This is a Grade 12 (Baitang 12) Alternative Delivery Mode self-learning module for Filipino sa Piling Larang (Isports), Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 8. Its title is “Etika sa Sports Journalism” (ethics in sports journalism). It is for Senior High School learners studying sports writing, and it teaches them to write about sports truthfully, fairly, and responsibly.
The module is written in Filipino. It was published by DepEd NCR in 2020 as its first edition.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module covers two topics:
- Ang Etika sa Sports Journalism (ethics in sports journalism)
- Ang Mga Pamantayan sa Etika sa Sports (the ethical standards in sports)
By the end, learners are expected to meet these competencies:
- Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports (explain the importance, nature, and process of a chosen form of sports writing) (CS_FI11/12PS-0j- l-94)
- Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports (apply ethics when writing a sports article) (CS_FI11/12PU-0m-o-101)
Why ethics matters in sports journalism
The lesson, labeled Aralin 7 in the module, explains that a sports journalist does more than write articles and interview players. The writer must also act responsibly by following journalism ethics.
Breaking these ethics can lead to lawsuits. The module names these risks:
- obscenity (kalaswaan)
- libel (paninirang-puri)
- invasion of privacy
- copyright violation
The module sums up the idea with the saying “ethical behavior isn’t governed by law but governed by you.”
The module defines ethics (etika) as the standards of right and wrong behavior and how society accepts them.
Ethical guidelines learners will review
Society of Professional Journalists (2014)
The module lists four principles from the Society of Professional Journalists:
- Saliksikin at iulat ang katotohanan (seek and report the truth). Be honest, fair, and diligent in gathering and delivering news, and report accurately and without bias.
- Iginagalang ang kapwa (respect others). Respect the people in your stories, and know how far you can go in reporting someone’s private life.
- Walang obligasyon sa iba (owe nothing to anyone). Avoid accepting gifts, favors, or payments, and avoid conflicts of interest.
- May pananagutan (be accountable). Serve readers, listeners, and viewers by reporting only what has been proven true, not guesses.
Sports writers are not fans
The module cites the article “Ethics: Sport Writers can’t act like fans.” The job is not about mingling with favorite players to get free tickets or jerseys, or cheering for a favorite team. It means facing players who sometimes refuse to talk, and arriving early and leaving late to gather news.
APME Statement of Ethical Principles
The Associated Press Media Editors (APME) wrote a “Statement of Ethical Principles” for journalists. It stresses responsibility, accuracy, and integrity. It also says journalists should not be influenced by others, and should be fair, truthful, independent, and respectful while avoiding bias.
APSE ethical standards in sports
Steve Wilstein’s Sports Writing Handbook (2002) presents standards drawn up by the Associated Press Sports Editors (APSE) after scandals in sports. The module lists seven:
- Newspapers budget for staff meals, travel, and lodging, so writers need not accept anything from others.
- Editors and reporters avoid outside roles that create a conflict of interest, such as serving as official scorer in a game.
- Reporters avoid deals, discounts, and gifts, unless these have no real value.
- Newspapers do not accept free tickets, except a press pass or a journalist’s special privilege.
- Newspapers consider whether voting for trophies or awards, such as a league MVP, creates a conflict of interest.
- Each newspaper should have its own ethical standards.
- Reporting assignments are based on skill, without discrimination by race or gender.
Activities in the module
- Subukin (pretest): label five situations ETIKAL (ethical) or DI-ETIKAL (unethical). One example is a student who uses friends’ Facebook photos for the campus paper without credit.
- Balikan (review): list points to remember when interviewing a well-known player.
- Suriin (analysis): suggest solutions to problems such as libel, wrong details in a story, and copying another writer’s work.
- Pagyamanin (practice): list ethical standards that can guide a beginning sports journalist.
- Isaisip (reflection): complete sentences about what ethics in sports journalism means.
- Isagawa (application): use a T chart to compare the APME and APSE ethics.
- Tayahin (assessment): match five statements to values such as fairness, accountability, and respect.
- Karagdagang Gawain (extra activity): watch or read current sports coverage, note ethical lapses, and write a short paragraph about them.
How to use this module
- Learners: Take the Subukin first. Read each instruction carefully and finish one activity before moving to the next. Write your answers on separate paper, not in the module. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key), which has answers for the Subukin and the Tayahin. Return the module to your teacher when you are done.
- Parents and older family members: The module invites learners to ask you for help when an activity is hard.
- Teachers and facilitators: The module asks you to explain how to use it, then monitor and record learners’ progress. Remind them to answer and check honestly, using the Mga Tala para sa Guro (notes for the teacher).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 12 (Baitang 12) learners taking Filipino sa Piling Larang (Isports), and it is Module 8 of the second quarter (Ikalawang Markahan).
What does etika mean in sports journalism?
The module defines ethics as the standards of right and wrong behavior and how society accepts them. For a sports journalist, this means reporting the truth, respecting others, avoiding gifts and conflicts of interest, and being accountable to readers.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to the Subukin (pretest) and the Tayahin (assessment). The other activities are open-ended.
Which ethical guidelines does the module discuss?
It covers four principles from the Society of Professional Journalists (2014), the APME Statement of Ethical Principles, and seven ethical standards in sports from the Associated Press Sports Editors, presented in Steve Wilstein’s Sports Writing Handbook (2002).
What legal problems can unethical sports reporting cause?
The module warns that ignoring ethics can lead to lawsuits over obscenity, libel, invasion of privacy, and copyright violation.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan-Modyul 8: Etika sa Sports Journalism
Senior High School
[illustration: students reading and studying under a tree, at a desk, and beside a globe]
Filipino sa Piling Larang (Isports) Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 8: Etika sa Sports Journalism Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
- Manunulat: Mary Jane G. Pensocas
- Editor: John Albert B. Colle
- Tagasuri: Mariel Eugene L. Luna
- Tagaguhit: Mary Jane G. Pensocas
- Tagalapat: May L. Borjal
- Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Dr. Jennifer F. Vivas, Dennis M. Mendoza, Micah S. Pacheco, Madeline Ann L. Diaz, Dr. Gina U. Urquia, Mariel Eugene L. Luna
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – NCR
- Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City
- Telefax: 02-929-0153
- E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang (Isports)
Ikalawang Markahan-Modyul 1: Etika sa Sports Journalism
Senior High School
[transcriber’s note: the number printed on this title page is “Modyul 1”, while the cover on page 1 reads “Modyul 8”; transcribed as printed]
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Etika sa Sports Journalism
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
[illustration: clipboard icon]
Mga Tala para sa Guro Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Etika sa Sports Journalism
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin: Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin: Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.
Balikan: Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin: Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin: Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin: Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip: Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa: Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin: Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain: Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto: Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
- Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
- Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
- Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
Ang araling ito ay magpapakita ng mga kahalagahan at kaalaman ng etika sa sports journalism.
Tatalakayin sa modyul na ito ang sumusunod:
- Ang Etika sa Sports Journalism
- Ang Mga Pamantayan sa Etika sa Sports
Sa araling ito, matutuhan mo ang mahahalahgang bagay na makatutulong sa iyong pag-aaral. Inaasahang malilinang mo ang kasanayang ito:
- Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports (CS_FI11/12PS-0j- l-94)
- Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports (CS_FI11/12PU-0m-o-101)
Subukin
Panuto: Isulat ang ETIKAL kung etikal ang mga ibinigay na sitwasyon sa mga pangungusap at DI-ETIKAL naman kung hindi wasto.
_____ 1. Hindi sigurado si Mike sa isinulat niyang balita tungkol sa isang sikat na manlalaro ng paaralan. Sa halip na isangguni ito sa kanilang editor-in-chief ay agad niya itong isinapubliko.
_____ 2. Naatasan si Anna na kumuha ng mga litrato ng mahahalagang nangyari sa Intramurals ng paaralan para sa pampahayagang pangkampus. Upang mapabilis ang gawain ay kinuha niya ang ilang larawan sa Facebook account ng kaniyang mga kaibigan at hindi kinilala ang pinagkunan nito.
_____ 3. Si Marie ay kabilang sa volleyball committee ng kanilang paaralan, subalit sa tuwing nakakapuntos ang kaniyang matalik na kaibigan ay hindi niya mapigilang sumigaw at magpakita ng suporta sa koponan nito.
_____ 4. Bago inilimbag ni Aaron ang kaniyang isinulat tungkol sa naganap na exhibition game ng kanilang koponan sa ibang paaralan ay sinuri at pinag-aralan niya muna itong mabuti.
_____ 5. Hindi tinanggap ni Paulo ang libreng ticket dahil kakabit nito ang kasunduang ibibida niya sa isang online sports journal ang koponan ng isang paaralan na kalahok sa Inter-School Sports Competitions.
Aralin 7 Etika sa Sports Journalism
Bilang isang indibidwal, mahalagang maunawaan ang salitang etika at ang kabuluhan nito sa buhay ng tao. Sa anumang larangan o gawain may sinusunod na mga pamantayan na dapat isaalang-alang.
Sa larangan ng sports, higit pa sa pagsulat ng artikulo at pag-iinterbyu sa mga manlalaro ang tungkulin ng isang sports journalist. Kailangan din niyang matutuhan ang pagiginag responsable sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga etika ng journalism.
Ang pagiging sports journalist ay isang hamon at pakikipagsapalaran, kung kaya’t kailangang sundin ang ilan sa mga etika upang makaiwas sa pagkakamali na maaaring mauwi sa demanda, tulad na lamang ng kalaswaan (obscenity), paninirang-puri (libel) invasion of privacy, copyright violation, at iba pa.
Kailangan isapuso ang mga etikang ito sapagkat ang pagiging responsableng journalist ay hindi biro. May kasabihan nga na “ethical behavior isn’t governed by law but governed by you.”
Balikan
Panuto: Magbigay ng ilang mahahalagang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng interbyu sa isang kilalang manlalaro.
| 1. | |
| 2. | |
| 3. | |
| 4. | |
| 5. |
[transcriber’s note: the table has no printed header row; the header cells are left empty]
Mga Tala para sa Guro
Tandaan: Tiyakin nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagawa. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.
Tuklasin
Ang Etika sa Sports Journalism
Ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan para sa kung ano ang tama o maling pag-uugali at kung paano ito tinatanggap ng lipunan. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng pangit na reputasyon sa pamamahayag, dapat na isaalang-alang ng manunulat ang sumusunod na etika na inilahad ng Society of Professional Journalists (2014):
Saliksikin at iulat ang katotohanan. Ang mga journalist ay kailangang maging tapat, patas, at masigasig sa pagkalap at paghahatid ng mga balita. Tinitiyak din niya na wasto at walang pinapanigan ang paraan niya ng pagbabalita.
Iginagalang ang kapwa. Iginagalang ng isang journalist ang kaniyang kapwa lalo na ang mga taong sangkot sa kaniyang pagbabalita. Kailangan ding niyang alamin ang kaniyang limitasyon, lalo na sa usapin ng privacy, kung hanggang saan lamang ang maaari niyang ibalita lalo’t kung pribadong buhay ang sangkot.
Walang obligasyon sa iba. Bilang isang journalist, kailangang iwasan ang pagtanggap ng mga regalo, pabor, bayad, at kung ano-ano pa, gayundin ang pagkakaroon ng conflict of interes sa iba.
May pananagutan. May pananagutan ang isang journalist sa kaniyang mambabasa, tagapakinig, at manonood kung kaya’t kailangan niyang pahalagahan ang paglilingkod dito. Ibabalita lamang niya ang mga bagay na napatunayan niyang totoo at hindi base lamang sa haka-haka.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga etika sa journalism na maaaring gamiting gabay bilang etika sa sports. Kaugnay nito, inilahad naman sa artikulong “Ethics: Sport Writers can’t act like fans” na taliwas sa iniisip ng iba ang Gawain ng isang isports journalist. Hindi ito tungkol sa pakikisalamuha sa mga paboritong manlalaro upang makakuha ng libreng ticket o jersey, at lalong hindi upang suportahan ang paboritong koponan.
Sa halip kasama sa trabahong ito ang pagharap sa mga manlalro na kung minsan ay ayaw makipag-usap. Nangangahulugan din ito ng pagpunta nang maaga sa mismong event at pag-uwi nang huli upang makakakalap ng mga balita. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga tungkulin ng isang sports journalist.
Samantala binuo naman ng Associated Press Media Editors (APME) ang “Statement of ethical Principles” na maaaring maging gabay ng mga kasapi ng pamamahayag. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng resposibilidad, kawastuhan at integridad ng mga mamamahayag. Dapat ding hindi sila naiimpluwensiyahan ng iba.
Tinalakay dito na responsibilidad ng isang mabuting Samahan ng mamamahayag ang pagiging patas, tama, tapat, responsible, Malaya, at mapitagan. Kailangan din isaalang-alang ang kawastuhan ng pagbabalita at pag-iwas sa pagkiling o pagpapakita ng bias.
Inilahad ni Steve wilstein (2002) sa libro niyang Sports Writing Handbook ang mga pamantayan sa etika sa sports na binuo ng Associated Press Sports Editors (APSE) sanhi ng iskandalong naganap sa kalakaran ng sports.
Ang Mga Pamantayan sa Etika sa Sports
May nakalaang budget o pondo para sa mga kawani ng isang pahayagan para sa pagkain at inumin, pasahe sa mga biyahe, at kanilang mga tutuluyan o akomodasyon kung kaya’t hindi nila kailangang tumanggap ng anuman mula sa iba.
Ang mga editor at reporter ay dapat umiwas na maging bahagi ng anumang gawain na hindi sakop ng kanilang tungkulin na maaaring maging sanhi ng conflict of interest gaya na lamang ng pagiging official scorer sa isang laro.
Ang mga reporter ay kailangan ding umiwas sa mga kasunduan, diskuwento, at mga regalo, maliban na lamang kung ito ay walang katumbas na halaga.
Hindi rin dapat tumanggap ang pahayagan ng mga libreng ticket maliban na lamang kung ito ay press pass o espesyal na pribilehiyo ng isang journalist.
Kailangan ding isaalang-alang ng pahayagan ang implikasyon ng pagboto para sa pagbibigay ng tropeo o awards kung ito ba ay lumilikha ng conflict of interes. Isang halimbawa nito ay ang pagboto sa magiging MVP ng isang liga.
Ang isang pahayagan ay kailangan ding magkaroon ng sariling etikal na pamantayan na dapat sundin.
Ang pagtatalaga ng mga gawain o assignment sa pagbabalita ay dapat ibase sa husay ng mamamahayag na walang bahid ng diskriminasyon sa lahi o kasarian.
Suriin
Panuto: Magtala ng mga mungkahing solusyon sa mga nakatalang sitwasyon.
| Mga Sitwasyon | Mungkahing Solusyon |
|---|---|
| 1. Paninirang-puri sa ibang tao | |
| 2. Maling mga detalye o impormasyon sa isinulat na balita | |
| 3. Pagtanggap ng pabor sa isang maimpluwensiyang tao sa sports | |
| 4. Tahasang pagkopya ng isinulat na balita ng ibang manunulat. | |
| 5. Pagbabago sa anyo ng isang larawan at pag-aangkin nito |
Pagyamanin
Magtala ng sampung (10) pamantayan o etika sa sports na maaaring maging gabay ng isang nagsisimula pa lamang magsulat bilang sports journalist.
| Mga Pamantayan o Etika sa Pagsulat ng Isang Sports Journalist |
|---|
| 1. |
| 2. |
| 3. |
| 4. |
| 5. |
Isaisip
Panuto: Punan ng tamang salita ayon sa inyong pagkaunawa sa aralin upang mabuo ang pangungusap.
Sa tulong ng aking guro at sa pamamagitan ng modyul na ito, lubos ko nang naunawaan ang kahulugan ng Etika sa Sports journalism. Ito ay
Sa pamamagitan ng mga pamatayan sa Etika sa Isports mas
Isagawa
Panuto: Gamit ang T chart sa ibaba, Itala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng etika sa sports journalism ng Associated Press Media Editors (APME) at ng Associated Press Sports Editors (APSE).
[chart: T chart; Isagawa]
| Pagkakaiba | Pagkatulad | Pagkakaiba |
|---|---|---|
| Etika ng sports journalism ayon sa Associated Press Media Editors (APME) | Etika ng sports journalism ayon sa Associated Press Sports Editors (APSE) |
[transcriber’s note: the T chart’s answer areas are blank; the “Pagkatulad” label sits in the center of the chart, between the two side labels]
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot at isulat ito sa patlang.
- A. Pagiging patas
- B. May pananagutan
- C. Pagiging totoo at tapat
- D. Paggalang sa kapwa
- E. May paninindigan at integridad
_____ 1. Nagsusulat ng balitang sports nang may sapat na batayan.
_____ 2. Isinasaalang-alang ang reputasyon ng isang manlalaro sa pagsulat ng balita.
_____ 3. Umiiwas sa pagtanggap ng regalo o pabor sa iba.
_____ 4. Iniisip ang kapakanan ng mga mambabasa.
_____ 5. Hindi biased o walang kinikilingan sa pagbabalita ng mga pangyayari na naganap sa laro.
Karagdagang Gawain
Pansinin ang paraan ng pamamahayag sa larangan ng sports sa kasalukuyan. Mambabasa ng mga artikulo sa pahayagan at manood ng mga palabas sa telebisyon. Itala ang ilan sa mga maling etika na sa iyong palagay ay hindi nasunod batay sa ginawang talakayan. Sumulat ng isang maikling talata tungkol dito.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed upside down in the picture, so the labels below are rotated 180 degrees on the page]
Subukin
1.DI-ETIKAL
2.DI-ETIKAL
3.DI-ETIKAL
4.ETIKAL
5.ETIKAL
Tayahin
1.C
2.D
3.E
4.B
5.A
Mga Sanggunian
Orellana, Joel L. at Juanito N. Anot, Jr. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Sports). Manila: Rex Book Store.
Viola, Bennedick T. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Isports). Malabon City: Jimczyville Publications.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply