Filipino 5 Unang Markahan – Modyul 5: (Panitikang Mediterranean)

Sa Modyul 5 ay iyong mababatid ang isang maikling kuwentong pinamagatang “Ang Kuwintas” ni Guy de Maupassant na nagmula sa bansang France. Ang bansang France ay matatagpuan sa Timog na bahagi ng Europe. Ang pangalang France ay galing sa salitang Latin na “Francia” na ang ibig sabihin at “Lupain ng mga Franks”. Bago pa man nakilala sa katawagang France, kinilala ito sa katawagang Gaul.

Sikapin mong tuklasin kung masasalamin ba sa katauhan ng mga tauhan ang pag-uugali ng mga tao sa bansang pinanggalingan nito. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga panghalip bilang panuring sa tauhan upang ikaw ay makapagsalaysay ng nabuong sariling wakas ng kuwento.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig. (F10PN-If-g-66)

2. Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng binasa. (F10PB-If-g-67)

3. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng pangungusap. (F10PT-If-g-66)

4. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan. (F10WG-If-g-61)

Filipino10_q1_mod5_maiklingkuwentomulasafrance_ver2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment