Edukasyong Pangkalusugan 4 Quarter 3 Module 1: Tamang Gamot, Iwas Sakit

Grade 4 Health Quarter 3 Module 1 teaches the uses of medicines and the difference between prescription and over-the-counter drugs, with answer key.

This is the Grade 4 Edukasyong Pangkalusugan (Health) self-learning module for Quarter 3, Module 1, titled “Tamang Gamot, Iwas Sakit” (the right medicine keeps illness away). It was prepared by DepEd Region V for learners studying at home. After working through it, learners can name the different uses of medicines and explain how prescription and non-prescription medicines differ and how to use them correctly.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module states two learning goals. Learners should be able to:

  • identify the different uses of medicine (natutukoy ang iba’t ibang gamit ng gamot sa medisina); and
  • tell the difference between prescribed and non-prescribed medicines and use them properly (nakikilala ang pagkakaiba ng inireseta at hindi iniresetang gamot at ang wastong paggamit nito).

Lessons in this module

  • Aralin 1 – Mga Gamit ng mga Gamot (uses of medicines): what a medicine is, how medicines help the body, and which kinds of medicine treat common illnesses.
  • Aralin 2 – Gamot na May Reseta at Walang Reseta (medicines with and without a prescription): the two main types of medicine and what to remember before taking either one.

What a medicine is and how it helps

The module defines gamot or droga (medicine or drug) as a substance that, once taken into the body, can change, maintain, or control a person’s physical, mental, and emotional condition. Examples it gives include paracetamol for headache and antibiotics for bacterial infections. It also notes that some plants, like tobacco, naturally contain addictive substances such as nicotine, while other drugs, like alcohol, aspirin, and tranquilizers, are made by people.

Some medicines cure illness by killing or stopping the spread of germs such as bacteria and viruses. Common illnesses like headache, fever, and colds can often be treated simply by taking the right medicine.

The module opens this topic with a short poem, “Tamang Paggamit ng Gamot” (proper use of medicine) by Anthony C. Vista. Its message: do not suffer through illness when medicine can help, but do not take medicine carelessly. See a doctor for serious illness, read the label of medicines bought without a prescription, and never abuse medicine.

Two types of medicine

  1. Prescription drugs/medicines: medicines that need a doctor’s prescription (reseta) before you can buy them at a pharmacy.
  2. Over-the-counter drugs/medicines: medicines you can buy at a pharmacy even without a prescription.

A reseta is the document a doctor gives after a check-up. It shows how to take the medicine, the correct dose, and how often to take it.

Common kinds of medicine

MedicineWhat it is for
AnalgesicSimple pains such as headache, toothache, and muscle pain
AntihistamineItchy skin and allergies
AntibioticBacterial infections, such as infected wounds, cough with yellow phlegm, swollen tonsils, UTI, large boils, and swollen gums
AntacidAcidity, especially a sour or upset stomach
AntidiarrhealDiarrhea (pagtatae)
AntitussiveCough, especially dry cough without phlegm
Anti-inflammatorySwelling in the body

The activities use simple situations to practice this. For example, a child with toothache and headache after eating too much candy can take an analgesic, and a child whose tonsils are swollen because of bacteria may be prescribed an antibiotic by a doctor.

How to use this module

The module follows the usual DepEd self-learning module parts:

  1. Subukin: a five-item pretest to check what you already know.
  2. Balikan: a review of the previous module on germs and preventing infectious diseases.
  3. Tuklasin: the poem and four discussion questions.
  4. Suriin: the main lesson on medicines and their types.
  5. Pagyamanin: three activities. Gawain 1 pairs illnesses with medicines in a table, Gawain 2 is a matching exercise, and Gawain 3 is a Venn diagram comparing prescription and over-the-counter drugs.
  6. Isaisip: fill-in-the-blank sentences that sum up the lesson.
  7. Isagawa: reading a sample doctor’s prescription and answering questions about it.
  8. Tayahin: a five-item final test.
  9. Karagdagang Gawain: five extra situations asking which medicine fits each illness.

For learners: write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it later. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.

For parents and guardians: the module notes that a teacher or facilitator guide comes with it, with tips you can use while helping your child at home. The pretest shows whether your child needs extra help.

For teachers: the module’s teacher notes ask you to connect this lesson to earlier lessons on infectious diseases and to explain how taking the right medicine helps treat them.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 4 Edukasyong Pangkalusugan (Health), Quarter 3, Module 1.

What lessons are in Tamang Gamot, Iwas Sakit?

It has two lessons: Aralin 1, Mga Gamit ng mga Gamot (uses of medicines), and Aralin 2, Gamot na May Reseta at Walang Reseta (medicines with and without a prescription).

What is the difference between prescription and over-the-counter medicines?

Prescription medicines need a doctor’s prescription before you can buy them at a pharmacy. Over-the-counter medicines can be bought without a prescription, but you should still read and follow the label.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, Isaisip, Isagawa, final test, and extra activity.

What medicine is used for allergies or itchy skin?

According to the module, an antihistamine is used for itchy skin and allergies.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyong Pangkalusugan

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tamang Gamot, Iwas Sakit

[illustration: children reading and studying outdoors and at a desk with a teacher, a globe, and a lamp]

Edukasyong Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tamang Gamot, Iwas Sakit Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Anthony C. Vista Editor: Renato B. Gallenito Tagasuri: Cynthia T. Montañez Tagaguhit: Emma N. Malapo Tagalapat: Anthony C. Vista, Jefferson D. Uy Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad Francisco B. Bulalacao, Jr. Grace U. Rabelas Ma. Leilani R. Lorico Jerson V. Toralde Belen B. Pili Randy A. Bona

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

4

Health

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tamang Gamot, Iwas Sakit

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Sa ating kasalukuyang panahon, mapalad tayo at marami na ang mga gamot na natuklasan para sa iba’t ibat karamdaman. Ngunit, kalakip nito ang responsibilidad ng wastong paggamit ng mga ito upang makatulong sa ating kalusugan.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng dalawang aralin, at ito ang sumusunod:

  • Aralin 1 – Mga Gamit ng mga Gamot
  • Aralin 2 – Gamot na May Reseta at Walang Reseta

Matapos mong pag-aralan at gawin ang iba’t ibang pagsasanay sa modyul na ito ay inaaasahan na matatamo mo ang sumusunod na kasanayan:

  1. natutukoy ang iba’t ibang gamit ng gamot sa medisina; at
  2. nakikilala ang pagkakaiba ng inireseta at hindi iniresetang gamot at ang wastong paggamit nito.

Subukin

[illustration: pencil]

Basahin at unawain. Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Ito ay isang substansya na may kakayahang baguhin, panatilihin,o kontrolin ang pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan sa pamamagitan ng pag-inom nito.
    a. droga o gamot
    b. pathogens
    c. calories
    d. reseta


  2. Si Antonio ay ilang beses nang pabalik-balik sa palikuran upang dumumi at nanghihina na siya. Anong uri ng gamot ang maaari niyang inumin upang maibsan ito?
    a. mucolytic
    b. stimulant
    c. analgesic
    d. antidiarrheal


  3. Ito ang tawag sa uri ng gamot na nabibili sa mga botika kahit walang reseta ng doktor.
    a. addictive medicines
    b. prescription medicines
    c. over-the-counter medicines
    d. preventive medicines


  4. Ang mga sumusunod ay mga gamot na hindi maaring mabili nang walang reseta maliban sa _____.
    a. sedative
    b. antibiotics
    c. paracetamol
    d. antidepressant


  5. Kung ikaw ay mayroong sakit at nagpakonsulta ka sa isang doktor, may ibinibigay siyang dokumento kung saan nakasulat ang mga tagubilin sa wastong pag-inom o paggamit, wastong sukat, at dalas ng paggamit ng gamot. Ano ang tawag sa dokumentong ito?
    a. listahan
    b. reseta
    c. etiketa
    d. rekomendasyon


Tingnan ang tamang sagot sa pahina 14. Ilan ang nakuha mo? Magaling kung nakuha mo lahat ng tamang sagot. Ayos lang kung hindi mo nakuha lahat dahil mas lilinangin pa natin ang iyong kaalaman sa pagpapatuloy mo sa modyul na ito.

Balikan

[illustration: puzzle pieces]

Sa nakaraang modyul, pinag-aralan natin ang iba’t ibang sakit na maaring idulot ng mga mikrobyo at kung paano natin aalagaan ang ating sarili upang makaiwas sa mga sakit na ito.

Lagyan ng tsek (✓) ang mga pangugusap na nagsasabi ng mga dapat gawin upang makaiwas sa mga nakahahawang sakit at paraan ng pangagalaga sa sarili at ekis (✕) naman sa hindi.

___ 1. Palaging maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon. ___ 2. Gumamit ng guwantes kung hahawak ng likido sa katawan gaya ng dugo, ihi, laway, at sipon. ___ 3. Hayaan ang mga kontaminadong lugar at kagamitan. ___ 4. Kumain ng balanse, regular na mag-eehersisyo, at magkakaroon ng sapat na tulog at pahinga. ___ 5. Komunsulta sa doktor kung may sakit lamang.

___ 6. Huwag takpan ang bibig at ilong kung uubo at magbabahing. ___ 7. Hipuin o kuskusin ang iyong mata, ilong, at tainga kung kumakati ito. ___ 8. Magsuot ng tsinelas / bakya sa tuwing gagamit ng palikuran. ___ 9. Punasan ang mga kagamitan gaya ng desk o mesa bago ito hawakan o hipuin. ___10. Makihalubilo sa mga taong may sakit at may karamdaman.

Mga Tala para sa Guro

Ipabatid sa mga mag-aaral ang kaugnayan ng mga nakaraang aralin lalo na ang tungkol sa mga nakahahawang sakit at paano nakatutulong ang pag-inom ng tamang gamot upang malunasan ito.

Tuklasin

[illustration: seedling in a leaf]

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.

Tamang Paggamit ng Gamot

Ni: Anthony C. Vista

Karamdama’y huwag tiisin at indahin,
Kung may gamot namang puwedeng inumin;
Sakit ng ulo, lagnat, sipon at iba pang sakit ay maaring pagalingin,
Kung tamang gamot ang ating gagamitin.

Ngunit ika’y mag-ingat, huwag uminom ng basta-basta,
Kung sakit ay malubha, mas maiging sa doktor ay komunsulta,
Upang sakit ay matukoy at ika’y mabigyan ng reseta,
Wastong gamot sa iyo’y maibibigay, siguradong gagaling ka.

Mga Tala para sa Guro

Ipabatid sa mga mag-aaral ang kaugnayan ng mga nakaraang aralin lalo na ang tungkol sa mga nakahahawang sakit at paano nakatutulong ang pag-inom ng tamang gamot upang malunasan ito.

Subalit may mga gamot sa botika na di na kailangan ng reseta, Kahit sino ay maaaring makabili at makakuha, Siguraduhin lang na direksiyon sa etiketa ay binasa, Upang di magkamali, sakit ay gumaling at di na lumala pa. Laging tatandaan, gamot ay malaking tulong sa tuwina, Upang mga karamdama’y malunasan at gumaling ka, Huwag abusuhin, laging gamitin nang tama, Upang kalusugan ay masiguro at maiwasan ang pinsala.

Mga tanong:

  1. Bakit mahalaga ang uminom ng gamot?
  2. Ano-ano ang mga uri ng gamot?
  3. Ano ang epekto ng gamot sa ating katawan?
  4. Ano-ano ang dapat tandaan bago uminom ng gamot?

Suriin

Kahulugan ng Gamot o Droga

Ang gamot o droga ay isang substansya na kung makakapasok sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom nito at ito ay may kakayahang baguhin, panatilihin,o kontrolin ang pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan ng taong uminom nito. Kabilang dito ang mga gamot na iniinom natin kung may karamdaman tayo, gaya ng paracetamol (para sa sakit ng ulo), antibiotic (para sa paglaban sa mga impeksyon sa bakterya), at iba pa. May mga halamang likas na nagtataglay ng mga nakalululong na sustansiya, gaya ng tabako, na nagtataglay ng nikotina. Ang ibang mga droga, ay ginawa gaya ng alcohol, aspirin, at tranquilizers.

Source:http://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/nakalululo ng -na-droga-unang-bahagi.pdf

Paggamit ng Gamot o Droga

Ang paggamit ng mga gamot ay may iba’t ibang paraan. Ang ilan ay maaaring magpagaling ng isang sakit sa pamamagitan ng pagpatay o pagtigil sa pagkalat ng mga sumasalakay na mikrobyo, tulad ng bakterya at mga virus. Ang sakit ng ulo, lagnat, sipon, at iba pang karaniwang sakit ay kayang pagalingin sa simpling pag-inom ng gamot.

Dalawang Uri ng Gamot
  1. Prescription drugs/medicines – ito ang mga gamot na kailangan ng reseta ng doktor bago makabili sa mga botika.
  2. Over-the-counter drugs/medicines – ito ang mga gamot na maaring bilhin sa botika kahit walang reseta ng doktor.

May iba’t ibang uri ng gamot para sa iba’t ibang uri ng sakit o karamdaman. Narito ang ilan sa mga gamot na madalas bilhin at gamitin:

  1. Analgesic – ito ang gamot na ginagamit para lunasan ang mga simpleng karamdaman tulad ng sakit ng ulo, sakit ng ngipin, at kalamnan.


  2. Antihistamine – ito ang gamot na panlunas sa mga sa pangangati ng katawan o mga allergies.


  3. Antibiotic – ito ang gamot para sa impeksiyong dala ng bakterya. Halimbawa ay ang gamot na ginagamit sa pagpapahilom ng sugat, gamot sa ubong may madilaw na plema, namamagang tonsils, Urinary Tract Infection (UTI), malaking pigsa at pamamaga ng gilagid.


  4. Antacid – gamot na panlaban o pangontra sa asim o kaasiman ng asido, particular na ang para sa pangangasim ng sikmura.


  5. Antidiarrheal – ito ang ginagamit na gamot para sa diarrhea o pagtatae.


  6. Antitussive – Ito ang gamot para maibsan at masugpo ang pag-uubo lalong-lalo na kung ito ay tuyo at walang plema.


  7. Anti-inflammatory – Ito ang gamot para mga pamamaga ng katawan.


Pagyamanin

Gawain 1

Narito ang ilan sa mga sakit na nakaraniwang ginagamitan ng gamot upang malunasan at gumaling ang isang tao. Sa inyong sagutang papel, gumawa ng dalawang talahanayan, ang isa ay para sa sakit at isang bahagi naman ay sa gamot na ginamit.

[illustration: starburst shapes, each with a label; labels: Sakit ng ulo; Lagnat; Sakit ng katawan; Pananakit ng kalamnan; Sipon at trangkaso; Impeksiyon sanhi ng bacteria; Tuyong ubo; Pangangati ng balat / allergy; Sakit ng ngipin; pagtatae; Pangangasim ng sikmura; Pamamaga ng katawan]

Gawain 2

Pagtambalin ang karaniwang sakit o karamdaman ng mga nasa Hanay A sa angkop na gamot para dito sa Hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa iyong sagutang papel.

AB
1. Namamaga ang kalamnan sa hita ni AmiraA. Analgesic
2. Tuyo at walang plema ang ubo ni RoyB. Antibiotic
3. Pabalik-balik sa palikuran si Amihan dahil sa pagtatae.C. Antacid
4. Nangangasim ang sikmura ni AnitaD. Antihistamine
5. May nakabuka at namamagang sugat sa paa ni AlexE. Antitussive
6. Nangangati ang balat ni Rosita dahil sa allergy.F. Antidiarrheal
7. Masakit ang ngipin ni AnaG. Anti-inflammatory
H. Laxative
SakitGamot
Gawain 3

Isulat sa Venn Diagram ang pagkakatulad at pagkakaiba ng gamot na may reseta (Prescriptive Drugs) at gamot na walang reseta (over-the-counter drugs).

[chart: Venn diagram; Gawain 3]

  • Left circle: Prescriptive Drugs
  • Right circle: Over-the-Counter Drugs
  • Left area label: Pagkakaiba
  • Overlap label: Pagkakatulad
  • Right area label: Pagkakaiba

Values are not labeled on the chart.

Isaisip

Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang mga konsepto ng aralin.

  1. Ang _____ ay anumang sustansiya maliban sa pagkain o tubig na maaring inumin o kainin upang baguhin, panatilihin,o kontrolin ang pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan ng taong uminom nito.
  2. Nakatutulong ang gamot upang guminhawa ang pakiramdam o gumaling sa isang _____.

3-4. Ang gamot na nangangailangan ng reseta ng doktor upang makabili sa botika ay tinatawag na _____ samantalang ang gamot na maaaring bilhin kahit walng reseta na doktor ay tinatawag na _____. 5. Kailangang uminom ng _____ gamot para sa isang sakit o karamdaman.

Isagawa

Pagmasdang mabuti ang reseta mula sa isang doktor. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

[illustration: prescription form (reseta) from Maylunas Medical Clinic]

MAYLUNAS MEDICAL CLINIC MARY GRACE MAYLUNAS-GALINGNA General Physician Adress: 345 M.H. Del Pilar Ave. Mayaio, Parañaque City Tel-No: 877-9067 Clinic Hour: 7:00am to 8:00pm Monday to Saturday; Sunday – by Appointment Patient’s Name: [handwritten: Ramos Ailen Jontes [?]] Age: 37 Sex: M Address: [handwritten: Pañanagmo City [?]] Date: [handwritten: 4/18/2019 [?]] Rx [handwritten: 1) Cefixime 500mg #14 / Sig: 1 tab x 7 days [?]] [signature] [handwritten: Dr. (illegible)] [?] Licence No. 0087053 [?] PTR No. ______ S2 No. ______

  1. Ano-ano ang mababasa sa resetang ito? Punan ng tamang detalye gamit ang kanan bahagi ng talahanayan.
Detalye
1. Pangalan ng doktor
2. Pangalan ng gamot
3. Paano ang pag-inom
4. Sukat ng inumin
  1. Ano kaya ang mangyayari kung iinom tayo ng gamot kahit wala tayong nararamdamang sakit?


  2. Ano kaya ang mangyayari kung tayo ay pinayuhan ng doktor na uminom ng gamot ngunit hindi natin ito sinunod?


Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong papel.

  1. Alin sa sumusunod ang magiging epekto ng gamot kung ito ay iniinom nang tama?
    a. kagalakan
    b. katalinuhan
    c. lunas sa sakit
    d. sama ng loob at lumbay sa buhay


  2. Kumonsulta si Ana sa doktor dahil masakit ang kanyang ulo. Alin sa sumusunod ang gamot na nireseta sa kanya?
    a. antidiarrheal
    b. analgesic
    c. antihistamine
    d. antibiotic


  3. Anong dokumento ang ipinapakita sa parmasya o botika upang makabili ng gamot?
    a. sakit sa katawan
    b. listahan ng nanay
    c. pangalan ng gamot
    d. reseta ng doktor


  4. Saan ginagamit ang gamot na antihistamine?
    a. tuyong ubo
    b. pangangati ng kutis
    c. sakit sa kalamnan
    d. sakit sa ngipin


  5. Ito ang tawag sa uri ng gamot na nabibili sa mga botika o parmasya na kailangan ng reseta ng doktor upang makabili.
    a. prescription medicines
    b. addictive medicines
    c. over-the-counter medicines
    d. preventive medicines


Karagdagang Gawain

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang tamang gamot na dapat inumin o maaaring ireseta ng doktor para sa sakit o karamdaman? Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

  1. Matapos kumain ng maraming kendi, sumakit ang ngipin ni Mira at sinabayan na rin ng sakit ng ulo. Anong uri ng gamot ang maaaring niyang inumin?

Correction: the printed text reads “Anong uri ng gamot ang maaari niyang inumin?”

  1. Nangati ang balat ni Boboy matapos kumain ng pagkaing may bogoong. Siya ay may allergy sa pagkaing ito? Anong uri ng gamot ang maaari niyang inumin?
  2. Namamaga ang tonsil ni Rex dahil sa bacteria. Ilang araw na niya itong nararamdaman. Ano kayang uri ng gamot ang maaaring ireseta sa kanya ng doktor?
  3. Pagkatapos kumain, nangasim ang sikmura ni Cynthia. Anong gamot ang maari niyang inumin?
  4. Pabalik-balik na sa palikuran si Miguel dahil sa diarrhea. Anong gamot ang maaari niyang inumin?

Susi sa Pagwawasto

Isaisip
  1. gamot o droga
  2. sakit o karamdaman
  3. prescription medicines
  4. over-the-counter medicines
  5. tamang o wastong
Isagawa Mo
Detalye
1. Pangalan ng doktorMary Grace Maylunas-Galingna
2. Pangalan ng gamotCarbocistine Solmux
3. Paano ang pag-inom1 tablet 3x a day
4. Sukat ng inumin500g
Tayahin
  1. K
  2. B
  3. D
  4. B
  5. A
Karagdagang Gawain
  1. Analgesic
  2. Antihistamine
  3. Antibiotic
  4. Antacid
  5. Antidiarrheal
Subukin
  1. A
  2. D
  3. C
  4. C
  5. B
Balikan
  1. ✓
  2. ✓
  3. ×
  4. ✓
  5. ×
  6. ×
  7. ×
  8. ✓
  9. ✓
  10. ×
Tuklasin
  1. Upang malunasan at gumaling mula sa sakit o anomang karamdaman
  2. Gamot na kailangan ng reseta ng doktor at gamot na hindi na kailangan ng reseta para makabili sa botika
  3. Gagaling mula sa sakit at bubuti ang pakiramdam
  4. Kumonsulta sa doktor bago uminom ng gamot, basahin ang etiketa ng gamot, sundin ang reseta ng doktor
Gawain 1

Ang mag-aaral ang pipili ng sagot batay sa kanyang karanasan.

Gawain 2
  1. G
  2. E
  3. F
  4. C
  5. B
  6. D
  7. A
Gawain 3
Pagkakaiba
  1. Ang prescriptive drugs ay nangangailangan ng reseta ng doktor upang makabili sa parmasya o botika samantalang ang over-the-counter drugs ay maaaring bilhin nang walang reseta.
  2. Hindi maaring inumin ang prescriptive drugs nang walang reseta ng doktor samantalang ang over-the-counter drugs ay maaring gamitin o inumin basta ayon sa tamang paraan at paggamit.
Pagkakatulad

Ang parehong uri ng gamot ay nakapagpapagaling ng karamdaman o sakit na kanilang ginagamot.

Sanggunian

“Nakalululong na Droga (Unang Bahagi)”, Kagawaran ng Edukasyon Naga City Division, huling binago 2011, https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/nakalululong-na-droga-unang-bahagi.pdf

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Patnubay ng Guro, Book Media Press Inc.,2015

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral, Book Media Press Inc., 2015

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district