This is the Filipino 6 self-learning module for Quarter 3, Module 1 (Ikatlong Markahan – Modyul 1), from DepEd Region VI. It covers two skills: “Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang/Binasang Ulat at Tekstong Pang-impormasyon” (answering questions about a report or informational text that was heard or read) and “Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan” (giving a summary of a text that was heard). It is meant for Grade 6 learners studying at home with the help of a parent, guardian, or other facilitator.
What learners will learn
After the module, learners are expected to:
- Answer questions about a report and an informational text that they heard or read (F6PB-IIId-3.1.2; F6PB-IIIc-3.2.2)
- Give a lagom o buod (summary) of a text they listened to (F6PN-IIIi-19)
Texts used in the module
The module has one lesson (Aralin 1). Learners practice with several short reports and texts, each followed by questions and a summary task:
| Part | Text | What it is about |
|---|---|---|
| Subukin (pretest) | “Buwan ng Wika” | A school’s month-long Buwan ng Wika (Language Month) celebration in August 2019 |
| Balikan (review) | “Lungsod ng Silay” | Facts about Silay City in Negros Occidental, and the legend of Princess Kansilay |
| Tuklasin (discover) | “Ulat ni Liza” | A magnitude 6.4 earthquake in Davao del Sur on September 6, 2020 |
| Pagyamanin, Gawain 1 | “Karapatan ng mga Bata” | Two sisters talk about the ten rights of Filipino children |
| Pagyamanin, Gawain 2 | “Deworming sa Paaralan” | A teacher explains why school deworming is safe and needed |
| Pagyamanin, Gawain 3 | Intramurals announcement | A call for Grades 7 to 10 athletes for Intramurals 2019 |
| Isagawa (apply) | “Dengue” | What dengue is, its symptoms, and how to prevent it |
| Tayahin (assessment) | “Ang Tindera” | Aling Panyang, a kind food vendor known as “Tindera ng mga Mahihirap” |
| Karagdagang Gawain | UAAP report | Ateneo beats De La Salle 88-86 for the UAAP Season 80 men’s basketball title |
Key ideas: question words
The Suriin part explains that answering questions correctly needs careful listening and understanding. Learners must know what each question word asks for:
- Sino (who) asks for the name of a person. Example: Sino ang nag-ulat sa klase? Answer: Si Liza.
- Ano (what) asks for an animal, thing, or event. Example: Ano ang ibinigay ng pribadong indibidwal at grupo? Answer: Mga relief goods.
- Saan (where) asks for a place. Example: Saan nangyari ang malakas na lindol? Answer: Sa Davao del Sur.
- Kailan (when) asks for a day, month, year, time, or date.
- Bakit (why) asks for the reason something happened. Example: Bakit maraming bahay at gusali ang nasira? Answer: Dahil sa malakas na pagyanig.
- Paano (how) asks for the way something was done. Example: how the people of Davao del Sur received aid, through the help of the government and private groups.
Key ideas: writing a lagom o buod
The module defines a lagom o buod as retelling the content of a text in your own words. It should be short, clear, and effective, and can be just two, three, or a few sentences. Summarizing builds both writing and speaking skills.
Steps in summarizing (Mga Hakbang sa Paglalagom)
- Listen to or read the text carefully and get its main point.
- While listening or reading, note the important parts and examine them.
- Write the remaining points in your own sentences. Do not add your own opinion.
- Replace words or parts that make the summary too long or unclear.
- Check that the ideas follow the order of the original.
- Read it again to make it even shorter.
How summaries are scored
Most summary tasks ask for 3 to 5 sentences and use the same rubric, scored 4 (Napakahusay, excellent), 3 (Mahusay, very good), 2 (Katamtaman, fair), or 1 (Nangangailangan ng Pagpapabuti, needs improvement). The criteria are:
- Important details such as the title, author, characters, and place are included
- The main idea and key details are stated clearly
- The summary is short, clear, and effective
- It uses the learner’s own words without losing the text’s message
- The writing is organized and neat
In the Isagawa part, learners organize their dengue summary into Panimula (beginning), Katawan (body), and Katapusan (ending). In the last activity, learners write their own essay or short story and then summarize it.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then go through Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and facilitators: Many activities ask you to read the text aloud while the learner listens, since the skill is summarizing a text that was heard. Read clearly, then let the learner answer on their own.
- Teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) covers the multiple-choice, matching, and fill-in items. Summaries and the Tayahin questions are marked “Guro ang magwawasto” (to be checked by the teacher), using the rubric.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 6 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 1. It was prepared by DepEd Region VI as a first edition in 2020.
What competencies does the module cover?
It covers answering questions about a heard or read report and informational text (F6PB-IIId-3.1.2; F6PB-IIIc-3.2.2) and giving a summary of a text that was heard (F6PN-IIIi-19).
What is a lagom o buod?
A lagom o buod is a summary: retelling the content of a text in your own words. The module says it should be short, clear, and effective, often just a few sentences, and should not include your own opinion.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the objective items, while the written summaries and the Tayahin questions are checked by the teacher using the rubric.
How long should the summaries be?
Most summary tasks in the module ask for 3 to 5 sentences, scored with a rubric from 1 (needs improvement) to 4 (excellent).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino
6
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang/Binasang Ulat at Tekstong Pang-impormasyon
Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
[illustration: learners reading, writing and studying outdoors and at home, with a globe and a lamp]
CO_Q3_Filipino 6_ Module 1
Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1:
- Nasasagot ang mga Tanong tungkol sa Napakinggang Ulat at Tekstong Pang-impormasyon
- Nakapagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Clarissa V. Sayon/Antonette S. Espora Editor: Juliet P. Quezon Tagasuri: Juliet P. Quezon, Edwin Pameroyan, Carmel Joy P. Aujero, Roselyn C. Roldan, Celestino S. Dalumpines IV, Antonette Espora Tagaguhit: Ednan Jamandre/Ana Mae P. Aujero Tagalapat: Jerry R. Baguios/Joy P. Nakamura, Leomel B. Ledda Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Cynthia G. Demavivas, Elena P. Gonzaga, Federico P. Pillon, Jr., Juliet P. Quezon, Carmel Joy P. Aujero
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI
Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
FILIPINO
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang/Binasang Ulat at Tekstong Pang-impormasyon
Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with arrow]
Kumusta kaibigan? Handa ka na bang maglakbay sa bagong kaalaman?
Magaling kung ganoon! Alam mo ba na ang tamang pagbasa at pakikinig sa anumang uri ng teksto ay makatutulong sa pagsagot nang tama sa mga tanong? Pinapalawak at hinahasa nito ang iyong kaalaman tungo sa kasanayang pang-unawa. Nakatutulong din ito upang makapagbibigay ka ng tamang lagom o buod. Ngayong handa ka na, simulan na natin!
Pagkatapos mo ng modyul na ito, inaasahang:
- Nasasagot mo ang mga tanong tungkol sa napakinggang/binasang ulat at tekstong pang-impormasyon (F6PB-IIId-3.1.2; F6PB-IIIc-3.2.2) at
- Nakapagbibigay ka ng lagom o buod ng tekstong napakinggan. (F6PN-IIIi-19)
Subukin
[illustration: pencil]
Bago tayo magpatuloy, sagutin mo muna ang inihanda kong Gawain. Sa tulong ng iyong tagapagdaloy o kasapi ng pamilya, ipabasa ang ulat sa ibaba. Pagkatapos mapakinggan, sagutin ang mga tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot at gawan ng lagom o buod ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubric sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
A. Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Humanda sa mga gawaing nakaabang sa mga sumusunod na pahina.
Buwan ng Wika
ni Clarissa V. Sayon
Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto bawat taon. Ngayong 2019, ang paksa ng Buwan ng Wika ay “Wikang Katutubo: Tungo Sa Isang Bansang Filipino.”
Ika-2 ng Agosto, 2019 nang ipinagdiwang ng Violeta Integrated School ang Buwan ng Wika sa Violeta Open Court. Nagkaroon ito ng panimulang palatuntunan.
1
CO_Q3_Filipino 6_ Module 1
Ito ang unang linggo ng buwan. Ang lahat ng mga guro ay aktibong nagsidalo upang ipagdiwang ang araw ng ating pambansang wika. Ipinakita rin ng mga mag-aaral ang kanilang suporta at pagmamahal sa wika. Kabilang din sa mga dumalo ang mga mag-aaral mula sekundarya, elementarya at kindergarten na bibong-bibo sa pagpapakita ng paggalang sa wika. Sinimulan ang programa sa panalangin at pag-awit ng pambansang awit.
Pinangunahan nina Bb. Clarrisa V. Sayon, Gng. Janice E. Jimiera at Bb. Ruth Macaroncio, bilang mga guro ng palatuntunan. Ipinakilala nila ang iba’t ibang makabagong salita na naidagdag sa ating bokabularyo taon-taon sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya o imbensyon na kasalukuyang naaayon sa ating panahon.
Ika-5 ng Agosto, nagkaroon ng Poster Making Contest. Ito ay kinabibilangan ng mga mag-aaral mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang sa elementarya, ikapitong hanggang ikasampung baitang sa sekundarya.
Ika-12 ng Agosto, nagkaroon ng deklamasyon mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang sa elementarya at sa sekundarya naman mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang.
Ika-19 ng Agosto, idinaos ang Manuel L. Quezon Look-A-Like. Dito ipinakita ang galing sa pagrampa sa entablado at talino ng mga kalahok sa pamamagitan ng kanilang talumpati.
Ika-26 ng Agosto, nagkaroon ng pangwakas na gawain. Dito ipinakita ng mga mag-aaral kung paano nila ipaliwanag ang mga larawan sa pamamagitan ng pagsulat. Nagtapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkorona sa mga Binibini ng Wika 2019.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito. Hindi lamang ito sinalihan ng mga mag-aaral at mga guro kundi naging aktibo rin ang mga magulang. Ang lahat ay nakiisa upang maisakatuparan at maabot ang ganap na kamalayan na mahalin at pahalagahan ang ating sariling wika, ang Wikang Filipino.
B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga tanong:
_____ 1. Ano ang ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto?
- A. Buwan ng Nutrisyon
- B. United Nations
- C. Buwan ng Wika
- D. Araw ng Kalayaan
_____ 2. Saan ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2019?
- A. Benita Jarra Elementary School
- B. Violeta Integrated School
- C. Gov. Emilio Gaston Memorial Elementary School
- D. Napilas Integrated School
2
CO_Q3_Filipino 6_ Module 1
_____ 3. Sino ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”?
- A. Rodrigo Duterte
- B. Manuel L. Quezon
- C. Amado Aquilar
- D. Lapu Lapu
_____ 4. Ano ang tema ng pagdiriwang?
- A. “Wikang Katutubo: Tungo Sa Isang Bansang Filipino”
- B. “Kabalikat ng bawat Batang Filipino”
- C. “Isang Bansang Ipagmalaki kahit Kanino”
- D. “Pilipinong Nagkaisa, Tagumpay ng bawat Isa”
_____ 5. Bakit mahalagang ipagdiwang ang Buwan ng Wika?
- A. Upang bigyang pugay ang ama ng Wikang Pambansa
- B. Upang gunitain ang Kulturang Pilipino
- C. Upang pahalagahan ang Wikang Filipino
- D. Lahat ng sagot sa itaas ay tama
_____ 6. Paano ipinagdiriwang ng Violeta Integrated School ang Buwan ng Wika?
- A. Naghugas ng kamay
- B. Nagkaroon ng film showing
- C. Nagdala ng mga prutas at gulay
- D. Nagkaroon ng palatuntunan at iba’t-ibang patimpalak sa loob ng isang buwan
C. Panuto: Gawan ng lagom o buod ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubric sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Lagom o buod:
3
CO_Q3_Filipino 6_ Module 1
4
CO_Q3_Filipino 6_ Module 1
Rubrik sa paggawa ng lagom o buod:
Rubrik sa Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
| Pamantayan | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| Tiyak na naisulat ang mahalagang detalye tulad ng pamagat, may-akda, tauhan at lugar | ||||
| Nailahad nang malinaw ang pangunahing ideya at mahahalagang detalye | ||||
| Maikli, malinaw at mabisa ang pagbubuod | ||||
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagpapahayag na hindi nahihiwalay sa mensahe ng teksto | ||||
| Organisado at malinis ang pagkasulat | ||||
| Kabuoang iskor |
[transcriber’s note: the table has no printed column heading for the first column; “Pamantayan” was added as a header label]
Katumbas ng bawat iskor:
1 – Nangangailangan ng Pagpapabuti 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 4 – Napakahusay
Aralin 1
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang/Binasang Ulat at Tekstong Pang-impormasyon
Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
Balikan
A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na teksto at ihanda ang sarili sa mga gawaing nakatakda sa mga sumusunod na pahina.
Lungsod ng Silay
Ang Lungsod ng Silay ay isang ikatlong klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ayon sa 2015 sensus, ito ay may populasyon na 126,930 sa may 5,557 na kabahayan.Bahagi ito ng Pook Metropolitan na tinatawag na Metro Bacolod, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Bacolod at Talisay. Sa lungsod matatagpuan ang bagong Paliparang Pandaigdig ng Bacolod-Silay; na pumalit sa Paliparang Domestiko ng Lungsod ng Bacolod.
Madalas tawaging “Paris ng Negros” ang Silay, dahil sa malawak nitong kalipunan ng mga napapanataling mga sinaunang kabahayan. Higit sa tatlumpo ng mga kabahayan na ito ay naitalagang mga makasaysayang pook ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na bahagi ng Pambansang Palantaang Pangkasaysayan ng Silay. Noong 2015, ipinagdiwang ng lungsod ang ika-58 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod. Pangalawang lungsod ang Silay na maitalagang museong lungsod, kasunod ng Vigan sa Ilocos Sur. Ito ay nahahati sa 16 na barangay. Na pinamumunuan ngayon ng aming alkalde na si Hon. Mayor Mark Andrew Arthur J. Golez.
Hinango ang taguring Silay mula sa pangalan ng isang puno na malawakang tumutubo sa lugar na ito. Ang Kansilay ang opisyal na pang-lungsod na puno ng Silay. Ginawan ito ng isang uri ng kwento. “Ang alamat ni Prinsesa Kansilay.” May isang katutubong alamat na nagsasabi kung paano nakuha ng Lungsod ng Silay ang pangalan nito. Ikinukuwento na noong mga kapanahunan ng mga datu at mga rajah, mayroon isang namuhay na prinsesang si Kansilay. May lumusob na mga pirata sa bayan ngunit nagapi naman ang mga ito dahil sa pamumuno ng prinsesa. Lumaban ang prinsesa bilang isang tunay na mandirigma. May mga moog na dating pumapalamuti sa mga gusaling pampubliko ng lungsod na naglalarawan sa kaniyang pagiging mandirigma, may iwinawasiwas na talibong, isang maikling espada na may iisang matalas na gilid lamang. Nalupig ang mga pirata, ngunit
namatay ang prinsesa sa kabila ng tagumpay na ito. Napagmasdan ng kaniyang kasintahan ang kaniyang paglisan sa mundo ng buhay. May dalamhating inilibing nila ang kanilang pinakamamahal na prinsesa. Sa kanilang pagkamangha, mayroong isang punong tumubo sa ibabad ng kaniyang puntod. Ito ang unang puno ng Kansilay, ang huling regalo ng matapang na prinsesa, para sa kaniyang mga mamamayan.
B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong batay sa binasang ulat at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Sino ang alkalde ng Lungsod ng Silay?
- A. Mayor Mark Andrew Arthur J. Golez
- B. Mayor Neil E. Lizares III
- C. Mayor Evelio R. Leonardia
- D. Mayor Marvin Malacon
_____ 2. Ano ang paksa ng ulat na binasa?
- A. Lungsod ng Bacolod
- B. Lungsod ng Talisay
- C. Lungsod ng Silay
- D. Lungsod ng Victorias
_____ 3. Ilan ang populasyon ng Lungsod ng Silay batay sa 2015 na sensus?
- A. 100,000
- B. 126,930
- C. 150,000
- D. 200,000
_____ 4. Saang lalawigan makikita ang Lungsod ng Silay?
- A. Sa lalawigan ng Negros Occidental
- B. Sa lalawigan ng Negros Oriental
- C. Sa lalawigan ng Iloilo
- D. Sa lalawigan ng Cebu
_____ 5. Ilan ang barangay ng Lungsod ng Silay?
- A. 20 na barangay
- B. 16 na barangay
- C. 40 na barangay
- D. 12 na barangay
_____ 6. Sa anong puno hinango ang taguring Silay?
- A. Sa puno ng durian
- B. Sa puno ng mangga
- C. Sa puno ng kansilay
- D. Sa puno ng niyog
_____ 7. Ano ang ipinagdiwang ng lungsod ng Silay noong 2015?
- A. Ika-58 na anibersayo ng pagkakatatag bilang lungsod
- B. Fiesta ng simbahan sa Lungsod
- C. Araw ng Kalayaan
- D. Bagong Taon
_____ 8. Pang-ilang lungsod ang Silay na naitalagang museong lungsod ng bansa?
- A. Unang lungsod
- B. Pangalawang lungsod
- C. Pangatlong lungsod
- D. Pang-apat na lungsod
_____ 9. Bakit madalas tawaging Paris of Negros ang lungsod ng Silay?
- A. Dahil sa malawak nitong kalipunan ng mga napapanatiling mga sinaunang kabahayan
- B. Dahil marami ditong pumupuntang turista
- C. Dahil sa pangalan ng lungsod
- D. Dahil mga pagdiriwang dito
_____ 10. Paano naging bahagi ng Pambansang Palantaang Pangkasaysayan ang Lungsod ng Silay?
- A. Dahil higit na tatlumpo ng mga kabahayan na ito ay naitalagang mga makasaysayang pook ng Pambasang Komisyong pangkasaysayan ng Pilipinas.
- B. Dahil malalaking puno na makikita sa lungsod
- C. Dahil mga sinaynang taong tumira dito
- D. Dahil mga masasarap na pagkain ng gawang Silay.
Tuklasin
A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na teksto at ihanda ang sarili sa mga gawaing nakatakda sa mga sumusunod na pahina.
Ulat ni Liza
Isang malakas na lindol ang yumanig sa Davao del Sur noong ika-6 ng Setyembre, 2020. Ito ay may lakas na 6.4 magnitude. Dahil sa lakas ng pagyanig, maraming mga bahay at gusali ang nasira. Gumuho ang mga lupa sa iba’t ibang bahagi ng Davao del Sur. Sa takot, nagsilikas ang mga tao sa ligtas na lugar.
Nagpadala ng tulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng lindol. Maraming mga pribadong indibidwal at grupo ang nagbigay ng mga relief goods. Ang iba naman ay nagbigay ng tulong pinansyal. Sa panahon ng sakuna, dapat lahat tayo ay alerto at laging handa.
B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ano ang yumanig sa Davao del Sur?
- A. bagyo
- B. sunog
- C. baha
- D. lindol
_____ 2. Kailan ito nangyari?
- A. Setyembre 6, 2020
- B. Setyembre 7, 2020
- C. Setyembre 8, 2020
- D. Setyembre 9, 2020
_____ 3. Gaano kalakas ang pagyanig?
- A. 6.3 magnitude
- B. 6.4 magnitude
- C. 6.5 magnitude
- D. 7.0 magnitude
_____ 4. Saan nangyari ang lindol?
- A. Mindanao
- B. Davao City
- C. Davao del Sur
- D. Davao del Norte
_____ 5. Paano paghandaan ang mga sakuna?
- A. Maghintay sa tulong ng pamahalaan
- B. Paghingi ng tulong sa barangay
- C. Tandaan ang mga paalaala sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna
- D. Isawalang bahala ang mga paalaala
C. Panuto: Gawan ng lagom o buod ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubric sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Lagom o buod:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Rubrik sa paggawa ng lagom o buod:
Rubrik sa Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
| 4 | 3 | 2 | 1 | |
|---|---|---|---|---|
| Tiyak na naisulat ang mahalagang detalye tulad ng pamagat, may-akda, tauhan at lugar | ||||
| Nailahad nang malinaw ang pangunahing ideya at mahahalagang detalye | ||||
| Maikli, malinaw at mabisa ang pagbubuod | ||||
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagpapahayag na hindi nahihiwalay sa mensahe ng teksto | ||||
| Organisado at malinis ang pagkasulat | ||||
| Kabuoang iskor |
Katumbas ng bawat iskor:
1 – Nangangailangan ng Pagpapabuti 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 4 – Napakahusay
Suriin
Ang kasanayan sa pakikinig ay mahalaga. Nangangailangan ito ng masusing pakikinig at mabisang pagpoproseso sa pag-unawa upang masagot mo ang mga tanong na may tamang impormasyon at detalye. Mahalagang malaman mo ang mga salitang gagamitin sa pagtatanong.
Tandaan:
Ang salitang Sino ay tumutukoy sa pangalan ng tao.
Halimbawa: Sino ang nag-ulat sa klase?
Sagot: Ang nag-ulat sa klase ay si Liza.Ang salitang Ano ay tumutukoy sa hayop, bagay o pangyayari.
Halimbawa: Ano ang ibinigay ng pribadong indibidwal at grupo?
Sagot: Ang kanilang ibinigay ay mga relief goods.Ang salitang Saan ay tumutukoy sa lugar.
Halimbawa: Saan nangyari ang malakas na Lindol?
Sagot: Sa Davao Del SurAng salitang Kailan ay tumutukoy sa araw, buwan, taon, oras at petsa.
Halimbawa: Kailan nangyari ang sakuna?
Sagot: Noong ika-16 ng Oktubre, 2019Ang salitang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng pangyayari.
Halimbawa: Bakit maraming bahay at gusali ang nasira?
Sagot: Dahil sa malakas na pagyanigAng salitang Paano ay tumtutukoy sa paraan ng ginawa o paggamit.
Halimbawa: Paano nagkaroon ng maraming ayuda mga tao sa Davao Del Sur?
Sagot: Sa pamamagitan ng pagtulong-tulong ng pamahalaan, pribadong indibidwal o grupo na ipaabot ang pangunahing pangangailangan ng mga tao sa Davao Del Sur.
Sa pamamagitan ng mabisang pakikinig ay maibabahagi mo rin nang tama at malinaw ang mga pangunahing ideya at mahahalagang datos na magagamit mo sa paggawa ng lagom o buod.
Sa paglalagom o pagbubuod, pinapaunlad nito ang iyong kasanayan sa pagsulat at pagsalita.
Iyong tandaan na ang lagom o buod ay paraan ng pagsasabi o pagpapahayag gamit ang sariling pananalita o pangungusap ng nilalaman ng isang teksto. Mahalaga na ito ay maikli, malinaw at mabisa. Maari mo itong maisulat sa dalawa, tatlo o iilang pangungusap lamang.
Mga Hakbang sa Paglalagom
- Pakinggan o basahin nang mabuti ang akda. Kunin ang pinakadiwa ng napakinggan o nabasa.
- Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahahalagang bahagi at suriin ito.
- Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling opinyon.
- Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom.
- Tingnan kung ayon sa orhinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
- Basahing muli upang lalo pang maiklian.
Pagyamanin
Sagutin mo ang mga sumusunod na mga gawain. Ang mga ito ay lilinang sa iyong kakayahan sa pag-unawa sa binasa/napakinggang teksto at sa paggawa ng buod o lagom.
Gawain 1
A. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang teksto. Humanda ka sa mga gawaing nakaabang sa mga sumusunod na pahina.
Karapatan ng mga Bata ni Antonette S. Espora
Araw ng Sabado, ang magkapatid na Bimbim at Yeye ay nag-uusap habang tumutulong sa paghahanda ng agahan. Ang kanilang ina na si Aling Maring ay naghahain ng ulam at nakikinig sa kanilang usapan.
Yeye: Ate, maaari mo ba akong tulungan mamaya sa aking takdang aralin?
Bimbim: Oo naman. Bakit ano ba yon?
Yeye: Tungkol sa karapatan ng mga batang Pilipino.
Bimbim: Ah! iyon ba? Napag-aralan na namin ‘yan. Tayong mga bata ay may mga karapatan na dapat nating malaman at maintindihan. Ito ay ang mga sumusunod:
- Maisilang at magkaroon ng pangalan
- Maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
- Mabigyan ng sapat na edukasyon
- Mapaunlad ang kakayahan
- Magkaroon ng sapat na pagkain, tirahan, malusog at aktibong pangangatawan
- Matutunan ang mabuting asal at kaugalian
- Makapaglaro at makapaglibang
- Mabigyan ng proteksyon laban sa pagsasamantala, panganib, at karahasan
- Manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan
- Makapagpahayag ng sariling pananaw o opinyon
Yeye: Salamat ate, sabihin mo uli yan mamaya ha? Nang maisulat ko.
Aling Maring: Ngayon, alam na ninyo ang inyong mga karapatan. Ibabahagi ko rin ang mga kaakibat na tungkulin ninyo sa bawat karapatan.
Mga bata: Talaga po nanay? Makikinig po kami at susunod nang maayos.
B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga tanong:
- Ano ang pamagat ng kuwento?
- Sino ang dalawang bata na tumulong sa paghanda ng agahan?
- Kailan nangyari ang kuwento?
- Ilan lahat ang karapatan ng mga bata?
- Paano natutunan ni Bimbim ang karapatan ng mga bata?
- a. Bimbim at Yeye
- b. Araw ng Sabado
- c. Nagpag-aralan nila sa paaralan.
- d. Karapatan ng mga Bata
- e. Sampu
- f. Kaakibat na tungkulin sa bawat karapatan
C. Panuto: Gawan ng lagom o buod na may 3-5 pangungusap ang nabasang teksto batay sa rubrik sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Buod o lagom:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Rubrik sa paggawa ng lagom o buod:
Rubrik sa Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
| 4 | 3 | 2 | 1 | |
|---|---|---|---|---|
| Tiyak na naisulat ang mahalagang detalye tulad ng pamagat, may-akda, tauhan at lugar | ||||
| Nailahad nang malinaw ang pangunahing ideya at mahahalagang detalye | ||||
| Maikli, malinaw at mabisa ang pagbubuod | ||||
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagpapahayag na hindi nahihiwalay sa mensahe ng teksto | ||||
| Organisado at malinis ang pagkasulat | ||||
| Kabuoang iskor |
Katumbas ng bawat iskor:
1 – Nangangailangan ng Pagpapabuti 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 4 – Napakahusay
Gawain 2
A. Panuto: Makinig nang mabuti sa tekstong babasahin ng iyong tagapagdaloy o kasapi ng pamilya. Pagkatapos, gawin ang pagsasanay na nasa ibaba.
Deworming sa Paralan ni Antonette S. Espora
Araw ng Biyernes, sa silid-aralan:
Gng. Ty: Mga bata sa darating na Lunes ay magkakaroon tayo ng pagpupurga.
Alex: “Ayoko pong magpapurga.”
Gng. Ty: “Bakit naman, Alex?”
Alex: Kasi po natatakot ako, baka maligaw ang bulate at lumabas sa bunganga ko. Iyan kasi ang sabi ng Nanay.
Gng. Ty: Naku, Alex maling paniniwala iyan. Kailangan ng bata na tulad mo na maipurga upang lumaki kang malusog at matalino. Ang purga o deworming ay ang pagtatanggal ng mga parasitikong bulate tulad ng round worms tapeworms, pinworms at hook worms sa bituka ng isang tao sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot na pampurga. Ito ay taunang gawain ng DepEd sa ilalim ng programa ng Department of Health. Isinasagawa ang libreng deworming sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan, dalawang beses sa isang taon sa buwan ng Hulyo at Enero.
Grace: Paano po naming malalaman na may bulate kami sa katawan? Paano po ito nakakapasok?
Gng. Ty: Malalaman kung ang isang tao ay may bulate sa katawan sa pamamagitan ng pag-eksamin sa dumi nito. Ang pananakit ng tiyan, kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, mababang resistensya, pagiging mahina sa klase, mabagal na paglaki at malnutrisyon ay ilan lamang sa mga sintomas ng batang may bulate. Ang mga bulate ay nakapapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing nadapuan ng langaw o mayroong itlog ng bulate, maruming kamay, hindi pagsuot ng tsinelas at sapatos na nakaapak sa lupa at hindi paghugas nang mabuti ng kamay pagkatapos gumamit ng kubeta.
Grace: Kung ganoon po pala, kailangan naming maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig bago at pagkatapos kumain, ugaliin rin namin ang pagsuot ng tsinelas at sapatos.
Letlet: Tama, ang mga gulay at prutas bago iluto o kainin ay kailangang hugasan at lutuin nang mabuti, gupitin natin ang mahabang kuko nang hindi pamahayan ng mga itlog ng bulate. Ang maayos at tamang paggamit ng kubeta ay atin ring ugaliin.
Mga bata: At panatilihin nating malinis ang ating mga tahanan at paligid.
Gng. Ty: Magaling, masaya ako at may natutunan kayo tungkol sa pagpupurga.
Alex: Maraming salamat po Gng. Ty. Ibabahagi ko po ang aking bagong kaalaman sa aking ina nang sa ganoon ay magkaroon rin siya ng positibong pananaw. Magpapaalam po ako sa kanya kung pwede akong magpa-deworm dito sa paaralan.
B. Panuto: Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B. Hanapin sa Hanay B ang mga kasagutan ng mga katanungan sa Hanay A. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Ano ang mangyayari sa mga bata sa darating na Lunes? | a. baka daw maligaw ang bulate at lumabas sa kanyang bunganga. |
| 2. Sino ang nag anunsyo sa mga bata? | b. Gng. Ty |
| 3. Bakit takot si Alex magpapurga? | c. Araw ng Lunes |
| 4. Paano nahikayat ni Gng. Ty si Alex? | d. Ibinahagi ni Gng. Ty ang mga Bagong kaalaman at mabuting maidudulot sa mga bata. |
| 5. Kailan ang kanilang pagpupurga? | e. Pagpupurga o Deworming |
C. Panuto: Mula sa napakinggang teksto ay sumulat ng paglalagom o pagbubuod at isaalang-alang ang rubric sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Lagom o buod:
Rubrik sa paggawa ng lagom o buod:
Rubrik sa Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
| Pamantayan | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| Tiyak na naisulat ang mahalagang detalye tulad ng pamagat, may-akda, tauhan at lugar | ||||
| Nailahad nang malinaw ang pangunahing ideya at mahahalagang detalye | ||||
| Maikli, malinaw at mabisa ang pagbubuod | ||||
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagpapahayag na hindi nahihiwalay sa mensahe ng teksto | ||||
| Organisado at malinis ang pagkasulat | ||||
| Kabuoang iskor |
Katumbas ng bawat iskor:
1 – Nangangailangan ng Pagpapabuti 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 4 – Napakahusay
Gawain 3
Panuto: Sa tulong ng iyong tagapagdaloy, pakinggan at unawain nang mabuti ang anunsyo. Pagkatapos, gawan ito ng lagom o buod sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa sagutang papel.
Ipinababatid sa lahat ng mag-aaral mula Baitang 7-10 na magkakaroon ng Intramurals 2019 sa ika-10 ng Disyembre. Ang tagasanay sa bawat baitang ay naghahanap ng mga atleta sa iba’t ibang isports tulad ng volleyball, basketball, chess, track and field at laro ng lahi.
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral sa bawat baitang na gustong makilahok sa mga nabanggit na isports, maaaring pumunta sa mga tagasanay sa bawat baitang. Inaasahan namin ang aktibong paglahok ng bawat isa sa darating na Intramurals.
- Ano ang paksa ng ulat na nabasa/napakinggan?
- Kailan ito gaganapin?
- Sino-sino ang inaanyayahan?
- Ano-anong isports ang puwedeng lahukan ng mga mag-aaral?
- Kung ikaw ay may kakayahan sa nabanggit na mga isports, lalahok ka ba? Bakit?
Isaisip
Natandaan mo ba ang mga mahahalagang kaisipan sa araling ito? Tingnan natin kung masasagot mo ang mga sumusunod.
Panuto: Punan ng angkop na mga salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Upang masagot ang mga 1.____________ at makapagbigay ng tamang 2.____________ sa tekstong napakinggan, kailangan ang kasanayan sa pakikinig at 3.______________ sa napakinggan. Ang buod o lagom ay maaaring pasulat o 4.________________.
Ang salitang 5.__________ ay ginagamit upang matukoy ang pangalan ng taong bahagi/kasangkot sa usapan.
Ang salitang 6.________ ay ginagamit upang matukoy ang lugar na pinangyarihan o ginanapan ng kilos o pangyayari.
Ang salitang 7.________ ay ginagamit upang matukoy ang hayop, bagay at pangyayari.
Ang salitang 8.________ ay ginagamit upang matukoy ang oras, petsa, araw, buwan, taon.
Ang salitang 9.________ ay ginagamit upang matukoy ang hinihinging kadahilanan ng isang pangyayari.
Ang salitang 10.________ ay ginagamit upang matukoy ang paraan ng ginawa.
Ang 11. ________ o _________ ay paraan ng pagsasabi o pagpapahayag gamit ang sariling pananalita o pangungusap ng nilalaman ng isang teksto.
Isagawa
Naunawaan mo ba ang ating aralin? Kung gayon, pakinggan mong mabuti ang susunod na teksto at huwag mong kalimutang itala ang mahahalagang impormasyong nakapaloob dito.
A. Panuto: Makinig at unawain ang teksto habang binabasa ito sa ‘yo ng iyong tagapagdaloy o kasama sa bahay. Ihanda ang sarili sa mga gawaing sumusunod.
Dengue ni Antonette S. Espora
Ang dengue ay isang uri ng sakit na galing sa mikrobyo na dinadala ng Aedes na lamok. Nakapapasok sa katawan ng tao ang nakahahawang mikrobyong ito sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), lalong tataas ang bilang ng kaso ng dengue kung hindi ito maaagapan.
Ang mga sumusunod ay sintomas ng dengue: mataas na lagnat, pananakit ng katawan at kasukasuan, pagsusuka, matinding sakit ng ulo at pagkakaroon ng mapupulang butlig sa balat.
Sa kasalukuyan, walang naitalang gamot sa sakit na dengue. Ang kusang paggaling ng taong may sakit ay nakasalalay sa tibay ng kaniyang resistensya sa katawan na mapaglabanan ang mikrobyong ito at ang maagap na paglapat ng lunas sa lagnat upang hindi ito lumala. Mas maigi ring magpatingin sa doktor kapag nakitaan ng sintomas.
Mahalaga ang tama at regular na paglilinis sa loob at labas ng bahay upang walang pamugaran ang mga lamok. Nakatutulong din ang paggamit ng pamatay lamok o insecticide, pagsuot ng pantalon at mahahabang manggas na damit.
Higit sa lahat, madaling masugpo ang pagkalat ng sakit na dengue kung ang lahat ay nagtutulungan at nakikiisa sa mga hakbang ng pamahalaan at barangay na kinabibilangan.
B. Panuto: Punan ng angkop na mga salita ang mga puwang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
_________ ang tawag sa isang uri ng sakit na galing sa mikrobyo na dinadala ng Aedes na lamok.
Ayon _________ lalong tataas ang bilang ng kaso ng dengue kung hindi ito maaagapan.
Magpatingin sa _______ kapag napagkitaan ng sintomas.
Ang paggamit ng _______ ay nakakatulong sa pagsugpo ng dengue.
Panatilihing ___________ ang paligid upang walang mapamahayan ang lamok.
C. Panuto: Gawan ng lagom o buod ang teksto gamit ang gabay sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Panimula
Katawan
Katapusan
Rubrik sa paggawa ng lagom o buod:
Rubrik sa Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
| Pamantayan | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| Tiyak na naisulat ang mahalagang detalye tulad ng pamagat, may-akda, tauhan at lugar | ||||
| Nailahad nang malinaw ang pangunahing ideya at mahahalagang detalye | ||||
| Maikli, malinaw at mabisa ang pagbubuod | ||||
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagpapahayag na hindi nahihiwalay sa mensahe ng teksto | ||||
| Organisado at malinis ang pagkasulat | ||||
| Kabuoang iskor |
Katumbas ng bawat iskor:
1 – Nangangailangan ng Pagpapabuti 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 4 – Napakahusay
Tayahin
Kumusta! Matagumpay mo bang nasagot ang mga gawain? Ang galing mo at binabati kita sa kahusayan at oras na iyong inilaan sa pag-aaral. Alam mo bang masaya akong malapit mo nang matapos ang mga gawain? Ngayon naman ay sagutin mo ang pagsasanay.
A. Panuto: Makinig nang mabuti habang binabasa sa ‘yo ng iyong tagapagdaloy o kasama sa bahay ang teksto at ihanda ang sarili sa mga gawaing nakatakda sa mga sumusunod na pahina.
Ang Tindera ni Antonette S. Espora
Si Aling Panyang ay isang tindera ng pagkain sa aming lugar. Kilalang-kilala siya dahil sa kahanga-hanga niyang katangian. “Tindera ng mga Mahihirap” ang palayaw sa kaniya. Mabait at magalang siya sa mga mamimili. Iniiwasan niya ang pagsigaw o pagsungit sa kanila. Maunawain at matulungin rin siya sa mga nangangailangan ng tulong lalo na sa mga mahihirap. Maging ang mga pulubi na napaligaw ay kaniyang pinapakain at inaasikaso nang mabuti.
Araw-araw ay maagang gumigising at nag-aayos ng kaniyang tindahan si Aling Panyang. Sinisigurado niya na palaging malinis at sariwa ang mga nilulutong pagkain. Dahil mura at masarap ang mga ito, marami siyang suki. Maaga pa ay ubos na ang kaniyang mga paninda.
Hindi niya inaalintana ang pagod at hirap sa pagtitinda upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang dalawang anak. Ang pagtitinda kasi ang naiwang hanapbuhay ng kaniyang namayapang asawa kaya labis ang pag-iingat niya rito.
Dahil sa taglay niyang ugali, marami ang humahanga sa kaniya. Minamahal at iginagalang siya ng mga tao. Mahirap at nakapapagod man ang pagtitinda, masayang ginagampanan ni Aling Panyang ang kaniyang tungkulin. Para sa kaniya, ito ang kaniyang paraan ng hanapbuhay at kawanggawa.
B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Ano ang ginagawa ni Aling Panyang araw-araw?
- Bakit hindi alintana ni Aling Panyang ang pagod at hirap sa pagtitinda?
- Anong mga katangian ang taglay ni Aling Panyang bilang isang manggagawa o tindera?
- “Tindera ng mga Mahihirap” bakit ito ang bansag kay Aling Panyang?
- Kung ikaw si Aling Panyang, gagawin mo rin ba ang ginagawa niya? Bakit?
C. Panuto: Batay sa iyong mga sagot sa katanungan sa itaas, gawan ng lagom o buod sa 3-5 pangungusap ang tekstong napakinggan batay sa rubrik sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Lagom o buod:
Rubrik sa paggawa ng lagom o buod:
| Rubrik sa Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| Tiyak na naisulat ang mahalagang detalye tulad ng pamagat, may-akda, tauhan at lugar | ||||
| Nailahad nang malinaw ang pangunahing ideya at mahahalagang detalye | ||||
| Maikli, malinaw at mabisa ang pagbubuod | ||||
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagpapahayag na hindi nahihiwalay sa mensahe ng teksto | ||||
| Organisado at malinis ang pagkasulat | ||||
| Kabuoang iskor |
Katumbas ng bawat iskor:
1 – Nangangailangan ng Pagpapabuti 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 4 – Napakahusay
[illustration: hand holding a stack of papers, inside a circle]
Tala para sa Guro
Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.
Karagdagang Gawain
Sa panapos na gawaing ito, inaasahan ko ang iyong kahusayan. Galingan mo, ha?
A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na teksto at ihanda ang sarili sa mga gawaing nakatakda sa mga sumusunod na pahina.
Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit ang kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP Season 80 men’s basketball tournament nitong Linggo.
Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila ng 10 sa pagtatapos ng unang kwarter. Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo. Nagtapos ang mainit na labanan sa iskor na 88-86. Ito ang unang kampeonato ng Ateneo sa nakalipas na limang taon nang tuldukan ng De La Salle ang kanilang five-peat domination.
B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Linggo Ateneo Blue Eagles UAAP Season 80 88-86 De La Salle Green Archer
Mga tanong:
- Anong koponan ang naging kampeon sa UAAP Season 80 men’s basketball?
- Kailan naganap ang kampeonato?
- Sino ang kinalaban ng nanalong koponan?
- Ano ang iskor ng bawat koponan pagkatapos ng kampeonato?
- Anong organisasyon ang nilahukan ng dalawang koponan?
C. Panuto: Gawan ng lagom o buod ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubrik sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Lagom o buod:
D. Panuto: Sumulat ng sariling sanaysay o maikling kuwento. Pagkatapos, gawan ito ng lagom o buod batay sa rubrik sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Sanaysay o maikling kuwento:
Lagom o buod:
Rubrik sa paggawa ng lagom o buod:
| Rubrik sa Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| Tiyak na naisulat ang mahalagang detalye tulad ng pamagat, may-akda, tauhan at lugar | ||||
| Nailahad nang malinaw ang pangunahing ideya at mahahalagang detalye | ||||
| Maikli, malinaw at mabisa ang pagbubuod | ||||
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagpapahayag na hindi nahihiwalay sa mensahe ng teksto | ||||
| Organisado at malinis ang pagkasulat | ||||
| Kabuoang iskor |
Katumbas ng bawat iskor:
1 – Nangangailangan ng Pagpapabuti 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 4 – Napakahusay
Susi sa Pagwawasto
Subukin
B. 1. C 2. B 3. B 4. A 5. D 6. C
C. Lagom Guro ang magwawasto.
Balikan B
- A
- B
- B
- A
- B
- C
- A
- B
- A
- A
Tuklasin B
- D
- A
- B
- C
- C
C. Lagom Guro ang magwawasto.
Pagyamanin
Gawain 1 B:
- d
- a
- b
- e
- c
C. Lagom Guro ang magwawasto.
Gawain 2
B. 1. e 2. b 3. a 4. d 5. c
C. Lagom Guro ang magwawasto.
Gawain 3
Intramural 2019 Ika-10 ng Disyembre volleyball, basketball, chess, track & field, laro ng lahi Opo, upang maipakita ang aking kakayahan.
C. Lagom Guro ang magwawasto.
Isaisip
- tanong
- buod
- pag-unawa
- pasalita
- Sino
- Saan
- Ano
- Kailan
- Bakit
- Paano
Isagawa B
- Dengue
- Department of Health (DOH)
- doktor
- pamatay lamok o insecticide, pagsuot ng pantalon at mahabang manggas na damit
- malinis
C. Lagom Guro ang magwawasto.
Tayahin B
Guro ang magwawasto.
Karagdagang Gawain B
- Ateneo Blue Eagles
- Linggo
- De La Salle Green Archer
- 88-86
- UAAP Season 80
Sanggunian
Ano Ang Pagbabalangkas At Ano Ang Mga Uri Ng Balangkas. (June 22, 2017). The Silent Learner. https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-ang-pagbabalangkas.html
Ige, D. Y., & Pressler, V, MD. (April 2016). Protect Yourself From Dengue Fever (Tagalog Language Version). https://health.hawaii.gov/docd/files/2016/12/Dengue_TAGALOG.pdf
Karapatan ng mga Bata. (October 3, 2019) https://www.youtube.com/watch?v=kZvHojG5EU8 (10 Karapatan ng Bata)
Krishman, G. (December 3, 2017). BALIKAN: Ateneo, wagi kontra La Salle, kampeon sa UAAP men’s basketball. https://l.messenger.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fnews.abs-cbn.com%2Fsports%2F12%2F03%2F17%2Fbalikan-ateneo-wagi-kontra-la-salle-kampeon-sa-uaap-mens-basketball&h=AT2494wzr4txnrDbbytuDX5kk0eJVUsZl2_PEP8fhDJoxOgA6Ada0fkO5b4kn0SWIeBI5bKbcAcYpMdomIZAbmcQvyjk5PN7pGk7SsHbsRi7CeXp1adivKhr9W4YpbeXKxfzA
Paglalagom. (January 26, 2021). https://tl.wikipedia.org/wiki/Paglalagom
Silay. (December 16, 2020). https://tl.wikipedia.org/wiki/Silay
Strong mag.6.4 earthquake. (Sept. 6, 2020). Volcano Discovery. https://www.volcanodiscovery.com/earthquakes/5901210/2020-09-06/15h23/magnitude6-Philippines.html
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply