Grade 10 Filipino Modyul: El Filibusterismo

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Mga giliw na mag-aaral, tunay nga na sa pagpapatuloy mo ng pag-aaral at pagbabasa sa modyul na ito ay maipagmamalaki mong may kabataang nagmamalasakit sa bayan, gaya ng ginawa ni Isagani bilang isang mag-aaral.

Alam mo bang sa mata ng ating Diyos lahat tayo ay pantay-pantay, walang mayaman o mahirap, walang mahina o malakas. Kaya naman, walang karapatan ang isang tao na maliitin o husgahan ang kahit sino sa atin maging may kapansanan o nasa mababang uri ng pamumuhay. Dapat din isaalang-alang at maging sensitibo sa ating mga nararamdaman. Mas maganda at maigi na magsabi ng mga papuri sa kapwa kaysa manghusga.

Ang panlilibak sa kapwa ay hindi magandang gawain sapagkat nagdudulot ito ng pagkapahiya sa isang tao at kawalang ng tiwala sa sarili. Totoo man o hindi ang pinaparatang sa kanya ay nagkakaroon pa rin ng malaking epekto sa kanyang pagkatao.

Halika‟t alamin at tunghayan ang mga pangungutya na ginawa ni Simoun kina Isagani at Basilio.

Pinakalayunin ng modyul na ito na suriin ang tauhan na may kaugnayan sa mga hilig/ interes/ kawilihan/ kagalakan/ kasiglahan/ pagkainip/ pagkayamot/pagkatakot; Pagkapoot/ pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa.

Kaya ihanda ang iyong sarili sapagkat panibagong aralin ang ating tatalakayin at titiyaking maraming matututuhan sa modyul na ito.

Inaasahang maging mahusay ka sa pagsagot ng katanungang nakapaloob sa modyul.

Sa araling ito malilinang mo ang Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto na:

a) Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa mga hilig/ interes/ kawilihan/ kagalakan/ kasiglahan/ pagkainip/ pakayamot; pakatakot/ pagkapoot; pagkagiliw/ paglilibang at iba pa.

Grade 10 Filipino Ikaapat na Markahan Modyul: El Filibusterismo

FIL10-Q4-MOD5

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment