This is the Filipino 6 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 11: “Pagbibigay ng Sarili at Maaring Solusyon sa Isang Suliraning Naobserbahan sa Paligid” (giving your own or a possible solution to a problem observed in your surroundings). It is for Grade 6 learners studying at home under the Alternative Delivery Mode, and for the parents and teachers who guide them. After the module, learners should be able to look at a real problem around them, such as flooding, a landslide, or dirty rivers, and suggest a sensible solution.
The module was prepared by DepEd Region VI (Western Visayas) as a first edition in 2020. Its guide character, Kokoy, talks to the learner throughout.
What learners will learn
The module has one learning competency:
- Nakapagbibigay ng sarili o maaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid (gives one’s own or a possible solution to a problem observed in the surroundings) (F6PS-Ig-9)
It builds on the previous lesson, where learners learned to recognize problems. This module takes the next step: once a problem is identified, how do you find a fitting solution?
The story: “Ang Naudlot na Bakasyon”
The lesson centers on a short story, “Ang Naudlot na Bakasyon” (the vacation that was cut short). Beboy is excited because his family is finally leaving the house after the Enhanced Community Quarantine to visit his grandparents in San Antonio, Cuartero, Capiz. On the way, heavy rain falls and a landslide blocks the road, so the family has to turn back.
Beboy points out that people caused the problem by cutting down the big trees in the mountains. His father says everyone must help plant trees to replace the ones that were cut, and Beboy’s younger sibling promises to start planting behind their house.
The module then sums up the story in a simple chart:
| Suliranin (problem) | Solusyon (solution) |
|---|---|
| Pagdausdos ng lupa o landslide | Pagtatanim ng mga puno para mapalitan ang mga naputol na kahoy (planting trees to replace those that were cut) |
Before the comprehension questions, the module teaches four vocabulary words from the story:
- nilalasap = nilalanghap (breathing in, savoring)
- lulan = sakay (riding in)
- suliranin = problema (problem)
- tinahak = dinaanan (traveled along)
How to give a good solution
The module teaches that every problem has a solution, but you must think it through. In the Isaisip (remember) part, it lists four steps:
- Una: Find out the real problem and where it comes from.
- Pangalawa: Study the possible solutions.
- Pangatlo: Think of the people who can help you solve the problem.
- Pang-apat: Think about what the result or consequence of the solution might be.
The activities apply these steps to problems Filipino learners know well:
- Everyday and community problems: clogged canals, flooding, dirty surroundings, dying plants, hunger, rising prices, stray dogs, smoking among young people.
- Problems after a typhoon: lack of food, fallen electric posts, sick children, damaged houses, brownouts, no clean water.
- Problems during the ECQ: food shortages, senior citizens unable to buy what they need, theft, people not following rules, job loss.
- Environmental problems: factory pollution and acid rain, the hole in the ozone layer, rivers without fish, disappearing forest birds, dengue.
In many of the module’s choices, the better answer is to act responsibly, for example helping to clean, telling the barangay officials or the proper authorities, or asking a parent for help, rather than ignoring the problem or getting angry.
Parts of the module
- Subukin: a pretest with matching and multiple-choice items
- Balikan: a review where learners list problems they see around them
- Tuklasin: the story and comprehension questions
- Suriin: the explanation of the story’s problem and solution
- Pagyamanin: Gawain 1 to 3, where learners give solutions in tables and matching items
- Isaisip: the four steps to remember
- Isagawa: ten situations where learners write their own solutions
- Tayahin: a ten-item multiple-choice final test
- Karagdagang Gawain: a short essay on five problems in the learner’s barangay during the pandemic, with solutions
- Susi sa Pagwawasto: the answer key
How to use this module
Learners: Start with the Subukin pretest. Kokoy says that if you get every answer right, you may move on to the next module; if not, continue with this one. Write all answers on a separate sheet of paper, because the module asks you not to write on it so others can use it. Read the directions before each activity, and contact your teacher if anything is unclear.
Parents and guardians: Read the story with your child and talk about problems you see in your own barangay. The module asks learners to use the answer key honestly, after answering.
Teachers: The module notes that the Balikan is only an initial assessment, and scores may be recorded to see where learners need help. The answer key covers the Subukin and Tayahin, and any well-reasoned solution in the Karagdagang Gawain essay is counted as correct. The next module is Modyul 12: Pagsulat ng Angkop na Pamagat ng Talata (writing a fitting title for a paragraph).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 11. It is part of DepEd’s Alternative Delivery Mode self-learning modules.
What competency does this module cover?
It covers F6PS-Ig-9: giving one’s own or a possible solution to a problem observed in the surroundings.
What story is used in the lesson?
The story is “Ang Naudlot na Bakasyon,” about Beboy’s family whose trip to Capiz is stopped by a landslide. The solution the story gives is planting trees to replace the ones that were cut down.
What steps does the module teach for solving a problem?
First find the real problem and its cause, then study possible solutions, then think of who can help, and finally consider what the result of the solution might be.
Does the module have an answer key?
Yes, it includes a Susi sa Pagwawasto with answers for the pretest, the final test, and other activities. For the essay, any answer that gives a proper solution is counted as correct.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Unang Markahan – Modyul 11: Pagbibigay ng Sarili at Maaring Solusyon sa Isang Suliraning Naobserbahan sa Paligid
CO_Q1_Filipino6_Module11
[illustration: students reading and studying under a tree and indoors, with a teacher, a globe, and a child studying by lamplight]
[transcriber’s note: diagonal band printed at the lower right reads “PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI”]
Filipino– Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 11: Pagbibigay ng Sarili at Maaring Solusyon sa Isang Suliraning Naobserbahan sa Paligid Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Ma. Ruth C. Delfin |
| Editor: | Marijo N. Panuncio Bennedick T. Viola |
| Tagasuri: | Francisca L. Pinos Ma. Gemma A. Bimbao Celestino S. Dalumpines IV |
| Tagaguhit: | Rolan B. Bulaclac Swelyn E. Forro |
| Tagalapat: | Esmeralda A. Dagmil Glenn P. Dollete |
| Tagapamahala: | Gemma M. Ledesma Salvador O. Ochavo, Jr. Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Celestino S. Dalumpines IV Segundina F. Dollete Shirley A. De Juan Merlie J. Rubio |
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
Filipino Unang Markahan – Modyul 11: Pagbibigay ng Sarili at Maaring Solusyon sa Isang Suliraning Naobserbahan sa Paligid
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.
Alamin
[illustration: Kokoy, a boy holding a tablet with an apple on it]
Pagbati sa iyo kaibigan! Ako pa rin ito, ang kaibigan mong si Kokoy. Salamat at nakarating ka sa araling ito.
Ang modyul na ito ay higit na makatutulong lalo na ang mga gawain upang makapagbigay ng mga solusyon o mga suliraning nangyayari sa ating kapaligiran. Ang kailangan ko lang ay ang kawilihan mo sa pagsagot sa mga gawaing inihanda. Kaibigan, pag-igihan mo ha!
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na ikaw ay ikaw ay:
- nakapagbibigay ng sarili o maaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid (F6PS-Ig-9)
Subukin
[illustration: pencil icon beside the title]
A.
Magandang buhay! Handa ka na ba sa panibagong hamon? Ibigay ang maaaring solusyong nasa Hanay B sa problemang nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. [illustration: house with smoke and fire] | A. paiinumin ng gamot |
| 2. [illustration: person sitting on the ground, crying] | B. tatawag ng bumbero |
| 3. [illustration: child beside a fence] | C. dadalhin sa klinika |
| 4. [transcriber’s note: this box is blank in the source] | D. manood ng pelikula |
| 5. No to Bullying | E. pagsabihan ang kaklaseng huwag mambully |
| F. tumulong sapaglilinis |
B.
Basahing mabuti ang kasunod na mga sitwasyon at piliin mo ang iyong sariling solusyon sa isang suliraning ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.
Bumabaha ang inyong silid-aralan dahil barado ang kanal sa likod nito.
- A. Hayaan lang na bumaha ang silid-aralan.
- B. Magalit sa guro dahil hindi ito pinalinisan agad.
- C. Umuwi sa bahay at hindi na babalik sa eskuwelahan.
- D. Tumulong sa paglinis at pagkuha ng bumabara sa kanal.
Unti-unting namamatay ang mga halaman dahil hindi umuulan.
A. Gawing palaruan ang hardin.
B. Diligan araw-araw ang mga halaman.
C. Ipaubaya sa iba ang pag-alaga ng inyong halaman.
D. Sa susunod na araw baka uulan naman.
Napakalakas ng ulan at nagliliparan ang bubong ng mga bahay dahil sa Bagyong Yolanda.
- A. Umiyak at magmukmok sa loob ng bahay.
- B. Ipagwalang bahala ang pangyayari sa paligid.
- C. Hintaying humupa ang ulan at malakas na hangin bago lumikas.
- D. Pumunta sa pinakamalapit na evacuation center pagkarinig ng balitang may darating na malakas na bagyo.
Maraming kabataan sa inyong lugar ang natututong manigarilyo.
- A. Hayaan lamang sila.
- B. Gayahin ang kabataang naninigarilyo.
- C. Iwasan ang mga batang naninigarilyo at huwag pansinin.
- D. Pagsabihan ang kabataang itigil ang paninigarilyo dahil nakasasama ito sa kalusugan.
Marami ang hindi sumusunod sa patakaran ng pamahalaan tungkol sa EnhanceCommunity Quarantine o ECQ.
- A. Huwag pansinin at manatili ka na lang sa bahay.
- B. Manahimik na lamang at baka magalit sila sa iyo.
- C. Balewalain na lang ang mga nakikitang paglabag.
- D. Isumbong sa opisyales ng barangay o pulis para mabigyan ng kaukulang parusa.
[illustration: Kokoy holding a tablet, beside a speech bubble]
Kaibigan nasagot mo ba ang lahat na tanong?
Magaling, dahil kung ikaw ay nakakuha ng 100 puntos puwede ka nang umusad sa susunod na modyul- ang Aralin 12. Kung sakaling hindi mo nakuha ang lahat na sagot, huwag mag-alala dahil ipagpatuloy natin ang iyong pag-aral sa modyul na ito, sasamahan kita sa iyong pagtuklas.
Halika at sasamahan kita sa susunod pang mga gawain!
Aralin 1: Pagbibigay ng Sarili o Maaring Solusyon sa Isang Suliraning Naobserbahan sa Paligid
[illustration: Kokoy holding a tablet, beside a speech bubble]
Sa nakaraang aralin, natutuhan na natin ang tungkol sa pagkilala sa mga suliranin. Mahalagang matukoy natin ang mga suliranin bilang mga sitwasyong may karapat-dapat na solusyon. Naniniwala ka ba na bawat suliranin ay may katapat na solusyon?
Ang araling ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan at maibigay mo ang angkop na solusyon sa mga suliraning naoobserbahan natin sa paligid.
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon beside the title]
Isulat sa maliliit na ulap ang maaaring mga suliraning naoobserbahan sa iyong paligid. Piliin ang iyong sagot sa ksunod na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.
[chart: concept web; Balikan diagram with a central cloud labeled “Suliranin” and surrounding empty clouds, each with an arrow pointing to or from the center]
Values are not labeled on the chart.
[transcriber’s note: the following word list is printed in a box on this page, without a heading]
pagbaha pag-aaral ng leksiyon pagsunod sa social distancing baradong kanal namamatay na mga halaman pagkaubos ng mga hayop pangangalaga sa mga hayop pagtanim ng mga puno maruming ilog
COVID 19 maruming paligid pagtatanim ng puno pagkalat ng basura gutom pagtatrabaho pagtaas ng mga bilihin landslide pagtaas ng pamasahe
[illustration: a boy with a thought bubble]
Tara na at ipagpatuloy natin ang paglalakbay. Kapit lang!
Tala para sa Guro
Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala ang iskor para mabigyang – tuon ang kahinaan ng mag-aaral.
Tuklasin
Bagong aralin naman ngayon ang iyong matututuhan sa araw na ito. Ito ay ang pagbibigay ng sarili o maaaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid.
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong papel.
Ang Naudlot na Bakasyon
[illustration: a jeepney labeled PILIPINAS on a muddy road with rocks and fallen earth, with trees on both sides]
Tuwang-tuwa si Beboy ng araw na iyon dahil makapagbabakasyon na ang kanilang pamilya sa bukid ng San Antonio, Cuartero, Capiz, kung saan naninirahan ang kaniyang lolo at lola. Noon lamang siya nakalabas ng bahay dahil sa Enhance Community Quarantine dulot ng COVID 19.
Habang nilalasap niya ang sarap ng pagbibiyahe lulan ng kanilang sasakyan ay madalas siyang mapatingin sa itaas.
“Salamat po, Panginoon! Nagkaroon ng magandang pagkakataon na maulit muli ang mga bagay na matagal ko ng pinapangarap gaya ng paglanghap ng malamig na simoy ng hangin, pagkain ng sariwang mga gulay at prutas at higit sa lahat paliligo sa malamig, malinis, at malinaw tubig sa sapa.”
Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakbay nang biglang dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan na may dalang kulog at kidlat. Halos hindi na makita ang daanan. Panay ang pagsabi ng nanay kay tatay na mag-ingat sa pagmamaneho. Nabigla kami nang biglang nagpreno at inihinto ni tatay ang sasakyan.
“Bakit po tayo huminto Tatay? Nasiraan po ba tayo?”
“Naku! anak hindi tayo makapagpatuloy.Hindi tayo makadaan! Tingnan ninyo, malaking umbok ng lupa ang nakaharang sa kalsada!”
“Oo nga, hindi makakaya ng sasakyan natin na daanan iyan,” sabi ng nanay.
“Tssk…tssk…tssk! Napakalaking suliranin sa pamayanan natin ito, sabat ng tatay.”
“Oo nga tay, dahil sa landslide na iyan marami ang hindi makadadaan, kaya lang wala namang ibang sisisihin sa nangyari diyan kasi tao rin ang may gawa kung bakit nauubos na ang malalaking puno sa kabundukan.”
“Tama ka diyan Beboy.Pero may paraan pa naman para hindi na maulit ang pangyayaring iyan. Kailangan lahat ng tao ay magtutulungan sa pagtatanim ng mga puno para mapalitan ang mga pinutol na punongkahoy.”
“Pati po ba kami ni Kuya Beboy ay tutulong?” Tanong ng kapatid ni Beboy.
“Oo, anak,” sagot ng tatay.
“Sige po tay, sisimulan ko na ang pagtatanim ng puno sa likod ng bahay natin bukas para hindi magka landslide doon.”
Napabuntong-hininga ang nanay, sabay sabing, “O sige, paandarin mo na ang sasakyan at uuwi na tayo sa bahay.”
Pinabalik ng tatay ang sasakyan at muling tinahak ng mag-anak ang daan pauwi sa kanilang bahay.
Ang kasiyahang naramdaman ni Beboy ay napalitan ng lungkot dahil sa hindi na matutuloy ang kaniyang iniisip na gagawin pagdating sa bukid.
[illustration: a boy with a thought bubble]
Kaibigan, Nagustuhan mo ba ang kuwentong binasa mo? May inihanda akong mga Gawain pa ra sa iyo na tiyak kong makakaya mo!
[illustration: a boy with a speech bubble]
Bago mo sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento, alamin mo muna ang kasingkahulugan ng ilang salitang ginamit sa akda. Pansinin ang sumusunod na mga salita na ginamit sa mga pangungusap at ang kahulugan ng mga ito.
[transcriber’s note: the target words are underlined in the original]
- Nilalasap ng mag-anak ang sariwang hangin habang nagbibiyahe sila papuntang San Antonio, Cuartero, Capiz.
Ang kasingkahulugan ng nilalasap ay nilalanghap. - Lulan ng kanilang dyip ang mag-anak ni Beboy papunta sa tirahan ng kanyang lolo at lola.
Ang kasingkahulugan ng lulan ay sakay. - Naging suliraninsa kanilang lugar hindi makadadaan ang ang landslide dahil hindi makadadaan ang mga sasakyan.
Ang kasingkahulugan ng suliranin ay problema. - Tinahak ng mag-anak ang kalsadang walang landslide upang makabalik sa kanilang bahay.
Ang kasingkahulugan ng tinahak ay dinaanan.
Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
- Saan pupunta ang mag-anak?
- Bakit naudlot ang kanilang pagbabakasyon?
- Sino ang may kagagawan ng suliraning ito sa ating paligid?
- Ano ang naging ugat o dahilan ng landslide o pagdausdos ng lupa?
- Ano ang maaaring solusyon upang hindi na maulit ang paglandslide sa iba pang lugar?
- Makatutulong kaya ang solusyong iyong naibigay para sa suliraning natukoy natin mula sa kuwento?
Suriin
Tingnan mo ang tsart.
[chart: flowchart; Ang Naudlot na Bakasyon]
Ang Naudlot na Bakasyon
- Suliranin: Pagdausdos ng lupa o landslide
- Solusyon: Pagtatanim ng mga puno para mapalitan ang mga naputol na kahoy
Ang suliranin sa kuwento ay pagdausdos ng lupa o landslide.
Samantala, ang solusyon naman ay pagtatanim ng mga puno para mapalitan ang mga naputol na kahoy.
Lahat ng suliranin ay may solusyon ngunit kailangan nating isaalang-alang ang mga sumusunod para mabigyan natin ng tamang solusyon ang suliranin. Una, alamin ang tunay na dahilan ng suliranin. Alamin ang paraan upang maging madali ang paglutas nito. Pag-aralan ang posibleng solusyon at isipin kung ano ang maaaring kalalabasan o kahinatnan ng solusyon.
[illustration: a boy with a thought bubble]
Handa ka na ba sa mga sususunod na gawain? Kung handa ka na, gawin mo ang mga nasa Gawain 1 hanggang 3. Basahin mo ang panuto bago sagutin.
Pagyamanin
Gawain 1
Ibigay ang maaaring solusyon ng mga suliraning nasagot mo sabahaging Balikan.Gawin ito sa iyong papel.
| Suliranin | Solusyon |
|---|---|
| 1. coronavirus | |
| 2. baradong kanal | |
| 3. maruming paligid | |
| 4. namamatay na mga halaman | |
| 5. pagbaha | |
| 6. gutom | |
| 7. pagkaubos ng mga hayop sa kagubatan | |
| 8. maruming ilog | |
| 9. pagtaas ng bilihin | |
| 10. landslide |
Gawain 2
Tingnan mo ang mga suliraning haharapin natin pagkatapos ng bagyo. Ibigay ang maaaring solusyon dito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong papel.
| HANAY A | HANAY B |
|---|---|
| 1. kakulangan sa pagkain | A. magtulungan sa paglinis ng bahay |
| 2. mga nasira at natumbang poste | B. umigib sa ibang barangay o bumili ng mineral water |
| 3. mga batang nagkasakit | C. magtanim ulit at alagaan ito |
| 4. bumabahang lugar | D. ireport sa kapitan para makuha ang lupa |
| 5. mga nasirang bahay | E. ireport sa kinauukulan para maayos ang kuryente |
| 6. brown out | F. ipaayos sa karpintero |
| 7. dumausdos na lupa o landslide | G. mamasyal at maglaro sa plasa |
| 8. nasirang pananim | H. dalhin sa doktor o klinika para mabigyan ng gamut |
| 9. walang malinis na tubig | I. tumawag sa kinauukulan para maayos ang poste |
| 10. marumi at maputik na bahay | J. humingi ng tulong sa Pamahalaan |
| K. magtanim ng mga puno sa mga bakanteng lugar |
Gawain 3
Punan ng angkop na solusyon ang mga kahon kaugnay ng sinundang detalye. Gawin ito sa iyong papel.
[chart: flowchart; Sulyap sa Buhay ng mga Tao Noong Enhance Community Quarantine o ECQ]
| suliranin | solusyon |
|---|---|
| kakulangan sa pagkain | |
| hindi makalabas ang mga senior citizen para bumili ng kanilang pangangailangan | |
| pagnanakaw | |
| hindi sumusunod sa mga patakaran | |
| nawalan ng trabaho |
Isaisip
Magaling ka kaibigan! Napukaw ba ang interes mo sa pagsagot sa mga katanungang napapaloob sa modyul na ito? Ano ang dapat tandaan sa araling ito? Dapat mong tandaan na sa pagbibigay ng solusyon sa suliranin ay:
Una alamin ang tunay na suliranin at ang pinagmulan nito.
Pangalawa pag-aralan ang posibleng solusyon.
Pangatlo isipin ang taong makatutulongsa iyo upang malutas ang suliranin.
Pang-apat isipin ang maaaring magiging kalalabasan o kahihinatnan.
Isagawa
Ano ang maibibigay mong solusyon sa mga suliranin sa bawat sitwasyon? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang polusyong dulot ng mga pabrika ay malaking pinsala rin. Ang mga usok nito ay may carbon monoxidena kapag sumama sa water vapor ay magiging sulfuric acid. Kapag umulan, ang sulfuric acid ay magiging acid rainna pumapatay sa kagubatan at mga ilog.
Ang pagkabutas ng Ozone Layer ay nakababahala dahil sa nakapaglalagos na ang matinding sikat ng araw sa ating daigdig. Nakaramdam na tayo ng labis na init. Ito rin ay maaaring magdulot ng kanser sa balat at iba pang sakit at pagkasira ng kabuhayan.
Maraming ilog at sapa ang tila wala nang silbi dahil wala nang isda at iba pang laman-tubig ang nabubuhay rito. Patuloy silang nauubos dahil sa dumi at basurang itinatapon sa ating katubigan.
Nanganganib namauubos ang mga ibon sa kagubatan dahil sa pang-aabuso sa kanila ng mga tao.
Walang kapayapaan at kaayusan ang Barangay Mahirop dahil karamihan sa kalalakihan ay uminom ng alak kaya’t talamak ang awayan at patayan dito.
Sa tuwing darating ang panahon ng tag-ulan, maraming kabataan at maging matatanda ang namamatay dahil sa pagkagat ng lamok na Aedes Egypti na nagdudulot ng sakit na Dengue.
Maririnig sa balitang marami ang hindi sumusunod sa curfew hours kung saan hindi na puwedeng lumabas ng bahay mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.
Ang daanan papuntang Quinayuya Elementary School ay mahirap lalong -lalo na tuwing panahon ng tag-ulan na nagdudulot ng disgrasya sa mga gurong nagtuturo rito.
Sa aming barangay ay maraming galang aso na palaboy- laboy sa daan kaya’t marami ang nadidisgrasya at biktima ng pagkagat ng aso.
Panahon ng tag-init at walang pasukan. Ang mga tanim sa hardin ng inyong paaralan ay unti-unting nalalanta at namamatay.
Tayahin
Basahin ang bawat sitwasyon. Ibigay ang maaaring solusyon dito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa lang dahilan ng pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin?
A. Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.
B. Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
C. Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
D. Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.Noong bata pa akoay madalas kaming naliligo sa sapa tuwing nagbabakasyon kami sa lugar ng lola ko. Malinis, maputi at maraming isda ang nag-uunahan sa paglangoy sa sapa. Ngayon, sobrang nakadidismayang isipin dahil maitim na ang tubig nito sapagkat napabayaan at ginawa ng paliguan ng kalabaw.
A. Pabayaan na lang ito.
B. Iiyak at huwag ng bumalik sa lugar na iyon.
C. Pagalitan ang mga taong nagdadala ng kanilang kalabaw sa sapa.D. I-report sa opisyal ng barangay para mapagbawalan ang mga taong ginagawang paliguan ng kalabaw ang sapa.
Maraming namamatay sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ang maaaring solusyon nito?
A. Tumulong sa paglilinis ng sambayanan.
B. Huwag ng tumulong dahil marami naman ang gumagawa ng paglilinis.
C. Ipaubaya na lang ang lahat sa mga opisyal ng barangay.
D. Gumamit ng pesticides napamatay sa lamok.Ang buong mundo ay humaharap sa napakasalimuot na suliranin sa kalusugan dahil sa paglitaw ngpandemic na sakit ang COVID-19. Alin ang maaaring solusyon nito.
A. vaccine
B. paracetamol
C. halamang gamot
D. gamot sa uboProblema ang doble-dobleng pag-park ng mga sasakyan sa aming kalye. Ano ang pinakamabuting solusyon nito?
A. Guhitan ang sasakyan ng kahit na anong tinta.
B. Magalit sa mga may-ari ng sasakyang nagpa-park sa kalye.
C. Huwag pansinin kasi wala ka namang sasakyang magpa-park.
D. Ipaalam sa opisyales ng barangay upang mahanapan ng tamang parking area ang mga sasakyan.Ipinapatupad na ang Enhance Community Quarantine sa ating bansa dahil sa epidemyang COVID-19. Isa sa ipinagbabawal ay ang paglabas ng kabataan pero sa kabila nito marami pa rin sa kanila ang hindi sumusunod at patuloy pa rin ang paglalaro sa labas. Ano ang pinakamabuting solusyon nito?
A. Hayaan sila sa kanilang ginagawa.
B. Tingnan lamang sila para mapagalitan sila ng pulis.
C. Sasali sa kanilang paglalaro dahil nababagot ka na sa bahay.
D. Isumbong sa kinauukulan para magawan ng paraan at matuto silang sumunod sa patakaran.Mahilig kumain ng tsokolate ang iyong kapatid kaya lagi itong umiiyak dahil sa sakit ng ngipin. Ano ang mabuting gawin dito?
A. dalhin sa klinika
B. huwag pansinin
C. tawanan ang iyong kapatid
D. yayaing maglaro sa parke ng inyong lugarUpod sindi ang lolo mo sa paninigarilyo. Isang araw dinala ito sa ospital dahil siya ay nagkasakit at napag-alamang mayroon na itong sakit sa baga. Pagkalabas ng ospital nakita mong naninigarilyo pa rin siya ng patago. Ano ang iyong gagawin?
A. pagtawanan siya
B. isumbong sa pulis
C. bilhan ng maraming sigarilyoD. isumbong sa nanay para mapagsabihan siya
Umiigib kayo ng tubig sa balon. Isang umaga kukuha ka na sana ng tubig nang maamoy mong may amoy gasolina pala ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Manahimik na lamang.
B. Umuwi agad at huwag na lang umigib ng tubig.
C. Humingi ng tulong para malinisan ang balon.
D. Ipatuloy ang pagkuha kahit na alam mong amoy gasolina ang tubig.Nagkaklase ang iyong guro sa Filipino 6 nang biglang sumakit ang iyong tiyan. Ano ang iyong gagawin?
A. Lumabas na hindi nagpapaalam sa guro.
B. Magpaalam nang maayos sa guro.
C. Magpaalam sa iyong kaklase na ikaw ay lalabas.
D. Hintaying hindi tumitingin ang guro at saka kumaripas ng takbo palabas ng silid aralan.
Karagdagang Gawain
Umisip ng limang suliraning naoobserbahan mo sa inyong barangay ngayong panahon ng pandemya. Ibigay ang maaaring solusyon dito. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol dito.
Napakahusay mo kaibigan! Natapos at napagtagumpayan mo ang araling ito. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa pagbibigay ng maaring solusyon. Nawa’y gamitin mo ang mga ito upang mahasa pa ang pagbibigay ng sariling opinyon. Bagaman tapos na tayo sa araling ito. Ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin, ang Modyul 12: Pagsulat ng Angkop na pamagat ng talata.
Susi sa Pagwawasto
Tulklasin
[illegible]
Balikan
- pagbaha
- paradong kanal
- gulom
- pagkabutas ng mga [?]
- marumi ang ilog
- COVID-19
- Hamuning paligid [?]
- Pagtaas ng pamasahe
- Landslide
- Pagtaas ng bilihin
Subukin
- B [?]
- A
- F
- C
- E
- D
- B
- D
- D
- D
Pagwawasto
Gawain 1
- Vaccine – J
- Lunisin at kunin ang bumabaha – I [?]
- Tumulong sa paglilinis – H [?]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
Gawain 2
- magtanim ng gulay/hambuling [?]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
Gawain 3
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
Karagdagang Gawain
Lahat ng sagot ng mga bata ay tama kung ito ay nabigyan ng tamang solusyon.
Tayahin
- D
- D
- A
- A
- D
- D
- A
- D
- C
- B
Isagawa
- Ireport sa kinauukulan.
- Ibawasan ang pegbamit ng [?]
- Iwasan ang pagputol ng puno [?]
- [illegible]
- Megtupad ng ordinansa para sa kaayusan ng barangay [?]
- Ilusin ang paligid [?]
- Ireport ang opisyales ng barangay [?]
- Ireport sa kinauukulan para mapigilang kalasada [?]
- Ireport sa kinauukulan [?]
- Punuhan at diligan araw-araw [?]
Sanggunian
- Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6PS-Ig-9, p.222
- K to 12 Basic Education Curriculum 2016 F6PS-Ig-9, 120
- Lrmds portal
- Sariling katha
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply