Ang Modyul 4 ay tatalakay sa kauna-unahang dakilang likha ng panitikan – Ang Epiko ni Gilgamesh mula sa Sinaunang Sibilisasyon ng Mesopotamia (Iraq na sa kasalukuyan). Ang Mesopotamia na nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “sa pagitan ng dalawang ilog”, ay sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean. Matatagpuan sa hilagang-silangan nito ang Bundok ng Zagros at sa Timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggan epiko. (F10PN-Ie-f-65)
2. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan. (F10PB-Ie-f-65)
3. Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa. (F10PB-Ie-f-66)
4. Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda. (F10PT-Ie-f-65)
5. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan. (F10PD-Ie-f-64)
6. Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa isyung
pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino; sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa; suring-basa ng nobelang nabasa o napanood. (F10PU-Ie-f-67)
7. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. (F10WG-Ie-f-60)
Filipino10_q1_mod4_epiko-ng-iraq.sinaunangmesopotamia_ver2