Grade 3 Homeroom Guidance Module: Thank You, My Family

Isinulat ang modyul na ito upang gabayan ang inyong anak na linangin ang kaniyang aspektong pansarili at pakikipagkapuwa, akademiko, at karera. Dinisenyo ito para sa distance learning o alternatibong pamamaraan ng pagkatuto na hindi nangangailangan ng pisikal na presensya sa paaralan, bilang tugon sa direktiba na pagkansela ng face-to-face class dulot ng pandemyang COVID-19.

Hinihiling na basahin sa mag-aaral ang bawat bahagi ng modyul at gabayan siya sa bawat gawain upang matagumpay na maisakatuparan ang mga tagubilin. Siguraduhing maisagawa at masasagot ang mga gawain at katanungan (Processing Questions). Ang mga sumusunod ang mga inaasahang gawain ng mag-aaral para sa inyong kaalaman.

  • Gawain 1: Iguhit sa papel ang mga simbolo na kumakatawan sa bawat miyembro ng inyong pamilya. Makinig sa mag-aaral sa pagbabahagi ng kanyang mga naiguhit.
  • Gawain 2: Isulat ang mga katangian ng bawat miyembro ng pamilya.
  • Gawain 3: Basahin ang talata tungkol sa kahalagahan ng bawat isa.
  • Gawain 4: Gumuhit ng puso. Isulat sa loob nito ang mga paraan kung paano maipapakita ang pagbibigay halaga sa mga miyembro ng pamilya. Makinig ang mga miyembro ng pamilya sa pagbabahagi ng mag-aaral ng kanyang nagawa.
  • Gawain 5: Sumulat ng simpleng liham ng pasasalamat sa mga magulang o tagapag-alaga.
  • Gawain 6: Isulat sa malinis na papel ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa karanasan sa modyul na ito.

Sa Gawain 1, maaaring lapis na lamang ang gamitin kung walang magagamit na iba pang pangkulay sa pagguhit ng mga simbolo.

Maaaring may mga pagkakataon na hingin ng mag-aaral ang inyong patnubay sa pagsunod sa mga tagubilin at pagsagot sa mga tanong sa bawat bahagi ng mga gawain. Hinihiling ng Kagawaran ang inyong supporta upang matagumpay niyang maisakatuparan ang mga gawain. Makatutulong ang araling ito upang hubugin ang kanyang kakayahan at pagpapahalaga sa pagpili ng nararapat na kilos sa bawat sitwasyon. Tiyakin na mailalagay sa Portfolio ang lahat ng gawaing natapos sa bawat bahagi ng modyul at maipapasa sa petsa at oras na itinakda ng kanyang gurong-tagapayo.

Grade 3 Homeroom Guidance Quarter 1 – Module 2: Thank You, My Family

HG-G3-Q1-Module-2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment