Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nilapatan ng angkop na talasalitaan na magagamit sa pag-unawa sa nilalaman ng bawat teksto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.
Ang modyul ay may isang aralin:
- Aralin 8- Sulating Teknikal-Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Flyers
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyunal (CS-FFV11/12PB-0g-i106)
1. Nababatid ang pagkakaiba ng flyers sa ibang uri ng sulating teknikal
2. Nakikilala ang kaligiran sa pagsulat ng flyers
3. Naiisa-isa ang mga nilalaman ng makahulugang flyers
4. Naisasaayos batay sa pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang flyers
5. Nakalilikha ng flyers batay sa pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin.