Panibagong tatalakayin sa modyul na ito ang tungkol sa dula na ayun kay Aristotle, ang dula ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay sa wika, sa kilos at sa damdamin.
Pag-uusapan rin ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay at iba pa). Gayundin ang kahulugan ng isang salita habang nababago ang estruktura nito.
Inaasahan ko na magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng ating paglalakbay;
1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda. F9PN-Ig-h-43
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito. F9PT-Ig-h-43
3. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula. F9PU-Ig-h-45
4. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, at iba pa.) F9TS-Ig-h-45
fil9_q1_m5_panitikang-asyano-dula-mula-sa-pilipinas_v2