Ang wika ay isa samga pangunahing instrumento ng kominikasyon at pakikipagtalastasan? Sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng pagkakaunawaan sa isa’t isa. Ngunit mahalagang maunawaaan natin na ang wika ay may iba’t ibang anyo.
Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan ang pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto na:
- Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda(kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, atiba pa, isang araw, samantala), at sa pagbuo ng editoryal na (totoo/ tunay, talaga, pero/ subalit, at iba pa) nanghihikayat. F7WG-If-g-4
➢ Matapos mong pagaralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo mo ang sumusunod na mga layunin:
• Nakikilala ang mga retorikal na pang-ugnay.
• Natutukoy ang mga pahayag na ginagamit sa pagsasalaysay at paglalahad.
• Nagagamit ang mga retorikal na pang-ugnay sa pamamagitan ng editoryal na panghikayat.
F7_Q1_Module7_FINAL_EgalanE