Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal Quarter 1 Week 6: Menu ng Pagkain

This is a self-learning module for Senior High School learners taking Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal (Filipino for the technical-vocational track). It is the Alternative Delivery Mode (ADM) module for Unang Markahan, Ikaanim na Linggo (Quarter 1, Week 6), on “Menu ng Pagkain” (the food menu). Learners study the menu as a piece of technical-vocational writing, then plan, write, and design their own creative menu that features food from their own community.

What learners will learn

The module’s main competency is to write a technical piece using careful, correct, and appropriate language, in this case a food menu (CS_FTV11/12WG-0m-o95). By the end of the module, learners should be able to:

  • Identify the characteristics of a food menu (natutukoy ang mga katangian ng menu ng pagkain)
  • List the steps in making a food menu
  • Create a creative food menu
  • Take pride in the food their place is known for
  • Reflect on the lesson by building a meaningful project

What is a food menu?

The module defines the menu as a technical-vocational piece of writing. It is the most important tool of an eatery, restaurant, or fast-food place, and the main source of information that describes what it serves.

Four characteristics of a good menu

  1. Nakaayos ang uri ng pagkain (food is grouped by type): soups, pork or beef dishes, fish, seafood, rice, appetizers, desserts, drinks, and so on.
  2. Mayroong nakalagay na presyo (prices are shown), so customers easily see what each dish costs.
  3. Mayroong paglalarawan (dishes are described), which gives diners a better idea of the food.
  4. Gumagamit ng mga larawan (pictures are used), so customers can see what the food looks like.

Four steps in making a menu

StepWhat happens
1. Pagpaplano (planning)Decide what goes on the menu, the order of food and drinks, how to group dishes, which items to mark “best seller” or “house specialty,” and the price of each.
2. Pagsulat at lay-out (writing and layout)Write short descriptions, decide on pictures and captions, plan the number of pages and a balanced, symmetrical layout, and choose colors and design.
3. Rebisyon (revision)Make a mock-up and check font size and font face, wordiness, clarity of images, and spelling.
4. Reproduksiyon (reproduction)When no more changes are needed, publish the final version.

What to consider when planning

  • Masustansiya (nutritious): food should support the health of diners.
  • Matipid at abot kaya (economical and affordable): prices should fit the customers being served.
  • Kakayahang pamamahala (management ability): time and skill in preparing food.
  • Panlabas na anyo (appearance): color, texture, shape, taste, and look.
  • Differences in food customs, such as religion, diet, or health needs.
  • Keeping food fresh and available, so dishes are not just reheated and listed items can always be served.
  • Enough kitchen equipment to keep the look and quality of the food.

Do’s and don’ts in writing a menu

  • Use fitting, simple, and direct words to describe each dish.
  • Let the picture and description show the dish’s personality.
  • Build a theme that gives the eatery its identity.
  • Do not use words that promote artificial ingredients.
  • Do not use connecting words (pang-ugnay) in the details.
  • Do not print a menu with typographical errors or misspelled names.

The module shows a sample menu, “Kainan sa Baryo,” with dishes grouped under Baboy, Manok, Lamang Dagat, Gulay, Pampagana, Merienda, and Inumin, each with a short, lively description and a price, such as Kare-kare described as meat softened in a clay pot with homemade peanut butter.

Activities in this module

  • Subukin: a 15-item pretest (multiple choice and true or false).
  • Balikan: a review table comparing earlier technical writings: product description, warnings and notices, and narrative report.
  • Tuklasin: “Hularawan,” a picture-word puzzle.
  • Pagyamanin: Gawain 1 (diagram of the four steps), Gawain 2 (six essay questions), and Gawain 3 (analyzing the “Hapag ng Pinoy” menu using the four steps).
  • Isaisip: a crossword puzzle on key terms.
  • Isagawa: create your own named menu of local dishes, with a written account of each step, scored out of 50 for content, language use, creativity, presentation, and originality.
  • Tayahin: a 15-item final test.
  • Karagdagang Gawain: analyze a menu from a magazine or newspaper by theme, layout, details, and overall impression.

How to use this module

For learners: Answer the Subukin pretest first; if you get every item right, you may skip ahead. Work through the parts in order, read each instruction carefully, and write your answers on separate paper instead of on the module. Check your answers honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and return the module to your teacher when you finish.

For parents: The Isagawa task asks learners to choose food found in your area, and the module invites them to ask parents or knowledgeable people about it. You can also help by finding a magazine or newspaper with a menu for the final project.

For teachers: The module asks facilitators to orient learners on its use, monitor and record their progress, and encourage them during the activities. Rubrics for the essay and project tasks are included in the module.

Frequently asked questions

Which grade and quarter is this module for?

It is a Senior High School module for Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal. The module itself prints Unang Markahan, Ikaanim na Linggo (Quarter 1, Week 6), and its competency code covers Grades 11 and 12.

What are the four characteristics of a food menu?

Food is grouped by type, prices are shown, dishes are described, and pictures are used.

What are the steps in making a menu?

Planning (pagpaplano), writing and layout (pagsulat at lay-out), revision (rebisyon), and reproduction (reproduksiyon), which means publishing the final version.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers to the Subukin pretest, Tuklasin puzzle, Isaisip crossword, and Tayahin final test.

What project do learners submit?

In Isagawa, learners create their own creative, named menu of local dishes and describe each of the four steps on separate paper. It is scored out of 50 points.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Senior High School

Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal

[illustration: colorful icons of an open book with gear and wrench, a handshake over a peso document, a newspaper and layout pages, a magnifying glass, a pencil, and a keyboard with two hands typing]

Filipino sa Piling Larang- Teknikal-Bokasyunal Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Ikaanim na Linggo: Menu ng Pagkain Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Filipino sa Piling Larang: Teknikal Bokasyunal

Manunulat: Evangeline P. Oliver Editor: Tommy R. Rico Tagasuri: Sheila C. Molina, Allan G. Salom, Amaflor C. Alde Tagaguhit: Ferdinand B. Jara Tagalapat: Jovanni L. Cornelia Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, PhD Jennifer F. Vivas, PhD Dennis M. Mendoza Jocelyn M. Alinab, PhD Tommy R. Rico

Inilimbag sa Pilipinas ng SDO-Caloocan Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR)

Office Address: Misamis St., Bgao Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph

Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal Unang Markahan – Ikaanim na Linggo Menu ng Pagkain

Ang kagamitang pampagtuturo na ito ay kolaboratibong binuo at sinuri ng mga lupon ng mga edukador sa pampublikong paaralan. Hinihikayat na ang mga guro mag-aaral, at mga magulang na magbigay ng puna at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Lubos po naming pahahalagahan ang inyong puna at rekomendasyon.

Senior High School

Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal

Unang Markahan – Ikaanim na Linggo Menu ng Pagkain

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang: Teknikal-Bokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Menu ng Pagkain.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang: Teknikal- Bokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Menu ng Pagkain.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin — Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin — Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan — Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin — Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin — Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin — Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip — Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa — Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin — Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain — Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto — Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian — Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

  1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
  2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
  3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
  4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
  5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
  6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.

Ang modyul ay may isang aralin:

Aralin 6- Menu ng Pagkain

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika-Menu ng Pagkain (CS_FTV11/12WG-0m-o95)

  1. Natutukoy ang mga katangian ng menu ng pagkain;
  2. Naiisa-isa ang hakbang sa pagbuo ng isang menu ng pagkain;
  3. Nakalilikha ng isang malikhain menu ng pagkain;
  4. Naipagmamalaki ang pagkaing kilala sa kanilang lugar; at
  5. Nakapagninilay sa napag-aralan sa pamamagitan ng pagbuo ng makabuluhang proyekto

Subukin

Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ano ang tawag sa sulating teknikal na pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon sa isang kainan?

  • A. Leaflets
  • C. Manwal
  • B. Liham Pangnegosyo
  • D. Menu ng Pagkain

_____2. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa pagpaplano ng menu?

  • A. pagkaing ihahanda
  • C. pag-eendorso
  • B. larawang ilalagay
  • D. presyo ng pagkain

_____3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi kasama sa dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu?

  • A. Masasarap ang piliin natin dagdagan na lang ang presyo.
  • B. Mas magandang makita ng mamimili na ang presyo ay abot kaya.
  • C. Hindi ako gagamit ng sangkap na makasasama sa kalusugan ng kakain.
  • D. Maglalagay ng putaheng angkop sa mga kakain, isinasaalang-alang ang relihiyon at kanilang diyeta.

_____4. Ano ang patnubay sa pagsasagawa ng menu ang ipinapakita ng sitwasyon, “Mas mainam na maisa-isa ko ang mga nakalagay na mga salita upang maiwasan ang maling baybay sa mga detalye nito.”

  • A. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.
  • B. Ipakita ang personalidad ng pangkaing ilalarawan.
  • C. Iwasan ang paggamit ng salitang pang-ugnay.
  • D. Iwasan ang tipograpikal na pagkakamali.

_____5. Ano ang isinasaalang-alang sa sitwasyong ito, “Mahigpit ang may-ari ng kainan sa pagtanggap ng tagaluto dahil sinisiguro niyang may kaalaman ito pagdating sa pagluluto?”

  • A. matipid
  • C. panlabas na anyo
  • B. masustansiya
  • D. kakayahan sa Pamamahala

Para sa bilang 6-7, tukuyin ang katangian ng menu na ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.

_____6. Ang menu ng pagkain ng Kainan ni Manay ay nakahahalina dahil sa kinakikitaan ng kaaya-ayang paglalarawan sa pagkaing kanilang hinahain.

  • A. mayroong paglalarawan
  • C. gumagamit ng mga larawan
  • B. nakaayos ang uri ng pagkain
  • D. mayroong nakalagay na presyo

_____7. Napakaginhawa para sa tumatangkilik ng “Aling Loring’s Restaurant” na pumili ng makakain dahil makikita sa menu ang pagkakaayos ng pagkain batay sa uri.

  • A. nakaayos ang uri ng pagkain
  • C. mayroong paglalarawan
  • B. mayroong nakalagay na presyo
  • D. gumagamit ng mga larawan

Para sa bilang 8-10, tukuyin ang hakbang sa pagbuo ng menu na ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.

____8. Napakainam kung lalagyan ko ng mga larawan ang bawat putahe upang makita ang hitsura at porma nito. A. pagpaplano ng lalamanin C. reproduksyon B. pagsulat at lay-out D. rebisyon

____9. Minabuti ni Loida na isaalang-alang ang katipiran, sustansiya at kagamitang gagamitin bago isagawa ang menu ng kaniyang kainan. A. pagpaplano ng lalamanin C. reproduksiyon B. pagsulat at lay-out D. rebisyon

____10. Handa na ang lahat ng gagamitin at kakailanganin sa pinatayong restawran ni Mang Kaloy, at ipapalathala na niya ang menu batay sa huling pagbabagong nakita upang makahikayat ng maraming tagatangkilik. A. pagpaplano ng lalamanin C. reproduksyon B. pagsulat at lay-out D. rebisyon

Tukuyin at isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.

____11. Mas nakatutulong ang isang menu kung nakaayos ang pagkain batay sa uri nito.

____12. Ang mga kainan katulad ng fastfood at I ay hindi nangangailangan ng menu sapagkat makadadagdag lamang ito ng kalituhan sa tumatangkilik.

____13. Gawing makulay at salain ang larawan upang madaya ang mga tagatangkilik ng kainan.

____14. Ang tema ay hindi kailangan sapagkat bilang isang negosyante ikaw ang nakakaalam ng takbo ng iyong negosyo.

____15. Makukuha mo ang tiwala ng iyong mga tagatangkilik kung sa menu pa lamang ay naiwasan na ang tipograpikal kung saan makikita ang personalidad ng pagkain.

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat at pagbuo ng menu ng pagkain bilang isang teknikal-bokasyunal na sulatin. Malalaman mo rin ang wastong pamamaraan at pagsasagawa nito. Dahil likas sa mga Pilipino ang pagiging mahilig sa pagkain, kung saan kaliwa’t kanan ang pagdiriwang na nagaganap sa isang kainan, restawran o fastfood. Bagamat sa panahon ng pandemya ito ay nalimitahan. Gayunpaman, sa mga tahanan makikita ang pagsubok sa pagluluto ng iba’t ibang putahe ng pagkain. Ano nga ba ang kahalagahan ng isang menu? Bakit mahalaga ang wastong pagbuo ng isang nito? Ito ba ay isang sulating makatutulong sa aking paglago sa napili kong kursong bokasyunal?

Balikan

Ibigay ang hinihingi ng talahanayan tungkol sa mga ilang sulating teknikal sa nakaraang mga aralin.

KategoryaDeskripsyon ng ProduktoBabala, Paunawa at AnunsiyoNaratibong ulat
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo

Aralin 5 Menu ng Pagkain

Tuklasin

Hularawan: Hulaan ang mga larawan at pagdugtungin ang mga pangalan ng mga ito upang makabuo ng isang salita. Bigyan ng paglalarawan ang bawat nabuong salita.

Ang salitang gagamitin sa larawan ay maaaring salitang Ingles upang mabuo ang salita.

KategoryaNakamit ang inaasahan (5)Bahagyang nakamit ang inaasahan (3)Hindi nakamit ang inaasahan (2)
NilalamanNaglalaman ng makabuluhan pagpapaliwanagMay mga paliwanag na hindi kailangan sa kategoryaMalayong-malayo ang mga paliwanag sa kategorya
KaangkupanAngkop ang mga paglalarawang ibinigayMay mga 1-2 ang hindi angkop sa araling tinalakayHindi angkop ang mga ibinigay batay sa hinihingi
KakumpletuhanNapunan lahat ng hinihingi sa talahanayanMay 2-3 na kulangIsa lang ang naibigay sa bawat kategorya
  1. [illustration: a person holding a mobile phone while seated at a steering wheel] + 2 + RA
    Sagot =_____________________


  2. [illustration: a group of people standing in a row] + [illustration: a speech bubble reading “you.”]
    Sagot =_____________________


  3. 4 + [illustration: a person wearing a cap, seen in profile]
    Sagot =_____________________


  4. RE + [illustration: a pair of eyes looking through a magnifying glass]
    Sagot =_____________________


  5. [illustration: a running person] + [photo: a plate of cooked food]
    Sagot =_____________________


Suriin

Mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral na tulad mo na kabilang sa kursong teknikal-bokasyunal ang kahalagahan ng menu ng pagkain at nilalaman nito. Makabubuo ka ng sarili mong menu ng pagkain sa pamamagitan ng pag-alam ng kahalagahan, katangian, hakbang, at mga patnubay sa pagbuo nito.

Pagsulat ng Menu ng Pagkain

Ang Menu ay itinuturing na isang sulating teknikal-bokasyunal. Ito ay pinakamahalagang kagamitan at ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon at naglalarawan sa isang kainan, restawran o fast food.

Katangian ng Menu ng Pagkain
  1. Nakaayos ang uri ng pagkain – kinakailangang ang pagkaing ilalagay sa menu ay nakapangkat batay sa uri ng pagkain: pagkaing may sabaw, pagkaing gawa sa karne ng baboy o baka, isda, pagkaing laman-dagat, kanin, pampagana, panghimagas, inumin at iba pa.
  2. Mayroong nakalagay na presyo – inilalagay ito upang maging mas madali para sa parokyano na makita ang halaga ng pagkain na kanilang gustong kainin.
  3. Mayroong paglalarawan – higit na magkakaroon ng ideya ang kakain kung ito ay mayroong paglalarawan.
  4. Gumagamit ng mga larawan -patok sa mga mamimili ang pagkakaroon ng larawan upang makita nila ang hitsura ng pagkaing nakalahad sa menu.

Makikita natin ang iba’t ibang menu sa magkakaibang kainan kaya’t kung minsan ay nagpapagandahan ang mga ito upang makahikayat ng taong kakain. Ang mga ito ay dumaan sa matinding proseso bago pa man natin ito makita dahil may mga hakbang na dapat sundin upang makabuo ng makabuluhang menu ng pagkain.

Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng isang epektibong menu.

Una, iplano ang sumusunod na bahagi:

  • ❖ Ano kaya ang lalamanin ng menu?
  • ❖ Ano ang pagkakasunod-sunod ng pagkain at inumin?
  • ❖ Paano ang paggrupo ng mga pagkain?
  • ❖ May palatandaan ba sa mga pagkain na “best seller” o kaya’y “house specialty?”
  • ❖ Magkano ang halaga ng bawat pagkain?

Pagkatapos mong planuhin at bigyang kasagutan ang mga pangungusap sa itaas, ngayon iisa-isahin mo naman ang mga kailangang isaalang-alang sa pagpaplano ng menung bubuoin.

Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu
  • ✓ Masustansiya, ang mga pagkain na ihahanda ay dapat may layunin makapagpabuti ng kalusugan ng mga taong kakain.


  • ✓ Matipid at abot kaya, ang mga pagkain ay hindi hihigit sa presyong hindi kaya ng mga taong layuning pagsilbihan.


  • ✓ Kakayahang Pamamahala, ang oras at kakayahan sa paghahanda ay kailangan isama sa pagpaplano


  • ✓ Panlabas na anyo, dito kailangang suriin ang sumusunod:

    • a. Kulay
    • b. Tekstura
    • c. Porma
    • d. Lasa
    • e. Hitsura
  • ✓ Pagkakaiba sa kaugalian pagdating sa pagkain, may iba’t ibang uri ng tao kung saan may mga pagkaing kanilang tinatangkilik, maaaring ito ay dahil sa kanilang relihiyon o ang kanilang diyeta o pangkalusugang pangangailangan.


  • ✓ Kakayahan sa pagpapanatili, pagkakaroon at kalidad ng pagkaing ihahain, napakahalaga sa isang kainan na kayang panatilihing palaging bago ang pagkain o iwasan ang initin lamang ang mga ito kinabukasan nang sa gayon ay di magbago ang hitsura, tekstura at lasa nito. Mainam din ang paglalagay ng pagkain sa menu na laging kayang ihanda upang maiwasan ang pagkadismaya ng mga tagatangkilik.


  • ✓ Pagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkain, sa paghahanda ng pagkain mahalagang mayroong sapat na kagamitan upang hindi naisasaalang-alang ang hitsura, porma at kalidad ng pagkaing ihahain sa hapag at maging kaiga-igaya sa harap ng kakain.


Pangalawa, Pagsusulat at layout, sa bahaging ito inilalarawan ang bawat pagkain.

Mahalagang maging maikli ang paglalarawan upang hindi mawala ang atensiyon ng mamimili sa pagkain.

  • a. Ano-anong pagkain ang bibigyan ng maikling deskripsiyon?
  • b. Lalagyan ba ng larawan o hindi?
  • c. Ang bawat larawan ba ay may caption? Gawing malaking letra ang lahat ng salita maliban sa artikulo at pang-ukol.
  • d. Ilang pahina ang menu? Planuhin ang espasyo at ayos ng bawat aytem sa menu na dapat ay simetriko o pantay-pantay, mas magandang maglaan ng sobrang espasyo dahil minsan itong sobrang espasyo ay natatanggal kapag ito ay iimprenta na.
  • e. Anong kulay at disenyo ang nababagay sa pagkain?

Pangatlo, Rebisyon

Matapos ang pagkakaroon ng inisyal na pagtaya sa menu, gumawa ng mock-up ng menu. Tukuyin ang ilang maaaring baguhin sa disenyo:

  • a. Naaayon na ba ang font size at font face para sa menu?
  • b. Hindi ba masyadong marami ang salita?
  • c. Malinaw ba ang mga imahen?
  • d. May mga mali bang pagbaybay?

Pang-apat, Reproduksiyon

Matapos matiyak na wala ng pagbabago, ilathala na ang huling bersiyon ng menu. Maliban sa mga panutong nabanggit, mahalaga rin na malaman ang ilang batayan sa isang magandang menu. Ang mga ito ay:

  • a. Malinaw ba ang menu? Hindi ba ito magulo at maraming teksto’t larawan?


  • b. May kaagapay bang larawan ang ilan sa mga pagkain?


  • c. May maikling deskripsiyon ba ang bawat pagkain?


  • d. May marka ba ang mga pagkaing “best seller” at “house specialty”?


  • e. Kaaya-aya ba ang menu? Mahihikayat ka bang umorder ng pagkain?


Mga Patnubay sa Pagsulat ng Menu
  • ☺ Gumamit ng mga angkop na salita, payak at tuwiran sa paglalarawan ng detalye ng pagkain.
  • ☺ Sa larawan at paglalarawang ilalagay makikita ang personalidad ng isang putaheng ihahain.
  • ☺ Bumuo ng isang tema na magsisilbing pagkakakilanlan sa kainan.
  • ☹ Huwag gumamit ng mga salitang nanghihikayat sa artipisyal na sangkap.
  • ☹ Huwag gagamit ng mga pang-ugnay na salita sa pabibigay detalye.
  • ☹ Huwag hayaang maimprenta na makikitaan ng tipograpikal o maling baybay ng pangalan o salita.

Ilustrasyon ni Ferdinand B. Jara

Halimbawa ng Menu ng Pagkain:

[illustration: sample restaurant menu titled “Kainan sa Baryo” with food photos beside each item; transcribed text follows]

Kainan sa Baryo

Baboy

  • KARE-KARE – Pinalambot na karne sa palayok at pinasarap ng gawang bahay na peanut butter at iba pang orihinal na sangkap! – ₱50
  • SINIGANG – Pinaasim ng orihinal na sampalok at pinalambot na karne kasama ng mga sariwang gulay! – ₱50
  • DINUGUIAN – Pinaghalong sariwang dugo, puso, atay at anghang ng sili! – ₱50

Manok

  • PRITO – Malutong na balat at malinamnam ang laman! – ₱30
  • TINOLA – Sa linamnam ng laman mapapatilaok ka talaga! – ₱40

Lamang Dagat

  • SINIGANG SA MISO – Malinamnam na sabaw na pinaghalong asim at alat ng bawat sangkap! – ₱50
  • SINIGANG NA HIPON – Hipon on its finest! – ₱80
  • PAKSIW NA BANGUS – Kilig ang hatid ng asim at linamnam! – ₱50

Gulay

  • PAKBET – Gawa sa pinaghalong sariwang gulay at pinasarap ng orihinal na bagong isda! – ₱35
  • LAING – Dahon ng gabi sa sariwang gata na pinasarap ng siling pula, ala hitong hikalaon! [?] – ₱25
  • GINATAANG PUSO NG SAGING – Puso ng saging na pinasarap ng bagong gatang niyog! – ₱25

Pampagana (per piraso)

  • DYNAMITE – Sumasabog ang sarap! – ₱20
  • LUMPIANG SHANGHAI – Hinusog ng giniling na baboy at malutong na balat! – ₱20
  • LUMPIANG TOGUE – Malutong, malinamnam, masustansiya at kagana-gana! – ₱15

Merienda

  • GINATAANG BILO-BILO – Pinaghalong sarap ng gata, malagkit at iba pang sangkap! – ₱30
  • GINATAANG MAIS – Pinalapot gamit ang matamis na mais at sariwang gata! – ₱30

Inumin

  • Sariwa at masustansiya!
  • AVOCADO, MANGGO – ₱25
  • ORANGE, BUKO – ₱20
Pagyamanin
Gawain 1 Paglalarawan sa Tinalakay

Punan ang dayagram sa pamamagitan ng pagsulat na maaaring isagawa sa bawat hakbang sa pagbuo ng menu ng pagkain.

[chart: diagram; Gawain 1 Paglalarawan sa Tinalakay (blank web diagram)]

  • Center: MENU NG PAGKAIN
  • UNANG HAKBANG: a. ____ b. ____
  • IKALAWANG HAKBANG: a. ____ b. ____
  • IKATLONG HAKBANG: a. ____ b. ____
  • IKAAPAT NA HAKBANG: a. ____ b. ____

transcriber’s note: the lower part of the IKATLONG HAKBANG box is cut off in the image, so the “b.” line is partly visible.

Pamatayan sa Pagmamarka (10) ang pinakamataas na puntos

PamantayanPuntos
Nilalaman1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
Kakumpletuhan1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
Pagpapaliwanag1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
Kabuoan
Gawain 2 Pagsagot ng mga tanong

Sagutin nang mabuti ang mga tanong:

  1. Ano ang menu ng pagkain bilang isang sulating teknikal-bokasyunal?


  1. Bakit mahalaga ang menu ng pagkain sa isang restawran o kainan? Ipaliwanag.


  1. Ano ang layunin ng isang menu ng pagkain bilang isang sulating teknikal-bokasyunal? Ipaliwanag.


  1. Bakit mahalaga ang bawat hakbang sa pagbuo ng makabuluhang menu na isinasaalang-alang ang mga input na isinulat mo sa dayagram sa itaas? Isa-isahin ang pagpapaliwanag sa bawat hakbang.


  1. Bakit mahalagang may tema ang gagawing menu ng pagkain? Pangatwiranan.


  1. Paano nagiging adbentahe ang paggamit ng angkop, payak at tiyak na salita o wika sa pagbuo ng menu? Pangatwiranan.


Batayan ng Pagmamarka:
KategoryaNakamit ang inaasahan (5)Bahagyang nakamit ang inaasahan (3)Hindi nakamit ang inaasahan (1)
PagpapaliwanagMaayos na naipaliwanag ang bawat sagot.May konting kalituhan sa pagpapaliwanag sa sagot.Hindi maaayos ang pagpapaliwanag.
KaangkupanAngkop ang mga paliwanag at salitang ginamit.May-ilang salita ang hindi akma sa tanong.Hindi angkop ang salita sa paglalahad ng sagot.
KakumpletuhanKumpletong nailahad ang sagot sa bawat katanungan.May ilang hiningi sa tanong ang hindi nasagot.Maikli at hindi kumpleto ang kasagutang ibinigay.
Gawain 3 Pagsusuri ng Menu ng Pagkain

Sa talahanayan, isulat ang mga pagsusuri mo sa ibinigay na menu ng pagkain batay sa napag-aralang hakbang sa pagbuo ng Menu ng Pagkain! Ipaliwanag ang iyong sagot.

[illustration: menu board titled “Hapag ng Pinoy” with food photographs around the menu items]

Ilustrasyon ni Ferdinand B. Jara

KategoryaPagkainPresyo
GulayGinataang GulayPhp 50.00
GulayPakbetPhp 50.00
GulayChopsueyPhp 50.00
GulayTortang TalongPhp 30.00
MeryendaSpaghettiPhp 30.00
MeryendaPancit CantonPhp 30.00
MeryendaLugaw with lamanPhp 30.00
MeryendaLomiPhp 30.00
MeryendaSopasPhp 30.00
PampaganaLecheflanPhp 50.00
PampaganaMais Con YeloPhp 30.00
PampaganaSpecial TuronPhp 30.00
BaboySinigangPhp 185.00
BaboyNilagaPhp 150.00
BaboyLechon KawaliPhp 190.00
BaboyKare-karePhp 250.00
BaboySisigPhp 150.00
ManokPritong ChickenPhp 130.00
ManokTinolaPhp 150.00
ManokChicken CurryPhp 190.00
Lamang DagatButtered ShrimpPhp 250.00
Lamang DagatInihaw na PusitPhp 300.00
Plain RicePhp 12.00
Garlic RicePhp 15.00
Pagplano (Una)Paglalapat at lay-out (Pangalawa)Rebisyon (Pangatlo)Reproduksiyon (Pang-apat)
Batayan sa Pagmamarka
KategoryaNapakahusay (5)Mahusay (3)Katamtamang husay (1)
Nilalaman
Kasapatan ng impormasyon
Kakumpletuhan
Kabuoan
Isaisip

Sagutan ang palaisipan sa pamamagitan ng pagpunan ng mga kulang na salita sa pangungusap sa ibaba.

[chart: crossword puzzle grid; Isaisip. Grid numbers 1 to 8 are printed in the squares.]

PAHALANG

  1. Tinitiyak na wala ng pagbabago at ilalathala na ang huling bersyon na tinatawag ding _____.


  2. Dapat ang mga pagkain na nakalagay sa binubuong menu ay _____ upang makahikayat sa mga mamimili.


  3. Isaalang-alang din ang sangkap ng pagkain na dapat ay _____ at makatutulong sa kalusugan ng mga kakain.


  4. Nagkakaroon ng mock up na rebyu upang matukoy ang mga pagkakamaling kailangan ng pagbabago na kabilang sa hakbang na _____.


  5. Ang kapinuhan o pagkakahabi ng detalye ng mga pagkaing nasa menu o ang _____.


PABABA:

  1. Ang menu ng pagkain ay pinakamahalagang kailangan ng isang _____ upang mapaunawa sa tagatangkilik ang kanilang paninda.
  2. Sa unang hakbang kailangan ng konkretong _____ upang masiguro ang kaaayusan ng menung bubuoin.
  3. Ito ay nagbibigay ng impormasyon at naglalarawan ng detalye ng pagkain sa isang kainan na tinatawag na _____.
  4. Sa menung bubuoin kailangan natin maisaalang-alang ang _____ kung ano ang nakalarawan sa menu para sa patuloy na pagtangkilik ng mamimili.
  5. Napakahalaga ng panlabas na anyong _____ dahil isa ito sa magdadala ng panghihikayat sa mga kakain na maipapakita sa mga larawang nakalagay sa menu.
Isagawa

Ipakita ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsunod sa direksyong ibinigay.

A. Gumawa ng malikhaing menu ng pagkain. Sa pagbuo ng sariling menu ng pagkain gumamit ng angkop na salita o wika na maglalarawan sa isinagawang menu. Isaisip ang patnubay sa pagbuo ng menu. B. Mag-isip ng isang kaakit-akit at angkop na pangalan ng gagawing menu. C. Isaalang-alang sa pagpili ang mga pagkaing matatagpuan sa inyong lugar, maaari kang magtanong sa mga magulang o mga taong may kaalaman tungkol dito. D. Sundin ang mga hakbang sa pagbuo ng menu sa pamamagitan ng pagsasagawa ng naratibong pagsasalaysay sa hiwalay na papel. E. Sa pagbuo ng menu maaaring kang gumuhit, gumupit o magimprenta ng mga larawan na angkop sa napili mo. Huwag kalimutang kilalanin ang pinagkuhan ng larawang ginamit.

A. Unang Hakbang: Pagpaplano B. Pangalawang Hakbang: Pagsulat at Lay-out C. Pangatlong Hakbang: Rebisyon D. Pang-apat na Hakbang: Reproduksiyon

Batayan sa Pagmamarka:
PamantayanPaliwanagPuntos
Nilalaman-Angkop ang nilalaman ng pagpapaliwanag
-Kumpleto at hitik sa impormasyon
-Magkaka-ugnay at naipaliwanag ang mga kaisipan
10
Paggamit ng Wika-Wasto at tumapak ang paggamit ng wika kasama ang mga bantas.10
Malikhain-Gumamit ng angkop na larawan
-Maayos at malinis ang mga larawan at mga salita.
-Masining ang pagsasagawa
10
Presentasyon-Malinis ang pagkakasulat
-May maayos na sining o kulay ang bawat bahagi at larawan
-Kumpleto ang hinihinging konsepto
10
Orihinalidad– sariling gawa ang pangalan ng menu, pati ang mga detakyeng ilalagay sa mga putahe.10
Kabuoan50
Tayahin

Basahin ang mga sitwasyon at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.

Para sa bilang 1 – 4 : Tukuyin ang hakbang sa pagbuo ng menu ng sumusunod na sitwasyon.

  • A. Unang Hakbang: Pagpaplano
  • B. Pangalawang Hakbang: Pagsulat at Lay-out
  • C. Pangatlong Hakbang: Rebisyon
  • D. Pang-apat na Hakbang: Reproduksiyon

_____1. Si Aling Maria ay nag-iisip ng mga kahika-hikayat na detalye ngunit payak, sa pagkaing ilalagay niya sa menu.

_____2. Sinisiguro ni Mang Andoy na may nakalagay na salitang “best seller” sa mga pagkaing nakita niyang paborito ng mga kumakain sa kanilang restawran.

_____3. Pinag-iisipang mabuti ng mag-asawang Cris at Leo ang mga pagkaing ilalagay sa menu kung saan ito ay masustansiya at gawang Pinoy na may iba’t ibang putahe.

_____4. Sa unang imprenta ng menu nakita ng may-ari na mali ang baybay ng salitang chopsuey kaya agad niya itong ipinaayos at itinama.

Para sa bilang na 5-8: Tukuyin ang katangian ng menu sa mga sitwasyong ibinigay.

  • A. Mayroong Paglalarawan
  • B. Gumagamit ng mga larawan
  • C. Nakaayos ang uri ng pagkain
  • D. Mayroong nakalagay na presyo

_____5. Hindi matatawaran ang saya ng mga kumakain sa 3M Restaurant dahil sa menu pa lang kitang-kita na kung gaano kasarap at kapresentable ang pagkaing ihahain.

_____6. Nakatitipid si Marlon sa tuwing kakain siya sa Maks Kainan dahil nakadetalye kung magkano ang mga pagkain kaya naibabadyet na niya ang gagastusin sa araw-araw.

_____7. Si Alliyah ay giliw na giliw kumain sa Hapag ng Pinoy dahil madali siyang nagpagpapasya ng kakainin lalo’t lalo na bawal sa kaniya ang baboy kung saan nakikita niya agad kung saan nakalagay ang mga pagkaing angkop sa kaniya.

_____8. Ang bawat putaheng nakalagay sa menu ay pinalagyan ng maliliit na detalye ni Aling Betina upang maiwasan ang pagkalito ng mga kumakain sa kanilang kainan.

Para sa bilang na 9-15: Tukuyin ang isinasaaalang-alang sa pagbuo ng menu bawat sitwasyon.

  • A. Masustansiya
  • B. Matipid at abot kaya
  • C. Panlabas na anyo
  • D. Kakayanang Pamamahala
  • E. Pagkakaiba sa kaugalian pagdating sa pagkain
  • F. Pagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkain
  • G. Kakayahang pagpapanatili, pagkakaroon at kalidad ng pagkain ihahain

_____9. Si Ana ay isang beheteriyano (vegetarian) kaya’t mahalaga sa kaniya ang kainang naghahain ng may gulay.

_____10. Sinisigurong masarap ang pagkaing ihahanda samatakatuwid ang mga tagapagluto ay may angking galling, karanasan o di kaya’y nakapag-aral ng kursong HRM o Culinary.

_____11. Ang bagong bukas na kainan sa aming lugar ay napakahusay sa mga inihahaing putahe dahil gumagamit ng iba’t ibang kagamitan sa mga pagkaing inihahanda.

_____12. Hindi maikakaila na dayuhin ang kainang J and M Resto dahil makikita mo na ang mga pagkain ay maaayos ang hitsura, porma at tekstura.

_____13. Si Glenda ay napakatipid pagdating sa pagkain kaya sinisiguro niyang eksakto lamang ang dalang pera sa tuwing kakain, kaya hilig niya sa kainan na nakikita ang presyo upang hindi na siya magtatanong.

_____14. Hindi nagsasawang tangkilikin ni Amelia ang Kare-kare at Sinigang sa Kainan ni Manay dahil napakasarap nito at hindi nawawala sa tuwing hinahanap niya ito.

_____15. Sinisiguro ni Aling Mameng na babalik ang kaniyang tagatangkilik hindi lamang dahil sa lasa ng pagkain, prayoridad din ang kanilang kalusugan dahil makikita sa menu nito na nakalagay ang “No Artificial Ingredients Added.”

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, ikaw ay gagawa ng isang proyekto kung saan ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa araling tinalakay. Sundin ang direksiyon ibinigay

A. Maghanap ng magazine o dyaryo sa inyong tahanan o sa kalapit bahay. B. Pumili ng larawan ng menu ng pagkaing matatagpuan sa magazine o dyaryo. C. Bigyang pagsusuri ang menu ng pagkain batay sa a. Tema b. Lay-out (larawan, disenyo, estilo at pormat) c. Detaye o nilalaman d. Kabuoang Pagsusuri

Batayan ng Pagmamarka:
PamantayanNapakahusay (5 puntos)Mahusay (4 puntos)Mahusa-husay (3 puntos)Kailangan ng tulong (1 puntos)
1. Nilalaman (May kakayahang maglapat ng ideyang naaangkop sa sulating isinagawa.)
2. Pagpapaliwanag (maayos na nasalaysay ang natutuhan batay sa salitang ibinigay.)
3 Gamit ng Wika (Lohika, angkop at magkakaugnay ang salitang ginamit sa buong sulatin.)
KABUOANG ISKOR

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key is in a bordered three-column grid]

Susi ng Pagwawasto

Isaisip:
  1. reproduksiyon
  2. abot kaya
  3. masustansiya
  4. rebisyon
  5. tekstura

Pababa

  1. restawrant
  2. plano
  3. menu
  4. kalidad
  5. hitsura
Tayahin
  1. B
  2. D
  3. A
  4. C
  5. B
  6. D
  7. C
  8. A
  9. A
  10. D
  11. F
  12. C
  13. B
  14. G
  15. A
Subukin
  1. D
  2. C
  3. A
  4. D
  5. D
  6. A
  7. A
  8. B
  9. A
  10. C
  11. TAMA
  12. MALI
  13. MALI
  14. MALI
  15. TAMA
Tuklasin
  1. TEKSTURA
  2. MENU
  3. PORMA
  4. REBISYON
  5. FAST FOOD

Sanggunian

Francisco C.G.C et, al. 2016. Filipino sa Piling Larangan Tech-Voc. Manila: Rex Bookstore

SantoS C.L et, al. 2016. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc. Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR)

https://ccsearch.creativecommons.org/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *