Grade 10 Filipino Modyul: Anekdota mula sa Persia/Iran (Panitikan ng Africa at Persia)

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Masiglang araw sa iyo aking mag-aaral. Natutuwa ako at matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa unang aralin ng markahang ito.

Ang Modyul 2 ay tumatalakay sa isang anekdota patungkol sa karanasan ni Mullah na nagmula sa Persia (Iran), kung paano naging tanyag ang kaniyang mga kuwento at kung paano ito naging mahalaga sa mga tao lalo na sa mga Iranian. Ang kaniyang mga kuwento ay binubuo ng isa sa mga hindi pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang bahagi ng pilosopiya na nauukol sa pag-unawa sa buhay at karunungan.

Mapag-aaralan mo rito ang kultura ng bansang Persia na kasalukuyan ay tinatawag na Iran. Ito ay isa sa pinakaluma at pinakatanyag na bansa na may mayamang kultura pagdating sa Gitnang Silangan o Middle East. Ito ang may pinakamayamang pamanang sining sa kasaysayan ng mundo at sumasaklaw sa maraming disiplina katulad ng arkitektura, pagpipinta, habi, kaligrapiya at iba pang kontemporaryong sining.

Bilang pangwakas na gawain, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang orihinal na komik- istrip ng anekdota at maitatanghal ito sa pamamagitan ng isang monologo na nakabatay sa pamantayan. Inaasahang masasagot mo nang may pangunawa ang pangunahing tanong na:

Paano naiiba ang anekdota sa iba pang akdang pampanitikan? At makapagmumungkahi at makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag-iiwan ng kakintalan o aral sa mga mambabasa.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto

1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat sa napakinggang anekdota.

2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa.

3. Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.

4. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota.

5. Nakapagisusulat ang isang orihinal na komiks istrip ng anekdota.

6. Nakapagibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube.

Grade 10 Filipino Ikatlong Markahan Modyul: Anekdota mula sa Persia/Iran (Panitikan ng Africa at Persia)

FIL10-Q3-MODYUL2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment