Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang mga batayang kilos at kasanayan sa pagsasagawa ng simetrikal na hugis na gamit ang iba-ibang bahagi ng iyong katawan habang pansamantalang nakatigil o hindi umaalis sa lugar.
Ang panandaliang pagtigil ng pagkilos ay maaaring maging isa sa mga batayan upang malaman kung ikaw ay may tindig na balanse. Maaaring sukatin din nito ang lakas ng mga kalamnan sa iyong buong katawan.
Narito ang mga inaasahang layuning dapat mong makamit pagkatapos ng araling ito:
1. Nauu nawaan ang kahalagahan ng panandaliang pagtigil ng kilos sa pagsasagaawa ng mga simetrikalna hugis gamit ang mga bahagi ng katawan maliban sa paa; (PE2BM-Ig-h-16)
2. Naipakikita ang panandaliang pagtigil ng pagkilos sa pagsasagawa ng mga simetrikal na hugis gamit ang mga bahagi ng katawan;
3. Naisasagawa nang maingat ang mga gawaing may kaugnayan sa pagpapakita ng simetrikal na hugis gamit ang mga bahagi ng katawan habang panandaliang nakatigil ; (PE2MS-Ia-h-1)
4. Nakalalahok sa mga laro at makabuluhang gawaing sinasaliwan ng iba’t ibang tunog at musika na ipinapakita ang simetrikal na hugis gamit ang mga bahagi ng katawan habang panandaliang nakatigil. (PE2PF-Ia-h-2)