Filipino 6 Quarter 2 Module 4: Pagbabago ng Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto

Filipino 6 Quarter 2 Module 4 teaches learners to change prior knowledge based on what they discover in a text, with stories, activities, and a rubric.

This is the Filipino 6 self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 4: “Pagbabago ng Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto” (changing prior knowledge based on what is discovered in a text). It was prepared by DepEd Region VI under the Alternative Delivery Mode for Grade 6 learners studying at home. After working through it, learners should be able to compare what they already knew with what a text taught them, and explain how their earlier ideas changed or grew.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module has one learning competency:

  • Nababago ang dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto (changes prior knowledge based on what is discovered in the text). Code: F6PS-IIh-3.3

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Nababago ang Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto.” It begins with a short review of how to give a fitting ending to a story that was heard. It then uses original stories and short paragraphs to practice the skill step by step.

The key idea: what I knew, what I found, what changed

The module explains that before we read, we already have knowledge from our own experiences, views, and feelings. Reading can add to that knowledge or change it completely. Almost every activity uses a three-column table:

ColumnWhat to write
Ang alam ko na… (what I already know)What you knew about the topic before reading
Ang natuklasan kong kaalaman… (what I discovered)The new knowledge you found in the text
Ang nabago sa dati kong alam… (what changed in what I knew)How your earlier knowledge changed because of what you found

The module’s own example

The main story, “May COVID-19 si Tintin” (Tintin has COVID-19), is about a playful only child who keeps sneaking out to play with friends during the pandemic, even though her parents have told her to stay home. She gets sick, tests positive, and spends more than two weeks in a quarantine facility. After she recovers, she learns to listen to and obey her parents.

The Suriin (analysis) section uses this story to show the skill:

  • What you may already know: As a child, you need to obey and listen to your parents.
  • What you may discover from the text: Sometimes we do not mean to disobey our parents. Sometimes, by insisting on what we want, we put ourselves in danger without noticing.
  • How your knowledge may change: Obeying parents is also a decision for your own good. Disobeying parents is like not taking care of your own safety.

The point is that the old idea (“a child should simply obey”) becomes broader and deeper after reading.

Other texts in the module

  • A paragraph about Arnold, a boy from a poor family who works on weekends to pay for school and later becomes a doctor (pretest)
  • Short texts about Mang Pedring, a hardworking father, and Berto, a healthy and responsible Grade 6 learner (Gawain 1)
  • “Ang Gulong ng Buhay” (the wheel of life), about Sabrina, a spoiled girl who works hard after her family loses its wealth (Isagawa)
  • Short paragraphs on screen time and eyesight, cutting trees, drinking water, and Manny Pacquiao’s rise from poverty (Tayahin)
  • “Maling Akala” (wrong assumption), about friends who guess why Flor is late before learning the real reason (Karagdagang Gawain)

How to use this module

The module follows the usual SLM parts, in this order:

  1. Alamin: read the learning goal.
  2. Subukin: pretest. Read the paragraph about Arnold and fill in the three-column table.
  3. Balikan: have someone at home read five short situations aloud, then choose the best ending for each.
  4. Tuklasin: read “May COVID-19 si Tintin,” answer eight comprehension questions (A), and complete three sentences about what you knew, discovered, and changed (B).
  5. Suriin: read the explanation of the skill.
  6. Pagyamanin: Gawain 1 (fill in the table for two texts) and Gawain 2 (choose the best change in knowledge for five situations).
  7. Isaisip: list what you learned and why it matters, then complete a sentence about reading.
  8. Isagawa: read “Ang Gulong ng Buhay” and complete three sentences.
  9. Tayahin: choose three paragraphs and fill in the table for each.
  10. Karagdagang Gawain: read “Maling Akala” and list what changed in your knowledge.

For learners: Write all answers on a separate answer sheet, not on the module, so others can use it later. Contact your teacher if any part is hard to understand.

For parents and guardians: The Balikan part asks a family member to read the situations aloud, so plan to help with that step. The module asks everyone to be honest when checking answers.

For teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) gives answers for Balikan, Tuklasin Gawain A, and Pagyamanin Gawain 2. The open-ended table and sentence tasks (Subukin, Tuklasin B, Pagyamanin Gawain 1, Isagawa, Tayahin, Karagdagang Gawain) are scored with a rubric of five criteria, each rated from 5 (Napakahusay, excellent) to 1 (Kailangan pa ng pagsasanay, needs more practice). The criteria cover clearly stating prior knowledge, truthfully recording new knowledge, explaining what changed, correct sentences and punctuation, and complete details. The teacher’s note says Balikan is only an initial check and learners’ answers may differ.

The next module is Modyul 5: “Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Kaalaman” (what may happen in a text using prior knowledge).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 6 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 4.

What competency does the module cover?

It covers F6PS-IIh-3.3: changing prior knowledge based on what is discovered in a text.

Does the module have an answer key?

Yes. It gives answers for Balikan, Tuklasin Gawain A, and Pagyamanin Gawain 2, plus a scoring rubric for the open-ended table and sentence activities.

What does pagbabago ng dating kaalaman mean?

It means changing your prior knowledge. Learners write what they already knew, what they discovered in the text, and how their earlier idea changed or grew because of it.

What is the main story in the module?

The main story is “May COVID-19 si Tintin,” about a girl who disobeys her parents during the pandemic, gets COVID-19, and learns to listen to them after she recovers.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagbabago ng Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto

6

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagbabago ng Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto

[illustration: students reading and studying outdoors under a tree, a teacher with a student at a desk, a student working by a lamp, and a student with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q2_Filipino 6_ Modyul 4

Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagbabago ng Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Dexter FerasolAilyn F. Geco
Editor:Lilibeth D. Meliton
Tagasuri:Susan J. QuistadioJunry M. Esparar
Celestino S. Dalumpines IV
Tagalapat:Jeson A. TelesforoGemma B. Malicay
Tagapamahala:Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI

Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagbabago ng Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: Kokoy, a boy holding a board with an apple drawing, beside a target]

Magandang buhay sa iyo minamahal naming mag–aaral, muli ako si Kokoy.

Sa modyul na ito ay ipagpapatuloy natin ang iyong masayang paglalakbay patungo sa pagtuklas ng karagdagang kaalaman.

Pagkatapos ng aralin ay inaasahang taglay mo na ang kasanayang:

  • nababago ang dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto. F6PS-IIh-3.3)

Subukin

[illustration: Kokoy, a boy holding a board with an apple drawing, beside a pencil icon]

Ngayon naman ay susubukin natin ang iyong dating kaalaman. Masasagot mo kaya ang mga tanong na inihanda ko? Tingnan natin.

Basahin ang talata at ibigay ang hinihingi sa talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Si Arnold ay mula sa mahirap na pamilya. Lagi niyang naririnig sa kaniyang mga kapitbahay na matutulad siya sa kaniyang mga magulang na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Hindi niya pinansin ang mga ito sa halip ay nagsumikap siya sa buhay. Tuwing Sabado at Linggo ay nangangahoy siya. Ang mga naipong kahoy ay kaniyang pinagbibiling panggatong. Ang perang kinikita ay ginagamit niyang panggastos sa kaniyang pag-aaral. Minsan dumidiskarte rin siyang tagaigib at tagabuhat sa palengke.

Siya ay huwarang mag-aaral sa ikaanim na baitang. Matalino siya sa kaniyang pag-aaral. Sa katunayan siya ang laging napipili na kinatawan ng kanilang paaralan sa mga panrehiyon at pang-nasyonal na timpalak gaya ng Quiz Bee at Math Olympiad. Iniiwasan niya ang lumiban sa klase kahit pa pagod siya sa pagtatrabaho. Kahit wala siyang baon ay pumapasok pa rin siya. Lahat ng gawain sa paaralan ay mahusay niyang nagagawa.

Lumipas ang maraming taon, nagbunga ang kaniyang pagsusumikap. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral at naging matagumpay na doktor. Siya na ngayon ang kinikilalang pinakamahusay na doktor sa kanilang bayan.

Ibigay ang hinihingi sa talahanayan. Gamitin ang kasunod na mga pamantayan sa pagsagot sa talahanayan.

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA PAGSAGOT SA TALAHANAYAN
Ang alam ko na…Ang natuklasan kong kaalaman tungkol sa binasang teksto…Ang nabago sa dati kong alam batay sa natuklasan ko…
Isulat dito ang alam mo na tungkol sa binasaItala naman dito ang mga natuklasan mong bagong kaalaman matapos basahin ang teksto.Nabago ba ang dati mo ng alam dahil sa iyong natuklasan sa binasa? Isulat dito ang nabago sa dati mong kaalaman batay sa iyong natuklasan sa mula binasa.

(Pagbabago ng dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto)

  • 5 – Napakahusay
  • 4 – Mahusay-husay
  • 3 – Katamtamang husay
  • 4 – Hindi gaanong mahusay [transcriber’s note: this level is printed as “4”; the scale suggests “2” was intended, but it is transcribed as printed]
  • 1 – Kailangan pa ng pagsasanay
Pamantayan sa Pagmamarka54321
1. Malinaw na naisulat ang dating kaalaman tungkol sa binasa.
2. Naitala nang may katotohanan ang mga bagong kaalamang natuklasan mula sa binasa.
3. Naipaliwanag nang mabuti ang mga nabago sa dating kaalaman batay sa natuklasan sa binasang teksto.
4. Wasto ang pagkakasulat ng pangungusap, angkop ang paggamit ng mga salita at tama ang pagbabantas.
5. Naisulat nang sapat ang mga hinihinging detalye sa kabuoan ng talahanayan
Kabuoang puntos:

Aralin 1: Nababago ang Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto

Balikan

[illustration: Kokoy, a boy holding a board with an apple drawing, beside a puzzle icon]

Naaalala mo pa ba kung paano bigyan ng wakas ang isang tekstong napakinggan?

Ipabasa nang may kalakasan sa isang kasama sa bahay ang sumusunod. Makinig nang mabuti at unawain. Tukuyin ang angkop na wakas ng sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Nawili sa paglalaro si Alfred sa kabilang bahay. Hindi niya namalayang gabi na pala. Nakalimutan niya ang habilin ng kaniyang nanay na umuwi nang maaga. _____________________________.


    A. Iniwan na siya ng mga kalaro.
    B. Ikinatuwa ng kaniyang ina ang kaniyang pagdating
    C. Masaya siyang sinalubong ng kaniyang nanay at ipinaghain.
    D. Pagdating sa bahay, ipinaalala sa kaniya ang habilin nito at pinagsabihan.


  2. Hindi makakain nang maayos si Ben dahil masakit ang singaw na tumubo sa kanang bibig niya. _____________________


    A. Masakit ang kaniyang tiyan dahil sa walang laman.
    B. Masaya siya sa mga nangyayari sa kaniyang kalagayan.
    C. Nagmukmok siya sa kaniyang kuwarto at ayaw magsalita.
    D. Masayang namasyal si Ben kasama ang kaniyang mga kaibigan.


  3. Namamasyal ang magkapatid sa parke nang bigla silang hinabol ng mabagsik na aso. May malaking puno malapit sa kanila kaya, _____________.


    A. nakipaghabulan sila sa aso paikot sa puno.
    B. nagtatawanan at nagbibiruan sila habang tumatakbo.
    C. humingi sila ng saklolo sa kasamahang namamasyal.
    D. umakyat ang magkapatid sa isang malaking puno at humingi ng tulong.


  4. Naglalakad papuntang paaralan si Gng. Dela Cruz at kagaya ng nakagawian, may kumalabit sa kaniya pagdating sa kanto may _____________.


    A. bagong guwardiya ang subdivision.
    B. nakasunod, ang kaniyang alagang aso.
    C. bagong kapitbahay na nais makipagkilala sa kaniya.
    D. isang batang pulubi ang nais manghingi sa kaniya ng pagkain.


  5. Pagkagising sa umaga, inutusan ni Aling Mareta ang kaniyang anak na si Bernardo na bumili ng kalahating kilo ng asukal na ihahalo sa kape sa may tindahan malapit sa kanila. Habang naglalakad, nadaanan ni Bernardo ang mga pinsan na naglalaro ng piko, nakisali siya rito at hindi nakabalik kaagad sa bahay, kaya, _____________________________.


    A. pinabayaan siya ng kaniyang nanay
    B. nakatulog ang nanay sa paghihintay sa kaniya
    C. sinundo siya ng kaniyang nanay at pinagsabihan
    D. pagdating niya sa bahay, pinaglaba siya ng maruruming damit


Mga Tala para sa Guro

Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala ang iskor para matukoy ang kahinaan ng mag-aaral. Isaalang-alang din na maaaring magkakaiba ang tugon ng bawat mag-aaral.

Tuklasin

[illustration: Kokoy, a boy holding a board with an apple drawing, beside a plant icon]

Ngayon ay bibigyan natin ng paglilinaw kung paano nababago ang iyong dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto. Basahin ang kuwento at isagawa ang gawain sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

May COVID-19 si Tintin

Si Tintin ay isang masayahin, kikay, pilya at makulit na bata. Siya ay nagiisang anak nina Mang Pedro at Aling Theodora. Mahal na mahal nila si Tintin kaya binibigay nila lahat ng nais ng kanilang anak. Palaging abala sa pagtatrabaho ang mag-asawa kaya naiiwang mag-isa si Tintin sa kanilang bahay. Nakasanayan na ni Tintin ang makipaglaro sa kapitbahay, minsan kahit pinagbabawalan na ni Aling Theodora ang anak ay pumupuslit pa rin ito at pumupunta sa mga kaibigan at nakikipaglaro.

Dumating ang hindi inaasahang banta ng pandemya na ikinatakot ng lahat. Dahil dito, lubos ang pangamba ng mag-asawang Pedro at Theodora sa kanilang kaligtasan lalo na’t naririnig nila sa balita na ang COVID-19 daw ay nakamamatay. Sa sobrang takot at pangamba ay pinagbawalan ni Aling Theodora ang anak na lumabas ng bahay. Ikinalungkot ito ni Tintin. Sinabihan din nila ang anak na kung dudungaw sa bintana ay magsuot ng face mask. Pinaalalahanan din nila ang anak na laging maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol. Ngunit sadyang pilya si Tintin, tuwing hapon kapag tulog na ang kaniyang mga magulang pumupuslit siya palabas ng kanilang bahay para lamang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.

“Tintin, anak halika na lumabas ka na riyan sa iyong kuwarto at tayo ay kakain na,” yaya ni Aling Theodora sa anak. “Sandali lang po inay, magpapahinga lang po ako ang sakit po kasi ng ulo ko at parang nanghihina po ako,” sagot ni Tintin. Biglang kinabahan si Aling Theodora sa narinig sa anak, kaya agad niya itong pinuntahan at tiningnan ang temperatura nito. Lubos ang kaniyang pangamba dahil sa may lagnat ang kaniyang anak. “Bumangon ka na riyan at magbihis pupunta tayo sa doktor patitingnan kita,” wika ng ina.

Pagkatapos tingnan ng doktor si Tintin ay nirekomenda ng doktor na magpaswab test si Tintin. Agad naman itong ginawa ni Aling Theodora. Nag-home quarantine na muna si Tintin dahil may mga sintomas siya ng sakit na COVID-19.

Pagkalipas ng ilang araw ay nanlumo ang mag-asawa nang makita ang resulta ng swab test ng kanilang anak. Positibo ito sa sakit na COVID-19. Biglang may dumating na ambulansiya para kunin si Tintin at dinala sa isang quarantine facility sa kanilang bayan. Malungkot, nangangamba at natatakot man ang mag-asawa ay wala na silang magawa.

Nanatili si Tintin sa quarantine facility ng mahigit sa dalawang linggo. Nagpa-swab test ulit si Tintin at naging negatibo na ang resulta kaya pinayagan na siyang umuwi sa kanilang bahay.

Dahil sa mga nangyari, naunawaan ni Tintin na walang mabuting dulot ang hindi pagsunod sa magulang. Kaya naman, pagkatapos ng kaniyang karanasan, natutuhan na niyang makinig at sumunod sa kaniyang magulang. Naging masunurin, mabuti at responsableng bata na si Tintin.

Sariling Akda: Dexter E. Ferasol

Magaling! Malinaw na nauwaan mo ang iyong binasa. Naipakita mo rin ang pagbabago sa iyong dating kaalaman batay sa iyong natuklasan sa teksto.

Ngayon naman suriin natin kung paano maaaring mabago ang iyong dating kaalaman batay sa iyong mga natuklasan mula sa teksto.

A. Sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang paksa ng binasang kuwento?
  2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
  3. Ano-ano ang katangian ng pangunahing tauhan?
  4. Ilarawan ang damdamin ng mag-asawang Pedro at Theodora sa pagdating ng banta ng COVID-19.
  5. Ano ang ginawa ni Aling Theodora para proteksiyonan ang anak sa COVID-19?
  6. Bakit labis ang lungkot, takot, at pangamba ng mga magulang ni Tintin?
  7. Paano nagkaroon ng COVID-19 si Tintin?
  8. Ano ang natutuhan ni Tintin matapos siyang gumaling sa COVID-19?

B. Kompletuhin ang sumusunod upang mabuo ang pangungusap.

  1. Ang alam ko tungkol sa “pagsunod sa magulang” ay _____.
  2. Pagkatapos kong mabasa ang teksto, nadagdagan pa ang kaalaman ko tungkol dito. Natuklasan ko na _____.
  3. Dahil sa natuklasan ko o natutuhan mula sa binasa, nabago ang dati kong kaalaman. Ito ay ang _____.
Suriin

Magaling! Malinaw na nauwaan mo ang iyong binasa. Naipakita mo rin ang pagbabago sa iyong dating kaalaman batay sa iyong natuklasan sa teksto.

Ngayon naman suriin natin kung paano maaaring mabago ang iyong dating kaalaman batay sa iyong mga natuklasan mula sa teksto.

Pagbabago ng Dating Kaalaman Batay sa Natuklasan sa Teksto

Tunay na sa ating pagbabasa marami tayong natutuklasan. Ito ay maaaring makapagdagdag sa ating kaalaman o makapagpabago sa dati na nating nalalaman. Kung gayon, sa bawat bagong kaalaman na ating natutuklasan ay mahalagang malaman natin kung paano ito magagamit sa ating pag-unlad.

Balikan natin ang inyong binasa. Suriin natin kung paano nababago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasan sa binasang teksto.

Bago pa man ninyo basahin ang teksto. Mayroon na kayong taglay na kaalaman batay sa inyong mga karanasan, sariling pananaw at damdamin.

Halimbawa: Maaaring ang alam na ninyo ukol sa binasa ay – -Bilang anak kailangang sumunod at makinig sa magulang.

Samantala, nang mabasa na ninyo ang teksto tiyak na may natuklasan kayong mga bagong kaalaman at nakadagdag sa inyong mga natutuhan.

Gaya halimbawa ng – -May mga pagkakataon na hindi natin intensiyon na hindi sumunod sa ating magulang. -May mga pagkakataon din na dahil sa ating pagpipilit sa sariling kagustuhan ay hindi natin namamalayan na maaari natin itong ikapahamak.

Dahil sa inyong pagbabasa, marami kayong natuklasan at natutuhan. Ito ay maaaring makapagpabago sa inyong dati ng nalalaman at makapagdagdag ng iyong kaalaman.

Kung ang dati ninyong alam ay “dapat lamang sumunod ang anak sa kaniyang magulang,” pagkatapos mong mabasa at maunawaan ito ay maaaring nabago na ang iyong dating kaalaman. Maaaring ito ay lumawak na o kaya nabago sa kabuoan. Halimbawa: -Ang pagsunod sa magulang ay pagpapasiya rin para sa sariling kabutihan. -Ang pagsuway sa magulang ay tulad din ng hindi pag-iingat para sa sariling kaligtasan.

Ayan! Malinaw na sa iyo kung paano nababago ang inyong dating kaalaman batay sa natuklasan sa binasa. Inaasahan na patuloy na malilinang sa iyo ang kasanayang ito.

Pagyamanin
Gawain 1

Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos ay ibigay ang hinihingi sa talahanayan sa ibaba. Isagawa ito sa iyong sagutang papel.

A.

Si Mang Pedring ay isang ulirang ama. Lahat ay ginagawa niya para lamang maigapang ang pag-aaral ng kaniyang tatlong anak na pawang nasa kolehiyo na. Sa araw ay nagtatrabaho siya sa bukid, nag-aararo, nagbubungkal ng lupa at nagtatanim ng mga kamoteng-kahoy, mais at palay.

Sa gabi naman ay tinutulungan niya ang kaniyang asawa sa pananahi ng basahan na ibinibenta nila sa palengke pandagdag sa kanilang mga gastusin sa bahay.

Sariling Katha: Dexter E. Ferasol

B.

Isang huwarang mag-aaral sa ikaanim na baitang si Berto. Matalino sa klase. Maingat din siya sa kaniyang kalusugan. Palagi siyang kumakain ng gulay, prutas isda, itlog at iba pang masusustansiyang pagkain. Paminsan-minsan lamang siya kumakain ng mga pagkaing mula sa fastfood chains at mga pulang karne. Gayundin, limitado lamang siya sa paggamit ng gadyet. Ang kaniyang oras ay nakalaan nang balanse sa pag-aaral, paglalaro, pag- eehersisyo, pagpapahinga, at pagtulong sa kaniyang mga magulang.

Kinasisiyahan siya dahil sa kaniyang pagiging responsable. Siya ay isang mabuting halimbawa sa kabataan.

Sariling Katha: Lilibeth D. Meliton

Ang alam ko na…Ang natuklasan kong kaalaman tungkol sa binasang teksto…Ang nabago sa dati kong alam batay sa natuklasan ko…
1. Teksto A
2. Teksto B
Gawain 2

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ibigay ang pinakaangkop na posibleng magiging pagbabago sa iyong dating kaalaman kaugnay sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging malinis ang kapaligiran at makalikom ng pondo.

    • A. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
    • B. Mawawala na ang basura sa paaralan.
    • C. Nalutas na ang suliranin sa basura maaari pang kumita.
    • D. Hindi problema ng paaralan ang basura.
  2. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na pumasok. Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Seth.

    • A. Masaya ang unang araw ng pasukan.
    • B. Maraming bagong makikilala sa unang araw ng pasukan.
    • C. Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase. Kaya dapat handa.
    • D. Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
  3. Mula sa ibang bansa si Joana. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kaniyang kaklase, huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na parehong mahusay sa Filipino at Ingles ang kanilang bagong kamag-aral.

    • A. Matutong makipagkaibigan.
    • B. Iwasan na mapalapit sa baguhan.
    • C. Hayaang maunang pumansin at makipagkaibigan ang bago.
    • D. Kilalanin muna ang tao bago magsalita tungkol dito.
  4. Isang gabi hindi nakatulog si Joey, ayaw humiwalay sa kaniyang isipan ang nabanggit ng ina na patitigilin sila sa pag-aaral dahil wala na talaga silang pera.

    • A. Mahirap mag-aral.
    • B. Kailangan mapera para makapag-aral.
    • C. Ang mahirap ay hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.
    • D. Mahirap maging mahirap pero sa masikap mawawala ang hirap.
  5. Gutom na gutom sina Omar at Calib galing sa paaralan. Tamang-tama ring naluto na ni Nanay ang pagkain. Kaya agad na inihain ito ng kanilang kapatid.

    • A. Dapat laging masarap ang pagkain.
    • B. Mahalaga ang pagtutulungan sa pamilya.
    • C. Si Nanay lang ang magluluto.
    • D. Nakagugutom ang pag-aaral.
Isaisip

A. Punan ang sumusunod na talahanayan.

Ano ang iyong mga natutuhan?Gaano ito kahalaga?

B. Kompletuhin ang sumusunod:

Sa pamamagitan ng pagbabasa mahahasa ang ating kaisipan Gayundin, makatutuklas tayo ng mga bagong kaalaman na maaaring _____.

Isagawa

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Ibigay ang hinihingi sa talahanayan sa ibaba. Isagawa ito sa iyong sagutang papel.

Ang Gulong ng Buhay

Lumaking sunod sa layaw si Sabrina. Bawat nanaisin niya ay ibinibigay sa kaniya. Gala dito, gala doon iyan ang laging ginagawa niya. Pinababayaan na niya ang kaniyang pag-aaral. Hingi siya nang hingi ng pera sa kaniyang ama na nagtatrabaho sa ibang bansa. Laman siya palagi ng mga malls, bili dito, bili doon kahit hindi na niya kailangan ng damit ay binibili niya basta’t nagugustuhan niya.

Subalit nagising nalang siya isang araw na iba na ang takbo ng kanilang pamumuhay. Dahil sa napauwi ang kaniyang ama at nawalan ng trabaho, nasundan pa ng unti-unting pagbagsak ng kanilang mga negosyo. Isa-isang naibenta ng kaniyang mga magulang ang kanilang mga ari-arian para may maipambayad sa kanilang mga pagkakautang. Nasimot ang kanilang ipong pera sa bangko.

“Anak lilipat na tayo sa isang maliit na apartment, ibinenta na namin ng papa mo itong bahay”, pagpapaliwanag ni Aling Selda sa kaniyang anak. Para may ikabuhay, nagbukas ang kaniyang nanay ng isang maliit na tindahan sa harap ng kanilang bahay. Ang kaniyang ama naman ay namasukan bilang

kargador sa malapit na pabrika ng sapatos. Walang magawa si Sabrina kundi tanggapin ang panibagong pamumuhay.

“Magsisikap ako sa pag-aaral, iaahon ko ang aking pamilya sa kahirapan”, may pagsisising bulong ni Sabrina sa sarili. Tuwing hapon pagkagaling sa paaralan ay tumutulong si Sabrina sa kaniyang nanay sa pagtitinda sa kanilang tindahan.

Sa paglipas ng panahon ay nakapagtapos ng kolehiyo si Sabrina at nagkaroon ng magandang trabaho. Unti-unti na silang nakabangon at nakalipat sa isang malaking bahay at nagkaroon na rin sila ng sarili nilang pagawaan ng sapatos.

Sariling akda: Dexter E. Ferasol

Kompletuhin ang sumusunod upang mabuo ang pangungusap.

  1. Ang alam ko na tungkol sa nabasa ay _____.
  2. Pagkatapos kong mabasa ang teksto, nadagdagan pa ang kaalaman ko tungkol dito. Natutuhan ko na _____.
  3. Dahil sa natuklasan ko o natutuhan mula sa binasa, nabago sa dati kong kaalaman. Ito ay ang _____.
Tayahin

Mabuti at nairaos mo na ang mga gawain. Tiyak kong masasagot mo rin nang mahusay ang gawaing pagtataya. Babatiin na kita nang buong galak, alam kong matagumpay mong matatapos ang araling ito.

Panuto: Basahin ang sumusunod na talata. Pumili ng tatlo mula rito at ibigay ang iyong dating kaalaman, natuklasan o natutuhan, at ang nabago sa dating mong kaalaman batay sa binasang talata. Gamitin ang talahanayan sa ibaba at isagawa ito sa inyong sagutang papel.

  1. Ang matagal na panonood ng TV, pagbababad sa paglalaro sa computer at cellphone ay nakasisira ng mata. Maaaring makaramdam ng pagkahilo at panlalabo ng paningin at kung hindi ito maagapan ay maaari itong ikabulag.


  2. Ang walang habas na pagputol ng mga punongkahoy ay may masamang maidudulot sa kalikasan. Maaaring magdulot ito ng pagbaha, pagguho ng lupa at higit sa lahat ay wala ng matitirhan ang mga hayop.


    Sa panahon ng pandemya ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga matatanda edad 60 pataas at mga bata edad 20 pababa. Ito ay dahil sa higit na mahina ang kanilang resistensya at madaling mahawahan ng virus.


  3. Ang pag-inom ng walong basong tubig araw-araw ay mainam sa ating katawan. Sa pagpapanatili ng tamang lebel ng tubig sa ating katawan ay maaaring makaiwas tayo sa iba’t ibang sakit.


  4. Isang sikat na boksingero at senador na si Manny Pacquiao ay mula sa isang mahirap na pamilya, nagsikap sa buhay kaya narating ang rurok ng tagumpay.


  5. Ang walang habas na pagputol ng mga punongkahoy ay may masamang maidudulot sa kalikasan. Maaaring magdulot ito ng pagbaha, pagguho ng lupa at higit sa lahat ay wala ng matitirhan ang mga hayop.


Ang alam ko na…Ang natuklasan kong kaalaman tungkol sa binasang teksto…Ang nabago sa dati kong alam batay sa natuklasan ko…
1. Talata Blg.___
2. Talata Blg.___
3. Talata Blg.___
Karagdagang Gawain

Basahin at unawain ang teksto. Ibigay ng mga nabago sa iyong dati ng kaalaman batay sa natuklasan sa binasa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.






Maling Akala

Nakumbida ang magkakaibigang Anna, Flor at MJ sa pista sa Tapaz. Napagkasunduan ng magkakaibigan na sa harap ng palengke sila magkikita-kita sa ganap na ikatatlo ng hapon. Bago mag-ikatatlo ay dumating na sina MJ at Anna, magkasabay ang dalawa dahil sila ay magkapitbahay. Mag-iikaapat na ng hapon ay wala pa si Flor. “Baka na-flat ang gulong ng motor niya,” pahayag ni MJ nang mainip na, “Mahirap kasi ang daan sa kanila, mabato at madulas.” “Ang sabihin mo, siguro’y bago pa lamang iyon umalis sa kanila. Alam mo naman iyon. Kung anong oras ang usapan ng pagkikita, siyang oras ng pag-alis pa lang niya sa bahay,” ang nayayamot namang sabi ni Anna. “O, siya na yata yaong dumarating,” sabi naman ni Anthony, pinsan ni Anna. “May natumbang malaking kahoy na nakahambalang sa gitna ng daan, hinintay pa naming mahatak ito papunta sa gilid ng daan, kaya natagalan ako,” pagbabalita ni Flor nang dumating. “Ganoon ba? Kaya pala, O, siya tayo na at naghihintay na si Albert sa kanilang bahay,” payukong nasambit ni Anna dahil sa mali ang kaniyang akala.

Sariling akda: Dexter E. Ferasol

Nasagot mo ba nang tama ang mga gawain? Binabati kita dahil natapos mo ang lahat ng pagsubok sa ating paglalakbay. Batid kong naging masaya ka kaya naman sa susunod mong pag-aaral, asahan mong sasamahan pa rin kita sa Modyul 5: Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Kaalaman.

Susi sa Pagwawasto

Gamitin ang rubrik na ito sa bahaging SUBUKIN, GAWAIN B NG TUKLASIN, GAWAIN 1 NG PAGYAMANIN, ISAGAWA, TAYAHIN, KARAGDAGANG GAWAIN

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA PAGSAGOT SA TALAHANAYAN (Pagbabago ng dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto)

5 – Napakahusay 4 – Mahusay-husay 3 – Katamtamang husay 2 – Hindi gaanong mahusay [transcriber’s note: the source text layer prints this number as “4”; the rubric columns run 5 to 1, so it is read here as 2] 1 – Kailangan pa ng pagsasanay

Pamantayan sa Pagmamarka54321
1. Malinaw na naisulat ang dating kaalaman tungkol sa binasa.
2. Naitala nang may katotohanan ang mga bagong kaalamang natuklasan mula sa binasa.
3. Naipaliwanag nang mabuti ang mga nabago sa dating kaalaman batay sa natuklasan sa binasang teksto.
4. Wasto ang pagkakasulat ng pangungusap, angkop ang paggamit ng mga salita at tama ang pagbabantas.
5. Naisulat nang sapat ang mga hinihinging detalye sa kabuoan ng talahanayan
Kabuoang puntos:
Tuklasin (GAWAIN A)
  1. Tungkol sa COVID-19 at sa karanasan ni Tintin sa sakit na ito.
  2. Si Tintin.
  3. Masayahin at mahilig makipaglaro sa kaibigan sa labas.
  4. Sila ay natakot at nangamba.
  5. Hindi pinayagang lumabas ng bahay si Tintin.
  6. Dahil nagkaroon ng COVID-19 si Tintin.
  7. Dahil sa pakikipaglaro sa labas ng bahay.
  8. Sumunod at makinig sa magulang.
Balikan
  1. D
  2. A
  3. D
  4. D
  5. C
Pagyamanin (Gawain 2)
  1. C
  2. C
  3. D
  4. D
  5. B
ISAISIP

Sariling sagot ng mag-aaral.

Sanggunian

  • Most Essential Learning Competencies 2020 pahina 222
  • 2016 Gabay Pangkurikulum sa Filipino (F6PS-IIh-3.3)
  • Learning Resource Portal
  • Sariling Katha

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district