Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Ang pagpapahalaga sa buhay ay tumutukoy sa halagang ipinakikita sa mismong buhay at sa pinagmumulan nito. Nararapat lang na maramdaman ng bawat isa na ito ay isang sagradong regalo kung kaya nasisiyahan siyang gamitin, ipagpasalamat at pakinabangan ito.
Bawat tao ay sumasangayon sa paniniwalang, tayong lahat ay nabubuhay na may pananagutan sa isa’t-isa. Biniyayaan tayo ng buhay na may mga kakayahan upang magampanan natin ang misyon at maipadama ang pagmamahal sa kapwa at sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang at paggamit ng ating talino at kakayahan para sa ikabubuti natin, ng ating pamilya, lipunan at ng mundo.
Sa pamamagitan nito, mahuhubog tayo sa ating lubos na pagkatao, matutupad natin ang layunin o misyon na siyang dahilan kung bakit tayo ay binigyan ng pagkakataong mabuhay. Dahil dito dapat nating pangalagaan at igalang ang buhay ng bawat tao mula sa sinapupunan hanggang sa natural na kamatayan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang ilan lamang sa mga gawaing maituturing na paglabag sa paggalang sa buhay. Mga paglabag na maaring iwasan sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsunod sa mga kautusan.
Inaasahang pagkatapos mong magawa ang mga gawain sa modyul na ito, maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
10.3) Napangangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay.
b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos.
10.4) Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
Hello, can I download the module in ESP 10. It will a big help.
Thanks in advance