Filipino 6 Quarter 3 Module 2: Pahapyaw na Pagbasa at Nakalarawang Balangkas

This is the Filipino 6 self-learning module for Ikatlong Markahan (Quarter 3), Modyul 2. It covers two reading skills: “Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw na Pagbasa” (getting information by skimming) and “Pagbibigay ng Impormasyong Hinihingi ng Nakalarawang Balangkas” (giving the information asked for by a picture outline). It was made for Grade 6 learners studying at home. By the end, they should be able to pull key details from a short text quickly and read the information shown in a set of labeled pictures.

The module is part of DepEd’s Alternative Delivery Mode, First Edition 2020. It was printed by DepEd Region VI, and its writers are Suzette P. Calsa and Roselyn C. Roldan.

What learners will learn

The module lists two learning competencies:

  • Get information through skimming, or nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw sa pagbasa (F6EP-IIIg-II)
  • Give the information asked for by a picture outline, or naibibigay ang impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas (F6PB-lvd-j-21)

Parts of the module

The module has one lesson, Aralin 1, which covers both skills. It follows the usual self-learning module parts:

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Skim “Ang Regalo ni Mitos” and answer five questions, then name five app icons on Mitos’s new cellphone
Balikan (review)Skim “Ang Natatanging Pamilya” about the Luna family, match questions to answers, and choose the pictures that fit the family
Tuklasin (explore)Skim a passage on COVID-19 and staying healthy, fill in key details, and name safety habits shown in photos
Suriin (discussion)Read the explanation of skimming and picture outlines
Pagyamanin (practice)Gawain 1 to 3: a story about a cancelled vacation, the vehicles stopped during the pandemic, and Filipino street games
Isaisip (key ideas)Fill in the blanks about skimming and picture outlines
Isagawa (apply)Skim “Ang Masustansiyang Kalabasa” and list Aling Chedeng’s vegetables from pictures
Tayahin (assessment)List ways a family can earn money at home from photos, and skim the story “Si Tag Sipag”
Karagdagang Gawain (extra activity)Give the full names of government agencies from their acronyms

Key ideas: skimming and picture outlines

Pahapyaw na pagbasa (skimming)

The module explains that there are different types of reading. One of them is pahapyaw na pagbasa, also called iskiming (skimming). It is fast reading to get the general idea of a text. Readers skim a selection to find important information quickly, especially details that help them.

For example, in the Tuklasin passage, learners skim for the main facts:

  • The problem facing the country is the COVID-19 pandemic.
  • Anyone, young or old, can catch the virus.
  • Eight hours of sleep a day keeps the body and mind active.
  • Eat healthy food rich in vitamin C, because it strengthens the body’s resistance.
  • Exercise makes the body stronger and livelier.

The questions after each story ask for these kinds of details: who the characters are, what they did, and why.

Nakalarawang balangkas (picture outline)

A nakalarawang balangkas is a set of pictures, usually numbered, that shows information about a topic. The module says it also helps a learner see quickly what a topic is about. Learners look at each picture and write down what it shows. Examples from the module:

  • The vehicles stopped during the pandemic: airplane, jeepney, train, tricycle, and ship
  • Filipino games the friends Tess, Junah, and Kimberly want to play after the pandemic, such as sipa, piko, taguan, and habulan
  • Government agencies shown by their logos: DOH, DepEd, DOLE, DTI, and DILG

How to use this module

The module asks learners to answer every activity on a separate sheet of paper. They should not write on or mark any part of the module, so other learners can use it.

  1. Start with Subukin (the pretest). It shows how much you already know and whether you need extra help from your teacher or parent.
  2. Go through the parts in order, from Balikan to Isagawa.
  3. Take Tayahin at the end to check what you learned, then do the Karagdagang Gawain.
  4. Check your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the back. The module asks learners to use it honestly.

For learners: Read each story quickly first to get the main idea, then go back to find the exact details the questions ask for.

For parents: Guide your child through the parts, and let them answer first before checking the answer key together.

For teachers: The module says it comes with a separate teacher’s or facilitator’s guide with tips for home learning. Learners are encouraged to contact their teacher right away if they have trouble with the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 6 Filipino, Ikatlong Markahan (Quarter 3), and it is Modyul 2.

What is pahapyaw na pagbasa?

Pahapyaw na pagbasa, also called iskiming (skimming), is fast reading to get the general idea of a text. It is used to find important information quickly.

What is a nakalarawang balangkas?

It is a picture outline: a set of pictures, usually numbered, that shows information about a topic. Learners look at the pictures and write down the information they show.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, all activities, the assessment, and the extra activity.

Can learners write their answers on the module?

No. The module asks learners to use a separate sheet of paper and not to mark the module, so other learners can use it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 2:

Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw na Pagbasa

Pagbibigay ng Impormasyong Hinihingi ng Nakalarawang Balangkas

[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, with a globe, a lamp, and a boy writing]

CO_Q3_Filipino 6_ Module 2

Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: • Pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa • Pagbibigay ang impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtulis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Suzette P. Calsa/Roselyn C. Roldan
Editor:Juliet P. Quezon
Tagasuri:Juliet P. Quezon, Edwin Pameroyan, Carmel Joy P. Aujero, Angela Dilag, Celestino S. Dalumpines IV, Antonette Espora
Tagaguhit:Ednan Jamandre/Ana Mae P. Aujero
Tagalapat:Jerry R. Baguios/Joy P. Nakamura, Leomel B. Ledda
Tagapamahala:Ma. Gemma M. Ledesma, Cynthia G. Demavivas, Elena P. Gonzaga, Federico P. Pillon, Jr., Juliet P. Quezon, Carmel Joy P. Aujero

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI

Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

FILIPINO

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw na Pagbasa

Pagbibigay ng Impormasyong Hinihingi ng Nakalarawang Balangkas

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta ka?

Bagong paksa na naman ang ating tatalakayin sa araw na ito.

Sa ating araw-araw na pamumuhay, maraming impormasyon ang ating nakukuha, sa pagbasa man o sa mga larawang ating nakikita.

Maaari tayong makakuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa o kaya’y sa mga larawang ating nakikita.

Sa pagbabasa ng pahapyaw, kinukuha natin ang mga mahalagang detalye samantala sa nakalarawang balangkas naman kinukuha natin ang mga impormasyong ipinahihiwatig ng larawan.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang:

  • nakakakuha ka ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw sa pagbasa (F6EP-IIIg-II) at
  • naibibigay ang impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas (F6PB-lvd-j-21).

Subukin

A. Panuto: Basahin nang pahapyaw ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

Ang Regalo ni Mitos

ni: Roselyn C. Roldan

Si Mitos ay isang batang nag-aaral sa ikatlong baitang. Siya ay bunsong anak nina Mang Tony at Aling Leticia. Siya ay isang batang matalino at mabait. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang at tatlong kapatid na lalaki.

Pagsapit ng kaarawan ni Mitos, maaga pa’y gising na ang kanyang ama at ina. Abalang-abala sila sa paghahanda ng mga pagkain sa kusina. Narinig ni Mitos ang masayang kuwentuhan nila. Pinuntahan niya ang mga ito. Masaya siyang hinagkan at binati ng mga magulang sabay abot ng isang bag na yari sa papel. Binuksan niya ang bag at nakita niya ang laman nito, isang bagong cellphone Napalundag siya sa tuwa. Hinagkan at pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang.

Ang kanyang cellphone ay mayroong mga application na sinasagisag ng mga icon.

[chart: icon diagram; no number or title printed]

transcriber’s note: the icons are unlabeled in the printed diagram; no app names are printed beside them.

  1. Sino ang batang binanggit sa kuwento?


  2. Ano-ano ang dalawang katangian ni Mitos?


  3. Ilan ang kapatid niyang lalaki?


  4. Bakit binigyan siya ng regalo ng mga magulang?


  5. Ano ang ginawa ni Mitos nang matanggap niya ang regalo ng mga magulang?


B. Panuto: Magbigay ng limang (5) pangalan ng mga icon na makikita sa cellphone ni Mitos sa nakalarawang balangkas sa kuwento.






Aralin 1

Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw na Pagbasa

Pagbibigay ng Impormasyong Hinihingi ng Nakalarawang Balangkas

Balikan

A. Panuto: Basahin nang pahapyaw ang kuwento. Pagkatapos, ibigay ang hinihinging tala mula sa iyong binasa. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Ang Natatanging Pamilya

ni: Suzette P. Calsa

Masarap manirahan sa bukid. Malinis at malamig ang hangin dito. Dito nakatira ang Pamilya Luna. Ang kanilang ama na si Mang Simon ay isang magsasaka. Sinasaka nito ang kanilang maliit na lupa katulong ang kanyang asawa na si Aling Mitring. May tatlo silang mga anak na matatalino, ito ay sina Rowena, Vicky, at Allan. Talagang mahirap ang pamumuhay ng mag-anak na ito.

Isang araw, biglang sumama ang pakiramdam ni Mang Simon kaya hindi ito nakapunta sa kanyang mga pananim, kailangang bantayan siya ni Aling Mitring. Sobrang nag-aalala ang mag-asawa dahil kailangang madiligan ang mga bago nilang tanim na gulay.

“Huwag kayong mag-alala mahal kong nanay at tatay, narito ako! Ako na ang bahala sa ating mga pananim.” Ang masayang wika ni Rowena. “Naku! Salamat naman anak at nang ako’y makapagluto nang maaga para makakain na ang tatay ninyo.” Bigla namang sumabat itong si Vicky. “Inay, diyan na po muna kayo sa tabi ni tatay.” “Bakit naman anak?” Ang tanong ni Aling Mitring. “Ako na po ang bahala sa ating almusal, alalahanin mo, ako yata ang anak mong mahilig at masarap magluto!” Ang masayang sagot nito. Hindi napigilan ni Mang Simon at Aling Mitring na tumawa. Siyempre hindi rin nagpahuli si Allan, pinakain niya ang kanilang mga alagang manok, bibe, at kambing.

Ito ang dahilan kung bakit sila hinahangaan ng kanilang kanayon. Bukod sa matatalino at magagalang na mga anak, may malasakit din sila sa isa’t isa. Kahit mahirap ang kanilang pamilya, masaya sila sa araw-araw nilang pamumuhay.

B. Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Hanapin ang mga sagot sa Hanay B sa mga katanungan sa Hanay A. Isulat ang titik lamang ng iyong mga sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. Ano ang pamagat ng kuwento?A. Mang Simon at Aling Mitring
2. Bakit masarap manirahan sa bukid?B. Kahit mahirap ang kanilang pamilya, masaya sila, nagtutulungan at may malasakit sa isa’t isa
3. Sino-sino ang kanilang mga magulang?C. Sa nayon
4. Ano-ano ang katangian nina Rowena, Vicky, at Allan?D. Simple ang pamumuhay, masarap at malinis ang hangin dito.
5. Bakit hinahangaan ang Pamilya Luna sa kanilang nayon?E. matatalino at magagalang
F. Ang Natatanging Pamilya

C. Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga larawan ang maihahalintulad mo sa Pamilya Luna? Isulat lamang ang titik ng tamang larawan sa sagutang papel.

A. [illustration: family standing in front of a house with children]

B. [illustration: a person with sweat drops, looking exhausted and sitting down]

C. [illustration: two children, one sweeping and one carrying a sack]

D. [illustration: a father and a child sitting together on a couch, the father speaking with the child]

E. [illustration: a girl washing dishes at a table]

Tuklasin

A. Panuto: Basahin nang pahapyaw ang talata at pagkatapos, punan ng mahalagang impormasyon ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Malaking suliranin ang dumating sa ating bansa maging sa ibang bansa, ito ang pandemyang COVID-19. Lahat ay natatakot dahil ito ay may malaking banta sa ating buhay. Matanda man o bata, ay maaaring kapitan nitong virus. Sa ngayon, hinihintay pa ng karamihan ang bakuna laban sa COVID-19.

Ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at face shield ay mga paraan upang maiwasan na mahawaan tayo ng virus. Maliban dito, kailangang palakasin natin ang ating pangangatawan nang hindi tayo madaling magkasakit. Isa na rito ang pagtulog sa tamang oras. Mahalaga na makatulog ng walong (8) oras sa bawat araw dahil ito ay nagpapasigla ng ating katawan at pag-iisip. Kung laging nagpupuyat tayo’y manghihina. Hindi na makagagawa nang maayos at maaaring bumaba ang ating resistensya.

Kumain nang tama at masusustansiyang pagkain lalo na ang pagkaing mayaman sa bitamina C dahil ito ay nagpapalakas ng ating resistensya.

Ang pag-eehersisyo ay mahalaga sapagkat nakakatulong ito upang ang pangangatawan natin ay lumakas at sumigla.

Ang sabi nga, ang taong may masigla at malusog na pangangatawan ay may mataas na kumpiyansa sa sarili. Huwag kaligtaang uminom nang sapat na tubig araw-araw.

  1. Suliranin na dumating sa ating bansa: _____
  2. Maaring mahawaan nitong virus: _____
  3. Dulot sa ating katawan ng pagtulog ng maaga: _____
  4. Uri ng pagkain na dapat kainin at bakit: _____
  5. Benipisyo ng pag-eehersisyo: _____

B. Panuto: Suriin nang mabuti ang mga larawan. Tulungan natin ang ating kapwa kung ano-ano ang mga nararapat nilang gawin upang makaiwas na mahawaan ng COVID-19. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

[photo: man in a face mask at a desk, with a banner]

[photo: hands being washed under a faucet]

[photo: man in a face mask and face shield, with a banner]

[photo: students at computers in a classroom, with a banner]

[photo: man in a face mask at a computer]

1.__________ 2._________ 3.__________ 4.__________ 5.___________

Suriin

Ang pagbasa nang pahapyaw at ang paggamit ng larawang balangkas ay makatutulong sa pagbibigay ng mga impormasyon na nais ilahad ng isang paksa. Sa pamamagitan ng mga ito ay madaling matutunan ng isang mag-aaral kung ano ang paksang pinag-uusapan sa kwentong nabasa.

May iba’t ibang uri ng pagbasa, isa rito ay ang pahapyaw na pagbasa o iskiming. Ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya ng teksto.

Pahapyaw na pagbasa ang isinasagawa sa mga seleksyon para sa mabilis na pagkuha ng mga impormasyon. Ginagawa ito para sa pagtingin o paghahanap ng mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa bumabasa.

Nakatutulong din sa pagbibigay ng impormasyon na nais ilahad ng isang paksa ang nakalarawang balangkas. Sa pamamagitan ng mga ito ay madaling matutunan ng isang mag-aaral kung tungkol saan ang paksang pinag-uusapan.

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Basahin nang pahapyaw ang kwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Naantalang Bakasyon ni: Roselyn C. Roldan

Ang pamilyang Cervantes ay nagbabalak na magbakasyon sa nayon. Naghanda sila ng mga damit para sa dalawang linggong bakasyon.

Ipinaalam nang kanilang amang si Mang Christian ang balak nilang bakasyon sa kanyang mga magulang sa nayon. Sabik na sabik na silang makabalik sa nayon na dati nilang tirahan.

Ngunit dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, maraming ipinagbawal ang ating pamahalaan kasama na rito ang pagbiyahe sa ibang lugar upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Pinatigil ang operasyon ng mga sasakyang pandagat, panlupa, at panghimpapawid. Makikita sa nakalarawang balangkas ang mga uri ng sasakyan na nasuspende dahil sa pandemyang COVID-19.

[illustration: airplane, labeled 1]

[illustration: jeepney, labeled 2]

[illustration: train at a station, labeled 3]

[illustration: tricycle, labeled 4]

[illustration: ferry at a pier, labeled 5]

Hindi natuloy ang bakasyon ng pamilya Cervantes dahil wala silang masasakyan. Kaya minabuti na lamang nila na manatili sa kanilang bahay.

Mga tanong:

  1. Sinong pamilya ang may balak magbakasyon sa nayon?
  2. Ano ang kanilang inihanda para sa dalawang linggong bakasyon?
  3. Natuloy ba ng kanilang bakasyon? Bakit?
  4. Anong mga gawain ang nabanggit sa kuwento ang ipinagbawal ng ating pamahalaan?
  5. Bakit ayaw ng pamahalaan na magbiyahe sa ibang lugar?
Gawain 2

Panuto: Sa pamamagitan ng nakalarawang balangkas na nakasaad sa kuwento, itala ang mga uri ng sasakyan na sinuspende sa pagbiyahe dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.






Gawain 3

Panuto: Nakalarawan sa balangkas na ito ang mga larong pinoy na nais gawin ng magkakaibigang Tess, Junah, at Kimberly kasama ng iba pa nilang mga kalaro

kapag natapos na ang pandemya na dala ng COVID-19. Isa-isa itong itala sa inyong sagutang papel.

[illustration: children playing a game outdoors, labeled 1]

[illustration: boy and girl balancing on a striped mat, labeled 2]

[illustration: two people talking under a tree, labeled 3]

[illustration: no picture is visible beside box 4]

[transcriber’s note: the picture for box 4 is not visible on this page]

  1. _____ 3. _____
  2. _____ 4. _____
Isaisip

Sa bahaging ito, ating alamin kung naunawaan ninyo ang bago niyong aralin sa pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa at pagbibigay ng impormasyong hinihingi ng larawang nakabalangkas.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

  1. Ang _____ ay kilala bilang iskiming.
  2. Ang pahapyaw na pagbasa ay _____ pagbasa.
  3. Ginagawa ang pahapyaw na pagbasa para sa pagtingin o paghahanap ng mahahalagang _____.
  4. Ang _____ ay isang paraan din sa pagbibigay ng impormasyon.
Isagawa

A. Panuto: Pahapyaw na basahin ang seleksyon. Pagkatapos, ibigay ang hinihinging tala mula sa binasa. Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel.

Ang Masustansiyang Kalabasa ni: Suzette P. Calsa

Ang kalabasa ay isang uri ng gulay na kilalang-kilala sa ating bansa. Para sa ating mga Pilipino, ang kalabasa ay hitik na hitik sa bitamina at sustansiya. Kadalasan sinasahog ito sa ulam tulad ng pinakbet, ginataang gulay, monggong gisado at iba pa.

Maaari tayong gumawa ng keyk, sopas at juice gamit ang kalabasa. Palaging sinasabi ng ating mga magulang na kumain ng kalabasa dahil nagpapalinaw ito ng ating mga mata. Mayaman kasi ito sa bitamina A. Ang bitamina A ay tumutulong sa kalusugan ng mata at balat. Nagtataglay rin ito ng bitamina C at bitamina E.

Mga tanong:

  1. Gulay na kilala sa ating bansa?
  2. Mga ulam na sinasahugan ng kalabasa at iba pa?
  3. Mga bitaminang taglay nito?
  4. Bilin sa atin ng ating mga magulang?
  5. Tulong ng bitamina A sa ating pangangatawan?

B. Panuto: Mahilig sa paghahalaman si Aling Chedeng. Mayroon siyang mga tanim na medisinal, ornamental at mga gulay. Ilan sa mga ito ay makikita sa nakalarawang balangkas. Itala ang kanyang mga produktong gulay batay sa larawang nakikita mo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[illustration: eggplants, labeled 1]

[illustration: squash, labeled 2]

[illustration: cabbage, labeled 3]

[illustration: long ridged gourd, labeled 4]

[illustration: long gourd, labeled 5]

Tayahin

Sa panahong ito, marami ang pansamantalang nawalan ng trabaho dahil ayaw ng ating pangulo na patuloy ang hawaan ng COVID-19 sa iba’t- ibang panig ng Pilipinas. Isa sa mga nakaranas nito ay ang pamilya nina Kiko at Zarina. Ang kanilang ama ay hindi nakapagtrabaho dahil isa itong drayber ng pampasaherong dyip. Sa tulong ng kanilang ina, nag-isip sila ng mga gawaing maaaring mapagkakakitaan habang sila ay nanatili sa kanilang bahay.

A. Panuto: Sa tulong ng mga larawan sa balangkas, itala kung ano-ano ang mga mapagkakakitaang gawain na makatutulong sa pamilya nina Kiko at Zarina. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

[photo: food being cooked in pots at a street stall, labeled 1]

[photo: hands sewing fabric on a sewing machine, labeled 2]

[photo: woman arranging vegetables at a market stall, labeled 3]

[photo: small store with products hanging on the shelves, labeled 4]

[photo: skewered food on sticks at a stall, labeled 5]

B. Panuto: Basahin ang kuwento at pagkatapos ibigay ang hininihinging

tala mula sa binasa. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Si Tag Sipag ni: Suzette P. Calsa

Si Tag ay sampung taong gulang lamang na nakatira malapit sa dagat. Anim silang magkakapatid. Mangingisda ang kanyang ama at isang mananahi ang kanyang ina. Walang oras na inaaksaya si Tag dahil palagi itong may ginagawa. Paggising niya tuwing umaga, timba at walis kaagad ang hinahanap niya dahil maglilinis ito ng kanilang babuyan. Pagkatapos nito’y kanyang didiligan ang mga tanim nilang gulay.

“Tag!” Ang pasigaw na tawag sa kanya ng kanyang nanay. “Ano ka ba naman anak, mag-almusal ka muna.” Ang sabi sa kanya ng kanyang nanay. “Opo nanay,” ang masayang sagot ni Tag.

Isang araw, naisipan niyang sumama sa kanyang tatay sa pangingisda pero hindi siya pinayagan dahil ayon sa kanyang ama sobrang mapanganib sa dagat. Isa pa, masama ang panahon, malakas ang hangin na may dalang ulan. Naintindihan naman niya ito kaya tumulong na lamang siya sa kanyang kuya sa pagkukumpuni ng kanilang nasirang bakod. Pagdating naman ng hapon, tumutulong naman siya sa kanyang tatay sa paghahatid ng mga nahuling isda sa tindahan.

Mahal na mahal si Tag ng kanyang mga magulang, maging ang kanyang mga kapatid dahil napakasipag nito sa lahat ng bagay. Kaya sa kanilang lugar “Tag sipag” ang tawag sa kanya.

Mga tanong:

  1. Batang nabanggit sa kuwento: _____________________________
  2. Ginagawa niya tuwing paggising sa umaga: _____________________
  3. Naisipan niyang gawin isang araw: __________________________
  4. Dahilan nang hindi siya pasamahin sa pangingisda: _________________
  5. Tawag sa kanya sa kanilang lugar at bakit ito ang tawag sa kanya. _______________________
Karagdagang Gawain

Sa panahong nakaranas tayo ng pandemya, maraming sangay ng pamahalaan ang naging katuwang ng ating Pangulong Duterte upang matugunan ang mga pangangailangan nating mga Pilipino. Ilan sa mga ahensyang ito ay makikita sa nakalarawang balangkas.

Panuto: Ibigay ang buong pangalan ng ahensya ng pamahalaan batay sa akronim na nakikita sa balangkas na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

[chart: organizational diagram of five agency logos; no title printed. Labels: DOH; DepEd; DOLE; dti PHILIPPINES; DILG]






Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed as two boxed columns. The right-hand column is printed upside down, so it is transcribed first in reading order (from “Subukin” to “Gawain 2”), then the upright left-hand column (from “Gawain 3” to “Karagdagang Gawain”).]

Subukin

A.

  1. Si Mitos
  2. matalino at mabait
  3. tatlo
  4. kaarawan n’ya
  5. hinagkan at pinasalamatan ang mga magulang

B. (Mga pagpipili) messenger, Facebook, google, email, zoom, share it, gmail, Chrome, Youtube, messaging

Balikan

A.

  1. F
  2. D
  3. A
  4. E
  5. B

B. A C D E

Tuklasin

A.

  1. COVID-19
  2. lahat ng tao, matanda man o bata
  3. nagpapaganda ng pakiramdam at nagpapalinaw ng isipan
  4. mayaman sa Bitamina C dahil ito ay nagpapalakas ng resistensya
  5. nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan

B.

  1. magsuot ng facemask
  2. sundin ang social distancing
  3. ugaliing maghugas ng kamay
  4. ugaliing gumagamit ng alcohol o hand sanitizer
  5. manatili sa loob ng bahay
Pagyamanin

Gawain 1:

  1. Pamilya Cervantes
  2. damit para sa dalawang linggong bakasyon
  3. Hindi dahil sa pandemya dulot ng COVID 19
  4. Ang pagbiyahe sa ibang lugar
  5. Para maiwasan ang pagkalat ng virus

Gawain 2:

  1. eroplano
  2. pampublikong dyip
  3. tren
  4. traysikel
  5. Barko
Gawain 3

A.

  1. sipa
  2. piko
  3. taguan
  4. habulan
Isaisip
  1. pahapyaw ng pagbasa
  2. mabilisang pagbasa
  3. impormasyon
  4. nakalarawang balangkas
Isagawa

A.

  1. kalabasa
  2. pinakbet, ginataang gulay, ginisang monggo, keyk, sopas at juice
  3. Bitamina A, C at E
  4. Kumain ng kalabasa dahil ito ay nagpapalinaw ng mata.
  5. Tumutulong sa kalusugan ng mata at balat

B.

  1. Talong
  2. petsay
  3. kamatis
  4. upo
  5. Kalabasa
Tayahin

A.

  1. pagluluto at pagtitinda ng mga ulam
  2. pagtatahi at pagtitinda ng mga face mask
  3. pagtitinda ng mga halaman
  4. pagbukas ng sari-sari store
  5. pagtitinda ng barbeque

B.

  1. Si Tag
  2. naglilinis ng kanilang babuyan
  3. sumama sa pangingisda
  4. sobrang mapanganib sa dagat dahil sa sama ng panahon
  5. Tag Sipag dahil sa napakasipag nito
Karagdagang Gawain
  1. Department of Health
  2. Department of Education
  3. Department of Labor and Employment
  4. Department of Trade and Industry
  5. Department of Interior and Local Government

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao – PDF Free Download. (n.d.). Docplayer.net. Retrieved February 18, 2021, from https://docplayer.net/62010162-Edukasyon-sa-pagpapakatao.html

DEPED COPY. Filipino. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit 3 – PDF Free Download. (n.d.). Docplayer.net. Retrieved February 19, 2021, from https://docplayer.net/96269937-Deped-copy-filipino-kagamitan-ng-mag-aaral-yunit-3.html

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade 1 Teacher’s Guide (Units 1 & 2). (n.d.). Retrieved February 19, 2021, from https://eedncr.files.wordpress.com/2012/06/esp-g1-teachers-guide-q12.pdf

Mother Tongue-Based Multi-lingual Education KAGAMITAN NG MAG-AARAL. (n.d.). http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf

Mother Tongue-Based Multi-lingual Education KAGAMITAN NG MAG-AARAL. (n.d.). http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf

Mother Tongue-Based Multi-lingual Education KAGAMITAN NG MAG-AARAL. (n.d.). http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf

Mother Tongue-Based Multi-lingual Education KAGAMITAN NG MAG-AARAL. (n.d.). http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf

DEPED COPY. Filipino. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit 3 – PDF Free Download. (n.d.). Docplayer.net. Retrieved February 19, 2021, from https://docplayer.net/96269937-Deped-copy-filipino-kagamitan-ng-mag-aaral-yunit-3.html

DepEd%20logo – Google Search. (n.d.). Www.google.com. Retrieved February 19, 2021, from https://www.google.com/search?q=DepEd%20logo&tbm=isch&hl=en&tbs&sa=X&vedved=0CAEQpwVqFwoTCPDakYnKs0CFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=600#imgrc=FqE4-Mhuw5MkpM

Charmy Deliva. (2017, June 29). Ang Isang Masaya at Buong Pamilya. https://www.slideshare.net/CharmyDeliva1/ang-isang-masaya-at-buong-pamilya

Transportation in the Philippines. (2021, February 8). Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Transportation_in_the_Philippines#/media/File:MV_Trisha_Kerstin_2.jpg

Transportation in the Philippines. (2021b, February 8). Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Transportation_in_the_Philippines#/media/File:Jeepney_in_Legazpi_City.

Transportation in the Philippines. (2021b, February 8). Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Transportation_in_the_Philippines#/media/File:Jeepney_in_Legazpi_City.

Transportation in the Philippines. (2021b, February 8). Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Transportation_in_the_Philippines#/media/File:Jeepney_in_Legazpi_City.

Transportation in the Philippines. (2021b, February 8). Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Transportation_in_the_Philippines#/media/File:Jeepney_in_Legazpi_City.

LR Portal. (n.d.-b). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/664

LR Portal. (n.d.-c). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/627

LR Portal. (n.d.-d). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/633

LR Portal. (n.d.-f). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/484

LR Portal. (n.d.-g). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/493

LR Portal. (n.d.-i). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/79

LR Portal. (n.d.-j). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/448

LR Portal. (n.d.-k). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/547

LR Portal. (n.d.-l). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/435

LR Portal. (n.d.-m). Deped LR Portal. Retrieved February 19, 2021, from https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/135-

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *