to fill in a dialogue using a word bank (raw, daw, siya rin, kung ano, kung gayon, sa wakas). Activity B asks them to watch their mother do the laundry and describe the steps using conjunctions, ending with “Sa wakas…”
  • Isaisip (reflect): A table on what the learner learned and why it matters.
  • Isagawa (apply): Listen to or watch TV news on a current health or education issue, link it to your own experience, and write your own ending. A rubric scores the work as 5 (Napakagaling), 2 (Magaling), or 1 (Magsanay pa).
  • Tayahin (assessment): A 10-item final test.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): With a parent’s guidance, watch the 1995 Tagalog film “Sarah, Ang Munting Prinsesa,” then explain what it is about, how it ended, and what ending you would give it.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it later. Check your answers honestly in the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and older siblings: Many activities need you to read the texts aloud while the learner listens. The laundry activity and the film activity also need your help.
  • Teachers: The module comes with an answer key for the pretest, review, practice, discovery questions, and final test. Use the Isagawa rubric to score the written ending task.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 4 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 7. It was published by DepEd Region V as a first edition in 2020.

What does pangatnig mean?

Pangatnig means conjunction. The module defines it as a word or group of words that links two words, phrases, or clauses, for example o, at, ngunit, subalit, dahil sa, sa wakas, and kung gayon.

When do you use raw instead of daw?

Use raw after a word ending in a vowel or in w or y, such as bahay raw. Use daw after a word ending in a consonant, or in -ra, -ray, or -raw, such as gitara daw.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, practice activities, discovery questions, and the final test.

What film does the extra activity ask learners to watch?

It asks learners to watch the 1995 Tagalog film Sarah, Ang Munting Prinsesa with a parent’s guidance, then write about its ending and the ending they would give it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Pangatnig sa Pagpapahayag ng Saloobin at Karanasan

4

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Pangatnig sa Pagpapahayag ng Saloobin at Karanasan

[illustration: students reading outdoors under a tree, a teacher helping a student at a desk, and a student holding a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_Filipino 4_ Module 7

Filipino – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Pangatnig sa Pagpapahayag ng Saloobin at Karanasan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

RoleName
ManunulatRema V. Montes
Criselda T. Taduran
EditorLaila C. Namoro
TagasuriRechie O.Salcedo
TagaguhitMark Anthony O. Taduran
TagalapatJerome B. Reynes
TagapamahalaGilbert T. Sadsad
Francisco B. Bulalacao
Grace U. Rabelas
Ma. Leilani R. Lorico
Nora J. Laguda
Jerson V. Toralde
Belen B. Pili
Rechie O. Salcedo

Inilimbag sa Filipinas ng _______________________

Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

4

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Pangatnig sa Pagpapahayag ng Saloobin at Karanasan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa tulong ng modyul na ito, inaaasahan na:

  1. Naiuugnay mo ang sariling karanasan, sa napakinggang teksto.
  2. Naipakikita mo ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang pagwawakas ayon sa sariling saloobin o paniniwala.
  3. Nagagamit mo nang wasto at angkop ang mga pangatnig na o, ni, maging, man, kung, kapag, pag, ngunit, subalit dahil sa, sapagkat, sa wakas, kung gayon, sa makatuwid, daw, raw, kung sino, kung ano, siya rin, sila rin at iba pa.

Kumusta ang iyong pananatili sa bahay habang sumasagot ng mga modyul? Kaya mo bang isa-isahin ang iyong naging aktuwal na mga karanasan tungkol dito?

Ano naman ang nararamdaman mo kung ang nabasa, napanood at napakinggan mong teksto ay may pagkakatulad sa iyong karanasan? Hindi ba’t mapapangiti ka’t sabay sambit ng, “hmm… pareho kami…”

Masayang matuto lalo na kung ang aralin ay maiiugnay mo sa sarili mong karanasan. Kung kaya sa modyul na ito ay gagamitin mo ang mga pangatnig sa pagpapahayag ng iyong saloobin at karanasan.

[illustration: teacher gesturing toward the list of objectives]

Halika, simulan mo na!

Subukin

Subukin mo muna kung madali mong masasagutan ang mga tanong tungkol sa araling pag-aaralan mo sa modyul na ito.

A. Panuto: Pakinggan ang iyong nanay, ate o kuya habang nagbabasa ng teksto.

Sagutin ang mga tanong sa bilang 1-3 kaugnay ng napakinggan. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Habang pauwi galing sa paaralan ang magkaibigang Yoyong at Boyong ay nadaanan nila ang puno ng bayabas na hitik sa bunga. Nag-uunahan sila sa pag-akyat sa puno upang mamitas ng bunga nito. Bzzzzz, bzzzzz, bzzzzz, narinig nilang ingay sa itaas. “Aray!” sigaw ni Yoyong. “Aray!” sigaw rin ni Boyong. Nakita nila ang nagliliparan at nangangagat sa kanila kaya’t dali-dali silang bumaba ng puno.

  1. Batay sa iyong karanasan, ano ang kumagat kina Yoyong at Boyong?
    A. paruparo
    B. bubuyog
    C. alupihan
    D. langgam


  2. Bakit kaya nagmamadali sa pagbaba sa puno sina Yoyong at Boyong?
    A. Marami na silang napitas na bayabas
    B. Dahil sa mga kumakagat sa kanila
    C. Kailangan na nilang makauwi ng bahay
    D. Aakyat sila uli sa isa pang puno ng bayabas


Ginabi ng uwi si Cathy dahil sa paggawa ng pangkatang proyekto sa bahay ng kaklase niya. Pagdating sa kanilang bahay ay nakita agad niya ang naghihintay na mga magulang.

  1. Ano kaya ang gagawin ng mga magulang ni Cathy sa kaniya?
    A. Pagagalitan siya.
    B. Matutuwa sa kaniya.
    C. Papaluin siya.
    D. Pakakainin siya.

B. Panuto: Gamitin ang angkop na pangatnig sa loob ng pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Uuwi na si Mama bukas galing Maynila, _____magkikita na kami.
    A. sa wakas B. kung gayon C. kung sino D. kung ano


  2. Hindi pa _____ siya makakauwi bukas dahil may pupuntahan pa siya.
    A. daw B. raw C. sa wakas D. siya rin


  3. Sabihin mo lang sa akin _____ ang kailangan mo at bibigyan kita.
    A. kung sino B. kung ano C. raw D. daw


  4. Maging _____ ay nangangailangan din ng tulong natin.
    A. kung gayon B. siya rin C. raw D. daw


  5. Puwede po ba pakisauli na, _____ man ang kumuha ng ballpen ko?
    A. siya rin B. kung sino C. kung ano D. kung gayon


  6. Halika na, kumain na tayo. Sa atin _____ ang mga pagkaing ito.
    A. raw B. daw C. kung ano D. man


  7. _____, kailangan mong kumain ng masusustansiyang pagkain dahil kulang ka pala sa timbang.
    A. Kung sino B. Kung ano C. Kung gayon D. Siya rin


Balikan

Makinig nang mabuti sa iyong nanay, ate o kuya habang binabasa ang teksto sa ibaba. Unawaing mabuti ang iyong mapapakinggan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo sa iyong sagutang papel.

“Bilis! Isarado mo ang bintana Andrew! Pinapasok na tayo ng malakas na hangin at ulan. Basa na ang aparador!” sigaw ni Aling Lagring. Tumakbo si Andrew upang takpan ito ng sako, subalit nawalan ito ng saysay nang sa kaniyang pagtingala, maliwanag na kalangitan ang kaniyang nakita. Tinuklap ni Rolly ang bubong ng kanilang munting tahanan dahil sa napakalakas na hanging dala nito.

[illustration: teacher gesturing toward a scoring box]

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.

Alamin natin sa pahina 15 ang wastong sagot sa mga tanong.

Saang antas ka nabibilang?

8-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY 5-7 tamang Sagot – MAGALING 1-4 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 0 tamang sagot – KAYA MO IYAN

  1. Ano ang angkop na pamagat ng talatang napakinggan?
  2. Ano ang sanhi o dahilan ng pagkatuklap ng bubong ng bahay nila Andrew?
  3. Ano ang bunga o epekto ng pagkatuklap ng bubong ng bahay nina Andrew?
  4. Bakit kailangan mong maghanda kapag may paparating na bagyo?

Magaling! Sa araling ito ay madaragdagan pa ang kaalaman mo sa paggamit nang wasto at angkop na pangatnig sa pagpapahayag ng saloobin at karanasan.

Tuklasin
Simulan mo na!

Pakinggang muli ang iyong nanay, ate o kuya habang binabasa ang usapan ng magkaibigang Lyndon at Roxanne. Unawaing mabuti ang iyong mapapakinggan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo sa iyong sagutang papel.

[illustration: two children, a girl with a ponytail and a boy]

Lyndon: Yehey! May koryente na, sa wakas mapapakinggan ko na sa radyo ang modyul para sa linggong ito. Subalit, lahat na kaya meron?

Roxanne: Oo nga! Hindi pa raw tayo maaaring mag-face to face at papasok sa iskul? Nakaka-miss na rin talaga.

Lyndon: Oo nga. Sabi ni Nanay, dahil bumalik na ang koryente pagkatapos ng tatlong bagyong Quinta, Rolly at Ulysses, tuloy na ulit ang online classes natin. Maaari din daw tayong makinig ng leksiyon sa radyo at TV.

Roxanne: Kung gayon, kailangan talagang may koryente sa bahay para makapakinig ng radyo at makapanood sa TV maliban sa cellphone.

Lyndon: Pero kung wala nito, mas mainam pa rin ang ibibigay na mga modyul ni Ma’am Tere. Basta’t alam lang kung kailan kukunin at ibabalik ng ating mga magulang ang natapos nating modyul.

Roxanne: Tama! Kailangang sumunod sa nais ng gobyerno bilang pag-iingat sa kalusugan natin. Kaya hindi muna natin makikita ang ating mga guro, kasi sila rin ay pinag-iingat din.

Lyndon: Oo nga, ito ay dahil sa Covid 19. Kailangan talaga natin ang pag-iingat.

Roxanne: Kailangan nating manatili sa ating bahay upang sakit ay maiwasan.

Naiuugnay mo ba ang sarili mong karanasan sa napakinggang usapan nina Roxanne at Lyndie?

Napansin mo ba ang nakahilig na mga salitang ginamit upang ipahayag ang saloobin ng magkaibigan?

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Sagutin Mo!
  1. Tungkol saan ang diyalogong iyong narinig?
  2. Paano nakapagpapatuloy ang mga mag-aaral sa panahon ng pandemya?
  3. Sa napakinggan mong diyalogo, anong pangyayari ang maiuugnay mo sa iyong sariling karanasan? Isalaysay mo sa iyong kasama sa bahay.
  4. Kailangan bang magpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng anumang hadlang? Bakit?
  5. Kung mapanonood mo sa TV ang katulad na kalagayan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya, ano ang ibibigay mong wakas para rito? Bakit?
  6. May ideya ka ba kung ano ang tawag sa nakahilig na mga salita? Kopyahin ito upang higit mong maunawaan ang kahalagahan nito sa bawat pahayag.
Suriin

Panuto: Isa-isahin at suriin mo ang bawat pangungusap na hango sa napakinggang teksto ng usapan nina Roxanne at Lyndie.

  1. Yehey! May koryente na, sa wakas mapapakinggan ko na sa radyo ang modyul para sa linggong ito. Subalit, lahat na kaya meron?


    Anong kataga ang nag-ugnay sa dalawang pangungusap?
    sa wakas


    Ano ang gamit ng pangatnig na sa wakas sa pangungusap?
    nagbibigay hudyat ng pagtatapos


  2. Hindi pa raw tayo maaaring mag-face to face at papasok sa iskul? Nakaka-miss na rin talaga.


    Anong pangatnig ang nag-ugnay sa mga parirala?
    raw


    Ano ang gamit nito sa pangungusap?
    ginagaya ang sinabi ng iba


    Anong titik ang sinusundan ng salitang raw sa pangungusap?
    A


    Ang titik a ay kasama sa mga patinig na a, e, i, o at u.


    Kapag nagtatapos sa patinig ang huling titik ng salita susundan ito ng raw.


    Ginagamit din ang raw kapag ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos ng malapatinig (Halimbawa, bahay raw, kahoy raw, kalabaw raw atbp.). Gamiting batayan ang tuntuning ipinapatupad at ipinapalaganap ng KWF at SWF.


  3. Maaari din daw tayong makinig sa radyo at manood sa TV.


    Anong pangatnig ang nag-ugnay sa mga parirala?
    Daw


    Ano ang gamit nito sa pangungusap?
    ginagaya ang sinabi ng iba


    Anong titik ang sinusundan ng salitang daw sa pangungusap?
    N


    Ang titik n ay isang katinig.


    Kapag katinig ang huling titik ng salita, susundan ito ng daw.


    Ginagamit din ang daw kapag ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos ng pantig na ~ra, at malapatinig na ~ray, ~raw (Halimbawa, gitara daw, mataray daw, tamaraw daw atbp.). Gamiting batayan ang tuntuning ipinapatupad at ipinapalaganap ng KWF at SWF.


  4. Kung gayon, kailangan may radyo at TV tayo sa bahay maliban sa cellphone.


    Anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap?
    kung gayon


    Ano ang gamit nito sa pangungusap?
    Ginagamit ito bilang paglilinaw sa isang sitwasyon.


  5. Alam kasi ng pamahalaan kung ano ang mga dapat gawin bilang pag-iingat para sa kalusugan natin.


    Anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap bilang pangugnay?
    kung ano


    Ano ang gamit nito sa pangungusap?
    Ginagamit ito bilang paggaya o pagtulad sa mga pangyayari.


  6. Kaya hindi muna natin makikita ang ating mga guro, kasi sila rin ay pinag-iingat din.


    Anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap bilang pangugnay?
    sila rin


    Ano ang gamit nito sa pangungusap?
    Ginagamit ito bilang paggaya o pagtulad sa mga tao.


[transcriber’s note: the left edge of this box is cut off in the scan; clipped letters are marked [illegible]]

Gumagamit tayo ng mga pangatnig sa pagpapahayag ng saloobin at karanasan.

TANDAAN MO!

Ang pangatnig ay tawag sa mga kataga o *[illegible]*litang ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang *[illegible]*lita, parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa *[illegible]*ang pangungusap. Maaaring karagdagan, *[illegible]*agkasalungat, pagpapaliwanag, paglilinaw, at *[illegible]*gtatapos ng kaisipan.

Ang o at at ay nag-uugnay ng mga salita sa *[illegible]*pwa salita. Ginagamit ang o kapag nagsasaad ng *[illegible]*gpipili.

[illegible], ni, maging, man) tinatawag na pangatnig na *[illegible]*mukod sa dahil ang pinagbubuklod nito ang *[illegible]*ga kaisipang pinag-uugnay.

Ginagamit ang at kung nais pagdugtungin *[illegible]*ng dalawang kaisipan.

Ang ngunit, subalit ay ginagamit sa pag-ugnay ng dalawang kaisipang magkasalungat.

Sapagkat, dahil sa – nagbibigay ng dahilan o katwiran. Ang pangatnig na sa wakas ay nagbibigay ng pagtatapos sa isang suliranin.

Ang raw at daw ay nagpapahayag ng paggaya sa sinabi ng iba. Ginagamit ang raw kung ang sinusundang salita ay patinig ang huling titik at daw ang gagamitin kung ang huling titik ng sinusundang salita ay katinig.

Ang pangatnig na kung gayon at sa makatuwid ay ginagamit bilang paglilinaw sa isang sitwasyon.

Ginagamit naman bilang paggaya o pagtulad sa mga pangyayari ang kung ano, at paggaya o pagtulad naman sa mga tao ang siya rin o sila rin.

Samantalang ginagamit naman ang kung sino sa pagtukoy sa taong may alam, may gusto, o may ginawang isang bagay.

Pagyamanin
A. Panuto

Piliin ang wasto at angkop na pangatnig sa mga talulot ng bulaklak upang mabuo ang diyalogo sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa nakalaang patlang sa bawat bilang.

[illustration: flower-shaped word bank with petals labeled: raw, daw, siya rin, kung ano, kung gayon, sa wakas]

  1. Siya _____ ang bagong guro natin sa Filipino. Mukha namang siyang mabait.
  2. Hindi, may pagkamasungit _____ siya sabi ng pinsan ko na naging mag-aaral niya.
  3. Talaga? _____ kailangan nating maging mabait palagi para hindi tayo mapagalitan.
  4. Basta igalang natin siya kahit ano pa siya, kasi _____ ay pangalawa nating magulang dito sa paaralan.
  5. Tama! _____ man, siya o sino man siya, siguradong may matututuhan tayo sa kaniya.
  6. Magpasalamat tayo dahil _____ may guro na tayo sa Filipino.

B. Panuto: Panoorin ang iyong nanay kung anong proseso o mga hakbangin ang kaniyang ginagawa sa paglalaba. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo sa sagutang papel. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong sa ibaba gamit ang mga pangatnig.

Gabay na tanong:

  1. Ano ang mga hakbang na ginawa ng nanay mo sa paglalaba?
  2. Ayon sa iyong saloobin o paniniwala hinggil sa prosesong ginawa ng iyong nanay sa paglalaba.
  3. Dugtungan:
    Sa wakas, _____________________________________________.

Ang galing naman! Natapos mo ang mga pagsasanay.

Saang pagsasanay ka ba nahirapan? Pagsasanay A, o Pagsasanay B

Gayunpaman, binabati kita sa iyong tagumpay.

[illustration: smiling face]

Isaisip

Punan ang sumusunod na talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.

Ano ang iyong mga natutuhan?Gaano ito kahalaga?
Isagawa

Panuto: Makinig o manood ng balita sa TV tungkol sa napapanahong isyung pangkalusugan o pang-edukasyon. Iugnay mo ang sariling karanasan at bigyan ito ng sariling pagwawakas ayon sa iyong saloobin o paniniwala. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pagsagot ng gawaing ito. Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong sagot.

[illustration: blank sheet of paper pinned at the top]

Rubrik sa Pagbibigay ng Ibang Wakas Ayon sa Sariling Saloobin o Pananaw

Ito ang batayan sa pamamamarka sa gawaing pagsulat

5 Napakagaling2 Magaling1 Magsanay pa
Malinaw na malinaw na naiugnay ang sariling karanasan, nakapagbigay ng sariling wakas at nagamit nang wasto ang pangatnig mula sa balitang napakinggan o napanood sa TV/radio.Malinaw na naiugnay ang sariling karanasan, nakapagbigay ng sariling wakas at nagamit nang wasto ang pangatnig mula sa balitang napakinggan o napanood sa TV/radio.Hindi malinaw na naiugnay ang sariling karanasan, nakapagbigay ng sariling wakas at nagamit nang wasto ang pangatnig mula sa balitang napakinggan o napanood sa TV/radio.

Magaling! Matapos mong sagutin ang lahat ng mga pagsasanay, tingnan kung ito ay tama o mali sa Susi sa Pagwawasto sa pahina 15 ng modyul na ito

Tayahin

A. Panuto: Pakinggan ang iyong nanay, ate o kuya habang nagbabasa ng teksto. Sagutan ang mga tanong kaugnay ng napakinggan. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Sabik na sabik na isinukat ni Arthur ang sapatos na padala ng kaniyang tatay na galing sa Saudi subalit masikip ito sa kaniya. Sinabi ng kanyang nanay na ibigay na lang niya ito sa kaniyang nakababatang kapatid. Hindi kumibo si Arthur.

  1. Ano kaya ang naramdaman ni Arthur nang malaman niyang masikip ang sapatos na padala ng tatay niya sa kaniya?

    • A. natuwa
    • B. nalungkot at nanghinayang
    • C. nagulat
    • D. naiyak
  2. Anong pangatnig ang nabanggit sa teksto?

    • A. subalit
    • B. masikip
    • C. kanya
    • D. siya

Sumama si Bryan sa kanyang tatay upang magtanim ng mais sa kanilang bakanteng lote. Sa kanilang paglalakad, napaatras ang tatay niya sabay sabi: “Ahas! Huwag kang gagalaw.”

  1. Ano ang naramdaman ng mag-ama nang makita nila ang ahas sa daan?

    • A. natawa
    • B. natulala
    • C. nagulat at natakot
    • D. nabigla at nagalit
  2. Anong pangatnig ang ginamit sa teksto?

    • A. upang
    • B. lote
    • C. sabay
    • D. mais
  3. Pinagkalooban tayo ni Mayor ng libreng masasakyan, _____ makakauwi na tayo sa ating probinsya.

    • A. kung ano
    • B. kung sino
    • C. siya rin
    • D. sa wakas
  4. Bilang nakatatanda mong kapatid, _____ ay dapat mong igalang.

    • A. siya rin
    • B. kung gayon
    • C. daw
    • D. raw
  5. Hindi pa siya bumabangon sa higaan kasi masakit _____ ang ulo niya.

    • A. raw
    • B. daw
    • C. kung sino
    • D. kung ano
  6. Dumating _____ ang bisita handa na kami.

    • A. raw
    • B. man
    • C. din
    • D. kung
  7. _____ang hinihingi ng anak mo, iyon lang ang ibigay mo.

    • A. Kung sino
    • B. Kung ano
    • C. Kung gayon
    • D. Kung saan
  8. Gusto niyo bang manood ng sine _____mamasyal sa plasa?

    • A. man
    • B. o
    • C. daw
    • D. raw

Ang galing mo, Kid! Nasagutan mo lahat ang mga pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 15 ng modyul na ito.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?

[illustration: three face icons, sad, smiling and neutral]

[illustration: woman gesturing toward the text box]

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa gabay ng iyong magulang, panoorin ang pelikulang Tagalog na “Sarah, Ang Munting Prinsesa”, na ipinalabas noong taong 1995. Unawaing mabuti ang buong pelikula. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ito sa nakalaang espasyo sa inyong sagutang papel. Sikapin ding gamitin ang wastong pangatnig sa inyong sagot.

Sagutin Mo

  1. Anong pamagat at tungkol saan ang pelikulang napanood mo?


  2. Ano ang naging wakas ng napanood mo?


  3. Batay sa iyong sariling saloobin at paniniwala, kung ikaw mismo ang magbibigay ng wakas sa pelikulang iyong napanood, ano ito? Bakit?


[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed here in reading order]

Susi sa Pagwawasto

Balikan
  1. Bagyo/Rolly
  2. Natuklap ang bubong nila Andrew dahil sa napakalakas na hangin dulot ng bagyong Rolly
  3. Ang naging bunga ng pagkakatuklap ng bubong ng bahay ni Andrew ay pinasok sila ng malakas na hangin at ulan at nabasa ang kanilang aparador at mga gamit.
  4. Kailangan nating maging handa kapag may bagyo upang maiwasan na mabasa ang mga gamit at manganib ang ating buhay.
Subukin
  1. B
  2. B
  3. A
  4. A
  5. B
  6. B
  7. B
  8. B
  9. B
  10. C
Pagyamanin

A.

  1. raw
  2. daw
  3. kung gayon
  4. siya rin
  5. kung ano
  6. sa wakas

B.

  1. Una, kinuha ni nanay ang mga maruruming damit. Pangalawa, pinaghiwalay niya ang dekolor at puti. Pagkatapos, nilagyan niya ng tubig ang batya at nilagyan ng powder na sabon. Nilabhan at binanlawan ng 3-4 na beses saka isinampay. Sa wakas, mabango at malinis ang damit na aming gagamitin.
  2. Dahil sa prosesong ginawa ni nanay, mabango at malinis ang damit na aming gagamitin.
  3. Sa wakas, mabango at malinis ang damit na aming gagamitin.
Tayahin
  1. B
  2. A
  3. C
  4. A
  5. D
  6. A
  7. B
  8. B
  9. B
  10. C
Isaisip

Ano ang aking natutuhan? Ang natutunan ko ay [illegible] pangatnig [illegible] mga halimbawa [illegible] (Halimbawa)

[transcriber’s note: this answer is printed sideways and partly cut off; only the fragments that can be read are shown]

Tuklasin
  1. Ang usapan nina Lyndie at Roxanne ay tungkol sap ag-aaral sa kabila ng pandemya.
  2. Sa pamamagitan ng pakikinig sa radio, panonood sa TV at pagsagot sa modyul.
  3. Opo, kailangang magpatuloy sap ag-aaral sa kabila ng pandemya upang patuloy na may matutunan ang mga bata kahit nasa loob ng bahay.
  4. Ang ibibigay kong pamagat ay Liwanag sa Dilim dahil ang pag-aaral ay isang pag-asa o liwanag sa kabila ng dilim na ating nararanasan dahil sa pamdemya.
  5. Sa wakas, subalit, kung gayon, raw, daw, kung ano, sila rin at dahil sa. Ito ang mga salitang nakalahad sa teksto at ang tawag dito ay mga pangatnig.
Karagdagang Gawain

Kaligtasan sa Pagkain

Paano malalaman na malinis ang pagkain? Kailangang alamin ng bawat mamamayan kung paano mananatiling malinis at ligtas ang pagkain na ihahain sa pamilya. Kailangan hugasan muna ang mga ito bago ikunsumo, katulad ng gulay, prutas at karne. Dahil sa [illegible] binibili sa grocery, gayundin ang mga sangkap na [?] siguradong malalagay sa piligro ang mamamayan. Maging maingat sa pamimili at maging masinop sa paghahanda sa pagkain upang maiwasan ang sakit at mas malalang problema. Kung gayon, [illegible]

[transcriber’s note: this answer is printed sideways across several columns and some lines are broken; the text above is the best reading of the sections that could be read]

Sanggunian

Lydia P. Lalunio, Ph.D., Francisco G. Ril, at SD Publications, Inc., 2010, Hiyas sa Wika 5 p. 174

Lydia P. Liwanag, Ph.D. at EduResources Publishing Inc. 2011, Landas sa Wika 6 p. 198

Sancho C. Calatrava, Yaman ng Lahi 4 Wika at pagbasa. LM at TG, Sunshine Interlink Publishing House, Inc (Deped.IMS)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district