Filipino 9 Quarter 2 Module 4: Panitikang Asyano – Talumpati

Grade 9 Filipino Q2 Module 4 self-learning module on the talumpati: parts and types of speeches, argumentative writing, activities, and answer key.

This is the Grade 9 Filipino self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 4: “Panitikang Asyano: Talumpati” (Asian literature: the speech). It was prepared by DepEd Region IX under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners should be able to understand how a speech is built, tell the different kinds of speeches apart, and write their own argument about a current issue.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module aims to build speaking, listening, reading, and writing skills. It also shows that good discipline can improve a person’s life. By the end, learners should be able to:

  • Comment on how a person speaks when standing firm on their views or opinions in a speech (talumpati).
  • Express their own view on a current issue in a speech that shows a strong stand.
  • Write an argument about a current issue in Asian society (lipunang Asya).
  • Use the right expressions for giving an ordinary opinion, a firm stand (matibay na paninindigan), and a suggestion (mungkahi).

What is a talumpati?

The module defines a talumpati as the art of expressing an idea about a topic by speaking in front of an audience. As an example, learners read the speech “Nagbabagang Klima, Magbabago Pa Kaya?” (a burning climate, can it still change?) by Ashley Coronel, which is about climate change.

Parts of a speech

  • Panimula (introduction): states the purpose of the speech and uses a strategy to catch the audience’s attention.
  • Katawan (body): presents the topic the speaker will discuss.
  • Pangwakas (conclusion): the climax of the speech, holding the strongest evidence, beliefs, and reasons to move people to act.

The module also lists four parts an effective speech should have: Panimula (getting the audience’s attention), Paglalahad (presenting the issue), Paninindigan (explaining the speaker’s reasoning to persuade or explain), and Pamimitawan (the closing line, which should be artful and leave a lasting impression).

Types of speeches by method of delivery

TypeMeaning
Impromptu o BiglaanNo preparation; the speaker is suddenly called to speak.
Ekstemporanyo o MaluwagThe speaker gets a little time to think about a topic given on the spot, usually preparing only an outline.
Preparado o HandaThe topic is given ahead of time, so the speech is researched, memorized, and practiced.

Types of speeches by purpose

  1. Pampalibang (to entertain): uses anecdotes or short stories, often after a meal or gathering.
  2. Nagpapakilala (to introduce): usually short, such as introducing the guest of honor at a graduation.
  3. Pangkabatiran (to inform): used in lectures, conventions, and scientific or diplomatic meetings.
  4. Nagbibigay-galang (to show respect): welcomes a guest or a new member, or bids farewell to someone leaving.
  5. Nagpaparangal (to honor): praises a person’s achievements, for example a tribute to Hidilyn Diaz for her Olympic gold in 2021.
  6. Pampasigla (to inspire): stirs the feelings of the audience.

Writing an argument

A tekstong argumentatibo (argumentative text) presents a belief, judgment, or point of view on an important or current issue. According to the module, a good argumentative text has:

  1. An important and timely topic.
  2. A short but meaningful and clear statement of the point in the first paragraph.
  3. Clear and logical transitions between parts.
  4. Well-ordered paragraphs that hold the evidence.
  5. Strong evidence for the argument.

Activities in the module

  • Tuklasin: a Venn diagram comparing women of Taiwan in the past and today, a vocabulary activity (Gawain 3.1), a “four pictures, one word” activity (Gawain 3.2), and questions on the climate change speech.
  • Pagyamanin: matching terms (Gawain 4.1) and writing an argument on child labor, the COVID-19 pandemic, the Social Amelioration Program, or mass testing (Gawain 4.2), following an introduction, body, and conclusion format.
  • Isaisip: a table of what was learned and why it matters (Gawain 5.1) and a graphic organizer of the types of speeches (Gawain 5.2).
  • Isagawa: listing ways to help save the planet from climate change (Gawain 6.1) and writing a paragraph on one current issue shown in cartoons (Gawain 6.2).
  • Tayahin: a five-item multiple-choice test (Gawain 7.1) and an opinion piece on poverty, corruption, or abortion (Gawain 7.2).
  • Karagdagang Gawain: writing opinions on the spread of the coronavirus, Catriona Gray’s Miss Universe 2018 win, and the Philippines’ win in the 30th SEA Games (Gawain 8).

The writing tasks are scored with a rubric of four criteria worth 5 points each, for a total of 20 points.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and ask your teacher about any part you do not understand.
  • Parents and guardians: Use the module’s guide for facilitators to support your child, and encourage them to follow the rubric when writing.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, Gawain 3.1, 3.2, 4.1, 5.2, and 7.1. Answers to the writing tasks vary and are left to the teacher’s judgment, using the 20-point rubric.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 9 Filipino, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 4.

What is a talumpati?

The module defines a talumpati as the art of expressing an idea about a topic by speaking in front of an audience. In English, it is a speech.

What are the types of speeches by method of delivery?

There are three: impromptu (no preparation), ekstemporanyo (a short time to prepare an outline), and preparado (fully researched, memorized, and practiced).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers to the objective activities and tests, while writing tasks are graded by the teacher using a 20-point rubric.

What is a tekstong argumentatibo?

It is an argumentative text that presents a belief, judgment, or point of view on an important or current issue, supported by strong evidence.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 4: Panitikang Asyano: Talumpati

[illustration: students reading and studying under a tree and in a classroom, with a teacher, a globe, and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q2_Filipino9_ Module4

Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Panitikang Asyano – Talumpati Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Rey A. Fernandez, Thelma P. Opada
Naser M. Dacula, Farhan D. Dacula
Editor:Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido
Tagasuri:Brengilda C. Canama, Mario Shoji N. Romarate, John Mark C. Lloren, Allene E. Duarter, Alma M. Beton
Tagaguhit:Neil John C. Bonggol
Tagapamahala:Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph

9

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 4: Panitikang Asyano: Talumpati

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag -aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

[transcriber’s note: pages 5 to 8 were not included with this request. The only page images attached are pages 1 to 4, which the request says were already transcribed. Please attach the images for pages 5 to 8 and I will transcribe them with page markers <!-- page 5 --> through <!-- page 8 -->.]

Tuklasin

[chart: Venn diagram; no number or title printed]

  • Kababaihan ng Taiwan Noon
  • Kababaihan ng Taiwan Ngayon
  • Pagkakaiba
  • Pagkakatulad
  • Pagkakaiba

Magaling! Talagang naunawaan mo na ang nakaraang leksiyon tungkol sa sanaysay. Ako’y nasisiyahan sa iyong ipinakita. Tara na at ipagpatuloy na natin ang ating paglalakbay.

Gawain 3.1 Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap batay sa clue na nasa ibaba.

[transcriber’s note: the underlined words are not shown as underlines in this transcription; they are the words to be defined]

  1. Ayon sa mga batikang manunulat, mahalagang maipahayag mo ang sariling pananaw o ideya sa iyong akdang susulatin.
KPT
  1. Napakabilis ang paglaganap ng Covid -19 sa ating bansa, kaya minabuting manatili sa bahay at kumain na masustansyang pagkain para mapalayo sa naturang virus.
PDI
  1. Isang pagpupugay sa mga frontliners dahil sa kanilang walang habas na pagserbisyo sa ating bansa lalong lalo na sa pandemyang ito.
TG

[illustration: smiling character holding a phone, speaking in a bubble]

  1. Ang pag-usbong ng iba’t ibang variant ng Covid-19 ay nakakabahala sa lahat ng mamamayan.
PKRN
  1. Sa panahon ng pandemya sa ating bansa maraming naapektuhan, lalong lalo na ang mga mahihirap, ang kanilang araw-araw na kita ay walang nalalabi para pambili ng ulam hanggang bigas lang.
NTTA
Gawain 3.2 Apat na Larawan, Isang Salita

Panuto: Suriing mabuti ang larawan pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: four labeled pictures. A. silhouette of a speaker at a podium with raised hand, with people raising their hands in front; B. a microphone; C. a podium; D. a stage with a screen and an audience seated]

  1. Ano ang nasa larawan na ito?

A. _____

B. _____

C. _____

D. _____

  1. Ano ang isang salitang mabubuo mula sa apat na larawan na ito?

[illustration: smiling character holding a phone, speaking in a bubble]

Nasiyahan ka ba sa inihanda kong gawain? Ang gawaing iyon ay may kaugnayan sa talumpating ating tatalakayin. Sige nga’t basahin mo kaibigan.

“Nagbabagang Klima, Magbabago Pa Kaya?”

ni Ashley Coronel

Iklik ang link https://malikhaingpagsulatblog.wordpress.com/2017/02/25/pag-babago-ng-ating-kalikasan/

Pamprosesong Tanong

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

  1. Ano ang pangunahing layunin ng may-akda sa talumpating nabasa?

  1. Sa palagay mo, meron pa ba tayong magagawa para maagapan ang pagbabago ng klima sa ating bansa?

  1. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng may-akda na “Tayo ang sumira ng kalikasan kaya’t sa atin din nakasalalay ang pag-asa?” Bakit?

  1. Bilang kabataang Pilipino, paano ka makatutulong sa ating bayan upang mapagaan ang ating problema sa pagbabago ng klima?

[illustration: smiling character holding a phone, speaking in a bubble]

Ops! Ang nabasa mo ay isang halimbawa lang ng talumpati. Ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa upang iyong lubos na maunawaan ang ating aralin. Halika na… Sabay nating alamin.

Suriin

[illustration: magnifying glass icon with hand; decorative, not described]

[illustration: smiling character standing with hands on hips]

Kaibigan, ang husay mo talaga! Suriin at basahin mong maigi ang paksang ating pag-uusapan dahil magsisilbi itong gabay upang mas lalo mong maintindihan ang ating paksa. May mga nakahandang gawain o pagsasanay sa ibaba para matasa ang iyong angking galing. Laban kaibigan, napakahusay mo! Ako’y nasisiyahan sa iyong angking galing kaya simulan mo na.

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

Bahagi ng talumpati
  1. Panimula – inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
  2. Katawan – nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
  3. Pangwakas – ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Uri ng Talumpati ayon sa pamamaraan

A. Impromptu o Biglaan– Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain.

B. Ekstemporanyo o Maluwag– Binibigyan ng kaunting panahon ang mananalumpati na makapa-isip –isip sa paksang doon din lamang ipinaalam sa kanya kaya’t karaniwang naisasagawa lamang ang balangkas para sundan sa hindi isinaulong sasalitain.

Preparado o handa– Bago sumapit ang okasyon ng pagtatalumpatian ang paksa ay ipinaalam na. Ito ay sadyang pinaghahandaan ng husto, sinasaliksik, isinasaulo at pinagsasanayan pa.

Uri ng Talumpati ayon sa layunin

  1. Talumpating Pampalibang
    Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kuwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.
    Basahin ang isang halimbawa sa link na ito: https://enriquezleah25blog.wordpress.com/2015/10/20/pauso-talumpating-nanlilibang/.


  2. Talumpating Nagpapakilala
    Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Isang halimbawa ay ang pagpapakilala sa panauhing pandangal sa araw ng pagtatapos.


  3. Talumpating Pangkabatiran
    Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensiyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.


  4. Talumpating Nagbibigay-galang
    Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.


  5. Talumpating Nagpaparangal
    Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri a mga kabutihang nagawa nito.
    Halimbawa: Talumpating nagbibigay pugay kay Hidilyn Diaz sa pagkakamit ng ginto sa Olympics 2021.


  6. Talumpating Pampasigla
    Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig.


Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng isang Talumpati upang maging Mabisa

Panimula. Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig.

Paglalahad. Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay.

Paninindigan. Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kanyang pangatwiran hinggil sa isyu. May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig.

Pamimitawan. Sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng isang talumpati. Kailangan din magtaglay ito ng masining napangungusap upang mag-iwan ng kakintalan sa mga taga-pakinig.

Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyu.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
  1. Mahalaga at napapanahong paksa/isyu.
  2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa unang talata ng teksto.
  3. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.
  4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
  5. Matibay na ebidensiya para sa argumento.

Mula sa “Ang Panitikang Asyano – Filipino 9” nina Peralta, R., Lajarca, D., Cariño, E. et al. (2014). Kinuha mula sa https://prezi.com/3dfnh5valsye/tekstong-argumetatibo/

Pagyamanin

Kaibigan! May gawain pa akong inihanda para sa’yo upang mas lalong madagdagan pa ang iyong kaalaman. Alam kong kayang-kaya mo ‘to! Kaya’t ano pang hinihintay mo? Simulan mo na!

Gawain 4.1

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

pampalibang | pangwakas | argumentatibo pampasigla | panimula | impromptu

_______ 1. Ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyu.

_______ 2. Talumpating pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig. _______ 3. Talumpating nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kuwento. _______ 4. Ito ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. _______ 5. Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain.

Gawain 4.2

Panuto: Pumili sa kahon ng isang napapanahong isyu at ilahad ang iyong argumento, sariling pananaw o opinyon sa napiling isyu o paksa. Kinakailangan maayos na naisulat ang argumento ayon sa bahagi nito at katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo. Sundin ang format sa ibaba. Gawin mong gabay ang pamantayang nasa pahina 16 sa gagawin mong pagsagot.

  • Child Labor
  • COVID-19 Pandemya
  • Pagbigay ng Social Amelioration Program
  • Mass Testing para sa COVID-19

[chart: flowchart; Gawain 4.2 format for the napapanahong isyu argument]

NAPAPANAHONG ISYU ↓ Panimula




↓ Katawan




↓ Wakas/Kongklusyon




Isaisip

Napakahusay mo talaga, kaibigan. Batid kong napayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa pagpapahayag ng sariling pananaw/opinyon at argumento

Gawain 5.1

Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang sumusunod na talahanayan.

ANO ANG IYONG NATUTUHAN?GAANO ITO KAHALAGA?
A.
B.
C.
Gawain 5.2

Panuto: Gamit ang horizontal hierarchy, ilahad ang mga uri ng talumpati ayon sa pamamaraan at layunin.

[chart: horizontal hierarchy; Gawain 5.2 graphic organizer for the uri ng talumpati]

TALUMPATI










Isagawa

Napakasaya ko kaibigan dahil malapit mo nang matapos ang modyul na ito at alam ko ring naunawaan mo na ang araling nakapaloob dito. Ipagpatuloy mo pa ang pagsagot upang makahasa ang iyong kaalaman.

[illustration: animated character speaking, beside the speech bubble above]

Gawain 6.1. Mundo Mo, Sagip Mo!

Panuto: Sa iyong sariling pananaw tungkol sa lumalalang suliranin ng pagbabago ng klima, ano ba ang maaari mong magawa o maitulong upang maisalba ang ating mundo? Isa-isahin ito at isulat sa kahong nakapaligid sa larawan ng mundo.

[illustration: globe with six empty boxes, each joined to the globe by a double-headed arrow, for the learner’s answers]

Paano mo maipapakita ang koneksiyon ng natutuhan sa pang-araw-araw na buhay?



Gawain 6.2

Panuto: Pagmasdan ang mga larawang nasa ibaba. Pumili lang ng isang napapanahong isyu na labis mong nagustuhan. Pagkatapos bumuo ka ng isang talata gamit ang angkop na pahayag na magbibigay ng opinyon, argumento, paninindigan at mungkahi. Isulat mo ang iyong sagot sa nakalatag na espasyo. Gamiting gabay ang pamantayang nasa susunod na pahina.

  1. [illustration: cartoon of a birdcage-like dome with a figure aiming a bow at a virus, labeled “FRONTLINERS” and “NEIL”]








  2. [illustration: caricature of a man seated at a laptop above a rising arrow labeled “EKONOMIYA”, with an arrow labeled “PILIPINAS”; the small label on the laptop is [?]]








  3. [illustration: cartoon of a hand labeled “GOV’T” pressing down on a figure labeled “MAMAMAYAG”]






PamantayanLaang PuntosAking Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling pananaw/opinyon/argumento.5
Malinaw na ipapahayag ang sariling pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling napapanahong isyu.5
Maayos na naisulat sariling pananaw/opinyon/argumento ayon sa mga bahagi nito.5
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/argumento.5
Kabuoang Puntos20

5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay 4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay 3 – Katamtaman

Tayahin

[illustration: animated character holding a book, beside the message box]

Matapos ang maraming gawain at pagsasanay na ibinigay ko sa iyo, masaya ako dahil naabot mo ang bahaging ito. Tiyak ko na marami ka nang natutuhan, kaya panigurado na masasagutan mo ang panghuling pagsubok na ito. Nais ko lang malaman kung hanggang saan na ang kaalaman mo sa modyul na ito. O, handa ka na ba? Simulan mo na!

Pangwakas na Pagtataya

Gawain 7.1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig?
    A. argumento
    B. talumpati
    C. impromptu
    D. anekdota


  2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng positibong paninindigan?
    A. Hayaang ang pamahalaan ang maghanap ng solusyon sa kinakaharap na suliranin.
    B. Huwag sundin ang sinasabi ng nasa panunungkulan dahil wala silang
    C. pakialam sa iyo, buhay mo iyan.
    D. Hindi natin makakayang gawin ang simpleng bagay tulad ng pagtitipid ng kuryente at tubig dahil mga bata pa tayo.
    E. Sa puntong ito, dapat tayong magtulong-tulong sa paglutas sa suliranin sa basura.


  3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapahayag ng katangian sa argumento, opinyon, at pananaw?
    A. Mahalaga at napapanahong paksa.
    B. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.
    C. Maikli ngunit malaman at malinaw.
    D. Malinaw ngunit hindi nagkasunod-sunod ang mga talata.


  4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pahayag na nagbibigay ng matatag na opinyon?
    A. Labis akong naninindigan na si Nesthy ang tunay na wagi sa larong iyon.
    B. Kung ako ang tatanungin, mas mabuting ma-vaccine ang lahat.
    C. Lubos kong pinaniniwalaang mahal niya ang kanyang trabaho.
    D. Kumbinsido akong magbabalik din tayo sa dating normal.


  5. Paano nakakatulong ang talumpati sa pang araw-araw na buhay? Piliin ang pinakaangkop na sagot.
    A. Nakapagbibigay inspirasyon sa mga tao.
    B. Nakapag-udyok na gawin ang kanilang ipinaglalaban.
    C. Upang malayang makapagpahayag ng sariling opinyon, ideya at argumento hinggil sa napapanahong isyu.
    D. Maka-aliw sa ibang tao.


Gawain 7.2

Panuto: Sipiin sa iyong sagutang papel ang kasunod na organizer para ipahayag ang iyong sariling pananaw/opinyon at argumento sa isang napiling napapanahong isyu sa lipunang Asya. Kaibigan, gawin mong gabay ang pamantayang nasa ibaba sa gagawin mong pagsusulat.

[chart: graphic organizer; Gawain 7.2. Left box and right box each contain blank writing lines (_____). Arrows point from the center box to each side box.]

Center box:

Mga Napapanahong Isyu o Paksa

  1. Kahirapan
  2. Korupsiyon
  3. Aborsiyon
PamantayanLaang PuntosAking Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling pananaw/opinyon/argumento.5
Malinaw na ipapahayag ang sariling pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling napapanahong isyu.5
Maayos na naisulat sariling pananaw/opinyon/argumento ayon sa mga bahagi nito.5
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/argumento.5
Kabuoang Puntos20

5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay 4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay 3 – Katamtaman

Wow! Ang galing mo, kaibigan! ‘Di ba sabi ko sa iyo kayang-kaya mo? Ikaw pa!

Karagdagang Gawain

Kaibigan, ikinalulugod kong batiin ka dahil naabot mo ang rurok ng tagumpay sa ating paglalakbay sa araling ito. Napakahusay at napakagaling mo! Ipagpatuloy mo ‘yan kaibigan, saludo ako sa iyo. Itong bahaging ito ay ang panghuling gawain kaya ano pang hinihintay mo? Simulan mo nang sagutin. Kayang-kaya ‘yan, ikaw pa. Mabuhay ka!

Gawain 8
Opinyon Mo’y Ipahayag

Panuto: Bumuo ka ng mga pangungusap na nagpahahayag ng iyong opinyon at pananaw batay sa mga kaganapan sa loob ng palaso. Isulat sa papel ang iyong sagot. Gawing batayan sa pagsagot ang pamantayang nasa kasunod na pahina.

[chart: flow diagram; three arrows, each linked to an answer box]

  1. Paglaganap ng Corona Virus
    Opinyon at Pananaw






  2. Pagwawagi ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018
    Opinyon at Pananaw







  3. Pagkapanalo ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Game (Sea Games)
    Opinyon at Pananaw






PamantayanLaang PuntosAking Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling pananaw/opinyon/argumento.5
Malinaw na ipapahayag ang sariling pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling napapanahong isyu.5
Maayos na naisulat sariling pananaw/opinyon/argumento ayon sa mga bahagi nito.5
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/argumento.5
Kabuoang Puntos20

5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay 4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay 3 – Katamtaman

Binabati kita sa iyong pagtitiyagang sagutan nang buong husay ang lahat ng mga gawain sa modyul na ito. Kung mayroong bahagi sa aralin na ito na hindi mo naunawaan maari kang sumangguni sa iyong guro.

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the columns are transcribed in reading order after rotation]

Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin
Gawain 4.1
  1. Argumentatibo
  2. Pampasigla
  3. Pampalibang
  4. Pangwakas
  5. Impromptu
Gawain 4.2

Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang sagot at nasa guro ang pagpapasya.

Tuklasin
Gawain 3.1
  1. Eksperto
  2. Pagdami
  3. tigil
  4. Pagkakaroon
  5. natitira
Gawain 3.2
  1. taong nag nagsasalita
  2. mikropono
  3. rustrum
  4. taong madla
  5. talumpati
Subukin
Gawain 1.1
  1. A
  2. C
  3. D
  4. C
  5. A
Tayahin
Gawain 7.1
  1. B
  2. D
  3. D
  4. B
  5. C
Gawain 7.2

Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang sagot at nasa guro ang pagpapasya.

Isaisip
Gawain 5.1

Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang sagot at nasa guro ang pagpapasya.

Gawain 5.2
  1. Ayon sa Pamamaraan
    A. Ayon sa Impromptu
    B. Ekstemporanyo o Biglaan
    C. Preparado o Maluwag Handa [?]


  2. Ayon sa Layunin
    A. Pampalibang
    B. Nagpapakilala
    C. Pangkabatiran
    D. Nagbibigay-galang
    E. Nagpaparangal
    F. Pampasigla


Sanggunian

MGA AKLAT

Peralta, R., Lajarca, D., Cariño, E. et al. (2014). Ang Panitikang Asyano – Filipino 9. Vibal Group, Inc.

MGA INTERNET SOURCE

Mariano, Rocel (2019, February 27). Tekstong Argumentatibo. Kinuha mula sa https://prezi.com/3dfnh5valsye/tekstong-argumetatibo/

Clipart. Email (2020) Microphone Clipart. Kinuha mula sa http://clipart-library.com/clipart/microphone-cliparts_3.htm

Clipart. Email (2020) Audience Sitting Stock Illustrations. Kinuha mula sa https://www.clipart.email/download/10650674.html

Vector Graphic. Presentation podium for lectures or public speaking. Kinuha mula sa https://nohat.cc/f/presentation-podium-for-lectures-or-public-speaking-vector-graphic/comvecteezy554538-201908141633.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district