This is the Filipino 6 self-learning module for Quarter 3, Module 5 (Ikatlong Markahan, Modyul 5). It covers three linked skills: forming new words from root words and affixes, using the two word orders of sentences, and reporting on something you watched. It was prepared under the Alternative Delivery Mode by DepEd Region VI (first edition, 2020) for Grade 6 learners studying at home.
The module starts with a familiar habit. Many people watch shows and videos on TV, computers, and phones, then tell friends what they saw. That retelling is a form of report, or ulat. A good report uses clear sentences in the right word order and correctly formed words.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- form new words using affixes and root words, “nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat” (F6PTIIIj-15)
- use the kinds of sentences in conversations and different situations, “nakagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ng mga uri ng pangungusap” (F6WG-IVa-j-13)
- report on something they watched, “nakapag-uulat tungkol sa pinanood” (F6PD-IIIc-j-15)
Key ideas: reporting on what you watched
The module explains that pag-uulat tungkol sa pinanood (reporting on what you watched) means sharing the details or knowledge you gathered from a show or video. A good report:
- answers the key questions: ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit (what, who, where, when, how, and why)
- gives information that is tiyak, malinaw, at organisado (specific, clear, and organized)
- is told in a way that catches the interest of readers or listeners
- is short but still includes the important information from what was watched
The module’s sample reports are retellings of videos and stories: “Ang Alamat ng Butiki” (the legend of the house lizard), “Ang Inahing Manok” (the hen), “Basura Kid” (a story about sorting waste), and “Ang Aso at ang Uwak” (the dog and the crow).
Key ideas: sentences and their word order
A pangungusap (sentence) is a word or group of words that expresses a complete thought. It has a simuno (subject, what the sentence is about) and a panaguri (predicate, what is said about the subject).
The module teaches two word orders:
| Word order | Rule | Example from the module |
|---|---|---|
| Karaniwang ayos (normal order) | The panaguri comes before the simuno | Matulunging bata si Rona. |
| Di-karaniwang ayos (inverted order) | The simuno comes before the panaguri, usually joined by “ay” | Si Rona ay matulunging bata. |
Other pairs in the module: “Magaling magluto ang nanay” and “Ang nanay ay magaling magluto.”
Key ideas: root words and affixes
A salitang-ugat (root word) is the basic word, such as lakad, luto, laba, or kain. A panlapi (affix) is attached to the root word at the beginning, middle, or end to form a new word. The module lists these kinds of affixes:
| Type | Where it goes | Examples |
|---|---|---|
| Unlapi (prefix) | Before the root | mag- + luto = magluto; um- + awit = umawit; na- + sabi = nasabi |
| Gitlapi (infix) | Inside the root, usually -in- or -um- | kain = kinain; talon = tumalon; sayaw = sumayaw |
| Hulapi (suffix) | After the root, such as -an, -in, -han, -hin | basa = basahin; palit = palitan; sabi = sabihan |
| Kabilaan (prefix and suffix) | Before and after the root | ingat = pag-ingatan; tanim = magtaniman |
| Laguhan (prefix, infix, and suffix) | Before, inside, and after the root | sikap = pagsumikapan; sigaw = ipagsumigawan |
The module’s summary (Isaisip) highlights the three main types: unlapi, gitlapi, and hulapi.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts, in this order:
- Subukin (pretest): read the legend of the butiki, copy sentences in normal and inverted order, and mark statements about reports as true or false.
- Balikan (review): identify the subject or predicate in sentences about COVID-19.
- Tuklasin and Suriin (discover and analyze): read “Ang Inahing Manok,” find the word order of sentences and the type of affix used, then study the lesson discussion.
- Pagyamanin (practice): write sentences in both word orders, write a report about nature from given details (scored with a rubric), and add affixes to root words.
- Isaisip and Isagawa (remember and apply): form new words from given roots and affixes, then write a report based on “Basura Kid.”
- Tayahin (assessment): write a report on “Ang Aso at ang Uwak,” identify word order, and choose the correctly affixed word.
- Karagdagang Gawain (extra activity): imitate the style of a well-known TV reporter and write a report on DepEd learning modalities, COVID-19, or Typhoon Ulysses.
For learners: write all answers on a separate answer sheet and do not write on the module. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto), and contact your teacher if a part is hard to understand.
For parents: the reports are scored on clear presentation, enough correct details, proper word choice, and an engaging introduction. You can use these four points to help your child review a draft.
For teachers: the answer key covers the objective items. The written reports and the extra activity are marked “Ang guro ang magwawasto,” meaning the teacher checks them, using the 5-to-1 rubric printed in the module.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 6 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 5.
What is the difference between karaniwang ayos and di-karaniwang ayos?
In karaniwang ayos (normal order), the predicate comes first, as in “Matulunging bata si Rona.” In di-karaniwang ayos (inverted order), the subject comes first, as in “Si Rona ay matulunging bata.”
What are unlapi, gitlapi, and hulapi?
They are types of affixes. An unlapi goes before the root word (magluto), a gitlapi goes inside it (kinain), and a hulapi goes after it (basahin).
Does the module have an answer key?
Yes, the Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the objective items. Written reports and the extra activity are checked by the teacher.
What makes a good report about something watched?
According to the module, it answers what, who, where, when, how, and why, and its information is specific, clear, and organized. It should be short but complete and interesting to the audience.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagbuo ng mga Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-ugat
Paggamit sa Usapan at Iba’t ibang Sitwasyon ng mga Uri ng Pangungusap
Pag-uulat Tungkol sa Pinanood
[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, a globe, a lamp, and a child writing; cover art]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q3_Filipino 6_ Modyul 5
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
- Pagbuo ng mga Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-ugat
- Paggamit sa Usapan at Iba’t Ibang Sitwasyon ang Uri ng Pangungusap
- Pag-uulat Tungkol sa Pinanood
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtulis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Agnes G. Belmonte, Christian S. Panes
Editor: Juliet P. Quezon
Tagasuri: Juliet P. Quezon, Edwin Pameroyan, Carmel Joy P. Aujero, Roselyn C. Roldan, Jenelyn G. Navajas, Rodeliza Abainza, Celestino S. Dalumpines IV, Antonette Espora
Tagaguhit: Ednan Jamandre, Ana Mae P. Aujero
Tagalapat: Jerry R. Baguios, Joy P. Nakamura, Niño D. Jacobe
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Cynthia G. Demavivas, Elena P. Gonzaga, Federico P. Pillon, Jr., Juliet P. Quezon, Carmel Joy P. Aujero
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI
Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
FILIPINO
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Pagbuo ng mga Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-ugat
Paggamit sa Usapan at Iba’t ibang Sitwasyon ng mga Uri ng Pangungusap
Pag-uulat Tungkol sa Pinanood
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Magandang araw!
Halos lahat ng mga tao ngayon ay may mga telebisyon sa bahay at posibleng mayroon din kayo nito. Dito nakakapanood tayo ng iba’t ibang palabas na nakaaaliw sa atin o di kaya ay nakapaghahatid sa atin ng mga detalye tungkol sa mga kaganapan sa ating bansa at ng buong daigdig. Marami sa ngayon ay nanonood na rin ng mga videos sa mga computer at cell phone.
Kadalasan, binabahagi natin sa ating mga kaibigan at kakilala ang mga impormasyon na ating napanood at nagiging bahagi na rin ito ng ating pang-araw-araw na usapan.
Ang pagbahagi natin ng mga impormasyon batay sa ating napanood ay isang porma ng pag-uulat. Binibigyang-daan nito ang mga mensaheng nais nating iparating sa ating mga tagapakinig. Maaari nating makita ang mga pangkalahatang detalye ng mensahe sa isang ulat.
Sa ulat, gumagamit tayo ng iba’t ibang uri ng mga pangungusap sa iba’t ibang panahunan upang maihatid nang malinaw ang mga ito at madaling unawain ang mga pahayag.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:
- nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat (F6PTIIIj-15);
- nakagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ng mga uri ng pangungusap; (F6WG-IVa-j-13) at
- nakapag-uulat tungkol sa pinanood (F6PD-IIIc-j-15).
Subukin
Panuto: Alam mo ba ang pinagmulan ng hayop na butiki? Isasalaysay sa ‘yo ni Ben ang pinanood niyang alamat, “Ang Alamat ng Butiki.” Pagkatapos mong basahin ito, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
[illustration: banner reading “ALAMAT NG BUTIKI” with a silhouette of a lizard]
pinoy alamat.com
May isang batang nagngangalang Kiko. Siya ay batang pasaway at pakialamero. Palagi siyang pinagagalitan ng kaniyag Nanay ngunit hindi niya ito pinakikinggan. Dahil dito walang gustong makipaglaro sa kaniya kung kaya ang mga hayop ang kaniyang naging libangan. Sinasaktan niya ang mga ito at maging ang mga halaman ng mga kapitbahay ay kaniyang sinisira.
Isang araw habang naglilinis ng bakuran ang kaniyang Nanay, nakakita si Kiko ng punso at kaniya itong sinipa hanggang sa ito’y magiba. Siya ay pinagsabihan ng kaniyang Nanay na huwag niya itong uulitin dahil magagalit ang duwende. Parang walang narinig si Kiko na parang inaantok pa at walang pakialam sa sinabi ng Nanay.
Nang sumunod na araw, habang si Kiko ay naglalaro, siya ay nakakita ng mga itlog ng bayawak. Ito’y kaniyang pinaglaruan hanggang ang lahat ng itlog ay nabasag. Biglang may isang duwendeng nagpakita at nagtanong kung bakit niya ito binasag. Bilang resulta, siya ay pinarusahan dahil sa kaniyang ginawa. Naging kalahi siya ng mga bayawak. Naging isa siyang butiki.
Nagmakaawa si Kiko at nangako na hindi na niya ito uulitin. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng duwende at ginawa siyang butiki. Siya ay hahalik sa lupa tuwing dapit-hapon at titira sa loob ng bahay dahil siya ay isang tao. Tatawagin siyang “butiki” at biglang naglaho ang duwende.
Ito ang naging kabayaran sa lahat ng kaniyang mga ginawa. Ito ay isang paraan para siya ay matutong magbigay galang sa mga nakatatanda at sa mga bagay-bagay na may buhay.
A. Panuto: Mula sa binasang ulat, sipiin ang limang pangungusap na nasa di-karaniwang ayos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
B. Panuto: Magbigay ng limang pangungusap na nasa karaniwang ayos mula sa binasang ulat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
C. Panuto: Suriin kung ang sumusunod na mga katangian ng isang ulat ay tama o mali. Isulat ang tsek / kung tama at ekis x kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
_____1. Ang pagbibigay ng ulat ay dapat maikli lamang ngunit nakapaloob ang mga mahahalagang impormasyon o datos batay sa paksang tinalakay.
_____2. Sa pag-uulat, kailangan ang mga impormasyon ay tiyak, malinaw, at organisado.
_____3. Ang paraan ng pagpapahayag ng isang ulat ay dapat na nakapupukaw ng interes ng mga mambabasa.
_____4. Magkaroon nang sapat na kaalam sa paksa na iuulat.
_____5. Kailangang mahaba ang ulat.
Aralin 1
Pagbuo ng mga Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-Ugat, Paggamit sa Usapan at Iba’t Ibang Sitwasyon ng mga Uri ng Pangungusap at Pag-uulat Tungkol sa Pinanood
Sa ating pang-araw-araw na pakikitungo sa kapwa, kailangan tayong makipagtalastasan gamit ang iba’t ibang mga salita at pangungusap. Ito ay maaaring pasalita o pasulat. Ito ang ating tatalakayin. Umpisahan na natin!
Balikan
Ang pangungusap ay isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng simuno at panaguri,
Ang simuno ang pinag-uusapan sa pangungusap at ang panaguri ay nagsasaad tungkol sa simuno.
Suriin kung ang salita o mga salitang may salungguhit sa sumusunod na mga pangungusap ay simuno o panaguri. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nakahahawa at nakamamatay.
- Nagmula ang sakit na ito sa bansang China.
- Ang baga ay ang unang naaapektuhan nito.
- Ang mga tao ay umaasa sa bakuna upang mapigilan ang paglaganap ng sakit na ito.
- Kailangang mag-ingat tayo.
Tuklasin
Magandang araw sa ‘yo!
Ako pala si Lito. Napanood ko ang isang videoong pinamamagatang “Ang Inahing Manok.” Nais kong ibahagi ito sa iyo.
Panuto: Pagkatapos mong basahin ang ulat, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang Inahing Manok
[illustration: a hen pecking at grain beside a small chick]
ne-np.facebook.com
Isang araw, may isang Inahing Manok na nakakita ng mga butil ng palay. Pinakiusapan niya ang Pusa, ang Bibe, ang Baboy, at ang Kambing na magsipagtanim. Nalungkot ang Inahin nang hindi siya pinaunlakan ng mga kaibigan.
Pinangatawanan ng Inahing Manok ang pagtatanim. Ilang araw lang ay sumibol na ang mga binhi. Nang maglakihan at maging ginto na ang mga butil pinakiusapan niya muli ang mga kaibigan upang tulungan siyang mag-ani. Siya ay hindi naman tinulangan ng mga kaibigan.
[illustration: the hen with her chicks in a yard, beside a cat, a pig, a goat, and ducks]
ne-np.facebook.com
Nang mapagsama-sama na at maisalansan ang mga inaning palay ay kinailangang bayuhin ang mga ito upang ihiwalay na ang malinis na butil ng bigas.
Matrabaho rin itong gawain kaya pinakiusapan niyang muli ang mga kaibigan ngunit hindi na naman siya sinamahan. Napilitang bayuhin at ihiwalay ng inahin ang bigas sa ipa. Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga butil na palay ay isinaing ng masipag na inahin.
Nang ihain na niya ang mapuputing kanin, isa-isang nagdatingan ang mga kaibigan na nakikiusap na makasalo sa pagkain ngunit nagsalita si inahin. Sinabi niyang ang kanin na kaniyang itinanim, binayo, at isinaing ay sapat lamang sa kaniyang pamilya.
Suriin
[transcriber’s note: in the activity instructions, the words marked S and P, and the underlined words in items B.1 to B.5, are underlined in the original; they are shown here without underlining.]
A. Panuto: Sa sumusunod na mga pangungusap mula sa ulat, tukuyin kung ang simuno ang nasa unahan o ang panaguri. Isulat ang titik S kung simuno at P kung panaguri. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Nalungkot ang Inahin nang hindi siya pinaunlakan ng mga kaibigan.
- Pinangatawanan ng Inahing Manok ang pagtatanim.
- Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga butil na palay ay isinaing ng masipag na inahin.
- Siya ay hindi naman tinulangan ng mga kaibigan
- Ang kaning aking itinanim, binayo, at isinaing ay sapat lamang para sa pamilya namin.
B. Panuto: Tukuyin kung ang panlaping ginamit sa mga salitang may salungguhit ay unlapi, gitlapi, o hulapi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Nalungkot ang Inahin nang hindi siya pinaunlakan ng mga kaibigan.
- Napilitang bayuhin at ihiwalay ng inahin ang bigas sa ipa.
- Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga butil na palay ay sinaing ng masipag na inahin.
- Ilang araw lang ay sumibol na ang mga binhi.
- Ang kaning aking itinanim, binayo, at isinaing ay sapat lamang para sa pamilya namin.
Suriin
Ang pagbibigay ng ulat sa mga nangyayari sa ating lipunan ay bahagi ng pang-araw-araw nating buhay. Maaring ito ay batay sa tunay na mga pangyayari na ating nasaksihan o narinig. Maari rin namang batay sa isang video na ating napanood.
Ang pagbibigay ng ulat tungkol sa pinanood ay ang pagpapahayag ng mga detalye o kaalaman na iyong nakalap batay sa napanood. Nasasagot nito ang mga mahahalagang mga katanungan gaya ng: ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit.
Kailangang ang mga impormasyon dito ay tiyak, malinaw, organisado, at ang paraan ng pagpapahayag nito ay nakakapukaw ng interes ng mga mambabasa.
Ito ay maikli ngunit nakapaloob dito ang mga mahahalagang impormasyon o datos batay sa napanood upang bigyan ng malinaw na pag-unawa ang mambabasa.
Ang isang ulat ay binubuo ng mga pangungusap.
Ano ang pangungusap?
Ito ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng simuno at panaguri.
May dalawang ayos ang pangungusap.
Dalawang Ayos ng Pangungusap
A. Karaniwang ayos
Ang pangugnusap ay nasa karaniwang ayos kung nauuna ang panaguri kaysa simuno.
Halimbawa:
- Matulunging bata si Rona.
- Magaling magluto ang nanay.
- Malamig ang simoy ng hangin sa Barangay Patag, Lungsod Silay.
B. Di-karaniwang ayos
Ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos naman kung nauna ang simuno kaysa panaguri.
Halimbawa:
- Si Rona ay matulunging bata.
- Ang nanay ay magaling magluto.
- Ang simoy ng hangin sa Barangay Patag, Lungsod Silay ay malamig.
Ang mga pangungusap ay binubuo ng mga salita at nakabubuo tayo ng mga bagong salita sa paggamit ng panlapi at salitang-ugat.
Ano ang salitang-ugat? Ito ay isang salitang buo ang kilos. Halimbawa: lakad, luto, laba, kain
Ano ang panlapi? Ito ay katagang ikinakabit sa salitang ugat. Ito ay maaring nasa unahan, gitna o hulihan ng isang salitang-ugat.
Uri ng Panlapi
A. Unlapi ang tawag sa panlapi na nasa unahan ng salitang-ugat tulad ng ma-, nag-, mag-, pag-, um- at iba pa.
Halimbawa:
unlapi + salitang-ugat = bagong salita
- mag- + luto = magluto
- um- + awit = umawit
- na- + sabi = nasabi
B. Gitlapi naman ang tawag sa panlapi sa gitna ng salitang-ugat. Madalas ginagamit na gitlapi ang -in at –um.
Halimbawa:
gitlapi + salitang-ugat = bagong salita
- -in- + kain = kinain
- -um- + talon = tumalon
- –um- + sayaw = sumayaw
C. Hulapi ang panlaping kinakabit sa hulihan ng salitang–ugat tulad ng –an, -in, -han –hin.
Halimbawa:
salitang-ugat + hulapi = bagong salita
- basa + -hin = basahin
- palit + -an = palitan
- sabi + -han = sabihan
D. Kabilaan ang panlapi kapag may inilagay na panlapi sa unahan at hulihan ng salitang –ugat.
Halimbawa:
Salitang –ugat + unlapi + hulapi = bagong salita
- ingat pag- + -an = pag-ingatan
- tanim mag- +- an = magtaniman
E. Laguhan kapag ang panlapi ay ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Salitang–ugat + unlapi + gitlapi + hulapi = bagong salita
- sikap pag- -um- -an = pagsumikapan
- sigaw ipag- -um- -an = ipagsumigawan
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ang sumusunod ay mga salitang may panlapi. Gamitin ang bawat isa sa pangungusap na nasa karaniwan at di-karaniwang ayos. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- umupo
- kinuha
- nagluto
- dumating
- sinaktan
Gawain 2
Panuto: Nasa loob ng kahon ang mga detalye na nakuha mula sa napanood na video sa link na https://www.youtube.com/watch?v=F_rWOlU1CLM, gumawa ng isang ulat ayon sa pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG ULAT
a. Ang kalikasan ay isa sa mga biyayang handog na dapat nating ingatan, alagaan at pagyamanin tungo sa ating kaunlaran.
b. Dito natin nakukuha ang ating pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, at iba pa.
c. Nakakaalarma na ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon.
d. Unti-unting nasisira ang ating kalikasan dahil sa ating kapabayaan.
e. Deforestation at Exhaust Gases ay nagdudulot ng Global warming.
f. Pagkalat at pagtapon ng basura sa dagat at ilog ay nakakaapekto sa mga organismo na dito nakatira.
g. Ang pagsira sa ating kalikasan ay nakakaapekto sa ating buhay.
h. Nararanasan natin ang pagbaha at landslide.
i. May mga paraan para mapangalagaan ang ating kalikasan.
j. Pwede nating isabuhay ang 3 R’s o Reuse, Reduce, at Recycle.
k. Ang pagtatanim ng mga puno ay nagbibigay ng oxygen at humihigop ng tubig-baha.
l. Tamang pagtatapon ng basura para mabasawan ang pagkalat at pagdumi ng paligid.
| PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA | PUNTOS 5 | PUNTOS 4 | PUNTOS 3 | PUNTOS 2 | PUNTOS 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| Maayos at angkop ang ginawang paglalahad. Malinaw ang nilalaman ng ulat. | |||||
| Sapat at wasto ang mga detalye at impormasyon. | |||||
| Wasto ang mga salitang ginamit at angkop upang maipaliwanag nang maayos. | |||||
| Ang panimula ay nakapukaw pansin at nakakuha ng atensyon ng mga tagapakinig. |
Katumbas ng bawat iskor:
5 – Napakagaling 4 – Magaling 3 – Pangkaraniwan 2 – Mas mababa sa pangkaraniwan 1 – Kailangang paunlarin pa
Gawain 3
Panuto: Gamitan ng angkop na panlapi ang salitang-ugat na may salungguhit upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang bagong salita sa iyong sagutang papel.
[transcriber’s note: in Gawain 3, the root words in items 1 to 5 are underlined in the original; they are shown here without underlining.]
- Iwas ang matataong lugar ngayong may Covid-19.
- Ugaliing gamit ng face mask kapag lumabas ng bahay.
- Laging hugas ang kamay.
- Inom ng walong basong tubig o mahigit pa bawat araw.
- Tingin kaagad sa doctor kapag nakaramdam ng sakit.
Isaisip
Tandaan:
Ang pagbibigay ng ulat tungkol sa pinanood ay ang pagpapahayag ng mga detalye o kaalaman na iyong nakalap batay sa napanood. Nasasagot nito ang mga mahahalagang mga katanungan. Kailangang ang mga impormasyon dito ay tiyak, malinaw, organisado, at ang paraan ng pagpapahayag nito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig.
Ang pangungusap ay may dalawang ayos. Kapag nauna ang panaguri kaysa simuno tinatawag ito na nasa karaniwang ayos. Di-karaniwang ayos naman kung nauna ang simuno sa panaguri.
May tatlong uri ang panlapi. Unlapi ang tawag sa panlaping nadagdag sa unang bahagi ng salitang-ugat, gitlapi kapag ito ay nasa gitna at hulapi naman kapag ito’y nasa hulihan.
Isagawa
A. Panuto: Bumuo ng bagong salita gamit ang sumusunod na mga panlapi at salitang-ugat. Pagkatapos, gamitin ang bawat isa sa pangungusap na nasa karaniwang ayos at di-karaniwang ayos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
| Salitang-ugat | Panlapi | Bagong Salita |
|---|---|---|
| 1. talop | an | |
| 2. kalas | um | |
| 3. basa | in | |
| 4. putol | Um | |
| 5. diwang | nag |
B. Panuto: Basahin ang salaysay na sumusunod batay sa video na Basura Kid at gawan ito ng ulat ayon sa pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Basura Kid
[illustration: Basura Kid title graphic showing the character Basura Kid carrying two children, with a garbage-filled background]
INIHANDOG NG COMMUNITY-BASED ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAMME
BASURA KID at iba pa…
(ISANG PAMBATANG BABASAHIN PARA SA PANGANGALAGA NG KALIKASAN)
nswmc.emb.gov.ph
Isang gabing maliwanag ang bilog na bilog na buwan. Sa labas ng bahay ng pamilya Lopez, isang malakas na tunog ang bumalabog sa katahimikan.
May pagsabog at may pagyanig. Nagising ang buong pamilya, pati na rin ang pusang natutulog sa tabi ng basurahan.
Sa basurahan nagmula ang kakaibang tunog. Nagtaka ang Nanay kung ano kaya ang ingay na iyon. Akala naman ng kanyang anak na si Boyet ay isang magnanakaw na sinang-ayunan naman ng kanyang Tatay.
Papalapit ang pamilya sa pinto nang biglang bumukas ito. Hindi nila napigilang mapasigaw sa sobrang baho at dami ng basurang tumambad sa kanilang harapan.
[photo: a family covering their noses while looking out at a pile of garbage]
nswmc.emb.gov.ph
Dumungaw pa sila at kanilang nalaman na puno na pala ng basura ang kanilang kapaligiran.
Hindi nila ito pinansin dahil basura lang pala ang mga nakita nila. Pinabayaan na lamang nila ito at bumalik sa kanilang pagtulog.
Subalit, nang pabalik na sila sa kanilang kuwarto, mayroong humarang sa kanila! Isang batang nakamaskara, bota, at kapa.
[illustration: Basura Kid, a boy in a mask, boots and cape, standing between two adults]
nswmc.emb.gov.ph
Siya pala ay si Basura Kid. Sinabihan niya sila na hindi lang ito basta basura dahil mas masahol pa ito sa halimaw. Sisirain nito ang kalusugan ng pamilya. Sisirain nito ang kapaligiran at mundo. Ang pagkalat ng basura ay dapat daw itong labanan.
Sumigaw si Basura Kid na dapat labanan ang pagkalat ng tambak-tambak na basura. Sumang-ayon naman ang Tatay na dapat itong labanan dahil mas masahol pa raw ito sa halimaw.
Humanap si Tatay ng malaking sako at doo’y isinilid ang mga basura. Plano nitong itapon sa ilog.
Pagdating sa ilog agad inihulog ni Tatay ang basura sa tubig sa pag-aakalang ito ay malulunod at magiging ligtas na sila sa kapahamakan.
Dumating si Basura Kid, lumusong agad at isa-isang kinolekta ang mga basura sa ilog. Bumalik sila sa kanilang bahay upang mapag-isipan ang kanilang gagawin.
Magdamag na inisip ng mag-asawa kung paano lalabanan ang mukhang halimaw na tumpok ng basura.
Napag-isipan nila na ito’y sunugin o lagyan ng pabango ngunit hindi ito nagustuhan ni Basura Kid.
Niyaya ni Basura Kid ang pamilya para labanan ang mga basura. Nilapitan nila ito at ginawa nila ang segregation.
Hiniwalay nila ang nabububulok sa di-nabubulok. Kinuha nila ang mga basurang pwede pang i-recycle bilang kagamitan sa bahay, pamayanan, at sa paaralan.
[illustration: a man, a woman and Basura Kid sorting paper and other materials from a pile of garbage]
nswmc.emb.gov.ph
Lumipas ang maraming oras at wala na ang ga-halimaw na tambak ng basura. Nasulosyonan na nila ang kanilang basura.
Malaki ang pasalamat ni Tatay kay Basura Kid. Ngunit nang hinanap niya ito ay hindi na niya makita.
Samantala, patawang-patawa na inililigpit ni Boyet ang kanyang maskara, kapa at botas sa ilalim ng kanyang kama.
[illustration: a woman and a man watching a boy who is folding a mask, cape and boots]
nswmc.emb.gov.ph
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG ULAT
| PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA | PUNTOS 5 | PUNTOS 4 | PUNTOS 3 | PUNTOS 2 | PUNTOS 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| Maayos at angkop ang ginawang paglalahad. Malinaw ang nilalaman ng ulat. | |||||
| Sapat at wasto ang mga detalye at impormasyon. | |||||
| Wasto ang mga salitang ginamit at angkop upang maipaliwanag nang maayos. | |||||
| Ang panimula ay nakapukaw pansin at nakakuha ng atensyon ng mga tagapakinig. |
Katumbas ng bawat iskor:
5 – Napakagaling
4 – Magaling
3 – Pangkaraniwan
2 – Mas mababa sa pangkaraniwan
1 – Kailangang paunlarin pa
Tayahin
A. Panuto: Nasa loob ng kahon ang mga detalye na nakuha mula sa napanood na video sa link na https://www.youtube.com/watch?v=WEbLRfyBEfE. Gumawa ng isang ulat ayon sa pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.
Ang Aso at ang Uwak
a. May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
b. Ang karne ay kanyang tinangay at lumipad nang malayo.
c. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.
d. Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
e. Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak.
f. Ang karne ay nalaglag mula sa kanyang bibig.
g. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
h. Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
i. Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG ULAT
| PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA | PUNTOS 5 | PUNTOS 4 | PUNTOS 3 | PUNTOS 2 | PUNTOS 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| Maayos at angkop ang ginawang paglalahad. Malinaw ang nilalaman ng ulat. | |||||
| Sapat at wasto ang mga detalye at impormasyon. | |||||
| Wasto ang mga salitang ginamit at angkop upang maipaliwanag nang maayos. | |||||
| Ang panimula ay nakapukaw pansin at nakakuha ng atensyon ng mga tagapakinig. |
Katumbas ng bawat iskor:
5 – Napakagaling
4 – Magaling
3 – Pangkaraniwan
2 – Mas mababa sa pangkaraniwan
1 – Kailangang paunlarin pa
B. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Suriin kung nasa karaniwan o di karaniwang ayos ito. Isulat sa iyong sagutang papel.
- Binaha ang Luzon sa kasagsagan ng Bagyong Uysses.
- Ang mga kabahayan ay halos lubog sa baha.
- Maraming mga tao ang sinagip na halos ang iba ay nasa bubong na.
- Sila nagayon ay nangangailangan na ating tulong.
- Patuloy tayong manalangin sa kanilang kaligtasan.
C. Panuto: Piliin ang angkop na salita na may panlapi sa loob ng panaklong para mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
- Isa sa dahilan ng pagbaha ay ang patuloy na (pagputol, nagputol, pinutol) ng puno sa kagubatan.
- Ang pamahalaan ay (gumawa, naggawa, ginawa) ng batas para pangalagaan ang ating kabundukan.
- (Ingatan, Mag-ingat, Nag-ingat) natin ang ating kalikasan para sa susunod na mga henersayon.
- (Nagtanim, Magtanim, Itanim) tayo ng mga puno sa ating mga bakuran.
- (Kumilos, Magkilos, Nagkilos) na tayo ngayon!
Karagdagang Gawain
Panuto: Subukin ang gawin ito. Pumili ng isang kilala o sikat na taga-ulat sa telebisyon. Gayahin ang kaniyang istilo sa pag-uulat batay sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan. Isulat ang iyong ulat sa sagutang papel. Pumili ng isa sa sumusunod na mga paksa.
- Learning Modalities ng DepEd
- COVID-19
- Bagyong Ulysses
Tala para sa Guro
Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.
transcriber’s note: this page is printed upside down (rotated 180 degrees). The text below is given in reading order after rotation; the answer-key fragments are partly garbled in the image and uncertain items are marked [?].
Susi sa Pagwawasto
Subukin
A.
- Siya ay pinarusahan dahil sa kanyang ginawa.
- Siya ay batang pasaway at pakialamero.
- Siya ay hahalik sa lupa tuwing dapit-hapon at titira sa loob ng bahay dahil siya ay isang tao. [?]
- Ito ay ang isang paraan para siya ay matutong rumespeto sa nakatatanda at sa mga bagay na may buhay.
- Siya ay [illegible] ng kanyang nanay na huwag uulitin dahil magagalit niya itong ang duwende. [?]
B.
- Palagi siyang pinagagalitan ng kanyang nanay ngunit hindi niya ito pinakikinggan.
- Nagmamakaawa si Kiko at nangakong hindi na niya ito uulitin.
- Parang walang narinig si Kiko na parang naantok pa at walang pakialam sa sinabi ng nanay.
- Ginawa siyang kalahi ng mga bayawak, isang butiki.
- Sinasaktan niya ito at maging mga halaman ng kapitbahay ay kanyang sinira.
C.
- /
- /
- /
- /
- x
Balikan
- simuno
- panaguri
- panaguri
- simuno
- simuno
Tuklasin
Guro ang magwawasto
- unahan — 1. p
- hulihan — 2. p
- unahan — 3. s
- gitna — 4. p
- gitna — 5. s
Pagyamanin
Gawain 1: Ang guro ang magwawasto
Gawain 2: Ang guro ang magwawasto
Gawain 3:
- Iwasan
- gumamit
- maghugas
- Uminom
- Magpatingin
Isagawa
- talupan
- kumalas
- binasa
- pumutol
- nagdiwang
Tayahin
A. Guro ang magwawasto
B.
- Karaniwan
- Di-karaniwan
- Karaniwan
- Di-karaniwan
- Karaniwan
C.
- Pagputol
- Gumawa
- Ingatan
- Magtanim
- Kumilos
Karagdagang Gawain
Ang guro ang magwawasto
Sanggunian
Alexandra Lei Suarez. (2020, May 27). Ang Aso at ang Uwak [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=WEbLRfyBEfE
Alexandra Lei Suarez. (2020, May 27). Ang Inahing Manok [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=CDNgBJVebh4&t=14s
Mega Toon TV. (2016, March 03). Alamat ng Butiki [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=LitkxkrOcyI
Trisha Sumalinog. (2018, Jan. 2018). Kalikasan [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=F_rWOlU1CLM
Unlispace. (2019, July 28). Basura Kid [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=lNudV69gcjY&t=12s
ne-np.facebook.com [picture]
nswmc.emb.gov.ph [picture]
pinoy.alamat.com [picture]
Uri ng Panlapi: Google https://www.google.com/search?q=uri%20ng%20panlapi&oq=uri&aqs=chrome.0.69i59j69i57j0l2.1890j0j9&client=ms-android-huawei&sourceid=chrome-mobile&ie=UTF-8#imgrc=kOt9psL9X2px2M
wikakids.com
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply