This is the Physical Education self-learning module for Grade 2 (Ikalawang Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1: “Mga Hugis at Kilos ng Katawan” (shapes and movements of the body). It was prepared by DepEd Region III for learners studying at home. It helps children notice and appreciate their own bodies and the shapes and movements their bodies make every day. After the module, learners can make body shapes and movements, move in time with sounds and music, and join in fun physical activities.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module lists these competencies:
- Create body shapes and body movements (PE2BM-Ie-f-2)
- Show correct movement skills in response to sound and music (PE2MS-Ia-h-1), including:
- identifying the shapes of the body
- creating simple movements
- Take part in fun and enjoyable physical activities (PE2PF-Ia-h-2)
Lessons in this module
- Aralin 1: Mga Hugis ng Katawan (shapes of the body). Every part of the body moves and forms shapes, even when we do not notice. Simply standing makes a straight shape. Learners sing a shapes song, match body poses to letters, and write words in the air with their fingers.
- Aralin 2: Mga Hugis ng Katawan (shapes of the body, continued). Learners make shapes and letters while singing children’s songs such as “Paa, Tuhod,” “Leron Leron Sinta,” and the “Fruit Salad Song,” then play a guessing game at home.
- Aralin 3: Mga Kilos ng Katawan (movements of the body). Learners find action words in a word puzzle, name the body parts each action uses, and sort activities by where they are best done: at home, at school, or in the park.
- Aralin 4: Mga Kilos ng Katawan (movements of the body, continued). Learners copy movements along a path to a campsite, sing “Kung Ikaw ay Masaya” with actions, and choose the right movement for chores and obstacles.
Body shapes: key ideas
The module teaches that each movement of our body parts creates a shape. Body shapes can be:
- Nakatuwid: straight
- Nakabaluktot: bent or curved
- Nakapilipit: twisted
- Palapad: wide or spread out
In Lesson 1, learners sing a shapes song to the tune of “Are You Sleeping” and form each shape with their hands and arms. They then match the English names to the Filipino names:
| English | Filipino |
|---|---|
| Square | parisukat |
| Circle | bilog |
| Triangle | tatsulok |
| Rectangle | parihaba |
| Oblong/Oval | bilohaba |
| Diamond | hugis dayamon |
The body can also form letters. Arms raised overhead make a Y. Jumping with arms and legs spread apart makes an X. Hands on the hips can look like a P, and sitting with legs stretched out looks like an L. Songs with simple actions help too. In the “Pizza Hut” song, both arms stretch over the head with the fingers touching. In the “Fruit Salad Song,” “Watermelon” means raising both hands with feet together, “Papaya” means stretching the arms level with the shoulders, and “Banana” means hands at the sides with the right foot raised to the left knee.
The module also points out that bending the body, twisting, and raising the arms and legs to music such as “Bahay Kubo” and “Magtanim ay Di Biro” is fun and helps children grow healthy.
Body movements: key ideas
Lessons 3 and 4 move from shapes to actions. Everyday movements include paglakad (walking), pagtakbo (running), pagluhod (kneeling), paghiga (lying down), pagsulat (writing), pagtalon (jumping), pagyuko (bending down), and paggapang (crawling).
The module’s main points:
- Some movements we do on purpose. Others the body does on its own, without our thinking about them.
- We should always move carefully, to take care of ourselves and others.
- Each movement should fit the place where it is done. For example, playing tag belongs in the park or playground, while listening to the teacher belongs at school, and making the bed belongs at home.
- Movements done well at home, at school, or in the community improve both physical and mental health.
Learners practice choosing the right movement for a task. Fetching water calls for bending down (pagyuko), and planting calls for sitting or crouching. They also decide how to pass obstacles, such as crawling (paggapang) under a low branch.
How to use this module
- Start with the pretest (Subukin). Learners unscramble five words about body shapes. This shows what they already know.
- Follow the parts in order. Each lesson moves through Balikan (review), Tuklasin or Suriin (explore), Pagyamanin (practice), Isaisip (key ideas), Isagawa (apply), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (extra activity).
- Use separate paper. The module asks learners not to write on it, so other learners can use it later.
- Check answers. The answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end. Many activities are marked “depende sa sagot ng bata,” meaning answers depend on the child.
For learners: Do the movements, not just the writing. The module suggests doing them in front of a mirror, or taking a video, to check your body shape. Answer the self-check questions honestly.
For parents: Several activities need a partner. In “Hulaan Mo!” (guess it!), the child copies a pose at stations in the kitchen, living room, front door, and bedroom, and you guess the shape or letter. Supervise movements so they are done safely.
For teachers: The module includes notes for teachers and is meant to be used with a teacher or facilitator guide. Encourage learners to contact you if they find a lesson hard to understand.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is Physical Education for Grade 2, Quarter 1, Module 1. It was published by DepEd Region III as a first edition in 2020.
What lessons does the module cover?
It has four lessons. Lessons 1 and 2 cover Mga Hugis ng Katawan (body shapes), and Lessons 3 and 4 cover Mga Kilos ng Katawan (body movements).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for each lesson’s activities. For many movement activities, answers depend on the child.
What are the four kinds of body shapes in the module?
The module lists nakatuwid (straight), nakabaluktot (bent), nakapilipit (twisted), and palapad (wide).
Which songs are used in the activities?
The module uses a shapes song sung to the tune of Are You Sleeping, Pizza Hut, Paa Tuhod, Leron Leron Sinta, the Fruit Salad Song, and Kung Ikaw ay Masaya.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Physical Education Unang Markahan – Modyul 1: Mga Hugis at Kilos ng Katawan
2
[illustration: students reading and writing outdoors and at a desk, a teacher helping a child, and a boy writing by a lamp beside a globe]
CO_Q1_PE 2_ Module 1
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Physical Education – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Mga Hugis at Kilos ng Katawan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gemmaruth G. Castro, Mario E. Dojillo Jr., Benjie M. Manila, Jim Allan L. Canare Editor: Ronie M. Baldos, Zenaida S. Dela Cruz Tagasuri: Carolyn R. Reyes Tagaguhit: Marlon Q. Diego Tagalapat: Emmanuel S. Gimena Jr. Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Milagros M. Peñaflor, Edgar E. Garcia, Romeo M. Layug
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, (P) Telefax: (045) 598-8580 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the cover title “Physical Education, Unang Markahan – Modyul 1: Mga Hugis at Kilos ng Katawan” with the number 2 and the DepEd logo; it is not transcribed again]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang-pansin at mapahalagahan ang iyong katawan pati na ang mga hugis at kilos na ginagawa nito para sa iyo sa araw-araw.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:
- nakalilikha ng mga hugis at kilos ng katawan (PE2BM-Ie-f-2)
- naipakikita ang wastong kasanayan sa pagkilos katugon ng tunog at musika (PE2MS-Ia-h-1); at
a. natutukoy ang mga hugis ng katawan ;
b. nakalilikha ng mga simpleng kilos; - nakalalahok sa masasaya at kawili-wiling gawaing pisikal (PE2PF-Ia-h-2).
Subukin
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang hinihinging salita na may kinalaman sa mga hugis at kilos ng katawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: five small figures beside the jumbled words, showing body positions in order: standing, a hand, crouching, arms outstretched, and sitting]
| Bilang | Ayusin ang mga letra | Sagot |
|---|---|---|
| 1 | D W U T I | T _____ |
| 2 | A L A M D A P | M _____ |
| 3 | T T O K B U L A | B _____ |
| 4 | T U N A A N A K | N _____ |
| 5 | I I T I L P P A K A N | N _____ |
Aralin 1 Mga Hugis ng Katawan
Ang iba’t-ibang bahagi ng katawan ay gumagalaw at nagsasagawa ng mga kilos habang tayo ay nabubuhay. Ang bawat bahagi ng katawang ito ay nakabubuo ng iba’t-ibang hugis kahit hindi natin namamalayan.
Ang simpleng pagtayo ay nakabubuo ng hugis na tuwid. Ang paglakad ay nakabubuo ng hugis mula sa katawan at mga paa at indayog ng mga kamay.
Balikan
Panuto: Pangalanan ang mga bahagi ng katawan na may arrow. Pumili sa mga bahaging nasa kanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[illustration: a boy standing, with arrows numbered 1 to 5 pointing to parts of his body]
paa balikat tuhod kamay beywang siko
Tuklasin
Panuto: Awitin nang may kilos sa tono ng “Are You Sleeping, Lazy Juan?”
[illustration: children making hand shapes with their arms and hands]
Square and circle. Square and circle.
Triangle. Triangle.
Rectangle and oblong. Rectangle and oblong.
O-oval. Diamond.
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang makalikha at mailarawan ang mga hugis ng katawan ayon sa kung paano ito ginagawa o inilalahad sa isang larawan.
Suriin
Panuto: Ano-ano ang mga hugis na nabanggit sa awit? Hanapin sa kanan ng talahanayan ang pangalan ng mga hugis sa Filipino. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.
[transcriber’s note: each English shape name in the first table column is preceded by a printed shape icon (square, circle, triangle, rectangle, oblong/oval, diamond)]
| Bilang | English | Filipino |
|---|---|---|
| 1 | Square | |
| 2 | Circle | |
| 3 | Triangle | |
| 4 | Rectangle | |
| 5 | Oblong/Oval | |
| 6 | Diamond |
A. bilog B. bilohaba C. hugis dayamon D. parihaba E. parisukat F. tatsulok
Pagyamanin
Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng larawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. [illustration: child lying on the back with legs raised] | A. tulad ng isang kahong nakabukas |
| 2. [illustration: child sitting with legs extended] | B. tulad ng letrang L |
| 3. [illustration: child bending forward with hands reaching down] | C. tulad ng letrang P |
| 4. [illustration: child standing with arms raised to the sides] | D. tulad ng letrang Y |
| 5. [illustration: child standing with hands on the hips] | E. tulad ng nakabaligtad na letrang J |
Isaisip
Ang bawat pagkilos ng mga bahagi ng ating katawan ay nakalilikha ng mga hugis.
Ang mga hugis ng katawan ay maaaring: o Nakatuwid o Nakabaluktot o Nakapilipit o Palapad
Isagawa
Panuto: Awitin at isayaw ang “Pizza Hut.”
Pizza Hut
A Pizza hut…A Pizza hut Kentucky Fried Chicken and a Pizza Hut. Mc Donald’s, Mc Donald’s Kentucky Fried Chicken and a Pizza Hut.
Ito ang mga kilos ng awit.
Pizza Hut – kamay nakaunat ang dalawang kamay sa ulo na nagtatagpo ang mga daliri.
Kentucky Fried Chicken – ikinakampay ang dalawang braso sa tagiliran.
Mc Donalds – ang dalawang kamay ay nakataas at ang mga daliri ay nakabaluktot sa itaas ng ulo.
Panuto: Iguhit ang hugis na nabuo sa mga kilos na ginawa sa awit. Isulat sa sagutang papel.
| Bahagi ng Awit | Hugis na Nabuo |
|---|---|
| 1 Pizza Hut | |
| 2 Kentucky Fried Chicken | |
| 3 Mc Donald’s |
Tayahin
Panuto: Anong hugis ang nabubuo ng bawat pagkilos? Isulat ang titik na naihugis ng bawat pagkilos matapos mo itong maisagawa. Pumili ng sagot sa kahon.
Bb Cc Ff Xx Yy
[illustration: child with arms raised overhead] _____1.
[illustration: child jumping with arms and legs spread apart] _____2.
[illustration: child seated with one arm extended forward] _____3.
[illustration: child standing on one leg with knee bent] _____4.
[illustration: child standing with arms extended forward at shoulder height] ____5.
Karagdagang Gawain
Gawain 1. Isulat ang mga sumusunod na salita sa hangin gamit ang iyong mga daliri. Siguruhing tama ang mga hugis na iyong gagawin sa bawat letra.
- ISDA 2. KAMATIS 3. KALABAW
Gawain 2. Sagutin ng Oo, Hindi o Ilan lang ang mga tanong nang buong katapatan. Isulat sa sagutang papel.
- Naihugis ko ba ng tama ang lahat ng letra?
- Nahirapan ba ako sa pagsulat ng hugis?
- Ang lahat ba ng letra ay naihugis ng aking daliri?
Aralin 2: Mga Hugis ng Katawan
Balikan
Panuto: Tukuyin sa mga sumusunod na larawan kung anong letra ang nabuo gamit ang bahagi ng katawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. titik B B. titik J C. titik P D. titik T E. titik X
[illustration: child with arms raised out to the sides] _____1.
[illustration: child with hands on hips] _____2.
[illustration: child crouched with knees bent and hands near feet] _____3.
[illustration: child upside down with legs raised] _____4.
[illustration: child standing with arms stretched out horizontally] _____5.
Suriin
Panuto: Awitin ang pambatang awit na pinamagatang “Paa, Tuhod” at pag-aralang mabuti kung ano-ano ang mabubuong hugis ng katawan.
Paa, Tuhod
Paa, tuhod, balikat, ulo. Paa, tuhod, balikat, ulo. Paa, tuhod, balikat, ulo. Pumadyak tayo at magpalakpakan
[illustration: four children in a row bending from bent-over position to standing with hands on head]
Pagyamanin
Panuto: Ano-ano ang mga hugis na nabuo sa mga kilos na ginawa habang inaawit ang “Paa, Tuhod?” Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.
[illustration: four children in sequence, bent over, bent knees, arms behind head, arms raised over head]
Isaisip
Gamit ang mga awiting nakaiindak o awiting pambata tulad ng Bahay Kubo, Magtanim ay Di Biro, Leron Leron Sinta, at Pizza Hut, maaaring sabayan ang mga ito ng iba’t-ibang galaw at posisyon ng katawan upang makabuo ng mga hugis. Ito ay sa pamamagitan ng pagbaluktot ng katawan, pagpilipit at pagtaas ng mga kamay at paa, at iba pang paraan upang makabuo ng isang hugis gamit ang mga bahagi ng katawan.
Kung ang iyong katawan ay naigagalaw mo at nakabubuuo ka ng iba’t-ibang hugis sa maraming paraan, siguradong ikaw ay malilibang at magiging malusog na bata.
Isagawa
Halina at mag-ehersisyo! Awitin ang Leron Leron Sinta habang ginagawa ang mga sumusunod na larawan. Pagkatapos mag-unat ng katawan.
Panuto: Tukuyin kung ano-ano ang mga hugis na nagawa gamit ang iba’t-ibang parte ng katawan. Isulat sa sagutang papel.
[chart: flowchart; sequence of six illustrated body positions numbered 1 to 6, connected by arrows: 1 → 2 → 3, then an arrow from 3 down and back left to 4, then 4 → 5 → 6]
1: [illustration: girl standing with arms stretched out to the sides] 2: [illustration: child standing with hands on hips] 3: [illustration: girl bending forward with hands on knees] 4: [illustration: girl standing with one arm raised overhead] 5: [illustration: boy standing with one leg extended forward] 6: [illustration: child standing with arms raised and legs apart]
Tayahin
Panuto: Awitin ang “Fruit Salad Song.” Ang bawat prutas na nabanggit sa awitin ay may katumbas na posisyon ng katawan.
Watermelon – itaas ang dalawang kamay habang magkadikit ang mga paa
Papaya – iunat nang pantay sa balikat ang mga kamay habang magkadikit ang mga paa
Banana – ilagay ang mga kamay sa gilid, itaas ang kanang paa at ilagay ito sa kaliwang tuhod.
Fruit Salad Song
Watermelon, watermelon Papaya, papaya Banana, banana Banana, banana Fruit salad, fruit salad
[illustration: watermelon slices, a papaya, and a banana]
Panuto: Tukuyin kung anong hugis o titik ang nabuo sa mga kilos na ginawa sa awit. Isulat sa sagutang papel.
| Bahagi ng Awit | Hugis na Nabuo |
|---|---|
| 1 Watermelon | |
| 2 Papaya | |
| 3 Banana |
Nagawa mo ba ang mga kilos na dapat gawin sa awiting “Fruit Salad Song”? Paano mo ito nagawa?
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Oo kung nagawa ng maayos ang bawat kilos at Hindi kung hindi ito nagawa. Maging tapat sa pagsagot.
- Nagawa mo ba nang maayos ang mga sumusunod na kilos?
a. itaas ang dalawang kamay habang magkadikit ang mga paa
b. iunat nang pantay sa balikat ang mga kamay habang magkahiwalay ang mga paa
c. ilagay ang mga kamay sa gilid, itaas ang kanang paa at ilagay ito sa kaliwang tuhod - Nabuo mo ba nang maayos ang mga sumusunod na hugis?
a. Palapad
b. Tuwid
c. Baluktot - Nag-enjoy ka ba sa ginawang activity?
Karagdagang Gawain
Panuto: Maghanap ng kapareha, ito ay maaaring nanay, tatay, kapatid o pinsan at maglaro ng “Hulaan Mo!” Gayahin ang makikitang larawan sa bawat istasyon at huhulaan ng kapareha kung anong hugis o titik ang ipinapakita. Hindi maaaring umalis sa istasyon hanggat hindi ito nahuhulaan. Ang pinakamaiksing oras na matapos, ay siyang panalo!
[chart: flow diagram; station route for “Hulaan Mo!”]
- Kusina (Unang Istasyon) [illustration: child standing with arms stretched out to the sides]
- Takbo
- Sala (Ikalawang Istasyon) [illustration: child lying on back with legs raised and body curled]
- Takbo
- Malapit sa harapang pintuan ng bahay (Ikatlong Istasyon) [illustration: child seated with knees bent and arms wrapped around legs]
- Takbo
- Kwarto (Ikaapat na Istasyon) [illustration: child upside down with legs raised]
Subukin
Gawain 1. Isagawa nang wasto ang mga sumusunod na pagkilos. (Mainam kung haharap sa salamin habang ginagawa ang mga kilos na ito upang makita mo kung wasto ang hugis ng iyong katawan.)
- Wastong paglakad
- Wastong pagtayo
- Wastong pag-upo
Gawain 2. Isulat sa sagutang papel kung Palagi, Paminsan-minsan or Hinding-hindi pagkatapos gawin ang mga kilos. Maging tapat sa pagsagot.
- Nakatuwid ba ang aking likod?
- Madali ko bang nagawa ang bawat kilos?
- Nakaramdam ba ako ng sakit habang ginagawa at pagkatapos gawin ang mga kilos?
- Ginagawa ko ba ang mga gawaing ito araw-araw?
- Alam ko na ba ang kahalagahan ng pagiging malusog at malakas upang agawa ang mga gawaing ito?
Aralin 3 Mga Kilos ng Katawan
Matapos nating mapag-aralan sa Aralin 1 na ang mga bahagi ng ating katawan ay nakabubuo ng mga hugis (na maaaring hindi naman natin napapansin sa pang-araw-araw na buhay), ang bawat hugis ay nabubuo sa mga kilos ng katawan.
Ang mga kilos ng ating katawan ay maaaring mula sa pinakasimpleng gawain sa bahay, paaralan o komunidad o mga kilos ng katawan na halos hindi na natin napapansin na nagagawa pala natin.
Balikan
Panuto: Pagtambalin ang mga bahagi ng katawan at ang hugis sa bawat bilang. Isulat sa iyong papel ang titik ng tamang sagot.
A. [illustration: circle] B. [illustration: oval] C. [illustration: triangle] D. [illustration: heart] E. [illustration: triangle]
- [illustration: nose]
- [illustration: face of a boy with hair]
- [illustration: open mouth]
- [illustration: tongue]
- [illustration: hand]
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang makalikha at mailarawan ang mga kilos ng katawan ayon sa kung paano ito ginagawa o inilalahad sa isang larawan.
Tuklasin
Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salita sa bilohaba. Maaaring nakasulat nang pahilis, pahalang o pabalik. Lagyan ng tsek (/) kung ang salita ay mahahanap sa puzzle at ekis (x) kung hindi. Isulat sa sagutang papel.
- paglakad 2. pagtakbo 3. pagbasa
- pagluhod 5. pagsulat 6. paghiga
Mga Kilos ng Katawan
| P | E | O | D | S | T | D | U | O |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| A | U | A | T | W | S | A | B | J |
| G | M | R | G | X | P | K | J | R |
| L | G | R | B | I | A | C | V | U |
| U | G | W | L | T | H | D | X | H |
| H | G | W | G | Q | Q | G | C | V |
| O | P | A | G | L | A | K | A | D |
| D | P | G | J | N | D | V | I | P |
| T | A | L | U | S | G | A | P | P |
Suriin
Panuto: Isulat ang mga bahagi ng katawan na ginamit sa mga kilos sa puzzle. Isulat sa sagutang papel.
| KILOS | BAHAGI NG KATAWAN NA GINAMIT | |
|---|---|---|
| 1 | Hal. Paghiga | Likuran ng katawan mula ulo hanggang paa |
| 2 | Paglakad | |
| 3 | Pagluhod | |
| 4 | Pagsulat | |
| 5 | Pagtakbo |
Pagyamanin
Panuto: Maingat na isagawa ang mga gawaing ito. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa talahanayan. Isulat sa sagutang papel.
Umupo sa sahig nang nakaunat ang mga hita nang magkahiwalay (hanggang sa iyong makakayanan). Pagkatapos ay iunat ang mga braso sa magkabilang tagiliran.
Tumayo nang tuwid na magkalapit ang mga paa. Pagkatapos ay ilagay ang iyong mga kamay sa magkabilang beywang.
| Mga Tanong | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| Iisang bahagi lamang ba ng katawan ang ginamit sa bawat gawain? | ||
| Ang mga bahagi ba ng katawan ay maginhawang nakakilos at nakasunod sa takdang kilos? | ||
| Madali bang ulit-ulitin ang mga takdang kilos? |
Isaisip
Ang mga ginagawa ng ating katawan ay hindi lamang mga kilos na sinasadya at itinatakda nating gawin. Mayroon ding mga kilos na kusang ginagawa ng katawan kahit hindi natin isipin at hindi natin napapansin.
Mahalagang lagi tayong maingat sa pagsasagawa ng mga kilos ng ating katawan bilang pag-aalaga sa ating sarili at sa iba.
Ang bawat pagkilos din ay ibinabagay sa lugar na pagsasagawaan ng kilos.
Isagawa
Panuto: Sundin ang mga sumusunod na direksyon. Lumikha ng mga hugis at kilos ng katawan. Iguhit sa sagutang papel ang hugis na iyong mabubuo sa bawat pagkilos.
________1. Tumayo nang tuwid at ibaluktot ang itaas na bahagi ng iyong katawan pababa.
________2. Iunat ang iyong mga braso nang nakatikom ang mga kamay. Pagkatapos ay ilahad ang iyong hinlalaki at hintuturo sa magkabilang kamay. Paglapatin ang parehong hinlalaki at parehong hintuturo.
________3. Tumayo nang tuwid na magkalapit ang mga paa. Pagkatapos ay itaas ang iyong mga braso pataas na medyo nakahilis. Paghiwalayin ang mga paa nang halos may dalawang ruler ang layo. (Hindi mo na kailangang kumuha ng ruler. Tantyahin.)
Tayahin
Panuto: Pangkatin ang mga kilos ng katawan at ang lugar kung saan ito pinakaangkop gawin. Titik lamang ng sagot ang ilagay sa sagutang papel.
A. Paghahabulan B. Paglalaba ng maruruming damit C. Pagliligpit ng higaan D. Pagsulat ng mga itinuro ng guro sa pisara E. Pagtatawanan nang malakas dahil nagkakasayahan F. Pakikinig sa guro G. Panonood ng TV kasama ang pamilya
| Sa Tahanan | Sa Paaralan | Sa Parke at Palaruan |
|---|---|---|
| 1. | 4. | 6. |
| 2. | 5. | 7. |
| 3. |
Karagdagang Gawain
Panuto: Isipin mo na ikaw ay pupunta sa isang bukid na tulad ng nasa larawan. Ano- anong mga kilos ng katawan at mga gawain ang maaari mong gawin sa lugar na ito? Magbigay ng apat na kilos o gawain na maaari mong isagawa rito. Isulat sa sagutang papel.
[illustration: farm scene with a house on stilts, trees, a hammock, pigs, a cow, and a chicken]
| Bilang | Kilos ng Katawan o Gawain |
|---|---|
| 1 | Hal. Umakyat sa puno. |
| 2 | |
| 3 | |
| 4 | |
| 5 | |
Aralin 4: Mga Kilos ng Katawan
Balikan
Panuto: Tukuyin ang kilos na ipinapakita sa larawan. Isulat ang mabubuong salita sa iyong sagutang papel.
- [illustration: child running, beside a row of blank letter boxes]
- [illustration: child lying on the back, beside a row of blank letter boxes]
- [illustration: child riding piggyback, beside a row of blank letter boxes]
- [illustration: girl running, beside a row of blank letter boxes]
- [illustration: girl sitting on a chair, beside two groups of blank letter boxes separated by a dash]
Suriin
Panuto: Tuntunin ng daliri ang daan papunta sa campsite. Mayroong mga istasyon kung saan gagayahin mo ang kilos na makikita sa larawan upang makapunta sa susunod na istasyon.
[illustration: dotted path from the label “SIMULA” through five circular station pictures (a boy running, a swimmer, a girl standing with her hands on her hips, a girl kneeling, and a boy running) to a tent]
Panuto: Ano-ano ang mga kilos na iyong ginawa habang tinutunton ang daan papuntang campsite? Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Pagyamanin
Panuto: Awitin nang may kilos ang kantang “Kung Ikaw ay Masaya.” Gamiting pamalit sa mga bahaging may salungguhit ang mga kilos na naisulat.
KUNG IKAW AY MASAYA
Kung ikaw ay masaya tumawa ka! Ha! Ha! Kung ikaw ay masaya tumawa ka! Ha! Ha! Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya tumawa ka.
[illustration: children sitting around a campfire]
[transcriber’s note: in the printed song, the word “tumawa” is underlined in the first, second, and fourth lines; the underline is not reproduced in Markdown.]
Isaisip
Ang mga kilos o galaw ng katawan ay maaaring maisagawa sa mga gawain sa bahay, paaralan o pamayanan. Ang mga kilos na ito kapag naisagawa nang maayos ay nakapagpapabuti ng ating kalusugang pangkatawan at pangkaisipan.
Isagawa
Panuto: Anong kilos ang maaaring gawin sa pagsasagawa ng bawat sumusunod na gawain? Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Pagsalok ng tubig
A. paghiga B. paglukso C. pagtakbo D. pagyukoPagtatanim
A. paghiga B. pag-ikot C. pagtalon D. pag-upoPagsasampay ng damit
A. paghiga B. pagsipa C. pagsulat D. pagtayo
Tayahin
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Anong kilos ang dapat mong gawin upang makadaan sa mga ito? Maaaring isagawa ang kilos habang nagsasagot sa sagutang papel.
_____1. [illustration: rows of spinning discs or wheels on a ground] _____2. [illustration: a rope or net bridge over a stream] _____3. [illustration: a long flat bed or mat with a tilted frame] _____4. [illustration: a fallen log across a road under a tree] _____5. [illustration: a person crawling under a low tree branch]
A. paggapang B. paglakad C. paglukso D. pagtalon E. pagyuko
Karagdagang Gawain
Panuto: Subukang isulat ang mga titik ng iyong pangalan sa pamamagitan ng pagpapagalaw sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Maaaring humarap sa salamin o magpakuha ng video habang isinasagawa ito.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down; the answers below were read after rotating the page.]
Aralin 1
Subukin
- Tuwid
- Malapad
- Baluktot
- Nakaunat
- Nakapilipit
Balikan
- balikat
- siko
- baywang
- tuhod
- paa
Suriin
- E
- A
- F
- D
- B
- C
Pagyamanin
- A
- B
- E
- D
- C
Isagawa
- [illustration: triangle outline]
- [illustration: pair of angle brackets, “<” and “>”]
- [illustration: zigzag line]
Tayahin
- Y
- X
- C
- B
- F
Karagdagang Gawain
depende sa sagot ng bata
Aralin 2
Balikan
- E
- C
- A
- B
- D
Pagyamanin
depende sa sagot ng bata
Isagawa
depende sa sagot ng bata
Tayahin
I T B
Aralin 3
Subukin
depende sa sagot ng bata
Balikan
- C OR E
- D
- A
- B
- C OR E
Tuklasin
- /
- /
- x
- /
- /
- /
Suriin
Maaaring kahalintulad ng mga ito:
- paa, binti, hita
- tuhod, binti
- kamay, braso, daliri
- paa, binti, tuhod
Pagyamanin
depende sa sagot ng bata
Isagawa
- [illustration: stick figure of a person bending forward]
- [illustration: stick figure of a person kneeling]
- [illustration: stick figure of a person with arms raised]
Tayahin
Sa Tahanan
- B
- C
- G
Sa Paaralan 4. D 5. F
Sa Parke at Palaruan 6. A 7. E
Aralin 4
Balikan
- Pagtakbo
- Paghiga
- Pagtalon
- Paglakad
- Pag-upo
[transcriber’s note: the fifth item is partly printed in the margin of the rotated key and was read from it.]
Pagyamanin
(Kahit ilan sa mga ito) Yuko, langoy, sipa, luhod, talon
Isagawa
- D
- D
- D
Tayahin
- D at C
- B
- A
- D at C
- E
Sanggunian
Music, Art, Physical Education And Health 2 – Patnubay Ng Guro. 1st ed. Reprint, Department of Education, 2013.
Music, Art, Physical Education And Health 2 – Kagamitan ng Magaaral. 1st ed. Reprint, Department of Education, 2013.
K to 12 Curriculum Guide – Physical Education. Reprint, Department of Education, 2016.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply