Filipino 7 Quarter 1 Module 9: Mga Hakbang sa Pananaliksik

Filipino 7 Quarter 1 Module 9 explains what research is, the nine steps in research, note-taking types, and sources of information, with tests and key.

This is the Filipino 7 self-learning module for the first quarter (Unang Markahan), Module 9: “Mga Hakbang sa Pananaliksik” (steps in research). It is written for Grade 7 learners studying at home, with a guide named Kokoy who leads them through each part. By the end, learners should be able to explain what research is and list the steps of doing research.

The module was prepared by DepEd Region XII (first edition, 2020) under the Alternative Delivery Mode. Its writer is Mylen E. Dongosa.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module is built on this most essential learning competency (code F7PN-Ij-6): learners list the steps taken in research from statements they have listened to. Its specific objectives are:

  • Explain the meaning of pananaliksik (research).
  • List the steps followed in research from the statements they hear.

What is pananaliksik?

The module defines pananaliksik as a kind of academic writing that needs enough preparation, careful thinking, and a systematic approach. “Systematic” (sistematiko) means it follows a process in which each step comes in order and connects to the next.

It also cites Manuel and Medel (1976), who describe research as a process of gathering information to solve a problem in a scientific way. A good researcher, the module stresses, gathers data to solve a particular problem scientifically, and does not rush, rely only on hearsay, or copy other people’s work.

The nine steps in research

The module presents the steps as a staircase that starts at the bottom:

  1. Pagpili ng Paksa (choosing a topic). Pick a topic that matches your interest, has available materials, and that you know a lot about.
  2. Paglalahad ng Layunin (stating the purpose). List your reasons or goals for doing the research.
  3. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas (preparing a tentative outline). This gives direction and guides your reading and note gathering, so the research goes faster.
  4. Pagbuo ng Tentatibong Bibliyograpi (making a tentative bibliography). A bibliography is a list of sources such as books, articles, reports, newspapers, and magazines. The internet may also be used.
  5. Pangangalap-tala o Note Taking (gathering notes). Index cards are suggested. Notes are sorted into three kinds (see below).
  6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline (preparing the final outline). Plan and think through the whole research.
  7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft (writing the rough draft). Use your final outline and note cards. The paper must have an introduction, body, and conclusion.
  8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador (correcting and revising the draft). Check the content and writing style, as well as spelling, punctuation, and correct word use.
  9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik (writing the final research). Follow the format your teacher gives.

Three kinds of notes

Kind of noteWhat the module says
Lagom (summary)Write the note in your own words without losing any meaning or information.
Hawig (paraphrase)Freely express the note while explaining what the original says.
Tuwirang sipi (direct quote)Copy the words from the book exactly and put them in quotation marks.

Where to get information

The module groups sources of data (mga hanguan ng datos) into three types:

  • Hanguang primarya (primary sources): individuals or authorities, groups or organizations, established customs, and public documents. Information from expert speakers or resource persons falls here.
  • Hanguang sekondarya (secondary sources): printed materials such as dictionaries, encyclopedias, yearbooks, almanacs, atlases, articles in journals, magazines, newspapers, and newsletters, and theses, dissertations, and studies, published or not.
  • Hanguang elektroniko o internet (electronic sources): examples given are Google and YouTube. The module calls this the easiest and broadest way to search, but warns that much information online is doubtful or untrue, so it must be checked carefully.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts, in this order:

  1. Subukin: a 15-item multiple-choice pretest.
  2. Balikan: two warm-up activities, finishing the statement “I believe ito ay isang…” and a word search for 10 words related to research.
  3. Tuklasin: a conversation between two friends about the meaning of research, then the nine steps.
  4. Suriin: checking true statements about research and a five-item multiple-choice exercise.
  5. Pagyamanin: identifying and explaining pictured sources of information, then Pagsasanay 1 (labeling sources as HP, HS, or HE) and Pagsasanay 2 (arranging the steps from 1 to 9).
  6. Isaisip: completing a paragraph with words from a box and marking key ideas with a star.
  7. Isagawa: “Kultura ay Saliksikin,” researching a story from your own town about its traditions and values, and writing its title, summary, the traditions it shows, and its lessons.
  8. Tayahin: a 15-item multiple-choice post-test.
  9. Karagdagang Gawain: writing your own research on the traditions or culture of people in Mindanao on a whole sheet of paper.

For learners: Do not write on the module. Answer on a separate sheet of paper, and contact your teacher if a lesson is hard to understand. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, only after answering.

For parents and guardians: The pretest shows whether your child needs extra help. Help them follow the steps when they do the Isagawa research on a local story.

For teachers: The answer key covers the Balikan word search, Subukin, and Tayahin. The Isagawa and Karagdagang Gawain outputs are open-ended and need your own checking. The next module is Modyul 10, on analyzing data in research for a tourism project.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 7 Filipino, first quarter (Unang Markahan), Module 9.

What are the steps in research according to the module?

Choosing a topic, stating the purpose, preparing a tentative outline, making a tentative bibliography, note taking, preparing the final outline, writing the rough draft, correcting and revising the draft, and writing the final research.

What is the difference between lagom, hawig, and tuwirang sipi?

Lagom is a note written in your own words without losing any meaning. Hawig freely expresses and explains what the original says. Tuwirang sipi copies the exact words of the source inside quotation marks.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Balikan word search, the Subukin pretest, and the Tayahin post-test.

What competency does the module cover?

It covers competency F7PN-Ij-6, listing the steps taken in research from statements heard, and explaining the meaning of research.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

FILIPINO – Unang Markahan – Modyul 9: MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK

[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, with a teacher, a globe, and a lamp]

CO_Q1_Filipino7_Module9

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 9: Mga Hakbang sa Pananaliksik Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:MYLEN E. DONGOSA
Editor:VIRGILINA CABAYLO, GINA B. VALDEZ
Tagasuri:LELITA A. LAGUDA
Tagaguhit:LHRYN T. JARANILLA, SWELYN E. FORRO
Tagalapat:GUINEVIER T. ALLOSO
Tagapamahala:ALLAN G. FARNAZO
GILBERT B. BARRERA
ARTURO D. TINGSON, JR.
PETER VAN C. ANG-UG
JULIET F. LASTIMOSA
SALLY A. PALOMO
GREGORIO O. RUALES

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region XII
Office Address:Department of Education – Region XII
Office Address:Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax:(083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address:depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta ka na kaibigan! Naririto akong muli si Kokoy na handang gumabay sa iyo sa ating paglalakbay.

Alam kong marami ka nang natutuhan sa mga nakaraang mga modyul. Binabati kita sapagkat nasa ikasiyam na modyul ka na ng unang markahan.

Bago tayo magpatuloy, alam kong pinagawa ka ng iyong guro ng mga takdang aralin. Nasagot mo ba ito nang maayos? Anong ginagawa mo kapag hindi mo naiintindihan ang aralin?

Naghanap ka ba ng internet? Nagtanong sa mga nakaaalam o naghanap ng mga aklat na may kaugnayan dito?

Upang mas lalo mo pang maintindihan kung paano maghanap ng ibang impormasyon, magpatuloy ka sapagkat sa modyul na ito ay mabibigyan ka nang sapat na kaalaman kung paano maghanap ng impormasyon sa tulong ng iba’t ibang hakbang ng pananaliksik.

Padayon kaibigan! Halina’t mag-aral upang matuto!

naghanap ng mga aklat na may kaugnayan dito?

Subukin

Bago ka magpatuloy kaibigan, mayroon akong inihandang pagsusulit upang subukin ang iyong kaalaman. Sige, sagutin mo na.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Isang uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na paghahanda at masusing pag – iisip upang patunayan at makuha ang anumang impormasyon na nais ng manunulat.

    • a. pagbabalita
    • b. pagsasalaysay
    • c. pananaliksik
    • d. pakikipanayam
  2. Talaan ng iba`t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang material.

    • a. paksa
    • b. burador
    • c. balangkas
    • d. bibliyograpi
  3. Hanguang nakalimbag tulad ng aklat, magasin, diksyunaryo, atlas, at pahayagan.

    • a. pakikipanayam
    • b. hanguang primarya
    • c. hanguang sekondarya
    • d. hanguang elektroniko o internet
  4. Ito ang pinakamadaling hanguan ng paksa,malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa

    • a. pakikipanayam
    • b. hanguang primarya
    • c. hanguang sekondarya
    • d. hanguang elektroniko o internet
  5. Mga impormasyong nagmula o makukuha sa mga tagapagsalita o tagapanayam na eksperto sa paksang kanilang ibinibigay sa tagapakinig ay tinatawag na.

    • a. pananaliksik
    • b. hanguang primarya
    • c. hanguang sekondarya
    • d. hanguang elektroniko o internet
  6. Mahalagang isaalang-alang sa paggawa ng pananaliksik.

    • a. paksa
    • b. layunin
    • c. pagsulat ng burador
    • d. pagsulat ng pinal na pananaliksik
  7. Binibigyang pansin dito ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng mga salita.

    • a. paglalahad ng layunin
    • b. pagsulat ng pinal na pananaliksik
    • c. pagwawasto at pagrebisa ng burador
    • d. paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi
  8. Ang tentatibong balangkas ay makatutulong sa isang mananaliksik upang mabilis matapos ang pananaliksik dahil _____.

    • a. Ito ang magbibigay direksiyon at magsisilbing patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
    • b. Ito ay magbibigay nang sapat na sangguniang gagamitin sa pagbasa.
    • c. Ito ay magbibigay ng layunin sa pag – aaral
    • d. Ito ay naglalahad ng tiyak na impormasyon sa pangangalap
  9. Ang mga pahayag ay mga katangian ng isang pananaliksik maliban sa isa.

    • a. Ang paksang pipiliin ay dapat naaayon sa interes at may mga materyales na mapagkukunan.


    • b. Ang paghahanda ng tentatibong balangkas ay makatutulong para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay sa pangangalap ng mga tala


    • c. Maging maingat at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyong mula rito ay kaduda-duda o walang katotohanan.


    • d. Lahat ng datos na nakuha ay dapat isama at di kailangang pag-aralan.


  10. Ang tawag sa mga talang nakuha na malayang naipapahayag ang tala sa pagbibigay – paliwanag sa sinasabi sa orihinal

    • a. lagom
    • b. hawig
    • c. burador
    • d. tuwirang sipi
  11. Ito ay pangangalap ng tala na kung saan ang tala ay isinusulat sa sariling salita na walang impormasyong nawawala.

    • a. lagom
    • b. hawig
    • c. burador
    • d. tuwirang sipi
  12. Ito ay pangangalap-tala na kinokopya ang mga salita sa aklat at ipinapaloob sa isang panipi.

    • a. hawig
    • b. lagom
    • c. layunin
    • d. tuwirang sipi
  13. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik maliban sa.

    • a. pagpili sa paksa
    • b. paglalahad sa layunin
    • c. paghahanda ng tentatibong balangkas
    • d. paggawa ng haypotesis
  14. Ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay ng tagapagsaliksik sa pangangalap ng mga tala.

    • a. pangangalap-tala
    • b. paglalahad ng layunin
    • c. pagsulat ng pinal na pananaliksik
    • d. paghahanda ng tentatibong balangkas
  15. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang mananaliksik?

    • a. Minamadali ang trabaho
    • b. Ang mga datos ay nakabase lamang sa naririnig
    • c. Pangongopya ng mga datos, ideya, pangungusap at balangkas ng isang akda.
    • d. Ang isang mananaliksik ay nangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong pamamaraan

Aralin 9: Mga Hakbang sa Pananaliksik

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto: F7PN-Ij-6

Naisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa panaliksik mula sa napakinggang mga pahayag.

  • Naipaliliwag ang kahulugan ng pananaliksik; at
  • Naisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag
Balikan

Kumusta ka mahal kong kaibigan? Napagtagumpayan mo na bang sagutin ang subukin? Ipagpatuloy mo at ating alamin kung tumpak ang iyong mga sagot.

Ops! bago tayo magpatuloy sa ating aralin. Sagutin mo muna ang mga gawain.

Gawain1: Dugtungan mo.

Suriin mo ang nakasulat na pahayag. Ano ang masasabi mo ukol dito? Dugtungan mo ang pahayag na “I believe ito ay isang…” Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: speech bubble with the printed text below and the website address at its left]

I believe ito ay isang





www.deped.gov.ph

Gawain II: Magkahanap ka

Hanapin ang sampung (10) salitang may kaugnayan sa PANANALIKSIK. Isulat ang napiling salita sa sagutang papel.

[chart: letter grid, 15 rows by 15 columns; the grid is a word-search puzzle with no labels or values]

LDHKWYVWZQDIOMG
XARTGTQJXAOPDVT
IQKDCYWCLEIAIRB
VYUIWNEYPSCRSOC
BFEGTFTQAIYGUKQ
ULCSCIABGBJOSIF
RWPHMBRDHQHYAMA
ASKAPOAKAVCIMEK
DTCNWQTLHGJLXDY
OZUSIFBIALFBYAV
RSDEKNGONNTIZKE
ZIVQBYUCDYGBHAX
WJKLWDMYASQKWMQ
TLOHIKALADAUABE
XJSZJPTSPLTHJSI

Tuklasin

Basahin at unawain mo ang usapan ng magkaibigan sa ibaba upang mabigyan ka ng kaalaman sa ating paksa.

[illustration: two students in conversation, shown in four panels]

Kaibigan, alam kong masaya ka sapagkat nasagutan mo nang maayos ang mga gawain sa itaas. Ngayon, ay magpapatuloy na tayo.

Kaibigan, alam mo ba ang ibig sabihin ng pananaliksik?

Oo kaibigan! Ang pananaliksik ay isang uri ng akademikong sulatin at nangangailangan ng sapat na paghahanda, masusing pag-iisip at sistematiko

Ano naman ang ibig sabihin ng sistematiko?

Kapag sinabing sistematiko ito ay may sinusunod na proseso at ang bawat hakbang ay magkakasunod at magkakaugnay.

Maaari mo bang ipaliwanag sa akin ang sinabi ni Manuel at Medel (1976) tungkol sa pananaliksik?

Ayon sa kanila, ito ay isang proseso ng pangangalap ng mga impormasyon upang malutas ang isang problema sa siyentipikong paraan.

Maraming Salamat kaibigan sa iyong tulong. Hanggang sa muli.

Walang anuman kaibigan. Hanggang sa muli rin. Paalam!

Tara kaibigan! Ipagpatuloy natin ang ating talakayan. Ngayon, isa-isahin natin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.

[illustration: a staircase-style flowchart with steps rising upward, the first step marked MAGSIMULA DITO at the bottom]

Mga Hakbang sa Pananaliksik

[chart: flowchart; Mga Hakbang sa Pananaliksik]

  1. Pagpili ng Paksa. Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales na mapagkukunan at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.


  2. Paglalahad ng Layunin. Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.


  3. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas. Makatutulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.


  4. Pagbuo ng tentatibong Bibliyograpi. Ang bibliyograpi ay talaan ng iba`t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal. Maaari ring gamitin ang internet.


  5. Pangangalap-tala o Note Taking. Sa paghahanap ng tala ay iminumungkahing gumamit ng index card. Hatiin sa tatlo ang mga talang nakuha-lagom, tuwirang sipi at hawig. Kapag lagom ay isulat ang tala sa sariling salita na walang kahulugan o impormasyong nawawala. Sa hawig naman, malayang ipahayag ang tala sa pagbibigay paliwanag sa sinabi sa orihinal. Sa tuwirang sipi, kopyahin ang mga salita sa aklat at ipaloob iyon sa panipi.


  6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline: Sa bahaging ito planuhin at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na gagawin.


  7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft. Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Tandaang ang iyong sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng introduksiyon, katawan at kongklusyon.


  8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador. Basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto. Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayon din ang baybay, wastong bantas at wastong gamit ng mga salita.


  9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik. Isulat ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro.


Suriin

[illustration: a student holding a magnifying glass, with a thought bubble reading “Kaibigan! Ngayon ay subukin natin ang iyong pag – unawa sa paksang tinalakay.”]

Panuto: A. Suriin ang mga sumusunod na pahayag na nagpapatooo hinggil sa pananaliksik. Lagyan ng tsek (√ ) ang bawat bilang.

  1. Sa pagsulat ng pananaliksik, ang paksang pipiliin ay dapat naaayon sa interes at may mga materyales na mapagkukunan.


  2. Ang paghahanda ng tentatibong balangkas ay makatutulong para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay sa pangangalap ng mga tala.


  3. Maging maingat at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyong mula rito ay kaduda-duda o walang katotohanan.


  4. Sa isang pananaliksik ay dapat na isa-isahin ang iyong mga dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik


  5. Kapag ang mga talang nakuha ay tuwirang sipi, kopyahin ang mga salita sa aklat at ipaloob ito sa panipi.


Panuto: B. Ibigay ang hinihinging sagot ng bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______ 1. Isang proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong paraan.

a. pakikipanayam b. pananaliksik c. pagbabalita d. pangangalap ng tala

______ 2. Sa bahaging ito ay binibigyang pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng mga salita.

a. paglalahad ng layunin b. pangangalap-tala . pagsulat ng burador

d. pagwawasto at pagrerebisa ng burador

______ 3. Ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay ng tagapagsaliksik sa pangangalap ng mga tala.

a. pangangalap-tala b. paglalahad ng layunin c. pagsulat ng pinal na pananaliksik d. paghahanda ng tentatibong balangkas

______ 4. Mahalagang isaalang-alang sa paggawa ng pananaliksik.

a. paksa b. layunin c. pagsulat ng burador d. pagsulat ng pinal na pananaliksik

______ 5. Talaan ng iba`t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report peryodiko, magasin at iba pa.

a. burador c. balangkas b. bibliyograpi d. mga layunin

Pagyamanin

[illustration: hand stacking blocks]

Kung ikaw ay gagawa ng isang pananaliksik tungkol sa isang paksa, ano kaya ang maari mong mapagkunan ng mga impormasyon o datos? Mahalagang malaman ng isang mag-aaral na tulad mo kung saan makakakuha ng impormasyon/datos para maging maayos ang gagawing pananaliksik. Ang mga larawan ay ang mga maaring mapagkunan ng mga impormasyon. Kilalanin ang mga ito at bigyan ng paliwanag.

[illustration: stack of books labeled with titles including “Science & Technology”]

A. _______________________________________




[illustration: Google “G” logo]

B. _______________________________________




[illustration: stack of magazines and a cartoon book, with the labels “GENSAN TV”, “Cartoon” and “MAGAZINE”]

C. _______________________________________




[illustration: YouTube logo]

D. _______________________________________




[illustration: a speaker at a podium presenting to an audience, with a DepEd slide on screen]

E. _______________________________________



Sa pagbuo ng isang maayos na pananaliksik ay kailangan ang masusing pangangalap ng datos o impormasyon. Ano-ano nga ba ang puwede nating hanguan ng mga datos na kakailanganin? Narito ang maaring hanguan mo ng datos o impormasyon sa iyong pananaliksik

Mga Hanguan ng Datos o Impormasyon
Hanguang PrimaryaHanguang SekondaryaHanguang Elektroniko o Internet
●Mga indibidwal o awtoridad,
●Mga grupo o organisasyon,
● Mga kinagawiang kaugalian,
●Mga pampublikong kasulatan o dokumento
●Mga aklat tulad ng diksyunaryo,ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas,
●Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter,
●Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral nailathala man, ang mga ito o hindi
●Google
●Youtube
Pagsasanay 1

Tukuyin kung anong uri ng hanguan ang mga larawan. Isulat ang HP kung ang tinutukoy ay hanguang primarya, HS kung hanguang sekondarya at HE naman kung Hanguang Elektroniko.

[illustration: YouTube logo] ____________1.

[illustration: stack of books] ___________2.

[illustration: speaker at a podium presenting to an audience, with a DepEd slide on screen] ___________3.

[illustration: stack of magazines and a cartoon book, with the labels “GENSAN TV”, “Cartoon” and “MAGAZINE”] ____________4.

[illustration: Google “G” logo] ____________5.

Pagsasanay 2

Ang sumusunod ay ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. Isaayos ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 hanggang 9 sa patlang.

________ Pagwawasto at pagrebisa ng burador ________ Pagpili ng paksa ________ Paghahanda ng iwinastong balangkas o Final outline ________ Pangangalap-tala o note taking ________ Pagsulat ng pinal na pananaliksik

________ Pagbuo ng tentatibong bibliyograpi ________ Paglalahad ng layunin ________ Pagwawasto at pagrebisa ng burador ________ Paghahanda ng tentatibong balangkas

Isaisip

[illustration: hand holding a light bulb]

Panuto: A. Piliin sa kahon ang tamang salita upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat ang wastong salita sa patlang.

akademikopananaliksik
impormasyonpandalubhasaan
paghahandamanunulat

Ang ______________ ay isang ____________ at ____________ uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na ______________, kritikal, masusi at lohikal na pag-iisip upang patunayan at makuha ang anumang ____________ na nais ng manunulat.

Panuto: B. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay mahahalagang kaisipan sa paksang tinalakay. Lagyan ng hugis bituin ☆ kung ito ay mahalagang kaisipan.

______ 1. Mahalaga ang kahandaan ng isang mananaliksik upang magawa ng maayos at tumpak ang gagawing pananaliksik.

______ 2. Ang isang mananaliksik ay nangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong pamamaraan.

______ 3. Kahit sino ay maaaring gumawa ng isang pananaliksik.

______ 4. Mahalagang sundin ang mga hakbang sa pananaliksik upang maisagawa ito nang maayos at makuha ang mga impormasyong kinakailangan.

______ 5. Bilang mananaliksik ang paksang pipiliin ay dapat na naaayon sa iyong interes at may materyales na mapagkukunan.

Isagawa

Kultura ay Saliksikin
  • Magsaliksik at sumuri ng isang Kuwento tungkol sa inyong bayan na may kinalaman sa mga tradisyon at pagpapahalagang makikita sa sarili mong bayan.
  • Gamitin ang mga hakbang na natutuhan sa pagsasagawa ng pananaliksik
  • Sundan ang pormat sa ibaba.
    • A. Pamagat ng Kuwentong napili
    • B. Buod ng Kuwentong napili
    • C. Anong mga tradisyon o pagpapahalaga ng mga mamamayan ang masasalamin sa kuwento.
    • D. Mga aral na nakuha mula sa kuwentong napili

Tayahin

Binabati kita kaibigan sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Upang masukat ang iyong natutuhan sa araling tinalakay ay sagutin mo na ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

  1. Mga impormasyong nagmula o makukuha sa mga tagapagsalita o tagapanayam na eksperto sa paksang kanilang ibinibigay sa tagapakinig ay tinatawag na.

    • a. pananaliksik
    • b. hanguang primarya
    • c. hanguang sekondarya
    • d. hanguang elektroniko o internet
  2. Ito ang pinakamadaling hanguan ng paksa,malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa

    • a. pakikipanayam
    • b. hanguang primarya
    • c. hanguang sekondarya
    • d. hanguang elektroniko o internet
  3. Hanguang nakalimbag tulad ng aklat, magasin, diksyunaryo, atlas, at pahayagan.

    • a. pakikipanayam
    • b. hanguang primarya
    • c. hanguang sekondarya
    • d. hanguang elektroniko o internet
  4. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik maliban sa.

    • a. pagpili sa paksa
    • b. paglalahad sa layunin
    • c. paghahanda ng tentatibong balangkas
    • d. pagawa ng haypotesis
  5. Isang uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na paghahanda, kritikal, masusi at lohikal na pag-iisip upang patunayan at makuha ang anumang impormasyon na nais ng manunulat.

    • a. pagbabalita
    • b. pagsasalaysay
    • c. pananaliksik
    • d. pakikipanayam
  6. Talaan ng iba`t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal

    • a. paksa
    • b. burador
    • c. balangkas
    • d. bibliyograpi
  7. Mga talang nakuha na naisusulat sa sariling salita nang walang kahulugan o impormasyong nawawala.

    • a. lagom
    • b. hawig
    • c. balangkas
    • d. tuwirang sipi
  8. Ito naman ay mga talang nakuha na malayang naipapahayag ang tala sa pagbibigay – paliwanag sa sinasabi sa orihinal.

    • a. lagom
    • b. hawig
    • c. burador
    • d. tuwirang sipi
  9. Pangangalap-tala na kinokopya ang mga salita sa aklat at ipinapaloob sa isang panipi.

    • a. hawig
    • b. lagom
    • c. layunin
    • d. tuwirang sipi
  10. Ang _____ ay makakatulong sa isang mananaliksik sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay direksiyon at magsisilbing patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.

    • a. pagpili sa paksa
    • b. tentatibong balangkas
    • c. pangangalap-tala
    • d. paglalahad ng layunin
  11. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay dapat planuhin at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na gagawin

    • a. paglalahad ng layunin
    • b. pagsulat ng pinal na pananaliksik
    • c. pagwawasto at pagrebisa ng burador
    • d. paghahanda ng iwinastong balangkas
  12. Isa sa mga dapat isaalang – alang bago isagawa ang pananaliksik

    • a. paksa
    • b. burador
    • c. layunin
    • d. balangkas
  13. Binibigyang pansin dito ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng mga salita

    • a. paglalahad ng layunin
    • b. pagsulat ng pinal na pananaliksik
    • c. pagwawasto at pagrebisa ng burador
    • d. paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi
  14. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay inilalahad ang dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik

    • a. paglalahad ng layunin
    • b. pagsulat ng pinal na pananaliksik
    • c. pagwawasto at pagrebisa ng burador
    • d. paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi
  15. Anong katangian ng dapat taglayin ng isang mananaliksik?

    • a. Minamadali ang trabaho
    • b. Ang mga datos ay nakabase lamang sa naririnig
    • c. Pangongopya ng mga datos, ideya, pangungusap at balangkas ng isang akda.
    • d. Ang isang mananaliksik ay nangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong pamamaraan.

Karagdagang Gawain

Magaling! Dahil nagawa mo lahat ang mga gawain at maliwanag na sa iyo ang ating paksa ay bibigyan kita ng karagdagang gawain upang mas lumawak pa ang pag-unawa mo sa Pananaliksik.

Panuto: Gumawa ng sariling pananaliksik tungkol sa tradisyon/kultura ng mga mamamayan sa Mindanao. Tandaan ang mga batayan sa pagsagawa ng pananaliksik. Isulat ito sa isang buong papel.

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN
BALIKAN
Pananaliksik
1. Paghahanda
2. Lohikal
3. Masusi
4. Akademiko
5. Kritikal
6. paksa
7. layunin
8. balangkas
9. bibiliyograpi
10. burador
SUBUKIN
SUBUKIN
1. C
2. D
3. C
4. D
5. B
6. A
7. C
8. A
9. A
10. B
11. A
12. D
13. D
14. D
15. D
TAYAIN
TAYAIN
1. B
2. D
3. C
4. D
5. C
6. D
7. A
8. B
9. D
10. B
11. D
12. A
13. C
14. A
15. D

Binabati kita kaibigan! Napakagaling mo! Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa araw na ito.

Bagaman tapos na tayo sa araling ito, ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin, ang Modyul 10: PAGSUSURI NG MGA DATOS SA PANANALIKSIK SA ISANG PROYEKTONG PANTURISMO

Sanggunian

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik https://philnews.ph/2019/07/15/depinisyon-ng-pananaliksik-ibat-ibang-awtor/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

One response to “Filipino 7 Quarter 1 Module 9: Mga Hakbang sa Pananaliksik”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district