Sa bahagi ng modyul, ito ay tungkol sa pagsulat ng talata na makatutulong at makabibigay ng kaalaman kung paano mahahanay at maipahahayag ang isang kaisipan. Ito rin ay magsisilbing gabay upang mapalalim nang maigi ang kaalaman sa pagpapahiwatig ng sariling pananaw sa bawat sitwasyon o pangyayari na ating ginagalawan sa pang araw-araw na buhay.
Sa pagtatapos nito, inaasahan ikaw ay makapagsusulat ng talatang:
- binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap;
- nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan;
- at nagpapakita ng simula, gitna, wakas.