This is the Filipino 6 Self-Learning Module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 12: “Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya” (using different words as adjectives and adverbs to express one’s own ideas). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region VI, made for Grade 6 learners studying at home. After working through it, learners should be able to use describing words correctly, so their sentences and paragraphs become clearer and more colorful.
What learners will learn
The module targets one competency from the Most Essential Learning Competencies:
- Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya (uses different words as adjectives and adverbs to express one’s own ideas), F6WG-IIId-f-9
A friendly guide character named Kokoy leads the learner through each part of the module.
Pang-uri and pang-abay: the key idea
The module teaches the difference between two kinds of describing words.
| Pang-uri (adjective) | Pang-abay (adverb) |
|---|---|
| Describes a pangngalan (noun) or panghalip (pronoun) | Describes or modifies a pandiwa (verb), a pang-uri (adjective), or another pang-abay (adverb) |
| Preskong-presko ang pakiramdam ko. (“preskong-presko” describes the noun “pakiramdam”) | Tunay na matamis ang saging. (“tunay” describes the adjective “matamis”) |
| Pagod na pagod ako sa paglalaro. (“pagod na pagod” describes the pronoun “ako”) | Ang kaimito na aking matiyagang inaakyat. (“matiyagang” describes the verb “inaakyat”) |
| Payapa ang aking kalooban sa malawak at luntiang bukirin. | Sadyang laging nangingiti ako. (“sadyang” describes the adverb “laging”) |
A quick way to check: find the word being described. If it is a person, thing, place, or pronoun, the describing word is a pang-uri. If it is an action, another describing word, or an adverb, the describing word is a pang-abay.
The stories used in the module
- “Pag-iipon” (saving money): a short story about Ali, a thrifty boy who saves his earnings in the bank and later uses his savings when his father gets sick. It is used to review cause and effect (sanhi at bunga).
- “Nais Kong Balikan” (I want to go back): a narrator remembers childhood in the province, from the cool breeze and wide green fields to climbing the kaimito (star apple) tree and playing patintero and tumbang-preso. The bold words in this story become the examples of pang-uri and pang-abay.
Parts of the module
- Alamin – introduces the lesson and the competency.
- Subukin – pretest: write your own sentence about each picture using the given words, such as masigasig, araw-araw, totoo, tahimik, and laging malinis.
- Balikan – review: copy five cause-and-effect sentences from “Pag-iipon,” circle the cause, and underline the effect.
- Tuklasin – read “Nais Kong Balikan” and answer five questions.
- Suriin – explains how the describing words in Hanay A (pang-uri) and Hanay B (pang-abay) are used.
- Pagyamanin – write a short descriptive essay about a picture of a family picnic by the sea; underline the pang-uri and circle the pang-abay.
- Isaisip – complete a table summing up what you learned and why it matters.
- Isagawa – write a short paragraph inviting a new friend to visit the nice places in your province, using pang-uri and pang-abay.
- Tayahin – final test: fill in ten blanks with the right pang-abay or pang-uri from a word box.
- Karagdagang Gawain – extra activity: write a descriptive paragraph on one topic, such as “Ang Aking Pamilya” (my family) or “Ang Paborito Kong Guro” (my favorite teacher).
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then go through each part in order. Do not write on the module; use a separate answer sheet for all activities. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end to check answers after your child finishes, and encourage honest use of it. The module says a Teacher’s/Facilitator’s Guide is provided with tips for those guiding learners at home.
- Teachers: The answer key gives answers for Tayahin, Balikan, and Tuklasin, and sample answers for Subukin and Isagawa. Pagyamanin, Isaisip, and Karagdagang Gawain have open answers to be checked with a rubric that you prepare.
The next module in the series is Modyul 13: “Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto” (recording data based on a text read).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 6 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 12.
What is the difference between pang-uri and pang-abay?
A pang-uri (adjective) describes a noun or pronoun, like “pagod na pagod” in “Pagod na pagod ako.” A pang-abay (adverb) describes a verb, an adjective, or another adverb, like “tunay” in “Tunay na matamis ang saging.”
What competency does the module cover?
It covers F6WG-IIId-f-9: using different words as pang-uri and pang-abay to express one’s own ideas.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the tests and several activities, while open-ended writing tasks are checked by the teacher using a rubric.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners to keep it clean for other users and to write all answers on a separate sheet of paper.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 12: Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
6
Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 12: Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
[illustration: learners reading and writing at home and outdoors, with a student beside a lamp and a globe]
CO_Q2_Filipino 6_ Module 12
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 12: Paggamit ng Ibat-Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Tungkulin | Pangalan | Pangalan |
|---|---|---|
| Manunulat: | Mary Grace G. Sericon | Lanie G. Albania |
| Editor: | Gemma B. Obsiana | |
| Tagasuri: | Catherine D. Diaz Celestino M. Dalumpines IV | Junry M. Esparar |
| Tagaguhit: | Jeffrey P. Julian | |
| Tagalapat: | Raymund D. Magbanua | |
| Tagapamahala: | Gemma M. Ledesma Salvador O. Ochavo, Jr. Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Celestino S. Dalumpines IV Segundina F. Dollete Shirley A. De Juan Merlie J. Rubio |
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 12: Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kumusta ka na kaibigan? Naaalala mo pa ba ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makakasama mo sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang nakaraang modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay patungo sa karunungan sa panibagong modyul na ito.
Handa ka na ba? Natitiyak kong nasasabik ka na muling matuto. Kaya tara na!
Nagiging makulay ang ating pagpapahayag sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit natin. Nakatutulong ang mga salitang ito para maipahayag natin ang ating mga ideya o nais sabihin.
Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang paggamit ng iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang taglay mo ang kasanayang:
- nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang uri at pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya (F6WG-IIId-f-9)
Paalala kaibigan na ang bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako at nakahandang gumabay sa iyo. Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawin nang buong husay ang mga gawain.
Handa ka na ba? Tayo na!
Subukin
Panuto: Bumuo ng pangungusap na nagpapahayag ng iyong sariling ideya tungkol sa bawat larawan. Gamitin ang mga pang-uri at pang-abay na nasa loob ng panaklong sa pagbuo ng pangungusap.
| Larawan | Sariling Pangungusap |
|---|---|
| [illustration: a vendor standing at a shop stall] | 1. (masigasig) |
| [illustration: a child looking at items in a shop window] | 2. (araw-araw) 3. (totoo) |
| [illustration: houses beside a road with trees] | 4. (tahimik) 5. (laging malinis) |
Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jeffrey P. Julian
Mahusay kaibigan! Nagawa mong sagutin ang paunang pagtataya. Kaya naman, magpatuloy pa sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Aralin 1 – Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
Balikan
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento. Gawin sa iyong sagutang papel ang kasunod na gawain.
PAG-IIPON
Matipid na bata si Ali. Iniipon niya ang kaniyang pera sa bangko kaya mabilis itong lumaki. Siya ay tumutulong sa matandang tiyahin sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke kung walang pasok. Nakapagtatabi siya ng pera pang-ipon sa bangko dahil sa natatanggap na bayad sa kaniyang pagtatrabaho.
Ipinagmamalaki si Ali ng kaniyang mga magulang dahil sa ugali nitong pagkamasinop sa pera. Maliban sa pagiging masipag sa trabaho at pag-aaral, isa rin siyang mapagmahal at maalalahaning anak.
Isang araw, nagkasakit ang kaniyang ama dahil sa pagtatrabaho sa bukid. Mabuti at may ipon siya kaya may nagamit siyang pampagamot sa kaniyang ama.
Sariling katha ni Mary Grace G. Sericon
Mula sa binasang maikling kuwento, kopyahin ang limang (5) pangungusap na may ugnayang sanhi at bunga. Sa pangungusap bilugan ang sanhi at guhitan ang bunga.
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang maikling katha. Sagutin ang mga kasunod na tanong sa iyong sagutang papel.
Nais Kong Balikan
[illustration: a woman resting in a hammock under a tree beside a rice field, with children playing nearby and a house in the background]
Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jeffrey P. Julian
Preskong–presko ang pakiramdam ko dahil sa malamig na simoy ng hangin. Payapa ang aking kalooban sa malawak at luntiang bukiring aking natatanaw. Masaya ako dahil nakabalik ako sa pook ng aking kabataan.
Dito kami dating naghahabulan kasama ang mga pinsan ko, habang hinihintay ang nilagang saging ng lola para sa aming meryenda. Hanggang ngayon ay parang nalalasahan ko pa rin ito. Tunay na matamis ang saging mula sa aming sagingan. Nakaka-miss ang panahong iyon.
Naaalala ko pa ang mga hinog na bunga ng kaimito na aking matiyagang inaakyat. Palagi akong pinapaalalahanan ng aking mga tiyo na huwag kong akyatin dahil baka ako’y mahulog. Ewan ko ba, parang may panghalina ang mga bungang iyon na hindi ko matiis at ako’y takam na takam kaya sinusuway ko ang aking mga tiyo. Palihim ko pa ring inaakyat ang puno habang wala sila.
Hitik sa karanasan ang aking kabataan. Ang dami kong nalaro. Nakapagpatintero ako, tumbang-preso, chinese garter, tagu-taguan, habulan at marami pang iba. Pagod na pagod ako sa paglalaro noon sa maghapon. Basang-basa man ako ng pawis, napakasaya ko naman at kaysarap ng aking pakiramdam.
Nakatutuwang balikan ang nakaraan. Sadyang laging nangingiti at naluluha pa rin ako kapag naaalala ko iyon. Gaya ngayong ako’y nariritong muli at parang hinehele sakay ng aking duyan. Nais kong makatulog upang kahit sa panaginip man lang ay muli akong makabalik sa aking kabataan.
Sariling Katha ni Gemma B. Obsiana
Mga tanong:
- Ano ang paksa ng iyong binasa?
- Ano-ano ang mga alaalang nanumbalik sa tauhan nang makabalik sa kaniyang pook ng kabataan?
- Ilarawan ang pook na kaniyang kinalakihan.
- Anong damdamin mayroon ang tauhan habang inaalala ang pook ng kaniyang kabataan?
- Pansinin ang mga nakaitalikong salita, paano ito ginamit sa tekstong binasa?
Suriin
Balikan natin ang mga salitang ginamit sa iyong binasa. Suriin kung paano ito ginamit.
| HANAY A | HANAY B |
|---|---|
| 1. Preskong–presko ang pakiramdam ko. 2. Payapa ang aking kalooban sa malawak at luntiang bukiring aking natatanaw. 3. Pagod na pagod ako sa paglalaro. 4. Basang-basa man ako ng pawis, napakasaya ko naman at kaysarap ng aking pakiramdam. 5. Nakatutuwang balikan ang nakaraan. | 1. Tunay na matamis ang saging mula sa aming sagingan. 2. Naaalala ko pa ang mga hinog na bunga ng kaimito na aking matiyagang inaakyat. 3. Palagi akong pinapaalalahanan ng aking mga tiyo na huwag kong akyatin dahil baka ako’y mahulog. 4. Palihim ko pa ring inaakyat ang puno habang wala sila. 5. Sadyang laging nangingiti at naluluha pa rin ako kapag naaalala ko iyon. |
Paano ginamit ang mga salita sa Hanay A at Hanay B?
Mahusay! Ang mga salita sa Hanay A at Hanay B ay ginamit sa paglalarawan.
Ano-ano ang mga halimbawa ng salitang inilalarawan sa Hanay A? Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Sa pangungusap na: Preskong–presko ang pakiramdam ko. Inilalarawan ng salitang preskong-presko ang pakiramdam. Ang gamit ng salitang pakiramdam sa pangungusap ay pangngalan.
Sa pangungusap naman na: Pagod na pagod ako sa paglalaro. Inilalarawan ng salitang pagod na pagod ang ako. Ang tawag sa salitang ako ay panghalip.
Magaling! Inilalarawan ang mga salitang pangngalan at panghalip sa Hanay A.
Ano-ano ang mga halimbawa ng salitang inilalarawan sa Hanay B? Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Sa pangungusap na: Tunay na matamis ang saging mula sa aming sagingan. Inilalarawan ng salitang tunay ang matamis. Ang tawag sa matamis ay salitang naglalarawan o pang-uri.
Sa pangungusap na: Naaalala ko pa ang mga hinog na bunga ng kaimito na aking matiyagang inaakyat. Inilalarawan ng salitang matiyagang ang inaakyat. Ang tawag sa inaakyat ay salitang kilos o pandiwa.
Sa pangungusap na: Sadyang laging nangingiti at naluluha pa rin ako kapag naaalala ko iyon. Inilalarawan ng salitang sadyang ang laging. Ang tawag sa salitang laging ay pang-abay.
Tama! Ang mga salitang inilalarawan sa Hanay B ay pandiwa, pang-uri, at pang-abay.
Napakahusay mo! Natukoy mo ang mga salitang inilalarawan sa bawat hanay at nabanggit ang tawag sa mga ito. Ano naman kaya ang tawag sa mga salitang ito na naglalarawan?
Ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa Hanay A ay pang-uri.
Ang tawag naman sa mga salitang naglalarawan sa Hanay B ay pang-abay.
Suriin ang pagkakaiba ng gamit ng mga salitang pag-uri at pang-abay sa ibaba.
| PANG-URI | PANG-ABAY |
|---|---|
| Mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. | Mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. |
| Halimbawa: 1. Preskong–presko ang pakiramdam ko. 2. Payapa ang aking kalooban sa malawak at luntiang bukiring aking natatanaw. 3. Pagod na pagod ako sa paglalaro. 4. Basang-basa man ako ng pawis, napakasaya ko naman at kaysarap ng aking pakiramdam. 5. Nakatutuwang balikan ang nakaraan. | Halimbawa: 1. Tunay na matamis ang saging mula sa aming sagingan. 2. Naaalala ko pa ang mga hinog na bunga ng kaimito na aking matiyagang inaakyat. 3. Palagi akong pinapaalalahanan ng aking mga tiyo na huwag kong akyatin dahil baka ako’y mahulog. 4. Palihim ko pa ring inaakyat ang puno habang wala sila. 5. Sadyang laging nangingiti at naluluha pa rin ako kapag naaalala ko iyon. |
Gawain 3
Pagyamanin
Panuto: Bumuo ng isang maikling sanaysay na naglalarawan tungkol sa larawan sa ibaba. Gumamit ng pang-uri at pang-abay sa iyong pagsulat. Guhitan ang mga pang-uri at bilugan naman ang mga pang-abay sa iyong sinulat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: family picnic on a seashore, with two adults, a boy and a girl, palm trees, clouds, and a distant mountain]
Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jeffrey P. Julian
Isaisip
Panuto: Kompletuhin ang pahayag sa talahanayan upang mabuo ang paglalahat mo ng iyong natutuhan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Ang aking mga natutuhan sa aralin ay | Mahalaga ang aking natutuhan tungkol sa |
|---|---|
_____________________________ | _____________________________ sapagkat |
Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang maikling talata na nagpapahayag ng iyong ideya tungkol sa sitwasyon sa ibaba. Gumamit ng mga pang-abay at pang-uri sa iyong pagsulat. Salungguhitan mo ang pang-uri at bilugan ang pang-abay. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon:
Nagtatanong ang iyong bagong kaibigan kung ano-anong lugar sa iyong lalawigan ang magandang pasyalan dahil kapag wala ng COVID-19, plano niyang yayayain ang kaniyang mga magulang upang magkita kayo at makapamasyal sa iyong probinsya. Ano ang iyong mga sasabihin para mahikayat pa siyang lalo na pumunta sa iyong lugar?
Tayahin
Panuto: Punan ng angkop na pang-abay at pang-uri ang patlang sa bawat bilang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
Pang-abay: totoong | patakbo | madaling-araw | dahan-dahan | mabilis
- Binuksan ng lola ang pinto nang _____________.
- _____________ tumakbo ang kuya ni Leynel.
- _____________ siya’y may malubhang sakit.
- _____________ siyang lumapit sa akin.
- Siya ay umaalis sa bahay nang _____________.
Pang-uri: magagalang | tahimik | masarap | mapurol | matangkad
- Pinahiram niya ako ng _____________na kutsilyo.
- _____________ palang babae ang kapatid niya.
- _____________ ang buhay sa nayon.
- _____________ ang mga bata.
- Isang _____________ na pananghalian ang iniluto ni nanay.
Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng isa sa mga paksa sa ibaba at sumulat ng isang talatang naglalarawan gamit ang mga pang-abay at pang-uri. Isulat ang talata sa iyong sagutang papel.
- Ang Aking Pamilya
- Ang Mga Ginawa ko noong Enhanced Community Quarantine
- Ang Paborito Kong Guro
[illustration: a boy holding a tablet with an apple on its screen]
Binabati kita kaibigan sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay.
Muli tayong magkita sa Modyul 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto.
Sa muli, ito ang iyong kaibigang si Kokoy.
Paalam!
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed in its reading order, and parts of the rotated answer key are uncertain and marked with [?]]
TAYAHIN
Pang-abay:
- dahan-dahan
- Mabilis
- Totoo
- Patakbo
- Madaling-araw
Pang-uri:
- mapurol
- Matangkad
- Tahimik
- Magagalang
- masarap
Subukin (Posibleng Sagot)
- Masigasig sa paghahanapbuhay si Totoy.
- Araw-araw, nagpapalimos ang batang si Boy upang may ipantustos sa kaniyang inang may sakit.
- Totoong mahirap ang buhay ni Boy.
- Tahimik ang aming pamayanan.
- Laging malinis ang kapaligiran sa aming barangay.
Balikan
- Iniipon niya ang kaniyang pera sa bangko kaya mabilis itong lumaki.
- Nakapagtatabi siya ng pera pang-ipon sa bangko dahil sa natatanggap na bayad sa kaniyang pagtatrabaho.
- Ipinagmamalaki si Ali ng kaniyang mga magulang dahil sa ugali nitong pagkamasinop sa pera.
- Isang araw, nagkasakit ang kaniyang ama dahil sa pagtatrabaho sa bukid.
- Mabuti at may ipon siya kaya may nagamit siyang pampagamot sa kaniyang ama.
Tuklasin
- Tungkol sa paggunita ng kaniyang kabataan.
- Ang paghahabulan nila ng kaniyang mga pinsan, ang malamig na simoy ng hangin, ang pag-aakyat sa punong kaimito.
- Malamig ang simoy ng hangin, malawak at luntiang bukirin, may mga hinog na bunga ng kaimito.
- Masaya at emosyonal ang tauhan.
- Ginamit ito sa paglalarawan sa mga salita.
Pagyamanin, Isaisip at Karagdagang Gawain
Iba ang sagot ng mga mag-aaral. Iwawasto ng guro gamit ang ihahandang rubrik.
Isagawa (Halimbawang sagot)
Masasabi kong sagana at maganda ang aming lugar. Tinagurian itong “Sea Foods Capital of the Philippines” dahil sagana sa mga yamang dagat. Masayang maraming turista dito sa amin sa kahabaan ng Baybay Lungsod ng Roxas [?]. Ang Lungsod ng Roxas ay ang kabisera ng Capiz. Maliban sa kabisera, marami pang magagandang lugar ang maaaring puntahan. Tiyak na kukulangin ang buong araw para libutin ang buong lalawigan. Isa sa mga lugar na puwedeng bisitahin ay ang bayan ng Panay kung saan matatagpuan ang pinakamalaking kampana sa Asya.
Sanggunian
- Most Essential Leraning Competencies 2020 (MELCs pahina 223)
- 2016 Kto 12 Gabay Pangkurikulum
- Sariling katha
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply